Part V : Gone
PART FIVE
“At sa tingin ko, kahit tapos na tayo katulad nang paulit-ulit na sinasabi mo sa akin, patuloy pa rin kitang mamahalin.”
LIMANG HAKBANG na lang at mapapalapit na akong muli sa kanya. Pagkatapos ng ilang buwan, malalapitan ko na ulit siya kahit na hindi ko inaasahang tutuloy at pupunta talaga siya rito.
"You came," nakangiti kong sabi sa kanya. "Akala ko . . ."
"I didn't come for you," mabilis niyang pagputol sa sinasabi ko. "Nagpunta ako rito para sa ibibigay mo sa akin. Ano ba iyon?"
Natigilan ako dahil doon. Pero mabilis din akong nakabawi at agad na sinabing, "Puwede ba tayong mag-usap muna saglit?"
"Please naman . . . Huwag na nating pahirapan pa ang isa't isa. Wala na tayo. Tapos na. Matagal na, 'di ba? Again, I came here because you told me you have something to give it to me. Kaya puwede bang ibigay mo na lang sa akin para tapos na?"
Nanatili lang akong nakatayo at nakatitig sa kanya habang sinusubukang iproseso ang bawat salitang sinabi niya. Pero limang salita lang talaga ang tumatak sa akin.
Wala na tayo. Tapos na.
Wala na nga ba talaga? Kahit maliit lang na chance? Kasi kahit anong gawin ko, hindi ko talaga matanggap, e. Ayaw tanggapin ng puso ko na tapos na.
Huminga ako nang malalim at mabilis na inabot ang kanan niyang kamay. At bago pa siya makapagprotesta, mabilis ko nang tinanggal ang suot kong singsing at saka nagsalita.
"Itong singsing na ito ang magiging simbolo ng pagmamahal ko sa iyo. Hinihiling ko na tanggapin mo ito bilang pangako na ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko habambuhay. Gusto kong sa tuwing suot o makikita mo ito, maaalala at mararamdaman mo kung gaano ka kahalaga sa akin, at kung gaano rin kita kamahal," marahang sabi ko sa kanya bago tuluyang inilagay sa kanyang palad ang singsing na hawak ko. "That was the exact words you told me more than five years ago when you gave me that promise ring . . . here."
Pagkatapos kong bitawan ang kamay niya, mabilis ko namang pinunasan ang luha sa aking magkabilang pisngi bago siya muling binalingan.
"Sa totoo lang, hindi pa rin ako handang pakawalan ka. Kaya nga pilit ko pa ring pinagpipilitan ang sarili sa iyo, e. Kasi mahal pa rin kita. At sa tingin ko, kahit tapos na tayo katulad nang paulit-ulit na sinasabi mo sa akin, patuloy pa rin kitang mamahalin. Siguro naman, kapag ganoon ang ginawa ko, mauubos din iyong pagmamahal ko sa iyo, 'di ba?
"Pero kung hindi man mangyari iyon, ayos lang. Hindi naman kasi nakapangsisisi na minahal kita---na minamahal kita. At huwag kang mag-alala dahil susubukan kong hindi ka sisihin kung bakit naging ganito ang kinahantungan ng kuwento nating dalawa. Kasi alam ko namang minahal mo ako. For eight years, alam kong totoo iyong pagmamahal mo sa akin. Kaya nga nakakagulat na bigla na lang . . . bigla na lang . . ."
Hindi ko na matapos ang huli kong gustong sabihin dahil masyado na itong masakit para sa aking puso. Masyadong masakit tanggapin na kung saan pa nagsimula ang lahat, doon din pala ito magwawakas.
***
“i said i'd give
my heart to you,
but you don't even
want me to.
everything we used
to be is gone, gone, gone.”
— gone // lawson
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro