Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Third Sleep

Third Sleep

River.

"May magaganap na exhibit at isa ang department n'yo sa inaasahan na tutulong para do'n. Kasama ang archi at engineering department sa project na 'to," pagsasaad sa amin ng professor.

Tahimik lang akong nakikinig at iniintindi ang ina-announce habang ang mga kaklase ko ay 'di na magkandamayaw. They are both excited for the exhibit, and for the team up of different departments. Hindi naman sa sinasabi kong malandi ang mga kaklase ko, pero parang gano'n na nga.

"Madaming chiks sa archi dept!"

"Mga g'wapo ang sa engineering dept! Mala wattpad boys! Emgii!"

"Engineer my future asawaaaaa baka do'n ko s'ya mahanap sa exhibit. Juskooo!"

"Stop muna! Alam kong lahat kayo ay excited hindi sa exhibit pero sa mga makakatulong niyo. Mga batang 'to!" ngumiwi ang professor namin. Kami naman natawa sa tinuran niya. "By the way, kailangan ng representative sa bawat class and department. Para sa maglelead sa exhibit. Kayo na ang hahayaan kong pumili. Pero make sure na maasahan dahil mabigat na tasks ang iaatas sa magiging representative."

Sa una ay naging interesado ang lahat pero nang marinig nila na madami at mabigat ang gagawin ng representative, agad silang nag-ayawan. Para pa ring highschool ang mga 'to na takot sa maraming gawain.

Gano'n naman talaga palagi, pag-alam nilang madali at chill lang ang gagawin, ayos sa kanila. Pero pag nalaman nilang mahihirapan sila, nako! Bibitaw na agad, aayaw na.

Kaya hindi umuunlad ang ekenomiya ng bansa. Dahil sa mga tamad.

In the end, ako ang naging representative, hindi dahil gusto ko kundi dahil ako ang gusto nila. Narinig ko pa nga ang pangbobola nila sa akin. Kesyo raw masipag ako at maraming brain juices na inimbak. Magaling sa arts, mapagkakatiwalaan, mabilis kumilos, tested and guaranteed---in short, gagawin nila akong panakip butas sa katamaran nila.

"Mapagkakatiwalaan si Ley."

"May tiwala kami kay Ley."

"Ley kaya mo 'yan. We're here to support you. We're here to be your motivation, inspiration---"

"Relation! Relasyon ang kailangan ni Ley hindi motivation gaga!" Singit ni Jessy kaya bahagya akong natawa. Kahit kailan talaga. Simula nang makilala ko siya no'ng first day of class, naging close na agad kami. Masiyado kasi siyang madaldal at makulit. Masayang kasama.

"So let's finalize it. River will be our representative. Okay?" Paglilinaw ng isa sa mga kaklase ko. Tinanguan naman 'yon ng lahat.

Sino ba naman ako para tumanggi? Kahit ayaw ko ay wala akong magagawa dahil nauna na nilang sabihin sa professor namin na ako ang magiging representative kahit na hindi pa ako pumapayag.

I guess I'm left with no other option but to accept being the class representative. Isa pa, mahal na mahal ko ang arts. Ituturing ko nalang na first project ko ang gaganaping exhibit.

Maaga akong napadpad sa lugar kung saan magaganap ang meeting para raw sa exhibit. Naupo lang ako sa isang silya. Pagkaupo ko, sakto namang bumukas ang pinto.

Bumungad ang isang lalaki sa akin.

"Hi! Aga mo rin ha! Wala pa yung iba," agad kong bati sa kaniya.

Napatingin naman siya sa akin. Lumingon-lingon pa siya sa paligid bago ibalik sa akin ang tingin niya.

"I'm Gieo Dela Carfe," sabi niya kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya.

"I'm River," bahagya akong huminto. "River Beverly Cruz. Nice meeting you," dagdag ko. Nilabas ko ang notepad ko at sandaling nagsulat. Gusto kong may masabi ako pagdating ng meeting mamaya. I want to cooperate and share some ideas. Because this is art! And art is my forte!

"I'm from Engineering Department. How about you?" Tanong niya.

"Arts and design department!" Agad kong sagot. "Ang tagal ng iba 'no? Mga Filipino time pa rin ang basis! Himala nga at lalaki ka pagkatapos maaga ka," bahagya akong nahiya sa sinabi ko. Baka isipin niya I discriminate him. Pero kasi 'di ba? Mas madalas na late ang lalaki. Mas kaunti kasi ang organized na lalaki pagdating sa time.

"Ayaw ko malate eh. Baka mapagalitan ulit," kaswal na sagot niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Hmm... good to hear that from a boy like you, Gieo," 'yun na lang ang nasagot ko. Baka mamaya may masabi pa akong ikasama niya ng loob.

Nagsulat nalang ulit ako sa notepad. Ayoko siyang istorbohin kahit wala naman siyang ginagawa.

Ilang minuto pa ay dumating na rin ang iba pang makakasama namin sa meeting. Then I found myself in the front, sharing some of my ideas. Nakikinig naman ang lahat sa akin. And I accept their suggestions too.

Hindi nga lang ako mas'yadong kumportable.

Pansin ko ang pagsulyap nya sa akin? I mean, ni Gieo.

Pero baka naman sa gawi ko lang? Nasa harapan ako at nagsusulat kaya siguro napapatingin s'ya sa akin— sa nakasulat.

Nang matapos ang meeting, nagka-ayaan ang ilan sa amin na magkape muna sa labas.

Pinakiusapan pa ako ni Jessy---na kasama ko rin dahil kailangan din daw ng assistant representative---na yayain si Gieo na magkape. Alam ko na na hindi ito papayag, inaasahan ko na iyon pero ang pagngiti n'ya, 'yun ang hindi ko inaasahan.

"I'm sorry, maybe next time," he declined before he smile. Tapos lumabas na siya sa meeting area.

Nakakita na ako ng iba't-ibang klase ng ngiti.

Ngiting nasisiyahan, ngiting peke, ngiting napipilitan at ngiti ng sobrang kagalakan. Pero 'yung sa kanya? Ang klase ng ngiti n'ya ay... walang bahid ng kahit anong kaplastikan.

Genuine smile.

Bakit ko nga ba nalaman ang iba't-ibang klase ng ngiti? Kasi pinag-aralan ko para magamit ko at mapaniwala ang iba.

Sa lahat ng mga ngiti, ang genuine smile ang pinakamahirap gawin.

But I mastered it tho.

Pagkatapos ay ilang linggo ang lumipas na halos busy ang tatlong department. Malimit din kaming magkita ni Gieo. Gayunpaman, masasabi kong mabait siya kahit hindi ko siya madalas makasama. Busy kasi siya sa mga task niya kaya alam kong masiyado rin itong hands on sa magaganap na exhibit.

Nagpakabusy na rin ako.

Gusto kong itodo ang mga idea na lumalabas sa isip ko, at gusto kong lakihan ang contribution na maiaambag ko.

Dumating ang araw ng exhibit, masaya at the same time kinakabahan ang lahat. Pero ako hindi ko alam kung ano ang tunay kong nararamdaman. Hindi ako manhid, sad'yang ganito lang ako. Siguro excited, pero mas lamang para sa akin 'yung wala.

Wala lang.

Natapos na ang preparation.

Come what may.

"Welcome po, tuloy po kayo," magalang na saad ko. Ginagamit ko ngayon ang ngiting nasisiyahan. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang nagamit 'to sa ilang oras na lumipas. Ako kasi ang nakatoka sa pinto ng exhibit.

"Ley! Ley! Halika muna ditooo! Bilis!" humahangos na sabi ni Cusrel at hinihila pa ako na ikinataka ko. Si Cusrel ang childhood friend ko, taga-ibang section siya at siya ang representative ng section nila. Masiyahin ang isang 'to kaya gusto ko siya palaging kasama.

Hatak-hatak niya ako hanggang sa makarating kami sa area ng department namin. Gusto ko na agad maluha at magalit nang makita ko ang nangyari sa painting... sa painting ko.

"Idisplay na rin natin ito Ley! Maganda 'to," pagkukumbinsi ni Jessy pero umiling lang ako at ngumiti ng tipid. "Idisplay na natin. Sure na maraming maa-attract dito. Ang ganda kaya at nakakacurious. Sige na!"

Ang tono n'ya ay hindi na nangungumbinsi kundi namimilit kaya hinayaan ko nalang.

Gusto n'ya kasi na idisplay ang isa sa pininta ko. Abstract ito at nakatago do'n ang imahe ng tatlong tao. Kung hindi ka observant, o kaya hindi ka naman artist, hindi mo makikita ro'n ang pininta ko. Isang pamilya.

Anak, Ina at ama. Ang pinakapaborito ko sa lahat ng mga pininta ko.

Pero hindi na 'yon katulad ng dati.

Hindi na maayos 'yon dahil basa na 'yon.

Gustung-gusto kong magalit at humagulgol nang makita ko ang nangyari sa pininta ko, pero pinanatili kong kalmado ang sarili ko.

"Natapunan n'ya kasi ng tubig!" Nanggagalaiting saad ni Cusrel, at tinuturo ang isang babae.

May hawak itong bote at nakita kong bumaling ito sa akin, nangungusap ang kanyang mga mata na nagpapaawa.

"Ano bang nangyari?" Pagtatanong ko sa kalmadong boses, kahit na galit na galit na ang inner self ko.

"Natapon kasi 'yung tubig, na-nabangga ako," saad ng babae at matamang nakatingin sa akin.

"Tinapon mo! Hindi natapon," gigil na saad ni Cusrel at akmang susugurin pa niya 'yung babae kaya hinawakan ko na agad ang braso niya.

"Sorry," saad nito habang naguunahan ng tumulo ang mga luha nya. Base sa tono n'ya ramdam kong nagpapawa siya.

Hindi sincere ang paghingi n'ya ng tawad, pero kung wala kang kaalam-alam tungkol sa pagmamanipula ng emosyon, aakalain mong nagsisisi talaga siya.

"Ayos lang, sige na umalis ka na," baka makalbo pa kita. "Magingat ka nalang sa susunod ha?" Marami pang painting dito, baka lahat 'yon basain mo ha!?

Tumango lang 'yung babae bago tumakbo paalis.

"ANONG AYOS LANG RIVER BEVERLEY?! TINAPUNAN N'YA! 'YAN YUNG GUSTUNG-GUSTO MO AT ALAM NG LAHAT NA KUNG IBEBENTA 'YAN NAPAKALAKING HALAGA AT TSAKA IMPORTANTE SAYO 'YAN EHH! NAPAKAA!" Galit na galit na sigaw sa akin ni Cusrel, tinapik ko naman ito sa balikat at ngumiti.

"Ayos lang mauulit pa naman, hayaan na natin. Aksidente e," saad ko dito at muli s'yang binigyan ng ngiti.

"Jessy, Den. P'wedeng pakitabi nalang muna nito sa gilid at palitan kung may maipapalit pa?" Pakikiusap ko sa dalawang nakabantay sa area namin. Agad naman silang sumunod, habang si Cusrel hila-hila ko dahil hanggang ngayon para pa rin siyang bulkan na sasabog at handang manakal 'pag nakita ulit 'yung babae kanina.

Hinatak ko nalang siya papunta sa canteen.

"Tama na Cusrel, chill na ha? Ayos lang 'yun. 'Di mo naman gawa 'yung painting na 'yon. 'wag kang OA d'yan," saad ko at pilit na tumawa. Inabutan ko siya ng ice cream na binili ko sa canteen. Agad naman n'yang kinuha. Maya-maya pa, kumalma na rin siya.

Pagkatapos ay nagpaalam ako kay Cusrel na maglilibot muna ako dahil tapos na ang oras ko sa nakatokang gagawin ko.

Napadpad ako sa area ng archi dept at napahanga ako sa mga disenyo.

"Ramdam kong sinadya 'yun."

Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likod ko.

Pagtingin ko, si Gieo pala.

"Nagulat ba kita? Sorry," saad niya na parang nahihiya.

"Ayos lang, tsaka natapunan daw hindi sinadya," pagsagot ko sa kaniya. Tumango lang siya.

"Pero 'di ba bawal magpasok ng pagkain o inumin sa exhibit?" Pagtatanong niya. Nagkibit-balikat nalamang ako. Oo isa 'yun sa rule ng exhibit. Alam ko 'yon. Kaya nga alam ko rin sa sarili ko na hindi 'yun aksidente.

"Alam ko, nagsorry naman na s'ya. Ayos na 'yun," saad ko at ngumiti. Natigilan ito sa akin.

"Maari syang maparusahan kung magsumbong ka. Mapagbabayaran n'ya 'yung kapabayaan n'ya. Tsaka malakas ang duda kong sadya talaga 'yon," seryosong sabi niya.

"Kahit magsabi ako nagawa n'ya na. 'Di na mababalik 'yung matinong painting ko. Tsaka kapag nagsumbong ako baka mas paginitan lang ako no'n lalo. Ayoko ng gulo," sagot ko habang naglalakad kami papunta sa iba pang parte ng exhibit.

"Alam mo palang sad'ya..." maikling saad nito. Bitin ang pagkakasabi nya at mukhang may idadagdag pa pero hindi nya na ituloy. Nginitian ko nalang siya.

Nang dumating ang uwian ay sabay kami ni Cusrel umuwi. Masaya siyang nagk'wento tungkol sa naging bakasyon nila na kinangiti ko na rin. Totoo ang saya n'ya habang nagkuk'wento s'ya.

Habang papalapit nang papalapit sa bahay ay unti-unti nang nawawala ang sigla ko. Ito na naman. Danger zone alert!

Sinubukan kong pihitin ang doorknob pero sarado, wala si Mama.

Ginamit ko ang susi ko at bumungad sa akin ang tahimik na paligid, dire-diretso lang ako na nagtungo sa k'warto ko.

Tumalon ako sa kama at hindi na 'ko nagpalit manlang. Agad kong hinablot ang paborito kong unan at do'n inilabas ang lahat ng nararamdaman ko. Iyak ako nang iyak. Walang patid. Gusto kong ilabas lahat ng galit at inis ko.

Ang galit na pilit kong iniiwasan na maramdaman.

Ang inis ko sa babaeng gumawa no'n sa painting ko!

Sobrang halaga ng pintang iyon dahil may meaning 'yun.

'Yun na lamang ang nagpapalala sa akin na minsan kaming naging buo.

Minsang nabuo ang pamilya ko.

END OF THIRD SLEEP.

VOTE AND COMMENT!

THANKS FOR READING!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro