Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

How Do You Sleep?

Prologue.






"Basta tandaan mo kapag walang-wala ka na, meron ka pang ako."

When he said that, do'n ko narealize na meron... meron pang taong nand'yan para sa akin.

Na kahit ubos na ako, na kahit sagad na ako, nand'yan pa rin s'ya. Dahil ata d'yan kaya ako nagsimulang makaramdam ng kakaiba sa kaniya.

He value me more than anything else.

Ramdam ko 'yon dahil sa tuwing pakiramdam ko kalaban ko na ang mundo, mararamdaman ko nalang bigla na nasa tabi ko na siya at pinapatahan ako. Nagkakaro'n ulit ako ng lakas na harapin ang bawat taong makakasalubong ko.

Para akong cellphone na nalolowbat.

At siya ang charger ko.

Napangiti ako ng maalala kung gaano siya kasayang kasama. Kung gaano kadali para sa kaniya na pangitiin ako. Parang normal lang 'yon para sa kaniya.

Pero sobrang importante no'n para sa akin.

"River nagtatampo ka?"

"Hindi bakit?"

"Magtampo ka! Gusto kitang suyuin."

Lihim akong napapangiti ng dahil sa mga kabaliwan n'ya, ewan ko ba hindi na ata ako normal. Simula nang makilala ko siya, hindi na naging normal ang bilis ng tibok ng puso ko. Naging madalas na ang pagtambay ng ngiti sa labi ko.

Naging mas masaya ako.

"Choose someone who will be proud of you even if you're not the best."

Isa ito sa mga quote na nabasa ko sa nabili kong libro. Mahilig kasi ako sa libro. It makes me calm and confident. Books lend me a hand to escape into reality. Kaya sa tuwing may nababasa akong magandang quote mula sa libro, sinisiguro kong matatandaan ko 'yon.

Pero ang quote na 'yon, ang pinaka-tumatak sa lahat. Siguro dahil ilang beses niyang ipinaramdam sa akin na proud siya sa akin kahit pa ganito lang ang kaya ko.

Choose someone who will be proud of you.

I think nahanap ko na.

Nandito na, nasa tabi ko na. Abot na abot ko na.

Even if you're not the best.

I always fail.

Failed scores, plates. I even failed being a daughter, and a friend.

Pero kahit talunan ako, kahit ako na yata ang pinakamalas na tao sa mundo, hindi n'ya ako iniwan.

Buong magdamag akong nakatulala sa kawalan, nakatulala sa langit habang yakap-yakap ang unan ko. Nakamasid sa mga maliliit na liwanag sa kalangitan na nagsisilbing sandalan ko sa malamig na gabing ito.

Nasa balcony ako ng k'warto ko. Nagbabalik tanaw sa nakaraan, at nag-iisip mabuti kung tama ba ang lahat ng ito.

Can I make this?

Can I be a wife to him?

Kaya ko ba?

Ilan lamang ang mga 'yan sa patuloy na umiikot sa isipan ko.

Kaya ko nga bang maging asawa niya?

Ilang beses ko na itong natanong sa sarili ko. May part na sinasabi ng isip ko na hindi ko kaya. Pero may parte rin naman na nagsasabi sa aking, "oo River, kaya mo. Kung hindi mo kaya, kakayanin mo."

Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili ko na kaya kong maging asawa niya.

Pero palaging pumapasok sa isip ko ang tanong na "bakit n'ya ako niloko kung kaya ko?"

Siguro nga dahil may pagkukulang ako.

May mali sa akin.

Siguro hindi na s'ya masaya?

Pero bakit nagawa n'ya pa akong balikan? Nagawa n'ya pang maayos kami?

Hindi kaya dahil sa awa n'ya sa akin?

Bahagya akong napatigil dahil sa naisip.

Awa.

Ayoko sa lahat ay 'yung kinaka-awaan ako. Mahina ako, oo, pero... ang dahilan ba ni Gieo para manatili sa tabi ko ay dahil lang sa naaawa s'ya sa akin? Pinagtitiisan n'ya nalang ba ako?

Napabuntong-hininga na lang ako.

Nakakapagod ang mag-isip.

Nakakapagod minsan ang mapunta sa isang komplikadong sitwas'yon kung saan ikaw lang ang p'wedeng magdesis'syon. Gusto ko tuloy ulit maging bata. Malaya at sunud-sunuran lang sa utos ng mga magulang. Hindi ko na kailangan pang isipin kung anong tama o mali ro'n. Bata lang naman ako e. Anong paki ko?

Hindi tulad ngayong nasa tamang edad na ako, lahat ng bagay, ako ang gagawa at kikilos.

Pumasok ako sa loob dahil malamig na sa balcony.

Pagpasok ko, tiningnan ko ang repleksyon ko sa isang whole body mirror dito sa hotel kung saan kami naka-check in.

Bukas.

Bukas ang pinakahihintay kong araw.

My wedding.

Our wedding.

***

Nakikita ko ang mukha ng isang babae na lumuluha, pero nakangiti sa tulong ng whole body mirror sa room ko.

"Hello my old friend, my old self. After nito, hindi na kita makikita. Panibagong kabanata na 'to sa buhay ko. Ready na ako, nakaayos na at handa—" napahinto ako.

Handa na nga ba akong pumunta sa simbahan?

Muli akong ngumiti. Tumindig ako nang maayos para mas maging maganda sa paningin ng lahat ang puting wedding dress ko. Mahigpit din ang kapit ko sa bulaklak na hawak ko.

"Ready na ako," madiin at nakangiti kong saad sa harap ng salamin.

***

Ang bilis ata ng oras? Bakit nasa tapat na agad ako ng simbahan?

Sa simbahan kung saan ko pinangarap na maikasal dahil sa haba ng lalakaran at sa ganda ng pagkakadisenyo. Luma pero enggrande.

Bumaba na ako sa puting kotse na naghatid sa akin sa simbahan. Todo ayos pa rin sa gown ko ang mga kasama ko para hindi masira ang ganda nito. Ako naman, normal lang na naglalakad papunta sa pintuan ng simbahan.

Bumukas ang pinto nito at sinabi na p'wede na akong mag-umpisang maglakad.

Napa-angat ang tingin ko sa lalaking naga-antay sa akin sa altar.

Buong ngiti ang binigay n'ya sa akin. Kahit malayo, kitang-kita ko ang mukha n'ya, ang mga mata n'ya. Ang ngiti niya.

Kitang-kita ko ang kaibigan ko, kaaway ko, adviser ko, supporter, boyfriend, at fiancee ko. Kitang-kita ko si Zerzus Gieo Dela Carfe, ang lalaking mahal at patuloy ko pa ring mamahalin kahit kailan. Ang lalaking magiging asawa ko na pagkatapos ng kasal na ito.

Ang lalaking una kong makikita sa paggising ko sa umaga.

Ang lalaking katabi ko bago matulog sa gabi.

Ang lalaking kasama ko sa pagbuo ng pamilya.

Ang lalaking kinakaawaan ka lang, River.

Muling pumasok sa isip ko ang samut-saring mga tanong.

Paano kung nagtitiis lang s'ya sa akin?

Paano kung sawa na s'ya sa akin? Sawa na siya sa kahinaan ko, sa kaartehan ko. Paano kung sawa na siyang kasama ako?

Nand'yan lang s'ya kasi naawa s'ya sa akin.

Mas sasaya ba si Gieo kung iba ang mapapangasawa n'ya? Mas sasaya ba s'ya sa iba?

Wag kang bulag at tanga River! Alam mong mas mapapabuti s'ya sa iba. Na mas deserve s'ya ng iba. Na may mas bagay pa sa kan'ya na hindi tulad mo na walang-wala. Hindi tulad mo na mahina!

Bigla akong napatigil sa paglalakad nang pumasok ang lahat ng iyan sa utak ko.

Napapikit ako at muli ko na namang nakita ang tagpo na pilit kong kinakalimutan.

"Zerzus Gieo, open the door ako 'to si River!" masayang saad ko. 11:50 na ng gabi at pagdating ng 12, anniversary na namin. Ito ako, bitbit ang suprise ko sa kan'yang cake na ako mismo ang gumawa.

Nakailang tawag ako pero walang sumasagot, kaya napilitan tuloy akong gamitin nalang ang susi ko. Binigyan niya ako ng spare key dahil may tiwala raw siya sa akin. Nagtitiwala rin naman ako sa kaniya. Dahil siya lang ang meron ako.

Kung wala siya rito, isusurprise ko nalang siya.

Nang buksan ko ang pinto, kadiliman ang bumungad sa akin. Tulog na ata o baka wala talagang tao.

Napagpas'yahan kong silipin muna kung nandito nga ba siya sa condo unit niya. Binaba ko muna ang dala kong cake sa side table dito sa salas at nagsimulang maglakad patungo sa k'warto niya.

Madilim na kwarto ang sumalubong sa akin dahil patay ang ilaw.

Binuksan ko iyon at...

Nang panahong iyon ay halos magunaw ang mundo ko, ang mundo kong binuo ni Gieo.

Ang mundo na siya ring sinira niya.

Nakita ko siya— sila. Nakahiga sa kama, kap'wa walang saplot. Gumalaw pa nga ang babaeng pinapatungan n'ya.

Hindi ako tanga o bulag para hindi malaman ang nangyari sa kanila, huling-huli ko, kitang-kita ko.

Nang muli kong buksan ang mga mata ko, nakita kong papalapit na sa akin si Gieo, nagtatakang nakatingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Gano'n din ang mga taong nasa loob ng simbahan. Lahat sila nakatingin sa akin at nag-iisip ng dahilan kung bakit ako huminto sa paglalakad. Ang ilan sa kanila, mukhang naisip na kung anong nais ko.

Umiling ako sa harapan ni Gieo at napagpasyahang tumakbo palayo sa kaniya. Palayo sa taong kilalang-kilala ang tunay na ako. Ang taong nagtiis sa akin at naawa sa akin. Ang taong mahal na mahal ko. Ang lalaking dumurog sa puso ko.

Wala akong pakialam kung hinahabol na ako ng mga kamag-anak ko. Wala akong paki kung tinatawag ni Gieo ang pangalan ko. O kung nahihirapan akong tumakbo dahil sa suot ko. Wala akong paki kahit pa nasayang ang lahat.

Ang tanging pakialam ko lang ay ang nasa isip ko.

Hindi ko pa kayang maging asawa ni Zerzus Gieo.

Siguro dahil hindi naman ako ang para sa kaniya.

Siguro dahil hindi p'wedeng maging sobra-sobra ang walang-wala.

"Gieo you will be happy with someone else, you will find your real happiness on someone. And that someone is not me. Aalis na ako habang kaya ko pa, iiwan na kita, hangga't hindi pa ako nagiging makasarili. Hanggang sa muli nating pagkikita Gieo. Kung may susunod pa pagkatapos nito."


END OF PROLOGUE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro