
Check-In 15: A Series of Unfortunate Events
Check-In 15: A Series of Unfortunate Events
INAYOS KO MUNA ang pagkakalagay sa cellphone ko bago ko pinindot ang button para mag-live ulit sa ViewTube.
"Wazzup, wazzup, mga mananap! Welcome to another live of Una's Yaya Diaries. Live, live lang muna tayo ha kasi alam niyo naman, working girl ang lola niyo. Wala pa akong time mag-edit ng legit na vlog so tiis-tiis muna," sabi ko sa kanila.
"Anyway, nagluluto kami ni Lulu ngayon sa napakagarang penthouse ng mga amo namin. Alam niyo ba, mga mananap, na ang pagluluto ang isa sa mga pinakapaborito kong office work? Oy, magta-type na 'yan ng bobo. Household chores po ito, alam ko," pagbibiro ko pa.
Pareho kaming humagikhik ni Lulu na nagbabati naman ng flour, butter, at itlog para sa panghimagas mamayang dinner. Kasama rin namin si Pilandok. We told him that we'll take care of it pero mukhang nasanay na ata ang bata na laging tumulong sa mga gawaing-bahay.
"Ang pagluluto kasi parang buhay lang 'yan natin. Iyong mga sahog, sila 'yong mga factors o bagay na bumubuo sa putahe o buhay na gusto natin. Minsan nasosobrahan tayo sa pagbuhos ng asin kaya umaalat. O 'di naman kaya ay kulang sa spices kaya tumatabang at hindi nagiging masarap. Pero kanya-kanyang timpla tayo kasi iba-iba naman tayo ng panlasa. Sa papa ko ako natutong magluto. Katunayan, sa galing at sarap niyang magluto ay umabot na siya ng Dubai. Oh, 'di ba bongga? Tapos ang paborito kong lutuin?"
Binuksan ko ang cupboard at kinuha mula roon ang lata ng pulang sardinas. "Ito! Ang pangmalakasang sardinas ko! Diyos ko, pinipilahan ko talaga 'to sa palengke ng Kapitolyo para lang makabili kasi galing sa mortal world pa 'to, e, kaya pahirapan ang pag-aangkat."
I smiled as I looked at the can, reminiscing my past. "Saka noong bata pa ako, kapag umaalis saglit si nanay, dali-dali akong nilulutuan ni Kuya Vinzi nang kahit na anong luto nito para lang may makain ako..."
"Una!"
Napapitlag naman ako sa gulat nang marinig ang tawag ni Ma'am Alba. Dali-dali kong ibinalik ang sardinas at in-off ang cellphone ko. "Sige na, ba-bye na muna, mga mananap. Nand'yan na 'yong amo ko."
"Ma'am, bakit po?"
"Can you do my nails? Someone told me sa salon kanina na you're good daw with manicure. I mean, you can do nice arts daw on my nails. I already painted it dark blue na from there, I just want some additional daisy arts as deco na lang. Can you do that?" maarteng paliwanag ni Ma'am Alba. Minsan nahihilo na ako sa bumabalintong niyang English at Tagalog.
"Ma'am, kaya ko po kaso nagluluto pa ako ng hapunan. Mayamaya po kasi ay darating na sina Mayor, Ms. Sophie, at Professor Ala. Baka po gutom na sila."
Napahalukipkip naman si Ma'am Alba saka ako inirapan. "Whatever. Kasama na ang pedicure tomorrow, okay?"
"Opo, ma'am."
"Hey, Pilandokie, what are you doing there? Come here, you should not join the chimays in their works. Remember, Grimm ka and not just some katulong."
Ang bibig talaga ni Ma'am Alba minsan ang sarap hugasan ng holy water para naman luminis ang budhi niya.
"Ate Alba, nasanay na po akong ganito kaya ayos lang," magalang na sagot naman ni Pilandok sa kapatid.
"That's why nga 'di ba we're changing it. Come here and I'll teach you how to be and act like a boss." Ma'am Alba gestured for Pilandok to come towards her again.
"Tutulong na lang po ako para makakain na tayo agad."
Ma'am Alba groaned and rolled her eyes. "Bahala ka na nga..." Then she walked out. Mabuti naman.
After dinner and making sure everything's squeaky clean, I held on to Pilandok and Lulu's hands on my every side then we greeted everyone in the penthouse goodnight before taking our leave.
Pagkatapos naming maghapunan sa staff hall ay nagtungo na kami sa unit namin. Nasa may sala ako kasama ng ilang mga leprechauns at mermaids na nanonood ng palabas habang hinihilot naman ni Mama Adele ang kaliwang balikat ko. Ilang araw na rin kasi itong kumikirot.
"Sinasabi ko naman sa'yo, anak, magpacheck-up ka na kay Doc Six. Baka may bali itong balikat mo," nag-aalalang wika ni Mama Adele.
"Opo, ma. Kapag nakabakante ako," I assured her.
"Oh, uminom ka ng gatas para naman tumibay 'yang mga buto at kasu-kasuan mo, Lola Basyang," ani Kyrine saka ibinigay sa akin ang gatas na tinimpla niya.
Nagtitimpla siya ng gatas bago matulog para sa mga bata. Ngayon ay sinali niya na rin ako. I chuckled yet I find the gesture really touching.
"Gusto niyo rin ng gatas?" baling naman niya sa mga leprechauns at sirena na inilingan naman siya.
"Matanda na kami para r'yan, Ky," biro pa ni DJ Jed.
"Pero hindi pa rin po kayo tumatangkad- charot lang," biro ko rin sa kanila.
"Nagsalita ang isa pang pandak..." bulong-bulong naman ni Kyrine. E, 'di na-back-to-you ako.
Tahimik ko na lang na ininom ang gatas ko. Oo na, mananahimik na lang ako.
MAAGA AKO KINABUKASAN sa pool area. Pumwesto ako paupo sa maliit na stool sa gilid ng sun lounger nang nakahigang si Ma'am Alba roon. Naka-one piece swimsuit na rin siya at shades pa, nagbabalak magbabad sa pool kapag ka natuyo na ang mga kuko niya. I'm doing her requested nail art. Nakaayos na rin ako ng Type B uniform namin at puting apron.
"You know what, I like it when you're this submissive. Tama 'yan kasi you have to know your place. I'm your boss and you're just my alalay-" Malakas at pabigla kong hinila ang kamay niyang hawak ko. "-Ouch!"
"Ay, napalakas... Sorry po," pekeng ngitian ko siya at humingi ng paumanhin kahit pa sinadya ko iyon.
"May galit ka ata, e!"
Galit na galit...
"Wala po, ma'am. Kayo naman masyadong high-blood, ang aga-aga pa," sagot ko naman na sinamahan ko pa ng ngiting walastik sa kaplastikan.
Maarteng hinawi ni Ma'am Alba ang takas na hibla ng buhok sa gilid ng mukha niya bago ako inirapan.
"Anyway, I've heard marami raw killers here," saad niyang ikinatigil ko naman sa ginagawa.
"Saan niyo naman po narinig 'yan?" tanong ko.
"Secret." Nagkibit-balikat lang siya kaya napailing na lang ako at nagpatuloy.
"Four killers. First, of course, the infamous Walking Euthanasia, Kuya Thirdy. He was so famous yet his face was never revealed because the Institute of Magis and our daddy covered up for him. Next, your Tatay Sigurd. He belonged to a mafia in the mortal world and have worked there as their best hitman kaya he's so prideful before raw," she continued.
Tatay Sigurd told me everything I need to know. What Ma'am Alba revealed were all true. Miyembro ng mafia sa mortal world si Tatay Sigurd noon. He's not just a strong beast since he's a hulk, but he's an excellent hitman as well. Dahil doon ay aminado siyang lumaki ang ulo niya at naging mayabang siya. Pakiramdam niya ay kaya na niyang gawin ang lahat, tapusin ang sinuman, at wala nang mas lalakas at gagaling pa sa kanya. His pride got the best of him. He killed enemies mercilessly. Kahit anong awa ng mga ito ay hindi niya pinagbibigyan. He just kill and kill and kill. Subalit isang misyon ang nagpamulat sa kanya ng lahat. He was tasked to kill a retired mafia who he didn't know was his father. He didn't recognize him, but his father did. Ang sabi niya ay hindi niya lubos matimbang ang sakit na naramdaman niya ng mga sandaling iyon lalo na nang nakangiting niyakap siya ng kanyang ama at nagpasalamat pa sa kanyang nakita siya nito kahit sa huling hininga nito. Tatay Sigurd regretted everything then. He left the mafia then he returned here in Abseiles where he met Count Vladimir who offered him the highest position in the hotel's security department.
"Pangatlo, the chauffeur, Kuya Nolan..."
Natigilan na ako roon. That's something I didn't know. Ang alam ko lang ay Greed ang nirerepresenta ni Kuya Nolan sa squad. I thought all he did was a simple heist.
I looked at Ma'am Alba. Nakangisi na siya na para bang hinihintay niya talaga ang gulat kong reaksyon.
"He was part of this Robinhood-esque group, you know, the kind where they give all the stolen items to the poor and the whatnots. So, as I was saying, they orchestrated the biggest heist in the history of East Region. They decided na they will stop the robbery na after this kasi each of them and the poor people of their village will have a comfortable life na after that. Kaso si chauffeur got blinded with the money and diamonds they have gotten from the heist, so he fought his entire village and killed every single one there just to have the valuables all by himself. Greedy, isn't it?"
Napatikom ang bibig ko sa nalaman. Nagawa ni Kuya Nolan iyon? Nang masayahin at positibong si Kuya Nolan? I just... couldn't believe where greed had taken him.
"And the last one is... a mommy killer," nakangising pagtutuloy niya at humilig palapit sa tapat ko para lalong manukso.
"Ma'am, tapos na po," hayag ko agad nang matapos ang panghuli at mabilis na niligpit ang mga ginamit ko para isauli iyon sa salon.
Tumayo ako sa stool at kinuha rin iyon.
"Umiiwas ka ata?" she mocked again. She's really testing my patience.
I looked at her and smiled sadly. "Mukhang alam niyo na po ang kasunod, ano pa bang ikukwento ko? Ang akin lang po sana, ma'am, ay respetuhin niyo ang desisyon kong hindi muna ibahagi ang nakaraan ko sa mundo. It's my own story to tell and not yours. Aalis na po ako at kailangan pa po ako sa housekeeping department."
MAAGA AKONG NAGISING kinabukasan para maghanda ng almusal. I enjoyed making two bento boxes for the kids. Naluha pa si Pilandok kasi naalala niya raw ang nanay niya noon na kahit isang pandesal lang ay pilit siyang binabaunan. I told him I'll make him delicious foods from now on. Hindi lang isa, dadamihan ko pa.
After that, I quickly changed into the outfit of my choice for today. A champagne-colored sweater tucked in my powder blue trousers and paired with my tan sandals. I curled my hair and put on a double star-shaped clip on each side of it. Nagsuot din ako ng silver layered necklace with cross pendant. I then slung across my shoulder my blue Louis Vuitton sling bag.
Sumabay ako kina Kuya Nolan. Kasama namin sa shuttle sina Ate Honey, Lulu, at Pilandok. Professor Ala offered to take me and Ate Honey with him and Ma'am Alba to UP kaso ay wala namang makakasama iyong mga bata kaya sa shuttle na lang kami sumakay.
"Wow, highest na naman siya sa exam," tukso ko kay Juno sabay bangga bahagya ng siko ko sa kanya.
"Seb, tingnan mo!" gulat at nakangiting hayag niya kaya napabaling ulit ako sa exam results sa General Mathematics na nakapaskil sa may labas ng room namin para sa nasabing klase.
Namilog ang mga mata ko sa gulat at hinampas-hampas sa balikat si Juno sa tuwa hanggang sa nagtatatalon na ako.
"Seb! Seb, third ako! Diyos ko, salamat Po!" I whispered after making the sign of the cross.
Hinarap ko ulit si Juno at hinampas-hampas ulit sa magkahalong tuwa at pagkamangha. Nakangiting sinapo ni Juno ang magkabilang pisngi ko saka siya yumuko at hinalikan ako sa noo.
"Proud ako sa'yo, seb!" he told me while he's still cupping my cheeks.
"Thank you talaga sa tulong mo, seb!" sagot ko naman at niyakap siya.
This is what I and Juno always do, nagtutulungan kami. We inspire and uplift each other. Juno is always generous and willing to lend a helping hand. Kaya mahal na mahal ko 'tong mokong na 'to.
Pagkatapos ng klase namin sa Math at habang naglalakad papuntang College of Arts and Letters Building ay tinawagan ako ni Indiana. Pansin kong panay ang lingon sa akin ng mga estudyante roon saka bulungan.
"Mars, bakit?" I asked.
"Una, huwag ka na lang munang pumasok ngayon..." Nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses niya kaya bigla rin akong nag-alala.
"Bakit? Nasa may CAL Building na ak- sige, mars, tatawagan na lang kita ulit," sabi ko at in-off na ang tawag.
Binaba ko ang cellphone at nilapitan ang malaking vandalism sa may pader papasok ng building. My pictures were even pasted and taped there, some of them were torn, and it's with a huge 'x' and 'mommy killer' graffiti made from red-colored spray paints.
"Killer pala 'yan?"
"Oo raw. Kaya raw tumakas sa mundo ng mga tao kasi pinatay 'yong nanay..."
"Kinse lang daw siya no'n kaya hindi nakulong."
"Shocks, nagulat nga rin ako, e. Hindi na talaga mapagkakatiwalaan ang itsura ng mga psychic ngayon."
"'Di ba isa sa mga top students ng Literature 'yan? Grabe, nagawa niya 'yon sa sarili niyang nanay? Paano na lang kaya sa iba pang tao?"
Napapitlag ako nang may biglang nagbato ng itlog sa akin.
"Bakit nandito kang killer ka ha?! Bakit malaya kang nag-aaral? Dapat sa'yo ikulong!" nanggagalaiting sigaw niya at binato ulit ako ng mga hawak pang itlog.
Sinubukan kong sanggain gamit ng mga braso ko ang mga iyon. Masakit iyon lalo na kapag tumatama sa noo ko. One of the students even threw at me her entire spaghetti snacks. Doon na ako napuno at ginamit na ang telekinesis ko. Their supposed attacks suspended in the air. Gusto kong ibalik ang mga iyon sa kanila pero kapag ginawa ko iyon ay mas mapapasama pa ako sa mga mata nila. They will just keep painting me in a bad light. Ang mga nasuspende sa ereng ginamit nila sa pag-atake sa akin ay ibinagsak ko lahat sa lupa.
Tumalikod ako at kaagad na hinanap ang taong alam kong siyang may gawa nito. Nahawi ang kumpol ng mga estudyante sa daraanan ko. May ilang takot, kabado, at nandidiri. May ilan ding tinutulak pa ako. Sa dulo no'n ay doon nakatayo ang nakahalukipkip habang nakangising si Ma'am Alba katabi nina Krissy at Gowe. Siya nga...
Gowe tossed the egg he was holding in his right hand then caught it again before finally throwing it towards my direction. Hindi pa man ito nakakalapit sa akin ay bumagsak na ito sa sahig. Nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa direksyon nila.
"H-Help! Help! Balak kaming saktan ng mommy killer!" madramang sigaw ni Krissy.
"Hindi ka na makakapanakit pa ng iba, mamatay-tao ka!"
One male student immediately transformed into a red fox. Bago pa man ito makalapit sa akin ay may mabilis na nilalang nang sumalubong dito. It was Juno... He angrily toppled and pinned down the guy on the floor. Mahigpit na sakal-sakal na niya ito ngayon at nabahala ako sa maaaring kahantungan no'n.
"Juno!" I shouted at the top of my lungs. He seemed to come back to his senses.
He loosened his hold on the guy and looked at me. Nagulat ako nang mapansing saglit na naging pula ang mga mata niya at may sumisilip pang mga pangil. I blinked and he already calmed down and was back to normal. Guni-guni ko lang ba 'yon? Juno's just a firestarter, but why the heck would his eyes turn red and fangs protrude?
"Bitawan mo siya. Ako nang bahala," I calmly told him.
He clenched his jaw but still nodded and let go of the guy before standing up. Hinarap ko ulit si Ma'am Alba na pilit nagtatapang-tapangan sa pwesto niya kahit pa dumistansya na ang magpinsan dala ng takot nila kay Juno pagdating nito. I slowly walked towards her.
"Bakit mo ginawa 'yon?" kalmado ngunit madiing tanong ko sa kanya.
"B-Because they need to know!" tapang-tapangan niyang sagot kahit pa nauutal.
"Bakit? Ano bang alam mo tungkol sa buhay ko?" I asked, challenging her.
"Y-You killed your own mom!"
"And you think that gives you the right and permission to tell them the story you don't even own?"
"Pero mali pa rin 'yon!" sigaw niya.
"Oo, alam ko! Alam ko!" sigaw ko rin sa kanya. Wala na akong pakialam kung amo ko man siya o kung sino pa siyang Pontio Pilato. I demand for my fair share of respect this time.
"Alam ko lahat-lahat kasi kwento ko 'to, e. Ikaw ba ano pang alam mo bukod do'n?" I challenged her again. She didn't answer but remained unfazed or just trying so hard to be.
"Nasaksihan mo ba kung paano ako ikulong at paulit-ulit na nilatigo ng nanay ko noon? Nando'n ka ba nang sabay na mamatay ang mga nakababatang kapatid ko at ang tatay ko dahil nilason sila ni nanay? Wala ka! Wala kayo!"
Diretso ang tingin ko sa kanya at mas diniinang pa ang bawat salita ko. I felt my eyes sting but I won't cry. Not now and not in front of these beasts who knew nothing about me and how to deal with the situation but to judge. One important lesson I have learned about life, do not tell your story to people who show no interest in listening. No matter how hard you try to give your side, they won't hear you. That's what happened to me and to my mother.
"Ano ang karapatan niyo para husgahan ako nang hindi nalalaman ang buong kwento ko? Mali 'yon, alam ko. Maling-mali kaya nga sising-sisi ako, e. Kasi kahit anong sama niya... nanay ko pa rin siya. Pero halos buong buhay ko pinagbayaran ko naman 'yon... hanggang kailan niyo ba ako balak singilin?" I crooked at the last word. Ma'am Alba looked away.
"Everyone, go back to your class!" sigaw ni Madame Gabbana na siyang nagpakilos sa lahat.
She glanced at me before looking at Ma'am Alba and the cousins.
"Ms. Grimm at kayong magpinsan, go to my office, now," ma-awtoridad na utos niya sa tatlo na napilitan namang sumunod.
"I will excuse you for today, Ms. Gomez. You can go visit the counselor, and talk things out with him. Mr. Forbes, can you take her there?"
"Hindi na po, Madame. Uuwi na lang po ako. Ita-trabaho ko na lang po 'to. Maraming salamat po," magalang na tanggi ko naman sabay yuko nang bahagya.
Juno took me home. He was silent all throughout the ride. Ramdam kong galit siya pero nakikiramdam din kung ayos lang ba ang lagay ko. Whenever I'm like this, Juno knows the drill. I need time and he gives me my space to recover.
Natauhan ako bigla nang mapansin ang kumpol ng mga beasts sa labas ng main gate ng Hotel Grimm. May mga megaphone sila at karatula. May ilan pang naghahagis ng mga kung ano sa loob, purposely hitting Tatay Sigurd and the other mermen who tried to mitigate the entire situation. I get a glimpse of one of the signage and it reads, 'Pugad ng mga killer.'.. how come these beasts knew?
"Stay right there, Una," pigil ni Juno sa akin nang akmang bababa na ako ng motorsiklo niya.
Nasulyapan kami ni Tatay Sigurd. He subtly gestured his head, cuing us that he will slightly open the gate but we have to hurry inside.
"Kumapit ka, seb." I did what I was told. Kumapit ako nang maigi kay Juno.
He roared his motorbike as he held tightly onto his throttle. Sa lakas no'n ay napabaling sa amin ang mga nagpoprotesta. Nang nasa amin na ang atensyon ng mga nandoon ay saka naman binuksan ni Tatay Sigurd nang bahagya ang gate. We sped inside then the mermen quickly closed the gate again. May ilan pang akmang papasok kahit pa kaonti na lang ang siwang na naiiwan kaya pinaliko muna ni Juno ang motorbike para harangan sila. He set the ground near them ablaze, making them stepped aback.
"There are four killers inside this hotel. Hihintayin pa ba nating may mamatay na naman bago natin ipasara ito? Hindi! Dapat ngayon pa lamang ay isara na ito!" sigaw ng lider nila.
"Juno, dalhin mo na sa loob si Una," pakiusap ni Tatay Sigurd sa kaibigan ko.
Juno nodded and maneuvered his vehicle again to take me inside the service alley and the hotel. Bumaba agad ako sa tapat ng main entrance at dali-daling pumasok. Binalikan ko si Juno at hinalikan sa pisngi.
"Maraming salamat, seb. Kaya ko na mula rito," I told him assuringly.
"Sigurado ka?"
"Oo, promise."
"Titingnan ko kung anong mabibigay kong tulong kina Tatay Sigurd doon. Pumasok ka na sa loob."
I nodded and entered the hotel. Nakasalubong ko agad ang mga guests at iilang residents na nag-aalsabalutan. Tinutulungan na ng mga mermaids si Kyrine sa reception dahil sa dami ng mga umaalis. Ang mga leprechauns ay abala rin sa pagtulong sa mga kliyenteng paalis. Bumukas ang elevator at lumabas mula roon si Lady Incha. She was calmly telling the yelling clients to calm down and wait for the portal which will safely transport them outside the hotel. Hindi kasi nila maaaring buksan ang main gate dahil naroon pa ang mga nagpoprotesta.
"Una, maaari bang puntahan mo si Master Thirdy sa kanyang opisina at pakiusapang buksan na ang portal," utos ni Lady Incha sa akin nang magtama ang mga mata namin. Agad naman akong tumango at nagmamadaling sumakay ng elevator.
Kumatok ako ng tatlong beses bago tinawag si Master Thirdy. The door creaked open and I let myself in. Naabutan ko siyang nakatayo sa tapat ng bintana niya habang nakatingin sa labas.
"Inutusan po ako ni Lady Incha na pakiusapan kayong buksan ang portal para ligtas na makalabas ang mga guests at residents na aalis," I told him while slightly bowing.
Simpleng tango lamang ang isinagot niya. He summoned his shakujō staff and moved it to jingle its metal rings.
"It's already open. They're free to leave now. Tell Lady Incha to come hereafter. I want her to sign my resignation letter," he said as he walked back to his table. Gone was his shakujō.
"Magreresign po kayo?" gulat kong tanong sa kanya.
"It's for the best. I'll transfer the ownership of the hotel and my shares to either Juan or Dos-"
"Master Thirdy, sandali lang po ha. Bakit kayo magreresign at saan naman kayo pupunta?" putol ko sa kanya. Hindi ko na nagugustuhan ang lahat ng nangyayari.
"I will go someplace far and keep hiding. Who would want a former serial killer to run a grand hotel?"
"Gusto niyo ng real talk? Totoo pong walang may gusto no'n pero panghabambuhay na lang po ba kayong magtatago? Hindi niyo po ba papatunayan man lang sa kanilang karapat-dapat po kayo sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa inyo?"
"Look, Una, this fate isn't for me! I did so many horrible things back then, and I would understand if others would think that I don't even deserve a second chance!" he remarked as he slammed his fist atop the table.
I bravely stepped forward and fired back, "Oo at naging masama po kayo noon, but aren't all we, at some points of our life? Lahat po tayo nagkakamali. Ako, si Tatay Sigurd, si Kuya Nolan, si Lady Incha... lahat tayo rito kung titingnan niyo po. Pero nasa sa atin pa rin po 'yon kung itatama natin 'yon o hindi. At mula sa mga pagkakamaling 'to, natuto tayo at nagbago. Si Tatay Sigurd naging mapagkumbaba, si Kuya Nolan higit nang pinapahalagahan ang pagbibigayan, at ako... natuto akong magpatawad. Pero ano pa pong silbi ng pagbabago niyo kung patuloy niyo silang hahayaang tingnan kayo bilang isang serial killer?"
Napaupo siya sa grandfather's chair niya at humilig. "I thought I was ready to face all this, but I was wrong..."
I smiled at him weakly. "Hindi rin naman po ako nakapaghanda nang surprisahin ako ni Ma'am Alba kanina... But if we wait until we're ready, we'll be waiting for the rest of our lives," I told him, quoting a line from the book Lemony Snicket's A Series of Unfortunate Events.
"What if we run out of guests and residents just because of my dreadful past?"
"Ano po bang akala niyo sa Hotel Grimm? Negosyo lang, gano'n? This is more than just a business for us, Master Thirdy. Hotel Grimm is our home. Maubusan man tayo ng mga guests at mawala man lahat ng residents, pamilya pa rin po tayo," I told him smilingly.
He looked at me. I don't know what he was thinking nor feeling because of his skull mask, but I know he's considering and pondering on my given words. He stood up from his seat, took the box of tissue, and appeared in just a blink in front of me. Gulat na nakatitig lang ako sa kanya habang dahan-dahan niyang pinupunasan ang mukha ko. I was so preoccupied I forgot that I still haven't washed the residue of yolks, spaghetti, and other stuff the people earlier had thrown at me. Nagsimula siya sa noo ko at yumuko pa siya bahagya nang umabot na siya sa pisngi ko. Bakit ganito siya? Bakit...
"You're one brave girl, Una. But it's never wrong to have someone who will always be there to protect you."
Then, I suddenly remembered my best friend. He's always been there for me, through thick and thin, and even without me saying anything. I just love that man...
I was still looking at Master Thirdy when he stopped wiping my cheek and purposely met my gaze. "And that's how you caught my fancy."
I blinked and he was now back on his table, doing some paperwork.
"I'll make a statement for the incident. I will face and handle everything from here. Call Juan and ask him to deploy a few military forces to stop the protest peacefully. Emphasize not to harm anyone," he ordered.
Mabilis naman akong tumango at kaagad nang lumabas ng opisina niya para tumalima. Pagkalabas ko ay saka ko pa lamang pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigilan.
NAGTIPON LAHAT NG magkakapatid na Grimm sa living room ng penthouse pagdating ni Mayor Juan. The incident was mitigated when the military forces arrived. Master Thirdy also did his part in correcting everything.
"Kuya Juan, believe me. I can't do that to Kuya Thirdy. Hindi ako ang nagpakalat no'n!" Ma'am Alba explained.
Mayor Juan stood in akimbo in front of them. His other hand was massaging his temples.
"Nagawa mo 'yon kay Una sa university niyo. That's already a strong proof we are holding against you."
"Kuya, please... I-I just did it because I don't like Una. But trust me, I have long wanted to have a complete happy family and now that I have it, why would I destroy it?"
Mayor Juan asked me earlier if Ma'am Alba really did it to me. I said yes and didn't say anything more. Hindi ko ugaling manira ng ibang tao na alam kong naiipit din sa nangyayari at kung walang sapat na ebidensya. Kahit pa may hinanakit ako sa kanya. I just don't like the idea of making other people miserable too just because they made mine miserable.
"Who else did that then? And for what reason?" kalmadong tanong ni Mayor Juan sa kapatid.
"They apparently want to destroy the hotel," singit naman ni Master Thirdy.
Tumayo si Master Thirdy at naglakad na patungo sa elevator. Nakatalikod na siya sa aming lahat nang magsalita ulit siya.
"If it isn't still obvious, then let me break it to you. We are housing a traitor," makahulugang wika niya bago tuluyang pumasok sa elevator.
Sa tingin ko ay tama nga siya. May... may nagtatraydor nga sa amin dito, pero sino?
Pagkaalis ni Master Thirdy ay binalingang muli ni Mayor Juan si Ma'am Alba na umiiyak pa rin. Sana naman matanto na niya kung ano ang mga hindi kaaya-ayang mangyayari na dulot ng mga pinaggagagawa niya.
"What you did to Una isn't just and fair, Alba. Have you even apologized to her?"
Pinunasan ni Ma'am Alba ang mga luha niya at tumango-tango. "I will do, Kuya. I'm sorry."
Nilingon naman ako ni Ma'am Alba. "I'm sorry. I hope you can forgive me."
Ngumiti ako tumango. I'm happy that she apologized and accepted that what she did wasn't right.
"Yakapin mo, sis, para mas sincere," pang-uudyok pa ni Captain Sven.
"I think that's a good idea. You're sealing the apology and forgiveness through embrace," pagsang-ayon naman ni Doc Six.
"Sige, I'll do it."
Lumapit naman si Ma'am Alba sa akin. "I'm sorry."
I smiled at her and nodded. She hugged me then and whispered something that made my smile fade away.
"Sorry, my ass. You painted me bad again in their eyes. We're not yet done, Una."
Pagbuwag niya sa yakapan namin ay nakangiti na siya at maluha-luha pa. Artistahin nga... I smiled at her too.
"Ma'am, masikip na po sa Viva Films. Kung gusto niyo pong mag-artista, ako ayoko. Kaya po tigil-tigilan niyo ako sa mga kadramahan niyo," I whispered back.
Natigilan si Ma'am Alba at mabilis na pumihit patalikod saka tumakbo sa kwarto niya.
"Oh, anong nangyari ro'n?" pagtataka ni Captain Sven, akmang tatayo na.
"Tears of joy po kasi napatawad ko na siya," I told him... truthfully.
Looking at the bright side of the incident, I feel somewhat relieved that the past I've been keeping for so long, finally came out in the open. I don't have to hide anything anymore. I need to be real this time.
🌸☠️🌸☠️🌸☠️🌸
"Nagawa ko na ang pinag-uutos niyo. Hindi pa rin, siyempre. Ano bang akala niyo sa kanila? Hindi marunong gumawa ng paraan para ayusin ang lahat? Please, hayaan niyo na ako-" the call suddenly ended.
Rubia spun around and was shocked to the core when she found Mythos on her upholstered chair. His right leg was rested over the other, looking comfortable in his sitting position.
"Mythos... p-paano ka? A-Anong ginagawa mo rito?" kandautal na tanong ni Rubia sa kaba.
"You know what I am capable of doing, Rubia."
"Masasaktan mo ang kapatid mo kapag sinaktan mo ako. She will get mad at you. If you hurt me, you will hurt her too!"
"So?"
Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Rubia. She seemed to forget who she was talking to. Mythos has always been known for abandoning his humanity. She wasn't even sure if the Chamber of Torture really did help him recover and restore his humanity.
"Kapatid mo pa rin siya! You need to protect her."
"But I'm not, in any way, related to you. I have all the right to kick you out of my hotel for what you did."
"Parang awa mo na, Mythos. H-Hindi na ako uulit.... N-Natatakot lang ako kasi binantaan ako nina Syvarra at Solange. Ito ang naging kapalit nang pagtulong nila sa amin na makapunta rito... pero ayoko na... Maniwala ka."
Tumayo si Mythos kaya napaatras naman sa takot si Rubia.
"I don't believe you, but I will give you a chance."
He stepped forward, she stepped aback. Mythos' red pupils are growing darker as they get bigger because he was suppressing his emotion.
"And if you dare harm my sweet little lamb again, ikaw ang sisipain ko pabalik sa basurang pinanggalingan mo," he warned.
Namilog sa gulat at takot ang mga mata ni Rubia. "P-Paano mo nalaman 'yon?"
"That's why you need to be careful around me," pagkasabi no'y biglang kinapa ni Rubia ang tagiliran niya.
Her hand trembled when she saw it covered with blood. Hindi siya makapaniwang nagawa siyang sugatan ni Mythos nang hindi man lang kumikilos mula sa kinatatayuan nito. Pag-angat niya ng tingin dito ay nilamon na ito ng mga anino.
🌸☠️🌸☠️🌸☠️🌸
TUMAYO NA AGAD ako mula sa bench na kinauupuan ko nang tinawag ako ni Juno. Katatapos lang ng kanya-kanyang klase namin kaya isasabay na niya ako pauwi pagkatapos naming mananghalian.
I am wearing an oversized black denim jacket over a white sleeveless top that's tucked in my black knee-length pleated skirt. I sported a pair of black fishnet socks then black rubber shoes. I just ponytailed my hair and put on a big white scrunchie headband. I finished my outfit with a simple white tote bag.
"Gutom ka na?" tanong ni Juno sabay akbay sa akin.
I smiled at him but it immediately faded when I noticed a familiar woman conversing with Madame Gabbana at a distance. She's still the same from the last time I met her. She's wearing an all-white outfit composed of a bodycon dress with asymmetrical shoulder and elegant purse then stiletto. Her blond hair was styled like that of Marilyn Monroe's waves. Si Ma'am Latakia iyon, isa sa mga miyembro ng Council of Magistel at iyong bumisita noon kay Master Thirdy sa Chamber of Torture. Seems like she has an appointment with our university's owner.
"Let's go." Nagulat naman ako nang hinatak ako ni Juno sa braso.
"Teka, bakit parang nagmamadali ka?"
"Gutom na ako-"
"Sus, akala ko naman kung ano na-"
"You look familiar."
Napalingon ako sa nagsalita. Nagulat ako pero maagap ding yumuko nang matantong si Ma'am Latakia ito. The members of the Council of Magistel are all respected in the whole of Abseiles. The Council consists of the most powerful beasts in this world, mostly Fandralls, as members. If each of the region has a federal government headed by either an aristocrat, a mayor, or a prime minister. The Council of Magistel is akin to the national unit whom this republic refers to as the administrative government. Sila ang nagpapatakbo ng buong Beast Republic at mga batas nila ang sinusunod. Kaya naman respetado sila rito.
"Magandang umaga po, ma'am. Ako po 'yong batang kasama ni Count Vladimir noon sa Chamber of Torture para bisitahin si Master Thirdy," magalang na pakilala ko.
Tumango si Ma'am Latakia at nang bumaling sa katabi ko ay nakita ko ang gulat sa mga mata niya. I looked at Juno to check on him. Seryoso siyang nakipagtitigan sa Magistel.
"Ah, kaibigan ko nga po pala. Si Juno Forbes."
Tila natauhan naman si Ma'am Latakia. She slowly nodded. "Oh, I see..."
"Halika na," aya ulit ni Juno at hinawakan ulit ako sa braso. Siguro gutom na talaga siya kaya namimilit na.
I smiled politely at Ma'am Latakia. "Sige po, ma'am. Mauuna na po muna kami," paalam ko.
Tumalikod na kami ni Juno at hahakbang na sana nang magsalita ulit si Ma'am Latakia.
"Forbes. How are you related with Michelangela?" she asked.
Napalingon ulit ako sa kanya sa gulat. "Bakit kilala niyo po si Tita Mikee?"
I glanced at Juno and found him already clenching his jaw. He didn't even turn to face Ma'am Latakia again.
"Who wouldn't be? She's Count Vladimir's best friend, and the sole reason why Countess Amanda cursed the entire Hotel Grimm," she revealed.
Extremely shocked, I looked at Juno for an answer. I noticed how his fists were now also clenched.
"T-Totoo ba?" I asked him.
•|• Illinoisdewriter •|•
You can show your love and support for this story by hitting the star button and leaving your thoughts in the comments. Love the theories! 🧡 Keep them flowing!
See you next week, Charmings! (◍•ᴗ•◍)💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro