Simula
You should happily live your life because it is a blessing. That's what others tend to believe. They're drowned with an illusion that living is that easy, as easy as being happy. But it isn't. Maybe to some who's lucky, but not to all.
Having one luck is enough, two is too much. You are alive, you're lucky indeed. But being happy at the same time is too much.
Life is a curse wrapped with dreamy things. That's it for me.
Habang tumatagal ay palakas nang palakas ang katok mula sa kabilang bahagi ng pinto ng aking kwarto.
Inilagay ko ang magkabilang kamay sa dalawang tainga at mariing napapikit.
"You didn't go home last night! Now you're caging yourself in your room?" I can already imagine her nerves in her neck visible because of her anger, with her upturned eyes looking at me who's full of rage makes me shiver.
Ilang sandali lang ay para bang kinakalabog na iyon at hindi na isang simpleng katok. Tila nauubusan na ng pasensya ang nasa likod ng pinto.
"Amaryllis! Open this goddamned door!"
Pinalis ko ang mga luhang naglalandas sa aking pisngi. Halos magkandarapa ako nang tinakbo ko ang pinto upang buksan iyon.
"B-bababa na po ako," bungad ko matapos buksan ang pinto.
"Ano na namang inaarte mo?" She asked and I can't look at her eyes. Pakiramdam ko ay lalo akong manghihina kapag nakasalubong ko ang nagngangalit na mga mata niya.
I pressed my lips as I shook my head instead. "Magaayos lang po ako, bababa na rin pagkatapos."
"Dalian mo at tanggalian na. Huwag mong sabihin na hindi ka na naman sasabay?"
"Sasabay po ako, M-mommy," I bit my lower lip when I sobbed. How I envy others who can hug their mother while crying on their lap, 'cause right now that's what I want to do.
Napapitlag ako nang padarag niya akong tinalikuran at noon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para magangat ng tingin.
Ngayon ko lang din naramdaman ang panginginig ng aking mga binti. I gently shut the door closed, takot na makagawa ng kung ano mang ingay. Matapos ay napasandal sa pader at tumingin sa kawalan. I bit my lower lip when my tears started pooling on my eyes again.
Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng aking silid. The pastel theme of it can't help me any longer. Dati, igagala ko lang ang aking tingin sa mga bagay sa loob ng aking silid ay mawawala na ang bigat ng aking dibdib. The color of it used to calm me but right now, nothing, not even the loveliest color can help me.
I run towards my bed as I grabbed my phone. I immediately plugged it on a charger when I saw its empty battery. Bahagya pa 'kong natagalan sa pagsusuksok ng charger dahil sa panginginig ng aking kamay.
I started biting my knuckles while waiting for my phone to gain even just a single percent of battery.
Ilang saglit lang ay hindi na ako nakatiis at agad na binuhay iyon. Messages and calls immediately flooded on it. Mga mensahe at tawag na isa lang ang pinanggalingan.
Ramdam ko ang pangangatal ng aking kamay at ang malayang pag-agos ng aking mga luha nang buksan ko ang mga mensahe.
Maverick:
I'm already here, babe. Take care, I'll wait for you.
Maverick:
I know, you'll come, Rylli.
Maverick:
I'm waiting for you.
Maverick:
Dapat pala sinundo kita at hindi ako nakinig sa'yo. Do you want me to fetch you?
Maverick:
If you don't reply within five minutes, I'll fetch you in your house.
Maverick:
Alright, I'll fetch you.
Maverick:
Come out, babe. I'm outside. I parked in front of my mother's house. I'm sure you don't want me to knock in your house, your parents will be mad.
Maverick:
We already missed our flight but don't worry, I booked us a new. Our flight is ten in the morning tommorow. Take you time, babe. I'll wait for you.
Maverick:
I'm still here, waiting. I love you, babe.
Sa sobrang dami ng naroon ay hindi ko na nagawang basahin ang iba.
I gasped when I saw that the latest message was sent two hours ago.
Maverick:
I understand if you can't go. I'll go now. I love you. I always will, Rylli.
My chest tightened as I stared at it. Hinimas ko ang aking dibdib at bahagyang hinampas nang makaramdam ng kirot doon.
With my hands trembling, I managed to compose a message for him, stating my reason why I didn't made it but I can't send it. I don't have a strength to send the message after reading it again.
I tightly shut my eyes off as I erased every letter that I composed. I want to stop my tears from falling but I can't.
Nang muling idilat ang mga mata ay agad kong sinubukang tawagan ang numero niya.
I felt like everything crumbled down when the operator is the one who answered. Muli kong sinubukang tawagan siya ngunit parehong sagot lang ang aking nakuha.
I stared at my phone blankly. Parang pinipiga ang aking puso habang nakatingin doon. I don't know for how long but I startled when again, I heard knock on my door. But this time its calmer.
"Ma'am, pinapatawag ka na sa baba."
Now I realized why... its Manang Salme.
"Opo, Manang. S-sandali lang."
"Sige, huwag kang magtagal at baka magalit na naman si Gov. Aalis pa kayo matapos ang tanghalian," she said without opening the door of my room.
Hindi na 'ko nag-abalang sumagot pa. Bumaba ang tingin ko sa aking sarili ngunit agad ring napapikit. Matapos dumilat ay agad akong pumunta sa aking lamesa, naroon pa ang mga librong inaaral ko noong nakaraang araw.
I immediately saw the scissors as I went inside my bathroom. Inilabas ko ang aking palapulsuhan at idinikit ang malamig na metal doon.
Akmang ididiin iyon ngunit isang imahe ang pumasok sa aking isipan. Mga salita niya ang naalala ko na agad na nakapagpabitaw sa akin ng gunting. Mariin akong napailing sa sarili.
Nang idilat ko ang aking mga mata ay wala sa sariling napatitig ako sa kawalan. Bumuntong hininga ako at muling kinuha ang gunting, matapos ay sinalikop ang aking buhok. Inilagay ko iyon sa isang gilid at mapait na napangiti habang sinusuklay iyon gamit ang aking kamay. I grabbed the scissors as I comb my hair.
Nanginginig ang mga kamay na ibinuka ko ang gunting at itinapat sa aking buhok.
Muling naglandas ang luha sa aking mga mata nang simulan kong igalaw ang gunting at naramdaman ko na unti unting kumawala ng aking buhok. Habang ang mga naputol ay nanatili sa aking kamay.
I let my hair go as they fell on the floor. Muli kong hinaplos ang buhok. Ngayon ay hindi ko na maabot kung galing ang aking kamay sa likod. I walked towards the mirror as I parted my hair and let it rest on my shoulder. Ang kanang bahagi ay hindi na tumungtong sa aking balikat habang ang kaliwa ay bahagya pang nakalapat.
I grabbed a handful of my hair and place it in between the blade of the scissors. Walang pagaalinlangan kong itinaas ang gunting malapit sa aking anit at pinagdikit ang handle noon.
I repeated it until I can't feel any strand of my hair touching even my nape. Habang ginagawa iyon ay nakatungo lang ako sa mga hibla ng buhok na nalalaglag sa sahig.
I stopped when my haircut looks just like my brothers. Bahagyang magulo nga lang iyon at may uka pa ang ibang bahagi dahil napasobra sa iksi.
Agad na napakunot ang aking noo nang bumaling sa salamin. Despise of having a haircut for men, I still looked like a woman.
I sighed as I went out of the bathroom. Bigo dahil kahit na maiksi ang aking buhok ay mukha pa ring babae.
Pumasok ako sa walk-in closet upang magpalit ng damit. I rummaged my whole closet to look for something to wear but I can't find any. Karaniwan sa naroon ay hapit sa aking katawan, may iilan na hindi, ngunit masasabi mo sa disenyo na ito'y damit pangbabae, katulad ng aking suot. Nanggigilid ang mga luhang tinitigan ko ang mga damit na iyon.
I walked out of my room as I went inside Romulus' room, just beside mine. His scent immediately linger in my nose. The dark theme of his room makes it obvious that the owner is a man. Dahil doon ay nagkaideya ako ng gagawin sa aking kwarto.
I set aside my thoughts as I remember my intentions why I'm here.
Tumakbo ako patungo sa kanyang walk-in closet at agad na naghalungkat sa kanyang mga damit.
I saw a plain white shirt. Even though I'm two years older than Romulus, his clothes are still bigger than mine. Sa laki noon ay para bang bestida iyon para sa akin. I grabbed it as I turned to his shorts. Kinuha ko ang itim na cargo shorts at itinapat iyon sa akin. Kung hindi lang ako matangkad ay para na iyong maluwag na pantalon para sa akin.
I walked out of his room with his clothes. Bumalik ako sa aking kwarto at pinalitan ang aking damit. Masyadong maluwag ang cargo shorts sa akin kaya naman ginamitan ko pa iyon ng aking sinturon. I tucked in the white shirt in front as I let it loose at the back.
Lumalakas ang tibok ng aking puso sa bawat hakbang na ginagawa ng aking mga paa habang papalapit sa hapag.
I saw them already starting their lunch. Mommy sipped on her glass as she unconsciously glanced at my direction. Nagtama ang aming tingin at agad na namilog ang kanyang mga mata. Nabitawan niya ang baso at gumawa iyong ng ingay.
"Madame!" Narinig ko ang mga kasambahay, napatili dahil sa nangyari kay Mommy.
Napunta sa kanya ang atensyon ng lahat. At dahil nakatingin siya sa aking direksyon ay napabaling sa akin ang lahat ng nasa hapag, maging sila manang Salme na kapapasok pa lamang sa hapag.
Mariin akong napapikit bago nagsimulang maglakad palapit sa aking upuan.
"What the fuck did you do to your hair!"
Napahinto ako nang marinig ang paghihisterya ni Mommy. Na kahit nasa harap ng hapag ay hindi niya alintana kung ano man ang salitang lalabas sa kanyang bibig.
I watched her as she trembled in anger. Matalim ang mga matang nakatingin sa akin.
"Your debut's coming at the end of the month! What the hell, Amaryllis!"
My heart sank at her words. Here she is, busy thinking about my debut. To what? To show off?
"Is that my clothes?"
I glanced at Romulus with my wide eyes as I heard him used an accusing tone. "The hell are you wearing that?"
Natulos ako sa aking kinatatayuan dahil sa lamig ng tono niya. My lips parted at him as I felt my tears at the side of my eyes.
"R-Rom-"
"Are you a lesbian?" He cutted my words. The way he asked me that with disgusted look stung. It feels like something struck on my heart.
I glanced at my youngest brother, Fritz but he just shook his head on me as he faced his food and return from eating.
Mommy's massaging her temple while still staring at me with her fiery eyes.
Slowly, I started walking beside mommy. Kung saan ang aking upuan. I sat there as I looked at who's in front of me.
I know he can feel my stare but he remained eating.
I bit my lower lip as I sighed. I lowered my gaze. Without looking at anyone, I muttered, "I have a girlfriend."
I heard my mother gasped as she cursed me. Ang ama ko na kaninang tahimik ay napamura na rin.
I don't know what came in my mind. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Maybe to prove a point.
Padabog na binagsak ni Fritz ang mga kubyertos at mariin akong hinarap. His expression says that he's disgusted. "What the fuck, Ate?"
Sarkastiko siyang bumuntong hininga matapos ay marahas na tumayo at nilisan ang hapagkainan, hindi na tinapos ang kinakain.
"Are you even thinking?"
My shoulders jumped when my father's voice thundered. Nakadagdag pa sa aking pagkapitlag ang paghampas niya sa lamesa.
My tears already wants to slipped out of my eyes but I effortly stopped it from falling. I kept swallowing my saliva, as if it'll help me stop my tears.
"I thought this is what you want? You want sons, right? You don't want a daughter."
Namimilog ang mga mata niya 'kong dinuro. "You! Stupid bitch! Sa tingin mo ay iboboto ako ng taumbayan kung may anak akong tulad mo?"
My lips parted. I can't help but heaved a sarcastic breath.
"Iyan din ang pumasok sa isip ko, Felix." Umiiling si Mommy. Dismayado ngunit bahagya ng kalmado, bahagya pang napahilot sa kanyang sentido.
Marahas siyang bumuntong hininga. "Ano na lang ang sasabihin ng mga amiga ko..." She turned to me. Hinagod niya ng tingin ang aking kabuuan, puno ng disgusto ang mukha. "Kapag nakitang ganyan ang itsura ng aking anak?"
Ang pagtawag niya sa akin bilang anak ay para bang pangpalubag loob sa lahat ng insultong lumalabas sa kanyang bibig.
"Fix yourself," may pinalidad na sambit ni Daddy.
Nanginginig at nanghihina man ang kalooban ay nagawa ko pang muling magsalita na bahagyang may diin. "I said I have a girlfriend."
"Fix yourself if you don't want me to cage you in this house!"
__________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro