Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27

"Lagi ba ang Tito Spencer mo rito?" I asked as Maverick carried her and made her sat on the bench. Umupo rin si Mav sa gilid ni Hetty kaya't ngayon ay napagigitnaan na namin siya.

Sandaling natigilan ang bata at tila iniisip pa ang isasagot. "Minsan isa o dalawang beses sa isang buwan. Minsan naman po ay pumupunta siya linggo linggo."

My lips parted at the thought that Spencer's visiting this orphanage that often. Hindi lang isang beses sa isang buwan kung hindi, isang araw sa isang linggo. I'm not sure if Spence's really fond of going to orphanage. Sa pagkakaalam ko, ito lang naman ang bahay-ampunan na pinupuntahan niya. Kung hindi pa nga niya ako dinala rito ay hindi ko malalaman na bumibisita pala siya.

Sandali akong napasulyap kay Maverick at nakitang na kay Hetty ang kanyang atensyon. "Ganoon kadalas?"

She repeatedly nodded her head. "Yes! He's always giving us pasalubong, Tita. Last day, he gave me lots of chocolates." She even motioned her hands like she's imagining that the chocolates were in front of her.

Wala sa sariling natawa ako sa reaksyon niya. "How old are you again, Hetty? You're celebrating your birthday the last time I'm here, right?"

"Yes, po. I'm seven years old already. I'm not sure but that day might not be my real birthday. Iyon lang po ang ginawang kaarawan ko dahil iyon ang araw na nakita ako nila Mother Superior sa labas ng ampunan."

I felt my smile trembled as my lips parted upon hearing her words. I don't know if she mentioned those before and I'm just not that attentive but what did she said?

I–is she my daughter?

I swallowed as I felt my heart started ramming my ribcage. Nahagip ko ang mga mata ni Maverick na ngayon ay nakatutok na sa akin. There's a frown in his forehead while staring at me, like he's asking if there's something wrong.

"You fine?" he asked.

At bago pa ako makasagot ay nakita ko na ang pamilyar na bulto na ngayon ay naroon na sa aming harapan.

"Mother Josephine." I stood when I realized who's in front of us.

"Amaryllis? Ikaw nga, napadalaw ka?Kahapon lang ay narito ang kaibigan mong si Spencer."

Ginawarang ko siya ng ngiti. "Nabanggit nga po ni Hetty."

I turned to Maverick reason why Mother Josie glanced at his direction. "Ah, Mother Josie, this is Maverick, boyfriend ko po."

"Magandang araw." Mother Josie smiled at him.

"Magandang araw din ho," bati ni Mav.

Salitang dumako sa amin ang tingin ni Mother Josie. "May sadya ba kayo o talagang napadalaw lang?"

I opened my mouth but immediately closed it to swallow and smiled. "May... gusto rin po sana akong itanong."

I saw Maverick now silently playing with Hetty. Nakaupo pa rin sila sa bench at ngayon ay magkaharap na.

"Maaari ko bang malaman kung tungkol saan?"

I nodded. "Tungkol po sana sa mga bata. May n–nakuha ho ba kayong s–sanggol na iniwan sa labas ng ampunan, pitong taon na ang n–nakalipas?" Though I'm sure there is because Hetty mentioned it already that, that's how this orphanage got her.

From the side of my eyes, I caught Maverick's head rose. Napunta sa akin ang kanyang mga mata dahil sa narinig.

Napakurap ang madre at sandaling hindi nakasagot na para bang may iniisip. "Marami na ang ganoong kaso rito sa ampunan ngunit ang isang ito ay ang hindi ko malilimutan dahil ako mismo ang nakakita sa sanggol."

"A–ano pong nangyari?" I can't stop myself from stammering while I can still feel Maverick's eyes on me.

"Tandang tanda ko na nakabalot pa sa puting damit ang sanggol na tingin ko ay nasa tatlong buwan na ang edad ngunit hindi namin iyon nakumpirma."

Nasa tatlong buwan! But I c–can't remember what the baby's wearing when I sent her here. I'm not that paying attention that time and I'm too preoccupied to mind it so... I really can't remember.

"Nang lumabas ako ng bahay-ampunan ay bumungad sa akin ang mumunting iyak ng bata. Nang igala ko ang aking tingin ay nakita ko ang babaeng pasakay sa kotse ngunit nakatalikod ito kaya't hindi ko nakita ang mukha."

I bit my lower lip while stopping myself from reacting. Mataman akong napapalunok habang naririnig ang mga kwento niya.

I'm with Spencer that time and we're using his car. Ako lang ang bumaba roon dahil sa galit niya sa akin sa balak kong gawin sa bata.

Though like what Mother Josie said, maraming beses nang nangyari ang pag-iiwan ng sanggol sa labas ng bahay-ampunan. Posibleng ako ang babaeng nakita ni Mother Josie at posible ring hindi.

"Pwede ko po bang makilala ang bata? Si H–Hetty po ba?" I assumed, maybe because of the thought that Spencer seems fond of her. And... a part of me is telling me that its her.

"Si... Hetty?" marahang sambit ng madre at napalingon pa sa bata na ngayin ay nasa amin na ang atensyon dahil nabanggit ang kanyang pangalan. "Naku, hindi. Hindi. Sa pagkakatanda ko ay sa ganoong sitwasyon din napunta rito si Hetty ngunit hindi ako ang nakakita sa kanya. Hindi rin siya ang tinutukoy ko."

Maitikom ko ang aking bibig at napalabi. "S–sino po?"

"Si Amethyst. Pitong taon na siya rito at..." Bahagyang napailing ang madre. "Ilag ang batang iyon at hindi nakikisalamuha sa ibang mga bata, laging gustong nag-iisa. Miski sa ibang madre ay mailap ang batang iyon."

My heart ached at what she said. I bit my lower lip and tugged the corner of my lips for a smile. "P–pwede ko po ba siyang makita?"

Mother Josephine nodded her head before turning to Hetty. "Hetty, maaari mo bang tawagin si Amethyst?"

Agad namang ngumiti ang bata at nagpababa kay Maverick mula sa kinauupuan. We watched her run towards the playing kids. Ngunit nilagpasan niya ang mga batang iyon. Bumagal ang mga hakbang niya habang patungo sa batang babae na nag-iisa sa upuan habang malayo ang tingin.

Hetty stopped in front of her and tried to get the girl's attention. Amethyst's eyes turned to Hetty. Tila nag-uusap na ang dalawa. At nang tumayo si Amethyst, akala ko ay ginawa niya iyon para magtungo sa amin ngunit ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang marahas niyang itinulak si Hetty, dahilan kung bakit napaupo ito sa sahig.

Mother Josie gasped as she caught what happened too. "Pupuntahan ko lang ang mga bata."

Hindi na maayos na nakapagpaalam sa amin ang madre dahil sa nakita. I immediately glanced at Maverick and it seems like he knew what I want to do.

Sabay ang paghakbang namin patungo sa direksyon ng mga bata habang nakasunod sa madre. I saw Hetty trying to get up but Amethyst pushed her again.

"Amethyst!" mariing saway ng madre ngunit tila walang narinig ang bata. The kid kept staring at Hetty who's seating on the ground.

"I told you to don't talk to me. Bakit ba ang kulit mo?" Rinig kong sambit ni Amethyst kay Hetty nang makalapit kami.

"Amethyst! Tama na!" saway ng bagong dating na madre.

Maverick helped Hetty to get on her feet.

"Are you alright?" I asked and she nodded her head as a response. Matapos ay bumaling siya kay Amethyst.

"What? Pagagalitan niyo ulit ako? I don't care. I don't have a family anyway. You all are saying we're family but I can't feel it!" Amethyst shouted firmly but I caught how her eyes glimmered like tears were trying to get out of it.

"Hindi totoo iyan at alam mo 'yon. Pamilya rayo rito, Amethyst. Mali ang ginawa mo kaya ka sinasaway at pinagsasasabihan," marahang paliwanag ng madre.

Amethyst glanced at Mother Josephine. "I told Hetty to leave me alone. Pero makulit siya kaya itinulak ko."

"Ipinatawag kita kay Hetty dahil may gustong kumausap sa 'yo." She tilted her head towards our direction. Dahilan kung bakit bumaling sa akin ang mga mata ni Amethyst bago ito lumipat kay Maverick na ngayon ay kausap si Hetty habang nakatupi ang mga tuhod para mapantayan ang bata.

Mav felt Amethyst's attention on him. Nag-angat ito ng tingin at sinalubong ang mga mata ng bata na may ngiti sa mga labi. But Amethyst nonchalantly adverted her gaze with her raised brows.

Muling nagtama ang aming mga mata. "Why are you looking for me? Are you two my parents?" she mockingly asked, pertaining to Maverick and I.

"Amethyst." Sinubukang sawayin ng bagong dating na madre ang bata ngunit nagpatuloy lang ito sa pagsasalita.

"If you two were my parents, I'm sorry but don't expect me to accept you. After leaving me here?" She firmly shook her head. "I don't have a family," pabalang na sambit nito habang nakataas ang noo ngunit bakas ang pagkislap ng kanyang mga mata dahil sa luhang nagbabadya rito.

Pamilyar sa akin ang mga matang niya. Those eyes, those stunts, trying to look tough even though deep inside, she's breaking. I've been there.

I bend my knees as I reached her hand but she took a step back, ayaw magpahawak. "H–hindi naman sa ganoon, Amethyst. Gusto ko lang—"

"You'll adopt me?" Taas noong putol niya sa aking mga salita. Bakas pa rin ang sarkastikong tingin sa kanyang mga mata. "Don't bother. Hindi niyo matatagalan ang ugali ko at ibabalik niyo lang ako rito. I prefer here than anywhere else. Wala naman akong choice."

"Amethyst, umayos ka ng pananalita mo. Hindi ganyan ang itinuturo namin sa 'yo." Mother Josie warned but she remained calm and didn't raised her voice.

The kid just rolled her eyes and turned her back on us, running like someone would stop her if she didn't.

"Kakausapin ko na lang muna," paalam ng madre na hindi ko nakilala. Sa tingin ko ay hindi naglalayo ang edad nito at ni Mother Josephine.

"Pagpasensyahan niyo na ang batang iyon," Mother Josie apologized to us and heaved a deep sigh.

Tumayo ako at nginitian na lamang ang madre.

"Hindi naman siya ganoon dati. Mabait iyon at talagang hindi nga lang nakikisalamuha. Ngunit nag-iba ang ugali mula nang may mag-asawang umampon sa batang iyon at... ibinalik dito ilang buwan lang ang lumipas."

Bumuka ang aking mga labi at hindi naiwasang hindi mapasinghap. Maverick stood beside me. Siguro ay napatayo rin dahil sa narinig. "P–po? Pwede ba 'yon? I m–mean, bakit daw po ibinalik?"

Marahang napailing ang madre. "Hindi magkaroon ng anak ang mag-asawang iyon ngunit ilang buwan matapos ampunin si Amethyst ay nabuntis ang babae at isinoli rito ang bata."

My lips parted in disappointment. What the hell! That kid isn't a toy that you can just dispose when you already have a replacement!

"Idinadahilang masama raw ang ugali ng bata ngunit maniwala kayo, hindi ganoon ang pagkakakilala namin sa batang iyon. Ngunit simula noon, naging... ganyan na ang bata, laging mainitin ang ulo at tila pinatutunayan ang sinabi ng mga dating umampon sa kanya."

What the fuck! I can feel my blood boiling at whoever adopted Amethyst.

W–what if she's my daughter? She'll suffer more if she learned what I did. That I almost killed her when she's still inside me.

At sinabi niya... hindi niya ako matatanggap dahil sa ginawang pag-iwan sa kanya. And I deserve it. What I did was horrible and she's still a kid. That's too much for her.

"Rylli."

Napalingon ako kay Maverick nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin.

"Huh?" Wala sa sariling sagot ko. I glanced at where Mother Josie is standing earlier but I didn't saw her there.

Bumaling ako kay Maverick na may nagtatanong na mga mata.

"Mother Josie left already with Hetty. Pinuntahan si Amethyst."

My lips formed an o shape. Bumuka ang aking bibig ngunit walang lumabas na salita mula roon.

"Can we talk?" Maverick asked. Bahagya akong napapikit sa marahang paraan ng pagtatanong niya.

Sapat iyon upang matantong may hinala na siya kung bakit kami naririto.

"S–sure." Alanganin akong ngumiti.

Iginiya niya ako pabalik sa bench kung saan walang masyadong bata ang naroon.

"Anong gusto mong pag-usapan?" I stopped in front of the bench but didn't sat there. Tahimik na tumabi sa akin si Maverick.

"Do you want to tell me something?"

I let out an audible breath. I'll tell him. Whatever his reaction would be, I'll understand.

__________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro