CHAPTER 2
CHAPTER 2
"Sands of Time"
Natatakpan nang makapal na ulap ang buong kalangitang inaagaw na ng dilim. Marahan ang pagpagaspas ng mga sanga ng kakawating idinuduyan ng hangin.
Napahikab ako habang pinagmamasdan ang madre de cacao o ang kakawati sa likod ng bahay namin. Simula talaga noon, paborito ko na itong pagmasdan, lalo na kapag namumulaklak na ito.
Madalas nga mag-isa lang ako rito sa likod ng bahay habang pinapanood ang mga ito—gaya ngayon, mag-isa lang ulit ako habang nakaupo rito sa kawayang upuan.
"Nandito ka lang pala, kaya pala wala ka sa kuwarto mo."
Lumingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Ate Charity, ang nakatatanda kong kapatid. Naglakad siya palapit sa akin at marahang hinimas ang balikat ko. Hinawakan ko naman ang kamay niya.
"Hindi ka pa ba papasok sa loob?" tanong pa ni Ate.
"Mamayang kaunti siguro," tugon ko at muling ibinalik ang tingin sa puno ng kakawati.
"Hindi ka ba nagsasawang panoorin 'yan?" tanong niya ulit at tinabihan ako. "Dumidilim na ang paligid, oh."
Bumuntong-hininga ako saka ngumiti. Ibinaling ko ang tingin kay Ate. "Sinusulit ko na habang may oras pa."
Namumula ang mga mata ni Ate at medyo nagtutubig na rin. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at pinisil-pisil niya.
"Hope, may pag-asa pa. If we could only find a donor, you will live longer," wika niya.
Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko, para bang ayaw niya akong pakawalan. Tumango-tango naman ako. Ayaw ko namang sirain ang hope niya para sa akin. Gusto kong ipakitang lumalaban din ako gaya ng kung paano nila ipaglaban ang buhay ko, kahit na ang totoo ay nawalan na rin ako ng pag-asa. Kahit na gaano ko kagustong mabuhay, wala na talaga akong pag-asa pa.
Lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko saka ngumiti. "Kung magma-match lang sana ang kidney natin, matagal ko nang ibinigay 'yong isa ko para sa 'yo."
Parating sinasabi iyan ni Ate Charity, pero kahit gaano niya kagustong i-donate ang kidney niya ay hindi kami magka-match. Sina Mama at Papa naman ay mga hypertensive at diabetic, kaya hindi sila puwedeng maging donor ko kahit gusto nila.
"Ang bait mo talaga, Ate Cha! Puwede ka nang pagawan ng monument bilang Best Ate," biro ko sa kanya.
Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko. "Nakuha mo pa talagang magbiro, Hope."
"Syempre, laugh as you live," tugon ko at saka tumayo.
Pero, ang totoo niyan, gusto ko na talagang umiyak. Ayaw ko lang na mas lalong lumuha si Ate.
"Oo nga pala, bago kita puntahan dito ay dumating na naman si Gabriel," saad ni Ate. "May lakad daw kayo bukas para doon sa bucket list mo."
Napakagat ako sa aking labi. Naalala ko na naman 'yong sinabi niya noong nakaraang araw na siya raw magiging boyfriend ko.
Loko-loko talaga ang chickboy na 'yon. Wala pang isang araw noong i-break siya, 'tapos ako naman ang isusunod niya.
Well, alam ko namang biro niya iyon—hay, ewan! Pero kasi, noong sinabi niya iyon, hindi ko na siya kayang tignan sa mga mata. Hindi ko alam kung bakit.
"Oh, anong problema? Bakit mukha kang natatae riyan?"
"Ate Cha, ikaw na lang ang pumasok sa loob. Sabihin mo naglayas ako para hindi niya na ako kulitin!"
Humagalpak namanng tawa si Ate Cha saka tumayo. "Hay naku, Hope! Harapin mo na lang siya para makauwi na rin ang loko."
Umiling-iling ako. "Sabay na tayo, Ate."
Nag-pout pa ako sa kaniya. Mukha na tuloy akong siopao na nakanguso.
"Mauna ka na, Hope, gusto ko lang magpahangin saglit," sabi ni Ate.
Wala na akong nagawa kundi pumasok sa loob ng bahay. Pagkarating ko sa kusina, dahil mayroong pinto roon papunta rito sa likod ng bahay, nadatnan kong nagsasaing si Mama ng kanin. Napasinghap naman ako nang maamoy ko ang halimuyak nang pinghalong pandan at kanin.
"Ang bango," bulong ko.
"Mukhang may deep talks kayo ng ate mo, ah," wika ni Mama habang inaalis niya 'yong dahon ng pandan mula sa kanin.
"Slight lang po dahil pinapapasok niya na ako."
"Oo, dumating kasi si Gabriel at hinahanap ka." Ngumisi pa si Mama. "Mukhang kayo naman ang magkakaroon ng deep talks sa dagat bukas."
Mukhang uumpisahan na namin ang aking bucket list. Sabi niya kasi kahapon, dapat wala kaming sayanging oras dahil mabilis ang paglipas ng mga araw. Unti-unti na ring nauubos ang oras ko.
Sabi pa nga niya, "Kaya dapat pumayag ka nang maging boyfriend ko para magka-jowa ka bago mamaalam."
Loko talaga ang lalaking iyon!
"Sige po, Ma, puntahan ko muna siya."
Makahulugang ngiti naman ang ibinigay sa akin ni Mama bago ako umalis.
Pakamot-kamot pa ako sa noo habang naglalakad papuntang sala. Doon ay nadatnan ko si Gabriel na nakatulala sa kawalan. Mukhang iniisip niya na naman 'yong jowa niyang nagloko. Kaya pala hindi ko nakapalagayan ng loob noon si Maxine ay dahil cheater naman pala siya.
"N-Nandito ka na naman pala, B-Briel."
Tumingin naman siya sa kinaroroonan ko at umayos nang pagkakaupo. Saglit naman siyang napatitig sa akin. His eyes widened, ngunit siya na ang naunang umiwas ng tingin.
"Ready ka na ba bukas? Tutuparin natin 'yong nangunguna sa bucket list mo," sabi niya nang hindi pa rin nakatingin sa akin.
Lumakad pa ako papalapit sa kaniya habang suot ang malawak na ngiti. "Magdadagat talaga tayo bukas?"
Sa pagkakataong ito ay ibanaling niya na sa akin ang kaniyang tingin, at umukit din ang kaniyang ngiti, kasabay nang paglitaw ng kaniyang mga biloy.
"Bakit, ayaw mo ba?"
"Gusto ko!"
"Nice! Madaling araw tayo bukas para mapanood natin 'yong sunrise," saad niya sabay tayo.
"Talaga? Gusto ko ng sunrise!"
Halos yakapin ko pa siya sa tuwa dahil gustung-gusto ko talagang mapanood ang sunrise sa dagat. Ever since I was diagnosed with kidney failure, hindi ko pa nasusubukang magdagat ulit.
Mabuti na lang ay napigilan ko ang sarili ko, at hindi ko siya nayakap. For sure, bibiruin niya na naman ako 'pag ginawa ko 'yon.
***
"Sumisilip na 'yong araw," sambit ko at itinuro ang araw na marahan ang pagsikat. "Ang ganda."
Hindi ko inalis ang pagkakapako ng aking tingin sa kalangitan habang nakaupo kaming dalawa ni Gabriel sa buhanginan. Unti-unti nang sumisilay ang sinag ng araw at nahahaluan na ng kulay kahel ang asul na kalangitan.
"Huwag mo namang titigan nang ganiyan ang araw, baka masira pa iyang mga mata mo," sita sa akin ni Gabriel.
Nilingon ko naman siya at gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kong ang lapit pala ng mukha niya sa akin. Nararamdaman ko na nga ang paghinga niya.
Iniwas ko na lamang ang aking tingin at muling ibinaling ang atensyon sa dagat. Banayad naman ang pag-alon nito kasabay ng malamig na ihip ng hangin.
"Ang ganda talaga ng sunrise, ano?" saad ko.
"Hmmm... sakto lang," tugon naman ni Briel. "Hindi kasi ako fan ng sunset and sunrise. Mas gusto ko kasing panoorin 'yong buwan at mga tala," dagdag pa niya.
Sabagay, iba rin kasi ang comfort na ibinibigay ng buwan. Para bang sinasabi nito, "Nandito lang ako, kasama mo sa pagdilim ng iyong mundo." Pero para sa akin, iba ang impact ng sunrise.
"Ang ganda kaya ng sunrise. It's like God designed it to tell us that there is a light waiting for us after the darkest nights, and that no matter what happens, God's light will still illuminate upon us," paliwanag ko naman.
Pero papaano naman ako? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapaburan ng Diyos?
"And I also strongly believe that you will survive and live longer," dugtong naman ni Briel.
Idinantay pa niya ang kaniyang ulo sa aking balikat. Napasinghap naman ako sa ginawa niya.
"Hope hopes so."
Sana nga ay maka-survive ako. I've been waiting for the day na pagagalingin ako ng Diyos, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin.
Bumungisngis siya sa winika ko, at sabi niya, "See, kaya nga Hope ang pangalan mo kasi there is still hope."
Then I realized, baka nga talagang gusto na akong kunin ng Diyos.
Ngumiti naman ako. "I still have faith in Him, kahit papaano, pero kung talagang kukunin niya na ako, wala akong magagawa. Baka 'yon na rin ang way niya para lumaya ako mula sa pagpapahirap sa akin ng sakit na ito."
"Hope..."
Dumampot naman ako ng buhangin saka ito unti-unting pinakawalan sa hangin. "Just like this sand, unti-unti nang nauubos ang oras ko."
"Please, huwag mong sabihin iyan," may bahid nang pagmamakaawang sabi ni Gabriel.
"Alam mo, na-realize ko na hindi ko hawak ang oras ko. Kaya, thank you for making the rest of my life remarkable," wika ko pa.
"Tama na nga! Hindi na kita sasamahan kung paiiyakin mo rin lang ako sa mga sinasabi mo."
Akmang tatayo si Briel kaya hinila ko 'yong manggas ng kaniyang itim na t-shirt.
"On the second thought, I'll try my best to fight for my life," saad ko at nginitian siya nang malawak.
"Good," tugon niya at ginulo ang buhok ko.
"Iyakin ka kasi, kaya ka ipinagpalit ni Maxine," biro ko sa kaniya sabay binelatan siya.
He rolled his eyes. "Nagmo-move on na nga 'yong tao, 'tapos pinaalala mo pa ulit."
Tuluyan siyang tumayo at inilapit sa akin 'yong portable oxygen tank sa tabi ko. "Just in case na mahirapan kang huminga, gamitin mo kaagad ito."
"Saan ka ba pupunta?"
"Kukuha lang ako saglit sa sasakyan ng makakain natin."
Tumango-tango naman ako at pinanood siyang naglakad palayo. Pagkatapos ay pinanood ko na ulit ang dagat.
Iginala ko ang aking paningin. Mangilan-ngilang pa lang pala ang mga tao rito at malayo ako sa kanila. Maliban na lang doon sa isang babaeng naglalakad sa tabi ng dagat na hinahampas ng maliliit na alon. May sampung metro rin siguro ang layo niya sa akin, at mukhang kaedad ko lang siya.
"Bulag ba siya?" tanong ko sa aking sarili habang pinapanood siya.
May gamit kasi siyang tungkod na gawa sa kahoy, at ginagamit niya iyon para i-navigate ang kaniyang daan. Tulala rin siya habang naglalakad.
"Ay, hala!"
Halos mapasigaw ako nang makita kong mas lumaki ang along papalapit doon sa babae. Awtomatiko akong napatayo, pero bago pa ako makatakbo ay nahampas na nga ng alon 'yong babae. Natumba ito sa buhanginan at kinapa ang kaniyang paligid na para bang may hinahanap.
"Oh no, no, no! 'Yong tungkod niya!"
Sa pagkakataong ito ay napatakbo na ako palapit sa kaniya, at hindi na ininda ang panghihina ko. Mas binilisan ko pa ang takbo patungo sa kaniyang tungkod na tinatangay na ng dagat.
"Huli ka!" sigaw ko sabay dampot sa tungkod niya.
Sunod ko namang inalalayan sa pagtayo 'yong babae, at ibinigay ko sa kaniya ang tungkod habang hinahabol ko ang aking hininga.
"Thank you," usal niya.
"W-Wel... come!"
Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang hingal. Halos hindi na rin ako makapagsalita. Parang kinakapos ako sa hangin, at nanlalambot na rin ang mga tuhod ko. Mayamaya'y naninikip na ang aking dibdib. I tried to catch my breath.
Napaluhod ako sa buhanginan habang nakahawak pa rin sa aking dibdib. Marahas akong lumanghap, subalit tila walang pumapasok na hangin sa ilong ko.
"I-I... I can't... b-breathe!"
Sinuntok-suntok ko pa ang dibdib ko, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ako makalanghap ng hangin. Napatingin ako sa kinaroroonan ko kanina—naroon 'yong oxygen tank ko!
Sinubukan kong tumayo, subalit bigla na lang umikot ang paningin ko. Sunod ko na lang namalayan ay nakabulagta na ako sa buhanginan, at unti-unti nang nandilim ang aking paningin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro