Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

CHAPTER 1

"The Bucket List"


"Gusto ko pang mabuhay," iyan ang madalas kong sambitin sa aking isip tuwing nagpapa-dialysis ako. I was so desperate to live to the point na paulit-ulit ko itong ibinubulong noon hanggang sa makatulog ako.


"How I really wish I could live longer," saad ko at napangiti nang mapait. "But I only have less than two months left to live."


Humugot ako nang malalim na hininga at pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hangin. Ibinaba naman ni Gabriel, ang long term best friend ko, ang phone na pinangvi-video niya sa akin.


Narinig ko pa ang mahinang paghikbi niya sabay punas sa kaniyang luhang dumadaloy na sa kaniyang pisngi. Dahan-dahan akong tumayo mula sa upuan ng aking table, at tinabihan ko siya sa pagkakaupo sa dulo ng aking kama


Marahan kong hinaplos ang kaniyang likod. "Kahit wala naman na ako, ikaw pa rin ang best friend ko."


Ayaw ko nang ganito. Ayaw kong nakikitang lumuluha ang mga mahal ko sa buhay dahil sa akin. Last year, I was diagnosed with end-stage kidney failure due to glomerulonephritis. My kidneys' glomeruli, which acts as filters, were damaged.


Unti-unti ko na lang tinanggap na kailangan ko nang isuko pati ang mga pangarap ko. Eksakto noong magi-internship na ako sa college sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in English, na-diagnose naman akong may kidney failure.


Akala ko noon, 'yong mga dinaradam ko ay dahil sa labis na stress, pero noong nagpa-laboratory ako for our internship, doon na-detect na may kidney failure na pala ako. Of course, parang pinagsakluban ako ng langit at lupa kasi kaunti na lang ay ga-graduate na ako.


Walong buwan din akong nag-dialysis, not until last month n'ong patigilin ako. Hindi na gumagana sa akin ang dialysis, at ang tanging paraan na lang para mabuhay ako ay through kidney transplant. My doctor told us that I only have less than two months to live. Mahaba na raw iyon.


I really wanted to live. Pero saan naman kami kukuha ng donor? Kahit na may pera kami, hindi gan'on kadali ang makahanap nang magdo-donate ng kidney sa akin.


Until now, walang donor. Sa pagdaan ng mga araw, mas lalo na akong nanghihina. Araw-araw ay natatakot ako na baka sa pagtulog ko ay hindi na ako magising pa; na baka lisanin ko ang mundong ito nang hindi nakakapagpaalam.


Hanggang sa unti-unti ko na lang tinanggap na wala na talaga akong pag-asa. Isinuko ko na pati ang pangarap ko. I decided to live my remaining months to the fullest. I wanted to leave the world with my sweetest smile kahit pa nanghihina ako.


"Hope, hindi ko kaya."


Muling napahikbi si Gabriel at niyakap ako.


"Gabriel, hindi pa ako patay, kaya huwag mo pa akong iiyakan," litanya ko kahit na maging ako ay naluluha na rin.


Kumalas siya mula sa pagkakayakap at saka pinunasan ang kaniyang mga luha. "Hindi naman kasi ikaw ang iniiyakan ko."


Tinaasan ko siya ng kilay. Medyo umurong na nga rin 'yong luha ko.


"Break na kami n'ong girlfriend ko," sabi pa niya kaya napasapo na lang ako sa noo ko.


Medyo assuming pala ako sa part na akala ko ako 'yong iniiyakan niya.


Akala ko talaga umiiyak siya dahil gumagawa na ako ng documentary ng last days ko, pero ang jowa niya pala ang iniiyakan niya.


"Bakit? Ano bang nangyari?" tanong ko.


Eksakto namang may panyo sa kama ko, kaya dinampot ko iyon at ibinigay sa kaniya. Tinabihan ko pa siya para sana i-comfort siya.


"Hindi ko talaga akalaing ipagpapalit niya ako sa mukhang tuko!" tugon niya sabay punas sa uhog.


Napatayo naman ako sa narinig ko, subalit sa pagtayo ko ay bahagyang nandilim ang paningin ko, at umikot ang paligid ko. Napahawak tuloy ako sa balikat niya.


Alam kong may girlfriend si Gabriel, si Maxine, iyon nga lang ay hindi ko ka-close.


"Ang malas naman niya, nakuha niya pang ipagpalit ang Gabriel Santos. Hindi na siya makakahanap pa ng mas pogi kaysa sa 'yo," wika ko nang maka-recover ako.


"Salamat talaga, Hope, dahil napaka-supportive mo sa akin," mangiyak-ngiyak na sambit niya matapos niyang singahan 'yong panyo ko. "Siguro, hindi na rin ako makakahanap pa ng isang katulad mo 'pag wala ka na," dagdag pa niya.


Hindi ko alam kung matutuwa ako sa compliment niya o maiiyak dahil ipinapamukha niya sa akin na darating nga ang araw na mawawala ako sa buhay niya—sa buhay ng pamilya ko.


Umupo na lang ulit ako sa tabi niya. Pagkaraan ng ilang saglit ay tumayo siya at nagtungo sa study table ko. Nagkalat doon ang iba't ibang kulay ng mga ballpens at ang nag-iisang makapal na asul na notebook.


"May patago kang isinusulat kanina noong naglalaro ako sa phone. Let's see kung anong nakasulat dito." Akma niyang bubuklatin ang asul na notebook ko, ngunit mas mabilis pa sa kidlat kong kinuha iyon sa kaniya.


"Pakialamero ka talaga, Briel! Kaya ka ipinagpalit ng jowa mo, eh!" singhal ko sa kaniya.


Tinaasan niya ako ng kilay, at pinagkrus niya pa ang kaniyang mga braso. "Ito naman, curious lang naman ako kung ano itong isinusulat mo."


"Fine, I was writing about the last moments of my life. Itinatago ko ito kasi..."


Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko, at tila pinipiga ang puso ko. Nag-init na ang sulok ng mga mata ko, at unti-unti na ngang dumaloy ang luha ko.


Huminga ako nang malalim at inilapag sa tabi ko ang notebook. "Itinatago ko ito kasi ayaw kong mabasa niyo kung gaano ako kumakapit sa katiting na pag-asang baka mabuhay pa ako nang kahit ilang taon."


Marahas kong pinunasan ang pisngi ko dahil basa na ito sa luha. Lumapit naman sa akin si Briel at hinawakan ang kamay ko. Marahan niyang pinisil ang palad ko. His hand was so warm and comforting.


Tiningala ko siya at napatitig sa kaniyang mga matang namumula pa rin dahil sa pag-iyak niya kanina.


I whispered, "I want to live, Briel. Tulungan mo ako."


Kulang na lang ay lumuhod ako at magmakaawa.


Binitiwan niya ang kamay ko at muli niyang kinuha ang notebook ko. Ipinatong niya iyon sa lap ko.


"Hindi ko kayang pahabain ang buhay mo, Hope, kahit na gaano ko kagusto," sabi niya.


Luminga siya sa study table ko at kumuha roon ng black ballpen. Inabot niya iyon sa akin. Kinuha ko naman iyon kahit na wala akong ideya kung bakit niya iyon ibinigay.


"Para saan ito?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa kaniyang mukha.


"Ilista mo lahat ng gusto mong gawin, at sasamahan kitang tuparin iyon," tugon niya sabay ngumiti.


Heto na naman siya sa malawak niyang ngiti. Umaabot hanggang sa bilugan niyang mga mata.


"Y-You mean gagawa ako ng bucket list?" tanong ko pa, at inilipat ko ang aking tingin sa notebook ko.


Medyo nangawit na nga ang leeg kong nakatingala dahil sa tangkad niya.


"Yup! At tatawagin natin iyong 'Hope's Bucket List'!"


Umupo siyang muli sa tabi ko at sinamahan akong buklatin ang notebook. Napalunok pa ako sa kaba dahil baka may mabasa siya sa diary ko.


"Ako na," matipid kong sabi.


Sinimulan ko na nga ang pagsusulat. Ang dami kong gustong gawin, pero hindi ko na kayang gawin ang ibang mga naiisip ko. Gusto ko sanang isulat 'yong maranasang mag-dive sa mga falls o kaya mag-sky diving, pero hindi ko na kaya ang mga iyon.


Gusto ko rin sanang sumali pa sa mga marathons, pero madali na akong hingalin. Noong wala pa akong sakit, hindi ko pinalampas ang mga fun runs, pero kahit tumakbo lang ng ilang metro ngayon ay hindi ko na makakaya pa. Ilang hakbang pa nga lang ay nauubusan na ako ng hangin.


Pagkatapos ng ilang minutong pagsusulat ay ibinigay ko na ang bucket list ko kay Briel. Binasa niya naman iyon at may pagkakataong napapangiti siya. Sumisilip tuloy ang kaniyang mga cute na dimples.


"Teka, may kulang dito," puna niya at kinuha sa akin ang ballpen.


Mayamaya'y may isinulat siya sa dulo ng aking bucket list.


"Magkaroon ng first boyfriend," basa ko sa isinulat niya. "Hindi naman 'yan attainable, eh!"


"Magtiwala ka lang, Hope. Malay mo naman may magkagusto pa sa 'yo at iibig sa 'yo nang sobra. Isa pa, twenty-four ka na pero hindi mo pa rin nararanasan kahit ligawan."


Sino naman kaya ang magkakagusto sa akin? Sa ospital lang ako madalas na nakatambay noon. Ngayon naman, nasa bahay lang ako. Imposible namang may bigla na lang mag-teleport na ibang lalaki rito sa bahay namin.


At saka, kung sakali mang bigla na lang may mag-teleport dito sa bahay, magugustuhan niya ba ako? Manas na ang mukha ko—ang halos buong katawan ko.


Hindi na ako 'yong dating Hope na bagamat hindi katangkaran, may balingkinitang katawan.


"Tanggalin na natin iyan, hindi iyan mangyayari," giit ko.


"Malay mo naman kasi," pagpupumilit niya rin.


"Eh, paano kung wala nga?" tanong ko.


Inangat niya ang kaniyang tingin at muling tumitig sa aking mga mata. "Ako ang magiging boyfriend mo, Hope. Liligawan kita."


Unti-unti niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Bago pa siya mas makalapit sa akin ay sinapok ko ang kaniyang ulo.


"Kagagaling mo lang sa breakup, Gabriel! Gagawin mo paakong panakip-butas!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro