Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4:

Labing dalawang araw na ang nakalilipas simula ng mahuli akong tumakas at isumbong ni Ser Hector sa Ama ko. I have been detained in my room since then. Hindi rin pinapalabas ng bahay si Tina kaya hindi ko ito mautusan para puntahan si Tyronne at ibigay ang sulat ko para makapagpaliwanag.

"Milady, you didn't eat much again today." Nag-aalalang sabi nito sa akin at pinalitan ng panghimagas ang tanghalian na halos hindi ko nagalaw.

Paano ako kakain kung dalawang araw nalang ay aalis na si Tyronne at hindi man lang kami nakapag-usap? Galit kaya siya na hindi ako nakapunta sa mga natirang araw ng pagkikita namin? I even told him I'd see him again the next day, but I couldn't make it and to the rest of our dates.

Wala akong kaideideya sa kung ano man ang nangyayari sa labas. Hindi rin ako mabisita ni Prince Marion dahil sinabi ng ama ko na mayroon akong sakit at baka mahawa ito kapag binisita ako na hindi pa magaling. Binigyan ako ng sulat ni Marion at pati na rin ng mga bulaklak, pero ang lahat ng mga sagot ko sa mga sulat ng Prinsipe ay tinitingnan at binabasa ng Konde kaya hindi ko masabi ang totoo.

Humarap ako sa may salamin. Hindi na ganoon kahalata ang pasa ko sa mukha, maliban nalang kung tititigang mabuti, gawa ng malakas at paulit-ulit na pagsampal ng ama ko sa akin. Pumutok rin ang labi ko dahil tinamaan ng singsing na suot niya. My father believed that I had already thrown myself to a man and had brought shame to the Campbelle Countdom. Kaya ganun nalang ang galit nito at walang pakundangan ako kung saktan.

"How was it, Milady?" Tanong niya at nakatingin sa hawak kong panyo.

"Almost done." May kirot sa dibdib kong sagot. Dahil nga hindi ako makalabas ng silid, kahit man lang sana makapunta sa may garden para magpahangin, ay mabilis kong natapos ang ginagawa.

Nagburda ako sa isang panyo para kay Tyronne, na ibibigay ko sana bago ang pag-alis niya patungo sa digmaan. The design is a little complicated, and it took me days to almost finish it. Pero kahit pa matapos ko ito ngayong araw ay mukhang hindi ko naman maibibigay sa kanya.

I embroidered a wolf, and beneath it are blue roses with blackthorns. The symbol of the mighty Elwindor Barony. Niyakap ko ang panyong hawak at napahikbi. Dalawang simbolo ng inaasam kong hinaharap, na ngayon ay malabo ng matupad.

"Milady," Tina cried and hugged me. "I'm sorry. If I didn't get caught, this would not happen." Umiyak rin siya.

"It wasn't your fault, Tina." I assured her.

Kung may mas napahamak man ng husto dahil sa nangyari ay si Tina na iyon. The Count whipped her legs until they bled, at binawasan rin nito ng malaking porsyento ang sahod ng personal maid ko. Hanggang ngayon nga ay iika ika pa rin ito ng lakad, at ang mas inaalala ko ay marami itong mga nakababatang kapatid na umaasa sa kanya, lalo pa at may sakit ang ina nila at namayapa naman na ang kanilang ama. Dahil sa akin ay napahamak siya, pero pinagsisilbihan pa rin niya ako ng buong puso.

A double knock was heard outside of my room. Senyales iyon ng mga Knights na nagbabantay sa labas na kailangan ng lumabas ni Tina sa loob ng silid. Hindi ito pinapayagang magtagal sa kwarto ko dahil baka mayroon nanaman daw kaming kalokohang gagawin. Ang sabi ni Tina ay may apat na Knights daw na nagbabantay sa labas ng silid, at marami namang Knights ang rumoronda sa labas.

"Call me if you need anything, Milady." Paalam nito at lumabas na.

Ipinagpatuloy ko nalang ang ginagawa. One more leaf, and I'm done.

In less than 30 minutes ay natapos ko na ito. I want Tyronne to have this, so he will be reminded that I will be waiting for him no matter what.

Dalawang taon ko siyang hindi makikita. At sa ganitong paraan pa kami maghihiwalay. Paano kung sa pagbabalik niya ay nalimot na niya ako at hindi na alukin ng kasal?

Kakayanin ko ang maghintay ng kahit na gaano katagal na panahon, kahit ilang ulit pang dumoble ang dalawang taon, basta bumalik lang siya sa akin at maging asawa niyang muli. Hindi ko kakayanin na kung sa ikalawang pagkakataong ito ay hindi ako maging parte ng buhay niya. I've waited and prayed for this many times in my previous life.

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang ginawa kong panyo para sa kanya. At dahil nga wala naman akong ibang ginagawa, I added our initials at the bottom of the handkerchief.

T&A.

Nang sumapit ang gabi ay mas lalo na akong nanlumo. Palapit na ng palapit ang araw ng pag-alis niya at narito ako, walang magawa para makausap man lang siya.

Sumampa ako sa kama at muling umiyak. Kahit ilang oras kong iiyak ang sakit na nararamdaman ay hindi ito nababawasan, at pakiramdam ko ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko.

"Good night, Milady." After extinguishing all the candles with a snuffer, Tina left my room.

Pagod na akong umiyak, pero kahit anong pilit ko na makatulog ay hindi ko naman magawa. Na kay Tyronne ang buong isipan ko. Ganito din kaya ang nararamdaman niya noong nanlilimos siya ng atensyon sa akin? Kung nasasaktan man ako ngayon ay nararapat lang dahil sa mga ginawa ko sa kanya dati.

Pero hindi pa ba sapat ang lahat ng pinagdaanan ko para bigyan niya ng kahit konting pagkakataon ngayon?

"Kahit katiting lang ng pagmamahal na ibinigay mo dati ay tatanggapin ko ng buong puso, basta maranasan ko lang na mahalin mo ulit." Bulong ko.

Napabangon ako sa kama ng may marinig na kaluskos. I've left my balcony open for fresh air, and now I'm scared. Naalala ko ang mga kwento nang pagnanakaw sa ilang Noble houses at dumadaan daw ang mga ito sa mga nakabukas na balconies.

Malapit na ako sa may pinto para isara iyon ng bigla nalang may malaking anyo na tumalon at ngayon ay nakatayo na sa may balcony ko.

Of all the days bakit naman ngayon pa may magnanakaw na dumating?!

"Ahh—hhmmpph!" Putol kong sigaw ng bigla nalang itong lumapit at tinakpan ang bibig ko.

No, Am I going to die?

"Abby, it's me." He whispered.

The familiar voice kept ringing in my ears.

He grabbed his hood and took it off. The man I've been thinking about for days is before me.

Panaginip ba to?

Pinaglalaruan na ba ako ng isipan ko?

Are my eyes playing tricks on me?

"Abby? Are you alright?" Pero bago ko pa man masagot ang tanong niyang iyon ay bigla nalang nagdilim ang lahat.

I didn't know how long I was unconscious, but I woke up to the sight of my canopy. Doon ko napagtanto na baka panaginip lang ang nangyari dahil masyado kong iniisip si Tyronne. Lumingon ako sa balcony, at mas maliwanag na ang silid ko kumpara kanina dahil sa sinag ng buwan. Palatandaan ko iyon na malalim na ang gabi.

But when I turned to my right to get a glass of water, my jaw dropped at the sight of a man sitting at the edge of my bed, looking intensely at the embroidered handkerchief I had made for him, even brushing over our initials with his thumb.

Ang lahat ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa na naramdaman ko nitong nagdaang nga araw ay agad na napalitan ng kasiyahan at pag-asa.

"Ty–" Napabangon ako, at hindi ko pa man natatapos banggitin ang pangalan niya ay lumingon na siya.

He didn't say a word, instead grabbed my hand and put the handkerchief on my palm.

"I made it for you." Mahinang usal ko upang hindi marinig ng bantay sa labas.

"I can't have it." He refused.

Maiksing salita, pero dinurog ng pino ang puso ko.

To reject a lady's handkerchief means rejecting her intentions as well.

"Don't cry, Abby." He tried to wipe the beads of tears running my cheeks, but I tapped his hand away.

"You shouldn't have come if your only intention is to torment me." Pinunasan ko ang mga luha ko. "Please leave." Humarap ako sa kabilang side ng kama at isinubsob ang mukha sa unan.

"I am leaving the capital tomorrow to lead the Knights in the battle of the Narrow Sea. I came to bid farewell."

"W-What?" Muli akong napaharap sa kanya sa gulat.

Sa susunod na araw pa dapat ang alis niya.

"I cannot accept the handkerchief because I cannot promise my return."

I shook my head. "Hihintayin kita kahit matagalan ang pagbabalik mo. Alam kong babalik ka ng ligtas." Dalawang taon. Kaya kong maghintay ng dalawang taon.

"You don't know that. Digmaan ang pupuntahan ko, Abby. Walang kasiguraduhan ang buhay ko roon. You'll be wasting your time, and your youth if you'll wait for uncertain things such as my return."

"Hihintayin kita." Ulit ko. "Kahit gano katagal pa. Pangako ko yan." Muli kong inilahad ang panyong ibinalik niya kanina.

Hindi siya sumagot, instead his gaze lowered and his brows knit together. He reached out his hand to my face, pero sandali siyang nag-alinlangan, bago marahan niyang hinaplos ang dulo ng labi ko.

Remembering my busted lips, I drooped my head and used my hand to combed a handful of my hair to cover the side my face.

"Who did this to you?" Hindi ko na siya nagawang pigilan ng iangat niyang muli ang mukha ko at mas sinuri pa lalo ang labi ko. His thumb brushes over my cheeks too. I was praying so hard na sana ay hindi niya makita ang naiwang bakas ng kalupitan ng ama ko.

I gulp seeing the muscle of his jaw twitch and the anger in his face gets worse by the second.

"Who did this to you?" This time he's demanding for an answer.

"I,"

"Did the Count do it?" Ni hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong makagawa ng palusot.

But it was too late to deny it, since my tears have betrayed me.

"It was my fault. H-Hindi kasi ako nakapagpaalam nung unang tagpo natin." Pag-amin ko sabay punas sa mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak.

"This is why I told you to stop this!" Bumaba ang hawak niya sa magkabila kong balikat. "I knew it, the Count would never approve of us to begin with." The grip of his hands on my shoulder is uncomfortable, pero natuwa ako sa huli niyang sinabi.

"Ibig mo bang sabihin, nung umpisa palang, you were considering a relationship with me?"

"What?" Nabitawan niya ang balikat ko. "Stop twisting my words, Abby!" Tumayo siya at lumayo sa akin.

He walked towards the balcony, kaya nagmamadali akong bumaba ng kama at tumakbo para pigilan siya sa pag-alis.

"Tyronne, sandali!" I hugged his back.

"Let's stop this. I can't let you get hurt because of me." Sinusubukan niyang alisin ang mga kamay kong nakayakap sa kanya, pero mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko.

Umiling ako para maramdaman niya ang sagot ko.

He sighs, and turns around to face me. Hindi ko pa rin siya binibitiwan dahil baka bigla siyang tumakbo paalis.

"I swear, you are going to forget about me. Your feelings will pass, and you'll find someone else. Masyado ka pang bata kaya nagpapadalos dalos ka ng desisyon. Once you're older, you'll realize that your feelings for me are nothing but temporary." Pag-aalo niya na para bang kumakausap ng isang bata.

Muli akong umiling bilang pagtutol sa sinabi niyang yun.

"You promised me something when I agreed to date you for a week." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Alam ko kung ano ang gusto niyang gawin.

"We didn't date for a week."

"My feelings didn't change. I don't like you one bit." He ignored my words. "As you promised, Lady Abigail. Stop bugging me."

"No! Lies! This isn't what we talked about! You promised me a week!" Sumbat ko.

"Milady, is everything alright?" Napasinghap ako ng biglang may nagsalita mula sa labas ng silid ko.

The Knights.

Out of panic, I grabbed Tyronne's hand and pulled him towards my closet and pushed him inside. The door to my room swung open the moment I closed the closet doors.

"What is wrong, Milady?" Gusto kong ipagtabuyan sila palabas dahil sa kabastusang pumasok sila ng silid ko ng walang pahintulot, pero alam ko namang hindi sila makikinig dahil ipinag-utos ng ama ko na gawin nila ang lahat masiguro lang na hindi ako makatakas. And the Count grants the permission that they could barge into my room at any time they feel like something is off.

"Nothing. A cat came inside and I was shooing it away. But it already ran out to the balcony." Kunwari akong lumapit sa may pinto ng balcony at isinara iyon. I even closed the curtains. "I'm going back to sleep now." I told them. Kunwari pa akong lumapit sa kama ko.

The Knights scanned my room with their eyes. Kinakabahan ako na baka hindi sila maniwala. Pero makalipas ng ilang segundo ay lumabas na rin sila. Napahawak ako sa dibdib sa sobrang kaba.

Dahan dahan akong lumapit sa may closet at maingat na binuksan iyon. Tyronne is sandwiched between my hanging dresses, and his hand is at the pommel of his sword.

"I'm sorry about that." Bulong ko.

Pareho kaming napabuntong hininga.

He was about to step out of the closet but I stopped him by hugging him again. Nauubusan na ako ng paraan para pigilan si Tyronne. Mukhang mas mainam na hinayaan ko siyang mahuli ng mga Knights dito sa loob ng silid ko. My father is a proud man, at sa halip na mas mapahiya ang pamilya, tiyak na mas gugustuhin nitong ikasal ako sa lalaking iniisip niyang lumapastangan sa anak at dangal ng pamilya niya. Pero ayaw kong pikutin siya para matali sa akin. I don't want him to marry and resent me forever.

"K-Kung talagang hindi kita mapipigilan, please allow me to hug you for as long as I want." Pakiusap ko.

Kung ito na ang huling yakap ko kay Tyronne, sana ay payagan niya akong yakapin siya hanggang sa magsawa ako.

"Mahal na mahal kita." I whispered. "Pero kung talagang ayaw mo sa akin, sisikapin kong patayin at itago sa kasuluksulukan ng puso ko ang nararamdaman ko para sayo. Hinding hindi na ulit ako magmamahal ng iba pa."

"Don't say that." Hindi ko alam kung nakalimot ba siya, pero ang mga kamay niya ay unti unti ring pumaikot sa akin para sa isang mahigpit na yakap.

"Why are you doing this to me? Alam kong nakakainis na ako, pero bakit mo ako binibigyan ng pag-asa kung wala ka namang pagmamahal na ipapangako sa akin? Bakit mo pinaglalaruan ang damdamin ko? Ang sama sama mo!" Sumbat ko at kumawala ng yakap saka pinaulanan ng hampas ang dibdib niya. "Ang sama sama mo!" Ulit ko at ngayon ay umiiyak na.

He remained still hanggang sa napagod na akong ulit ulitin ang mga sinasabi at napaupo nalang sa sahig habang umiiyak.

Ang sakit ng karmang ibinalik sa akin dahil sa mga ginawa ko sa kanya dati.

"A-Alis na!" Tumayo ako at tumakbo sa kama saka dumapa roon para umiyak.

Ilang minuto bago ako nakarinig ng mga paghakbang. Nakita ko siyang lumapit sa may pinto at hinawi ang kurtina. Lalo akong nanlulumo dahil alam kong tuluyan ng nawala sa akin ang pagkakataong makasama siya. I buried my face in the pillow dahil ayaw kong makita ang pag-alis nya. I heard a low creaking sound of the door opening. That's it. He's gone.

"Are you really going to wait for me?" Mabilis akong napalingon ng marinig iyon. He didn't leave.

Tyronne is not standing at the balcony door anymore, but at the end of my bed.

Hindi ko magawang sumagot dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. I really thought he left me.

Mas lalo akong hindi nakaimik when he knelt down to his knees and reached for the hem of my nightgown, and kissed it.

"T-Tyronne," Napasinghap ako sa ginawa niyang yun. That kind of devotion should only be done to someone such as the King, or other members of the Royal family o di kaya sa taong susumpaan mo ng katapatan at paglilingkod habang buhay.

"Kapag nakabalik ako ng ligtas, at hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman mo para sa akin. Pakakasalan kita." Hawak hawak pa rin niya ang saya ng damit ko.

"Tyronne!" Gusto kong sumigaw sa sobrang tuwa pero kailangan kong hinaan ang boses ko. Sa sobrang tuwa ay napatalon ako sa kanya para sa isang yakap, at agad naman niya akong sinalo, mula sa pagkakaluhod ay napaupo siya at muntik pang mahiga sa sahig dahil sa ginawa ko.

Hindi ko alam kung anong nagpabago sa isip niya. Awa man o konsensya ay wala na akong pakialam pa.

Marriage.

He said he would marry me!

"Pangako, hihintayin kita! Hihintayin kita!" I rubbed my face into his neck, at buong gigil at saya siyang niyakap.

"Abby," He called.

"Hm?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya, hindi ko mapigilan ang pagngiti ko.

Tyronne took his Knight ring off.

"This is everything that I am right now." Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay roon ang singsing. "I want you to have all of me."

Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko saya. It's as if he's telling me that he loves me too.

Napaawang ang bibig ko sa pamilyar na singsing. Isinusuot pa rin niya ang singsing na to kahit Baron na ang titulo niya. He really takes great pride in his Knighthood.

"Iingatan ko to ng buong puso." Pinagmasdan ko ang singsing na nasa palad ko.

Nang may naalala ay tumayo ako at hinanap sa kama ang panyong ibinibigay ko kanina.

"This," Nakatayo na rin siya ng muli kong lapitan.

Tinanggap na niya iyon sa pagkakataong ito. He spread it to see the details.

"I will cherish it." Muli niyang inabot sa akin ang panyo, at inilahad ang kanan niyang balikat.

I wouldn't have the chance to send him off tomorrow to do this. I tied the handkerchief on his right arm. Saktong sakto ang napili kong sukat para rito.

"Mag-iingat ka. At lagi mo sana akong iisipin." Bilin ko habang pinadadaanan ng palad ang panyo.

Tumango siya bilang sagot.

"Mahal na mahal kita."

"Mag-iingat ako at lagi kang iisipin." Pag-ulit ni Tyronne sa nauna kong sinabi.

"Mahal kita." Ulit ko.

"Mahal mo ako." Ulit niya sa seryosong tono.

Kung hindi ko lang mahal to, masasapak ko to.

But I need to be contented with what he could offer to me for now.

Ang mahalaga ay ang pangako niya sa pagbabalik niya sa piling ko.

Lumapit ako sa kanya at tumingkayad para sa isang halik. Pero mas mabilis pa rin si Tyronne. Iniharang niya ang palad sa labi ko.

Bumuntong hininga ako. Hindi man lang niya ako pagbibigyan hanggang sa kahulihulihan? Isang lang naman, at mabilis lang.

"I'm sorry." Baka mamaya bigla niyang bawiin ang pangako niya dahil sa inasal ko.

Napalunok ako ng si Tyronne naman ang yumuko. His lips touched my forehead. Ilang segundo na nakalapat ang labi niya roon bago niya ako yakapin.

In our first life, every time he bids goodbye for a mission or a visit to the capital, he would lean in for a kiss, but I will not let him touch my lips, kaya sa noo o sa buhok ko nalang siya humahalik. Ngayon ay baliktad na ang nangyayari. Ako na ang gustong humalik, at siya naman ang umiiwas.

Akala ko ay tapos na akong mainis sa sarili dahil sa lahat ng mga ginawa ko kay Tyronne dati, pero meron pa pala akong iiinis sa sarili.

"Be well." Bilin niya sa akin.

"Be safe." Sagot ko naman at niyakap siya ng mahigpit.

At iyon ang naging huli naming pagkikita bago ang pag-alis niya patungo sa digmaan.

Matagal bago ulit kami magkita, pero hindi ako nangangamba dahil tiyak na ang hinaharap ko na kasama si Tyronne.

All I have to do now is to deal with our family's downfall.

At sa susunod na linggo na iyon.

________

Thanks for reading!

VOTES. COMMENTS. RL
are highly appreciated 🤍

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro