Chapter 2: Escaped
HONEY's POV
Nagising ako sa katok mula sa pinto.
"Wait lang," pinilit kong bumangon at buksan ang pintuan ng kwarto ko.
"Hanggang anong oras ka d'yan matutulog aber?" Tiningnan pa ako mula paa hanggang mukha.
"Pake mo?"
"Syempre may pake ako dahil dalawa tayong nakatira rito."
"Bakit ka ba nangbubulabog?"
"E kasi ang dami nang naghihintay sayo sa sala," napakunot noo ako at napaisip.
"Sala?" Tumango naman siya. Hinila niya ako pababa ng hagdan. Para naman akong sunod-sunuran sa kanya. Hawak ang isa kong kamay sa pulso.
Nagulat ako nang may mga lalaking nakaupo sa sala. Kinabahan na hindi malaman ang gagawin.
Saktong tigil ko sa paglalakad nang sabay-sabay silang tumingin sa akin. Nakakahiya! Yung itsura ko, wala akong suot na bra, manipis lang ang suot ko at maikli. Hala ka, bakit sila na rito?
Mabilis kong inagaw yung kamay ko at nagmadaling tumakbo pabalik sa kwarto ko. Pagdating, isinara ko agad yung pinto ng malakas at saka lalong kinabahan. Nalilito ako ngayon. Anong gagawin ko? Nakaakainis!
Sampung minuto na ang nakakalipas hindi pa rin ako nalabas ng kwarto, kanina pa rin yung mga bwiseta ko sa baba nang kumatok ulit si Pamela.
"Honey, ano ka ba? Ang gwapo nila bakit ka natakot?" Rinig ko mula sa kabilang pinto.
Napakagat labi na ako at nagpasyang buksan ang pintuan saka pinapasok si Pamela at sinarado ko ulit.
"Bakit mo sila pinapasok?"
"Bakit? Kilala ka nila e."
"Paano ka nakakasigurado?"
"Sa gwapo nila tingin mo gagawa sila ng pagnanakaw?" Natatawang sabi ni Pamela.
"Ang sarap mo kutusan, pinipigilan ko lang. "
"Ano bang masama sa pagpasok nila? E gusto ka lang naman nilang makausap."
"Hindi ko naman ka-close lahat nang nadun."
"Weh?"
"Oo nga lalo na yung masungit dun."
"Masungit? Ang babait nga nila. Tapos tawag pa nila sa akin Ganda."
"Naniwala ka naman. Ano na ang gagawin ko?"
"Edi harapin mo sila. Si Dar yung kanina mong kausap bumalik ulit," napapikit na lang ako at napaupo sa tabi ng kama.
Anong kailangan nila sa akin?
Bakit nila ako hinahanap?
May kasalanan ba ako sa kanila?
"Ako'y lalabas na. Harapin mo sila," lumabas naman agad siya ng kwarto ko.
Inayos ko ang sarili ko tapos nagpalit na rin ng damit. Naglagay ng konting pulbo at lip tint nang nakaharap sa salamin.
Pwede na siguro 'to. Huminga ako nang malalim at saka binuksan ang pinto at lumabas.
Pagdating ko sa sala, nag cross arm agad ako at tiningnan sila lahat.
"Anong kailangan n'yo sa akin?"
"Na miss ka namin."
"Sila lang, hindi ako," singit ni Mr.Sungit.
"E bat ka na rito?"
Kaso imbis na sagutin mas pinili pa niyang manahimik. Walang kwenta kausap!
"Nabanggit sa amin ni Dar na bumalik kana."
"Tapos?"
"Gusto ka sana namin mayaya," napataas ang isa kong kilay.
"Saan?"
"Dinner."
"Kasama ako?" Singit ni Pamela at napalunok ako ng laway. Anong kalokohan 'to?
"Kung papayag si Honey," ikinabigla ko.
"Bat ako? Wala akong ades para ilib..."
"Kami na ang bahala."
"Yown! Pwede ba Honey?" Pakiusap ni Pamela.
"No."
"Sige na please," kinukulit pa ako nitong si Pamela.
"Sumama ka na. Minsan lang e," pakiusap ni liit pero gwapo. Halos kasing height ko lang ata 'to. Kahawig ni Daniel Padilla yarn.
"Pag sumama kami ano ang assurance ko?"
"What?" Singit ni Mr. Sungit.
"Assurance. Hindi mo alam?"
"Hep! Ganito na lang kapag sumama ka, bibigyan ka namin ng ten thousand pesos," sagot ni Thirdy.
"Paano ako makakasigurado?"
Nagulat ako sa mabilis na pagkilos ni Thirdy. Kumuha ng cheke at sinulatan agad 'yon ng ten thousand pesos. Ayos!
"Here!" Sabay tanggap ko naman ng check.
"Okay, good. Let's Go!"
Laking tuwa naman ng mga gung-gong maliban dun sa isa.
"Easy money. Tss." Bulong ni Mr. Sungit na parang may kumirot sa puso ko.
May kanya-kanya silang sasakyan. Si Pamela nakahawak sa braso ko.
"Saan tayo sasakay sa kanila?"
"Hindi ko rin alam."
Lito akong pagmasdan sila. Ang gaganda ng mga spirts car nila. Edi sila na mayaman. Tiningnan ko silang isa-isa.
"Hayun, kay Dar na lang tayo."
Tatawid na sana kami papunta sa sasakyan ni Dar nang may bumusina sa amin. Nakakainis na talaga!
"Hoy! Ayusin mo nga buhay mo!" Napatingin sila sa akin. Yung lalaking driver nung sasakyan nakangisi pa. Nang aasar ba siya? Naiinis na ako dyan sa masungit na yan.
Hahakbang na sana ako palakad nang isa pang sasakyan ang bumusina.
"Ano ba?"
"Sakay na," nagulat ako dahil pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Pa-paano si Pamela?" Ngumuso si Thirdy sa likod ko. Pagtingin ko sa tinuturo ng nguso niya. Iniwan na pala ako ni Pamela at sumakay na sa sasakyan ni Dar.
"Hey! Honey..."
"Sa akin na siya sasakay Bro," nakangiting sabi ni Thirdy. Wala naman akong nagawa at sumunod na lang ako sa kanya.
Gentleman niya akong inalalayan sa pagsakay sa sasakyan niya.
"Let's Go!" sunud-sunod ang pagpapaandar ng magagarang na kotse. Na una ang sasakyan ni Mykel sungit, pangalawa yung kay Bryan, sumunod ay yung kay liit, syempre kay Dar at sa huli kami.
"Talagang nagpahuli ka pa."
"Syempre special ka e."
"Tss. Anong espesyal?"
Hindi na siya nagsalita, nakafocus na siya sa kanyang pagda-drive nang may nakakalokong ngiti.
"Ako'y duda sa ngiti mo."
"Bakit? Haha."
"Anong binabalak mo?"
"Wait mo lang."
Inaantok pa ako kaya mas pinili ko na lang na umidlip.
Ilang minuto pa lang ako nakakaidlip, naalimpungatan agad ako. Pagtingin ko sa unahan, wala na yung magagandang sasakyan na sunusundan namin.
"Na saan na sila?"
"Dumiretso don."
"Saan? E tayo?" Litong tanong ko.
"Diba nga sabi ko sayo espesyal ka kaya sa iba kita dadalhin."
"So, ito pala ang sinasabi mo. Don't tell me tinakas mo ako sa kanila kaya ka nagpahuli?" Tumango ang ulo niya at tumawa.
"Matalino ka talaga. Gusto ko rin na masolo ka."
"Saan ba tayo pupunta? Paano si Pamela?"
"Safe ang kaibigan mo sa nga 'yun. Huwag lang siya gagawa ng mali at baka kung anong mangyari sa kanya."
"Ha? Tara puntahan natin sila."
"Hindi nga. May iba tayong pupuntahan," gusto ko pa sana siya kulitin kaso nanahimik na lang ako. Naiinis na ako rito kay Thirdy. Hindi ko alam kung anong balak nito sa akin. Tumingin na lang ako sa labas.
Nang nakakalayo na kami sa Manila. Nararamdaman ko ang simoy ng hangin, ang mga tunog ng pag-agos ng mga tubig sa dagat, at mga ibon sa himoapawid. Ang pakiramdam na nasa probinsya. Sarap sa pakiramdam tapos ang gaganda pa ng tanawin.
"Saan 'to?"
"Batangas, na gustuhan mo ba?" Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Na miss ko magbakasyon," tumawa siya ng malakas.
"Problema mo?"
"Ang tagal mo kasing nawala tapos bakasyon ulit ang gusto mo. Haha!"
"Wala ka pake pero thank you."
"No problem," nakangiti niyang sagot.
Tumigil ang sinasakyan namin sa isang parking lot ng magandang resort.
"We're here!"
Napatingin akonsa kanya at ngumiti.
"I hope you like it."
"Ofcourse, I like it. Hmn, can i ask one question?"
"Sure."
"Ilang babae na ang nadala mo rito?"
Tumawa na naman siya ng malakas. Abong nakakatawa sa tanong ko e seryoso ako.
"Only you," napatingin ako sa kanya at pinanliitan siya ng tingin.
"Yung totoo?"
"Yes, ikaw lang talaga. Kung gusto ko man ng ka-sex marami sa paligid tulad nun," timuro niya yung sexy na babaeng dumaan.
"Mas sexy naman ako d'yan."
"I know kaya nga sinama kita rito," nagulat ako nang lumapit ang mukha niya sa mukha ko at saka niya ako hinalikan. Torid bes!
Syempre gaganti ako. Nabitin ako noon sa cr ng hospital e.
Yung kamay niya hinihimas yung legs ko habang yung isa naman ay nasa may panga ko. Hindi na rin ako nakapagpigil, yung dalawa kong kamay yumakap na sa kanyang leeg habang nilalabanan ang halik niya.
Nang hindi siya makahinga, humiwalay siya ng pagkakahalik at ngumiti sa akin.
"Mas maganda siguro kung sa loob ng kwarto na natin ituloy," ngumiti rin ako sa kanya at binulungan.
"Sure," sabay kagat sa labi.
Nag smack pa siya sa akin at saka inayos ang sasakyan saka siya bumaba. Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan at inalalayan akong bumaba.
"Are you ready?"
"Yes!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro