38
From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 10/02/22, 09:01 AM
Subject: The Truth
Hon,
"Tangina. Sino na nga ulit nag-organisa ng bachelor's party na'to?" tanong ni Ricker.
Wala sa amin ang nangahas na magsalita. Limang minuto pa lang ang nakalilipas simula nang bumaba kami mula sa pumpboat. Inihatid kami nito sa rest house nina Benson sa Oslob para sa "bachelor's party" na inorganisa ng isa sa amin para kay Aki.
Pag-apak pa lang kasi namin sa buhanginan ay iba ang tumambad sa amin.
"Baka naman mamayang gabi pa ang mga...chicks?" agap ni Benson. Pilit na nagiging positibo.
"This is fine by me. Ako naman ang ikakasal na at party ko naman 'to," pag-aalma ni Aki.
Magkasabay kaming lima na napabuntong-hininga na lang sa natatanaw na hindi maipagkakailang obstacle courses. May nakikita kasi kaming mga lubid, gulong, at pader na gawa sa makapal na lambat.
"Babalik na ako ng Maynila. Akala ko talaga legit na bachelor's party ang mangyayari ngayong araw kaya lumiban ako sa trabaho. Hindi ko inaasahan na military camp pala 'to," si Anthony.
"Oh come on, mga bruh! Bachelor's party pa rin naman 'to. Kakaiba lang kasi walang chikababes. Mas challenging 'to!" depensa ni Eghart. Magkasabay kaming apat na napabaling sa kanya.
Kaagad siyang binatukan ni Ricker na nakatayo sa tabi niya lang. "Tangina! Sinasabi ko na nga ba kapag walang kwentang ideya ikaw talaga ang may pakana!"
Bumawi rin ng sapak sa kanya pabalik si Eghart at saka tumakbo. Nanggagalaiting hinabol siya ni Ricker kaya naghabulan na ang dalawa papalayo sa amin.
Tanaw pa rin namin ang dalawa na mistulang mga bata na naghahabulan. Hanggang sa matumba na nga si Eg sa buhangin. Ricker jumped on him and they both tackled on the sand.
I chuckled and muttered a soft curse. Bumuntong-hininga ako at binalingan ng tingin sina Aki at Anthony na parehong nakangiwi habang nakatanaw pa rin sa dalawa.
Tinapik ko ang dalawa sa balikat. "Well...it's good to be home, bruhs."
Dalawang araw lang kaming namalagi sa Oslob. Sa kasamaang palad at para pamatay na rin ng boryo, sinuong nga namin ang nakalatag na obstacles courses. Kinagabihan naman, inumaga na kami ng inuman. It was like we were back in the old days with our old ways. We talked about girls. Got drunk. We talked about how different our lives have changed within the years. We teased Aki. Laughed often. Drank some more.
Maybe people in our workplace view us differently because we act differently. Pero kapag kaming lima lang ang magkasama, it's like we were back to being high schoolers again. Nothing has changed.
Matapos ang dalawang araw na iyon ay umuwi rin kami. I started working in my Dad's company. I was appointed as a CEO. Hindi na ako umalma pa nang sabihin 'yon ni Dad dahil alam ko naman sa sarili ko na may napatunayan na ako.
Sa halos isang buwan na nasa Cebu na ako. Sa bilis at dami na kaagad ng pagbabago, hindi ko nakita ni anino mo. May mga naririnig lang ako galing kila Mom at mga tropa ko tungkol sa'yo. Na-promote ka na raw bilang head writer ng station niyo. Hanggang doon lang ang alam ko. Siguro dahil hindi rin naman ako nagtanong pa.
Noong una akala ko magtutuloy-tuloy na iyon. Pero siguro nga magkakonekta lang ang hibla ng buhay nating dalawa. It all bounced back in the bottom again with just one phone call.
On a Sunday morning, while I was having coffee in our terrace, I received a phone call from Lovely. Kahit na nakabalik na ako ng Cebu madalang pa rin ang pag-uusap namin ng kapatid mo. Siguro naintindihan din niya na masyado na akong naging abala dahil sa naging transition ng kompanya. Your sister was very understanding. Kaya naman noong nakiusap siya sa akin na magkita kami sa park, walang pagdadalawang isip ako na sumang-ayon.
Sinabihan ko siya na sa bahay niyo na lang ako pupunta para hindi na siya mahirapan pa dahil sa sitwasyon niya. Kaya lang sinabihan niya akong baka tadyakan niya raw ako gamit ang prosthetic leg niya kapag pinilit ko pa. Napangiti na lang ako dahil nanatili pa rin ang pagiging positibo niya sa kabila ng kapansanan. So I agreed to her indulgently.
Wearing a crisp, blue-toned button-up white shirt, paired it with khakis. And also with a pair of brown leather sneakers on, I went to the park. Hindi pa dumating si Lovely kaya naghintay na muna ako.
I sat on the bench and admired the view. Hindi lang isang bata ang nagpapalipad ng saranggola. Marami na sila. Hindi na magnobyo ang nagpipicnic sa damuhan kundi isang pamilya na. Ang dami ng nagbago pero pakiramdam ko, ito pa rin ang park na paborito nating puntahan. Ang parke kung saan una tayong nag-away nang matindi. Ang parke kung saan una akong umamin na gusto kita. At ang parke kung saan una akong pinaka-nasaktan.
Halos bente minutos na akong nakaupo roon pero hindi ko pa rin naaaninag si Lovely. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa at tumayo na para sana tawagan siya. Hanggang pagdampi lang ng palad ko sa cellphone ang nagawa ko dahil sa hindi kalayuan ay nakita ko na siya. She was seated on a bench across from me. Hindi siya nag-iisa dahil sa tabi niya naman ay ang nakaupong si Coli.
Kumunot ang noo ko sa nangyayari. Humakbang ako sa deriksyon ng kinaroroonan nila ngunit tumigil din ako nang makita kang papalapit sa akin. Nang isang dipa na lang ang pagitan nating dalawa ay doon ko na napagtanto na tulad ko ay hindi mo rin alam ang nangyayari. Pareho lang tayong nahulog sa isang patibong.
"I...nag..nagtext sa akin si Lovely..." sabi mo sa namamaos na boses.
I put my hands in my pockets and faced you. I notice you wear your hair short now. Hanggang balikat mo na. Walang masyadong nagbago sa mukha mo. Siguro sa mga mata mo lang. Your eyes look wiser. Napakakaswal lang ng suot mong damit. Gray knitted off-shoulder blouse and dark skinny jeans.
Tinitigan mo ako. Dahil sa pagtitig mo saka ko pa lang napansin na nakatitig din pala ako sa'yo. I cleared my throat and cocked my head to the side. Sa deriksyon nina Lovely at Coli na parehong nakatanaw sa ating dalawa.
"I think Lovely is...." Hindi ako nakapagpatuloy sa sasabihin nang makita ang kapatid mo na inilalagay ang hintuturo sa kanyang bibig. It was her sign of silencing me. She smiled and stood up. Maagap naman siyang inalalayan ni Coli. Then they both walked away.
Ibinalik ko ang tingin sa'yo at nagtaka nang tingnan na namumungay ang mga mata mong nakatitig sa akin.
"I think Lovely went home with Coli," pagtatapos ko.
You licked your lip and then bit it. I can see hesitation in your eyes.
"Pwede ba tayong maupo muna?" you softly asked.
Marahan akong tumango. May tanong na sa isipan ko. Okay lang naman 'to hindi ba? Maraming panahon na ang lumipas. Hindi na talaga maiiwasan pa ang mga pagkakataong gaya nito. I guess the inevitable has finally come.
Sinundan kita sa pag-upo sa bleacher. Tahimik pa tayo noong una. Nakatanaw lang sa mga masasayang tao na nasa parke. Nakaalis na nga talaga sina Lovely.
"Kumusta ka na?" Ang kaswal lang ng pagkakatanong ko. Na para bang hindi nangyari ang lahat lahat ng iyon sa nakaraan nating dalawa.
Sumulyap ka sa akin at banayad na ngumiti. "Okay naman. Ikaw ba?"
"I'm doing good. Uh... Nagtatrabaho na sa wakas sa kompanya ni Dad."
"Narinig ko nga. Ang dami mo nang achievements. Alam kong super late na, pero congratulations pa rin, Sixth."
"Sakto lang naman. Salamat," I humbly said.
Silence between us reigned once again. Naubos na yata ang "small talks" natin. Akala ko ang susunod mong sasabihin ay pagpapaalam na. Pero halos tumigil ang pintig ng puso ko sa sumunod na sinabi mo.
"Why didn't you tell me, Sixth?" Halos hindi ko marinig ang tanong mo. Dahil sa lambot ng pagkakasabi mo parang sumabay na sa hangin ang bawat salita mo.
"There were a lot of things I told you about." Sinubukan kong pagaanin ang boses ko. I even tried to give you a smile. Kaya lang, napakaseryoso ng hitchura mo. Your eyes sparkled with unshed tears. Ngunit napuna ko na hindi na luha ng galit ang nakakubli sa mga mata mo. Luha na 'yon ng pagsusumamo. At alam na alam ko 'yon dahil ganoon ako sa iyo dalawang taon na ang nakalilipas.
"Pero hindi mo sinabi sa akin ang totoo tungkol sa inyo ni Leah?" Nanginginig ang boses mo dahil sa umaapaw na emosyon.
Nag-iwas ako ng tingin dahil sa takot na baka gumuho ako sa harap mo. Ayoko nang magpatalo sa emosyon kaya nilunok ko na lang 'yon at pagod kang nginitian.
"Alam mo na pala..."
"Oo, Sixth. I just found out the truth two months ago. Sinabi ni Leah sa akin ang lahat! Sinabi niya sa akin na wala talagang nangyari sa inyo sa...gabing 'yon. Na nagsinungaling lang siya dahil gusto ka niya!" Bumuhos na ang luha mo at hindi mo na inalintana iyon. I wanted to reach out and wiped them away for you but I stopped myself.
"Leah told me that she already told you. Kailan mo nalaman 'yon?" you hoarsely whispered.
"Bago pa ako umalis ng Pilipinas para mag-aral sa Australia."
Napapikit ka nang mariin. Nang dumilat ka ay puno ng pinaghalong sakit at pagsusumamo ang mga mata mo.
"Why didn't you tell me?" Nawalan na ng kahit anong bahid ng lakas ang boses mo.
"Dahil pinalaya na rin kita." I gave you a sad smile. I licked my lips and swallowed hard.
"Sa totoo lang, galit na galit ako noong inamin na ni Leah sa akin ang lahat. She said she's been guilty for so long. Binago raw ng anak niya ang buhay niya. Sinubukan niyang sabihin ang totoo noong nasa ospital pa tayo. Noong...nadatnan mo kami."
Your body shook as you cried harder. "I'm sorry."
"She tried again. Her guilt must have been eating her because she followed me in Manila. Pinagbigyan ko siya. I listened to her...I...got so fucking mad..."
"I'm so sorry, Sixth..."
"And then I was so close to running to you again. So damn close to...begging to you again..." Punong-puno ng pait at bigat ang boses ko. Pero ipinagpatuloy ko pa rin.
"And then it hit me. It...finally hit me. Tangina, ubos na pala ako, Honey."
Humagulgol ka na ng iyak. I was tearing up too. Pareho nating hindi inalintana na nasa parke tayo sa isang magandang araw. Na napapalibutan tayo ng masasayang tao.
"Sinampal na ako ng katotohanang pagod na pala ako. Pagod na akong ipagpilitan ang pagmamahal ko. Pagod na akong magmakaawa para sa kaunting piraso lang ng tiwala mo..." Humugot ako ng malalim na hininga. Napatakip ako sa mukha ko gamit ang isang palad. Ang bigat bigat ng dibdib ko. Para akong nilulunod ng sakit. Nangangambang hindi na ulit makaahon.
"Patawarin mo ako, Sais. Sana naniwala na lang ako sa'yo! Sana hindi na lang ako nangamba pa! Dapat minahal na lang kita ng buong-buo..."
Napatingin ako sa'yo. Pulang-pula na ang mga mata mo sa kaiiyak. I looked at you gently. "Don't. Please don't say those words. I never blamed you. Siguro mali lang talaga ang paraan ng pagmamahal ko sa'yo noon. My love for you was too forceful. Dapat pala nagtira rin ako para sa sarili ko."
Marahas kang umiling. Halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko. Bumuntong-hininga ako at tiningala na lang ang mga saranggola.
"This is the reason why I decided not to tell you. Dahil alam kong sisisihin mo lang ang sarili mo kapag nalaman mo ang totoo."
You shook your head and was about to speak when I cut you off.
"You shouldn't blame yourself. You should never ever feel sorry about your feelings because they are valid. Siguro tama lang. Kung hindi siguro tayo parehong nasaktan noon hindi natin matututunan ang totoong pagmamahal. Kaya tama lang iyon, Hon."
I embraced you one last time. Sa yapos ko ramdam ko ang panginginig ng katawan mo. We both cried for the love that we found in each other. And we both cried for the love that we lost. I guess it's true that the truth will set you free. But in our case, we were finally free...separately.
-Sixth-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro