37
From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 08/14/2022, 09:01 AM
Subject: Closed Door
Hon,
Hey. Kamusta ka na? Dalawang taon na rin ang lumipas simula noong huli nating pagkikita. I hope you're doing great. I am doing great. I finished my masters degree. At ngayon, kasalukuyan akong nasa Canberra, Australia para sa trabaho.
I know. I chose to leave the country after finishing my MBA. I decided to get another special course in business here. And now, I am currently working in an advertising company in Australia. Alam kong hindi naging masaya ang mga magulang ko noong una sa naging desisyon ko lalo na si Dad pero hindi nila ako pinigilan. Alam nila kung gaano ka naging buo ang pasya ko.
"Do you really want to go to Australia to broaden your studies or is this to forget about Honey?" Dad asked when I told him about my plans a year ago now. Nasa opisina niya kami.
"Dad, it's been a year. Kung ganyan ang dahilan ko para umalis sana noon ko pa lang ginawa. I'm doing it for my own professional growth."
Tinitigan niya ako gamit ang mapanuring tingin ng ilang minuto. Sa tantiya ko, binabasa niya ang nasa isipan ko. He's good at doing it. Kaya magaling talaga siya sa larangan ng negosyon dahil sa galing niyang kumilatis ng tao. Sa huli ay tinanguan niya ako at pagod na bumuntong-hinga.
"Alright. Do whatever you want. Do whatever you need to grow. But be back for the business. And for the family."
Ang plano ko lang naman ay kumuha lang ng isa pang specialization course for business at anim na buwan lang 'yon. Pero sa pamamalagi ko sa Australia, kinatok ako ng oportunidad. Maybe it was because my family name isn't that well-known in the field of business here in Australia that got me comfortable so I quickly grabbed the chance.
I was recruited by a renowned advertising company to do a project with them. And in a short time that I was with them, I was quickly appointed as a Director of Management.
"What about that girl?" a new found friend of mine and workmate, Bailey suggested. Nasa bar kami umiinom isang Sabado ng gabi.
Sinundan ko ang tingin niya. At doon sa kabilang mesa nakita ko ang isang blonde na Australyana na sumisimsim sa cocktail niya. Inaamin ko maganda siya kaya lang hanggang doon lang ang atraksiyon ko sa kanya.
Ibinalik ko ang tingin sa iniinom at saka umiling. Dinig ko naman ang pag singhap ng kaibigan na nakaupo katabi ko.
"You don't find her hot? Seriously, mate! Your standard's like really up the roof."
I smirked and continued drinking. Matapos uminom ay inangat ko ang tingin sa kanya. His mestizo face was all red from drinking.
"I'm just here to drink and not for girls," sabi ko.
"Well I'm here for both."
I chuckled and he grinned. He drunk his shot for while and then turned to me again.
"You have a girl back home?"
Sa isang iglap, mukha mo ang sumagi sa isipan ko, Hon. But then I realized that we were done years ago so I slowly shook my head.
"I don't believe you, mate. In months that I've known you, I see you as a loyal guy to a girl waiting at home," panunudyo niya.
"Why do you say that?" Hindi ko na rin naiwasan na maging kuryoso sa naging pahayag niya. Bailey is just like my Dad, magaling din kumilatis ng tao kaya siguro kami madaling nagclick sa isa't-isa.
"Girls tend to look at you, but you don't look back. I don't know what the heck your problem is! Only a man with a woman already in both heart and mind does that," he explained.
"Well I don't have a woman in both heart and mind," sabi ko na lang. Nakikita ko sa hitchura niya ang halatang hindi pagiging kumbinsido sa sinabi ko.
Siguro nga tama si Bailey. Hindi na ako masyadong nagbibigay ng atensyon sa mga babae. Hindi ko na nasunod ang kasabihang "Work hard. Play hard." Puro lang kasi ako trabaho. Naalala ko tuloy ang ginagawa ko rin sa Pilipinas noon. But I guess this is who I am going to be now.
Mabilis lang din naman akong nakapag-adjust sa trabaho at pakikitungo sa mga Australyano. Malaking bagay ang naging karanasan ko sa trabahao sa Pilipinas. At kaya rin siguro hindi na ako nahirapan sa pakikitungo sa mga tao rito ay dahil dito naman ako nagmula. Pero siyempre hindi ko rin maikakaila na namimiss ko ang mga taong naiwan ko sa Pilipinas lalong-lalo na ang pamilya ko.
"I have missed you, anak," Mom said in one of those nights that she called.
"I miss you too, Mom."
"When are you coming home?"
Tiningala ko ang mga bituin sa langit. Nasa balcony ako ng apartment na tinutuluyan ko rito sa Australia. Hindi ko sinabi kay Mom ang plano kong pag-uwi. Hindi ko alam kung dahil 'yon sa hindi pa ako handang umuwi o hindi pa lang talaga ako sigurado sa desisyon ko.
"Sixth?" untag niya sa kabilang linya nang hindi ako sumagot.
I sighed and leaned on the rails of the balcony. "I'll be home soon, Mom. May project na tinatapos lang."
"Iyan din ang sinabi mo noong nagdaang buwan. Gustong-gusto mo na ba talaga diyan at napag-isipan nang diyan manirahan kaya ayaw mong umuwi?" May tunog pagtatampo ang boses niya. I didn't want her to feel that way. It's just I felt like I ran out of excuses to tell her.
"Of course not. I'll be home."
"When? Shall I talk to your Dad again?" She didn't even missed a beat. "You know, Lovely has asked about you kung kailan ka raw uuwi."
Parang may bukol na bumara sa lalamunan ko. Madalang ko na kasing nakakausap ang kapatid mo sa mga nagdaang taon. I want to say that a greater part of it is that I've been busy with my life but it's also because I wanted to forget you. I could only do that if I have less and less connection with your sister.
Alam ko na napaka-unfair no'n sa kapatid mo. I promised her before that I'd still be a brother to her even though you and I broke up. Pero sa pag pupursigi kong kalimutan ka hindi ko na nagampanan ang pangako ko sa kanya.
I sighed and turned my back on the city lights. Binuksan ko ang sliding door gamit ang isang kamay. Pumasok na ako sa loob ng kuwarto. "Uuwi rin ako."
Dinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. At kagaya na lang ng mga naunang gabi na tumatawag siya, tinanggap niya na lang ang tugon ko at pinanghawakan ulit ang sinabi kong uuwi ako.
I went to the office on Monday. Umagang-umaga pa lang, ang hectic na ng schedule ko. Abala rin kasi kami sa buwan na iyon dahil sa rami ng mga kliyente. Kumbaga it's the month's peak of advertising business.
"You have a 10:30 A.M meeting with the management. And then after that, an appointment at 11. You have a talk with the finance department at 11:30....And then conference in the afternoon..." pagdedetalye ng sekretarya ko habang nakaupo ako at nagpipirma ng mga papeles.
I looked up and stared at him. Nabitin sa ere ang kamay ko na may hawak na ballpen. Iginala ko naman ang tingin sa kabuuan ng opisina ko. I was surrounded with glass.
"Remind me until when I'm gonna be here again?"
Napakurap muna siya bago sumagot. Siguro hindi inasahan ang naging tanong ko."Uh...just until by the end of the month, Sir."
I leaned on my swivel chair and massaged my temple. "Alright then."
He cleared his throat. "You can always...extend your stay here, Sir."
Tiningnan ko siya. He was stiff as a stick standing in front of my desk. He is a lanky Australian guy with thick eye glasses.
"How old are you again, Steve?" I asked him though I already knew the answer. I just wanted to prove a point.
"Twenty one, Sir!"
"Do you know how old I am?"
Agaran ang pagtango niya. "Yes, Sir. You're twenty five years old."
"Then please just call me, Sixth."
Marahan siyang tumango. I dismissed him later on.
Tanaw ang kalakhan ng malaking siyudad mula sa babasaging bintana ng opisina ko ay muling naglakbay ang isipan ko pabalik sa Pilipinas. I thought fate has brought me to where I am now. I have a career. I have accomplished things I didn't even dream of accomplishing at a young age. I have made my own name in the business world. But there is still this empty space inside of me. Parang may kulang pa rin na hindi napupunan. At the back of my mind I know what it is but I always end up setting it aside. Palaging iniignora at hindi na iniisip pa.
Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko sa nagdaang taon na pinalaya na kita. Na sumuko na ako sa'yo. Dahil napagtanto ko na tama ang sinabi ni Mom sa akin noon. Ang pagmamahal hindi pinipilit. Kaya noong tinalikuran mo ako sa ospital hindi na ako naghabol pa. I didn't wanna insist my love to you. Kaya naman nang mabalitaan ko na naging matagumpay ang operasyon ni Lovely bumalik na ako ng Maynila.
Sa mga nagdaang buwan pinilit ko ang sarili na hindi na makibalita pa sa'yo. I finally closed that door between us. Locked it even and threw the key. At pakiramdam ko nagtagumpay naman ako. Sana nga lang.
Napasulyap ako sa suot na relos. It says 10:25. Napabaling ako sa mesa nang marinig na ang hudyat. My intercom buzzed and then I heard my secretary's voice reminding me about my next appointment. Tumayo ako nang matuwid at inayos na ang butones ng suot kong blue blazer. Maglalakad na sana ako papuntang pintuan nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa at binuksan. Nag-pop up ang notification sa messages at ni-click ko ito. It was a message from Aki announcing the date of his marriage. I closed it and signed. I guess my decision of coming home is now final.
-Sixth-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro