Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

35


From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 08/02/2020, 09:01 AM
Subject: A Week With You

Hon,

After the success of the shoot, we spent the next days together. Palagi pa rin akong bumibisita kay Lovely sa ospital. Sunud-sunod na ang mga test niya dahil sa nalalapit na operasyon. Alam ko na nahahalata na niya ang namamagitan sa ating dalawa pero wala siyang binanggit tungkol dito. Ni hindi nga niya tayo inaasar na dalawa. Sa tingin ko rin, alam ng mga magulang mo na nililigawan ulit kita. Wala ka namang nililihim sa kanila.

We never talked about Enzo again. I never asked you about him o kung ano man ang sinabi mo sa kanya. I didn't care. I was just glad for the second chance that you've given me.

"So marunong ka na pa lang magluto ngayon?" tanong mo sa'kin. Naka-upo ka sa high chair habang pinagmamasadan akong  patapos na sa pagluluto. Nasa kusina niyo tayo. Gusto ko kasing magpakitang gilas sa'yo kaya naisipan kong ipagluto ka sa araw na iyon.

I lowered the fire and then looked at you. "Medyo natuto lang sa Maynila."

Nagtaas ka ng isang kilay. "Wala ka talagang katulong sa condo mo?"

Umiling lang ako at pinatay na  ang apoy sa stove. I took the pan and poured it's content in the bowl. Tumayo ka naman para kumuha ng plato at mga kubiyertos sa cabinet. Inilapag mo ang mga iyon sa mesa kung saan may kanin na rin na nakalapag.

"I think you did really become independent, huh?" sabi mo habang umuupo na sa silya.

Ngumisi ako at naupo na rin. "I think so."

Inirapan mo lang ako at nagsimula ka nang tumikim sa niluto kong chicken adobo. Pinagmamasdan ko naman ang reaksiyon mo. Patangu-tango ka habang ngumunguya na nakatingin sa'kin.

"So....how's the food? Pasado na ba?" Hindi ko na talaga napigilan ang sariling tanungin ka. I was nervously waiting for your response.

"Pwede na.." simple mong sinabi.

"What do you mean?"

"Kulang pa sa alat pero medyo pasado naman."

Pinakawalan ko na ang pinipigilan kong paghinga. Napasentido pa ako. "I'll do better...next time." I promised.

Ngumiti ka at nagpatuloy na tayo sa pag-kain. You insisted in washing the dishes. Sabi mo, ikaw na dapat ang gumawa noon dahil ako naman ang nagluto kaya hinayaan na lang kita.

Pagkatapos mananghalian ay tumulak na tayo sa Simala. You were wearing a flower printed off shoulder dress and paired it with a black long skirt. Bawal naman kasi ang maiiksi na damit doon. Gray T-shirt and casual jeans lang din ang suot ko.

Ang daming tao roon kahit na araw ng Miyerkules. Mga mananampalataya na galing pa talaga sa iba't-ibang panig ng bansa. Mayroon ding mga foreigner na mistulang dinayo talaga ang lugar.

"Ngayon lang ulit ako nakapunta roon," sabi ko habang nagmamaneho. Pauwi na tayo at malapit ng mag-aalas sais ng gabi. Nakaupo ka sa tabi ko sa may front seat.

"You mean the entire year na...nagkahiwalay tayo?"

I nodded without looking at you. Naka-focus lang talaga sa pagmamaneho.

"Nagpupunta ka lang naman kasi doon kapag dinadala kita!" panunukso mo.

I chuckled. Tama ka naman kasi. Sinulyapan kita. Nakita ko ang ngiti sa mga labi mo kaya napangiti na rin ako.

"I'm glad that I went with you again," I softly said. Ibinalik ko na ang mga mata sa kalsada.

Ilang segundo pa ang lumipas bago ka nagsalita. "I'm glad that I asked you along."

Hindi ko na napigilan pa ang ngiti na kusang sumilay sa mga labi ko. Parang mas gumaan lalo ang pakiramdam ko. Lahat ng bigat na nasa puso ko noon kaagad na napalis sa isang iglap lang. Ganoon ka tindi ang epekto mo sa akin, Hon.

Hinatid kita sa bahay niyo bago ako dumeretso sa amin. Parehong nasa ospital pa ang mga magulang mo. Nang makarating sa bahay ay nadatnan ko naman ang mga magulang ko na kumakain na ng hapunan. There was a smile plastered on Mom's mouth while Dad was probably sharing his hard earned joke. Wala talaga siyang binatbat sa jokes ng Papa mo.

"Dinner, anak?" si Mom.

"Tapos na po. Kumain na kami ni Honey." She and Dad both shared a look. I feel grateful because I know that their relationship has improved ever since Mom left. Naging mas ma-effort na si Dad pagdating sa kanya.

"Kailan nga ulit 'yong operasyon ng kapatid niya?" si Dad.

"Next week na po," sagot ko at tinanggap ang wine glass na sinalinan ni Manang ng wine. Sumimsim ako rito at pagkatapos ay inilapag ang wine glass sa mesa.

I heard Mom gave a heavy sigh. Tumingin siya sa akin. Her eyes
were gentle. "So hindi ka muna babalik ng Manila?"

"Siguro pagkatapos na po ng operasyon."

"Ask them what they need. Whatever that is," sabi ni Dad. I nodded at him and then went upstairs later on.

Gumising ako ng maaga para sa araw ng Biyernes. Alam ko na magiging parehong espesyal at medyo mabigat ang araw na 'to. I was wearing an all white outfit. White T-shirt and Adidas shorts. With a pair of white Adidas casual sneakers, tinungo ko na ang ospital. Nasa labas na kayo nito nang dumating ako.

Nakasakay sa wheelchair si Lovely. Nakatayo ka naman sa tabi niya at ang mga magulang ninyo ay parehong nasa likod. Lovely was grinning when I approached you.

"Parang model ng powder soap, Kuya ah!" she said in a playful tone.

Kunwari ko siyang pinasadahan ng tingin. Nakasuot man siya ng hospital gown ay tinakpan naman niya ito ng jersey tshirt na kulay green.

"Handang-handa sa sports day natin ah," tukso ko pabalik. I nodded at your parents as a sign of respect. Tumango naman sila pabalik.

I glanced at you. You were wearing a white shirt and sweat pants. May sombrero ka ring suot.

"Of course! I'm quite excited actually!" sagot ni Lovely.

"Let's go?" sabi mo. Your parents hugged your sister. You smiled at them. Pagkatapos magpaalam ay pumasok na tayo sa sasakyan ko.

"What do you wanna play first?" tanong ko habang nagmamaneho. Nakaupo sa backseat si Lovely habang ikaw naman ay nakaupo sa front seat katabi ko. We waited for Lovely's answer.

"Badminton! May dala ka bang equipment para doon, Kuya?"

"Of course. Kahit anong sports pa 'yan. Name it. Handang-handa ako ngayong araw," I confidently said.

I could see her from the car  mirror rolling her eyes. "Asus! Alam nating lahat na nagpapabango ka lang kay Ate."

I quickly glanced at you. Nakangisi kang nakatingin sa akin. I grinned back and winked. Hindi na ako nag-deny sa sinabi niya at nagpokus na lang sa pagmamaneho.

We arrived at the park.  Wala pang masyadong tao kahit na alas otso na ng umaga. Nang mai-park na ang sasakyan ay kinuha ko ang wheelchair ng kapatid mo. We both assisted her in getting out of the car. Nakakatayo pa naman si Lovely kaya lang mas mabilis na nangangawit at sumasakit ang paa niya.

I gave her the badminton racket. Hawak mo naman ang sa'yo. We went to the center of the grassy ground. Nasa kabilang dako ako ng net. Nasa tabi mo naman siya.
"Let's do it before I lose my leg!" Sigaw niya. Sinubukan niyang sabihin iyon sa magaang boses kaya lang halata nating dalawa ang kaunting nginig sa boses niya.

We started to play the game. Iyon ang kahilingan niya sa araw na iyon. Gusto niya na magawa ulit sa huling pagkakataon ang mga laro na nakasanayan na niyang laruin na kumpleto pa ang mga paa niya. Her body may have weakened but her spirit remains strong and steadfast. Kaya naman nilaro natin lahat ng gusto niya.

Hapon na nang nilaro natin ang panghuling laro. Nasa covered court na tayo. Pansin ko ang kalituhan sa hitchura niya nang makita niya ang pag-iwan natin sa kanya. She was on her wheelchair at the side of the tennis court. We went at the back side of the court. Iyon ang naging hudyat at pumasok na si Coli na may bitbit pang racket sa kanang kamay.

Nakaawang ang mga labi ni Lovely habang sinusundan ng tingin si Coli na naglalakad papalapit sa kanya. He stopped when he finally reached her. Nakatingin lang tayo sa kanila sa bukana ng labasan. Nag-iwas ng tingin si Lovely sa kanya noong una. May sinasabi si Coli sa kanya. Nakita natin ang pagbaling ng tingin ng kapatid mo sa kanya. Then she slowly bowed down her head and started speaking. At dahil na rin medyo malayo tayo sa kanila, hindi na natin narinig pa ang pag-uusap nila.

Marahas kang bumuntong-hininga sa tabi ko. "Sa tingin mo magbabago ang isip ni Lovely?"

Tiningnan ko uli silang dalawa bago sumulyap sa'yo. Nakaluhod na si Coli sa tapat niya habang inaalu ang umiiyak mo nang kapatid.

"I'm sure of it. Mahal nila ang isa't-isa," sabi ko. Wala sa isip kong hinagilap ang kamay mo. I hold on to it. Pinagsiklop ko ang mga kamay natin. You gripped back on it. Ganoon ang posisyon nating dalawa na pinagmamasdan ang dalawang nagyayakapan na. Bumuntong-hininga ka at isinandal ang ulo mo sa braso ko. I let you lean on me. If I were to choose, I'd let you lean on me...forever.

On a Sunday night, we both attended Eghart's birthday celebration. Nahirapan pa ako noong una kung paano ka imbitahan. Alam ko kasi na baka pag-usapan tayo kapag magkasama tayong pumunta at maging big deal 'yon sa'yo. It was held in an exclusive resort. He and Aki shamelessly whistled when they saw us entered together. Hindi na sila nagtaka pa dahil nasabi ko na naman sa kanila ang tungkol sa ating dalawa.

"The great comeback!" nakangising bati ni Eg sabay tapik sa balikat ko.

Binalingan ka niya ng tingin at bigla na lang niyakap.

"Namiss kita, Honey my love so sweet! Pero siyempre mas na-miss ka ni Sais. 'Di ba, bruh?" aniya sabay kindat sa'kin.

Inalis ko ang braso niyang nakayapos sa'yo kaya mabilis na nakalas ang yakap niya. "Tama na 'yan. Porque birthday mo..."

Ngumisi ka at pabirong tinapik na lang siya sa pisngi. "Happy birthday, Eg!"

"Thank you. Maliit na bagay. Kain muna kayo ng possessive mong boyfriend," sagot niya.

Bigla na lang sumulpot sa likuran niya si Ricker. May nakaplaster na pilyong ngisi habang pinagmamasdan tayong dalawa. Gumilid siya at inakbayan si Eg.

"Ano ka ba, bruh. Hindi pa boyfriend. Manliligaw pa lang!" pasaring naman niya.

Dahil sa sobrang saya ko hindi ko na pinatulan ang sinabi niya. I only smirked and gestured towards the table.

"We'll talk later, guys. Kain muna kami." Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot nila at marahan ko nang hinila ang kamay mo. Nagpatianod ka naman.

Pinuno ko muna ng pagkain ang plato mo bago kumuha ng para sa sarili. We both sat on the high stool. Kita natin ang mga naliligo sa pool sa labas ng malaking glass window. Some of the faces were familiar to me. May iba rin na nakatingin sa atin kanina pa. There's also a retro music playing on the background.

May mga kakilala akong bumabati kapag napapadaan sa harap natin. I only greeted them back with a simple nod. Some of them were also your acquaintances.

Nang matapos kumain, yayayain na sana kita para pumunta sa bandang pool kung nasaan sina Ricker nang may isang babaeng lumapit sa akin. She was holding a glass of probably alcoholic drink.

"Sixth, right? Where's Leah?" tanong niya sabay gala ng tingin na para bang may hinahanap.

I quickly glanced at you. Nag-iwas ka naman ng tingin at itinutok na lang ito sa bote na nasa gilid ng counter. Ibinalik ko ang tingin sa babaeng nasa harapan. It was obvious that she's waiting for my answer.

I sat up straight and cleared my throat. "Hindi...ko alam."

"Oh! Naghiwalay kayo?" Nagtagpo na ang dalawang kilay niya at bakas sa mukha ang kalituhan habang palipat-lipat ng tingin sa ating dalawa.

I was frustrated in the inside at the same time trying to avoid being rude. Bakit ba kasi natsismis na naging kami ni Leah? At ngayon, lantarang nasa harap mo pa talaga. Tumikhim na lang ako. "We were never together."

Tinitigan ka niya pagkatapos ay bigla na lang namilog ang mga mata niya. Maybe it finally hit her. Mabilis niyang natampal ang bibig gamit ang palad. "Oh! Oh shit...Sorry. My bad! Pasensya na. Mali pala 'yong nasagap ko na tsismis eh! I guess I'll...see you around." She quickly walked away without a glance.

Pakiramdam ko kahit may retro music sa background nakabibinging katahimikan pa rin ang bumalot sa ating dalawa.
You didn't say anything for a while. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko. I tried so hard to strike a conversation with you again pero tangina, parang naging barado yata ang lalamunan ko.

You suddenly chuckled. Ayaw ko mang aminin pero mas nagpadali iyon sa sitwasyon natin.

"Well...That was awkward," pagdeklara mo sabay tingin sa akin.

I licked my lips and stared at you. "I'm sorry, Hon."

"It's cool. Siguro dapat masanay na ako. Especially because we tend to have common friends. And Cebu is a small place kaya...Anyways, puntahan na natin sina Ricker?"

Tinitigan pa kita ng ilang segundo. Sinusubukan kong basahin ang reaksiyon mo. You gave me a reassuring smile. I swallowed and slowly stood up. Marahan kong hinawakan ang kamay mo.

"Let's go."

-Sixth-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro