27
From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 06/14/2020, 09:01 AM
Subject: Awkwardness
Hon,
Bumalik ako ng ospital kinabukasan bitbit naman ang isang bouquet ng mga rosas. Alas onse na ng umaga 'yon. I was wearing a white v-neck shirt and dark jeans. Medyo awkward pa pagkapasok ko dahil si Tita Meryl ang nadatnan ko na nagbukas ng pinto.
"Pasok ka, Sixth..." anyaya ni Tita sabay tanggap sa iniabot ko bulaklak. Pumasok na ako sa loob at nadatnan si Lovely na natutulog sa higaan. Naupo ako sa sofa habang si Tita Meryl naman ay inilalagay ang mga bulaklak na dala ko sa loob ng vase na nakapatong sa mesa.
"Kamusta po...ang lagay ni Lovely?"
"Minomonitor pa. Kakatapos lang din ng biopsy niya. Medyo napagod kaya nakatulog ulit." Matapos na maasikaso ang mga bulaklak ay naupo na siya sa tabi ko.
"Dadalaw daw po sina Mommy at Daddy bukas."
Tumango siya at tipid na ngumiti. Her forehead creased with worry. "Nasa Davao pa rin ba ang Daddy mo?"
"Opo, Tita. Bukas ng umaga pa ang uwi niya rito sa Cebu."
Natahimik kami at nakamasid na lang sa natutulog na si Lovely. Ilang minuto ang nagdaan, bumukas ang pinto at pumasok kayo ng Papa mo, Hon. Mabilis na tumayo ang Mama mo at sinalubong kayo kaagad ng tanong.
"Ano raw ang sabi?"
Napahilot sa sentido si Tito bago sumagot. "Pupunta raw si Doc Vince rito at siya na ang magbabasa ng resulta. Siya raw kasi ang specialist."
Tumango ang Mama mo at napalingon ulit sa kinauupuan ko. Dahilan para mapabaling kayo ng tingin sa akin. Tinanguan ako ng Papa mo at sulyap naman ang iginawad mo bago ibinaling ang atensyon sa mga magulang.
"Sige na, Pa. Umuwi na muna kayo ni Mama nang sa ganoon, makapagpahinga kayo. Darating naman si Tita Julie rito mamayang alas-tres para samahan ako," sabi mo.
Pagod na bumuntong-hininga ang Papa mo at niyakap ang Mama mo. Niyakap ka naman ng Mama mo. Napayuko ako at napatingin sa pinagsiklop kong mga kamay. I felt like it was your family's private moment and I didn't want to intrude.
Pagkalipas ng ilang minuto ay dinig ko na ang pagpapaalam ng mga magulang mo sa'yo. Muli nila akong binalingan ng sulyap bago lumabas ng kuwarto. At naiwan nga tayong dalawa na walang imikan. Akala ko magtutuloy ang pananahimik mo kaya magsasalita na sana ako pero naunahan mo naman.
"Kanina ka pa ba?" tanong mo at nagkalakas-loob na lapitan ako sa kinauupuan. Tumabi ka sa'kin kaya pareho na nating tanaw lang ang kama ni Lovely. Sa mga sandaling 'yon parang nabunutan ako ng tinik. Dahil kinausap mo ako. Pakiramdam ko kasi wala akong karapatan na unahan ka.
"Hindi naman. Kararating ko lang din."
"Ah."
Muli na namang tumahimik. Sinulyapan kita. You were wearing a simple pink shirt and high waist jeans. Dumapo ang tingin ko sa mahaba mong leeg at pansin ko ang paglunok mo.
"Magiging okay din ang lahat. Matapang naman si Lovely kaya alam ko na malalampasan niya rin 'to," sambit ko. My voice filled with complete determination.
Suminghot ka at sa wakas ay binalingan na ako ng tingin. You gave me a small smile. "I'm sure naidaldal na niya sa'yo ang sakit niya..."
I swallowed hard and nodded. Naiisip ko na safe topic naman 'to kaya siguro kinausap mo ako na parang wala lang. Nagpatuloy ka naman.
"It was a shock to all of us. Ni hindi siya inherited na sakit. So of course we didn't expect na cancer. Akala ni Mama at Papa simpleng sprain lang sa tuhod. Pero tumor na pala. We asked for a second opinion. And then we asked for the third. Still the same findings. Osteosarcoma...stage one..." Your voice broke at the end.
"I'm sorry, Hon," sambit ko.
You licked your lips. Pinalandas mo ang mga daliri sa buhok mo. You didn't speak for a moment.
"These days...marami ng treatment for cancer. And it's in stage one. Lovely will be fine," sabi ko na buong-buo ang kumpiyansa.
Humugot ka ng malalim na hininga at pareho lang tayong nakatanaw kay Lovely.
"She'll be fine right?" you softly asked. It was almost a whisper.
Sa mga oras na 'yon gusto ko sanang yakapan ka o hawakan man lang ang kamay mo. Gusto kong sumandal ka sa akin gaya ng dati mong ginagawa tuwing nanghihina ka. Pero alam kong hindi pwede ang mga gusto ko. Dahil alam ko na wala na 'yong dating tayo.
"Oo naman. Si Lovely pa," sagot ko sa magaang boses. "Babalik na rin pala ako ng Maynila bukas kaya baka hindi na rin ako makadalaw..."
Napatingin ka ulit sa akin. "Have a safe flight."
"Ikaw? Kailan ka...babalik? Ng Maynila?" I almost groaned with what I just asked.
"After two weeks pa. Nag-leave kasi ako sa trabaho."
"Ah." Muli na naman tayong natahimik. Parang may dumaan lang na anghel. "Hindi ba siya sumama?"
Again, you glanced back at me. Kumunot ang noo mo. "Sino?"
" 'Yong boyfriend mo. Uh...hindi ba siya sumama sa'yo pauwi rito? O baka...susunod..." I chuckled nervously. Amputa, napaka-awkward ko!
Bakas ang mabilis na gulat sa mga mata mo. Marahan kang umiling at magkatagpo pa ang dalawang kilay. "Wala naman akong boyfriend."
I wanted to punch myself for being so foolish. Pero ano ulit 'yon? Hindi mo siya boyfriend? Ayoko namang umasa pero...parang ganoon na nga. "Oh. Hindi mo pala boyfriend 'yon?..." I croaked.
"He's courting me. Pero hindi ko pa sinasagot. How did you know about him?"
"Nakita ko lang kayo isang beses sa labas ng station building na pinagtatrabahuhan mo."
Realization quickly dawned on your face. "Oh! Yeah. Nasabi mo nga sa email mo."
Napayuko ako at napatitig na lang sa jeans na suot ko. Nahiya na naman dahil sa sinabi mo tungkol sa mga emails ko.. Both of our attention were caught when we heard someone's throat being cleared. Nag-angat ako ng tingin at magkasabay nating binalingan ang pinagmulan ng halatang pasadyang pag-ubo. Sa higaan ni Lovely.
"Seryoso? Ang awkward ng convo niyong dalawa. Ang daming dead air!" ani Lovely na nakataas pa ang isang kilay habang nakahalukipkip. Nasa bandang beywang na niya ang maputing kumot. She was wearing a white dotted with blue hospital gown.
Tumayo ka at nilapitan siya. Kita ko ang pamumula ng pisngi mo. Hindi lang ako sigurado kung dahil ba 'yon sa pagkahiya o pagkainis sa naging pahayag ni Lovely. "Kanina ka pa gising?"
"Oo. Hindi lang ako nagsalita, Ate para makapag-usap kayo. Kaya lang hindi ko na nakayanan. Super awkward na talaga. Pinagbigyan ko na kayo for some progress pero wala talaga!" pagdadaldal niya sabay tapon sa ere ng mga kamay. Trying to show that she's proving a point.
Napailing na lang ako at lihim na ngumisi sa sarili. Wala talagang filter minsan ang bibig ng kapatid mo.
"Aray! Bakit mo ako kinurot, Ate?! May cancer nga ako 'di ba?" paimpit na hiyaw ni Lovely. She was trying to catch my eyes but you blocked it with your body.
"E kasi naman, iyang bibig mo!" pasinghal na sabi mo.
"Mapanakit ka, Ate! Isusumbong kita kila Mama at Papa!"
"At hindi ko na papupunthin dito iyang boyfriend mong si Coli."
"Joke lang, Ate. Ito naman!"
Your endless bickering continued. Isa rin 'to sa mga kinatutuwaan ko noon. On how you two bonded. Minsan nga sumasali pa ako sa inyo noon. I was neutral though. Pero minsan sabi mo nga, balimbing.
Matapos ang bangayan niyo at ilang mga pagbabanta ay natahimik din sa wakas. At tumayo na rin ako para makapagpaalam na. I approached near Lovely's bedside. Sa tabi mo, Hon. I smiled at your sister.
"Magpapaalam na ako."
Lovely pouted. "Bakit naman ang bilis? Kagigising ko lang ah!"
I couldn't hide my smirk anymore. "Sabi mo kanina ka pa gising at nakikinig lang sa usapan namin..."
"Fine!"
Ginulo ko ang buhok niya gamit ang palad ko. "Pagaling ka. Stay healthy. Ingatan mo ang sarili mo."
"Oo na. Hindi ka na ba bibisita sa'kin bukas?"
I sighed. "Hindi na. Babalik na ako ng Maynila bukas. But I will call you."
"May nililigawan ka ba sa Maynila, Kuya?"
"Lovely!" agap mo. Sinulyapan muna kita bago ibinalik ang tingin ko kay Lovely.
"Wala naman," I answered honestly.
"Kung sabagay, hindi ka pa nakaka-move on..."
Mahina akong natawa sa pasaring ng kapatid mo. When I tried to take a look at your reaction and saw that you looked dead serious I quickly covered my laugh with a cough. "Sige na. Aalis na ako. Ingat palagi."
Ngumiti si Lovely at tumango na. I quickly glanced at you and saw you nod too. Humakbang na ako papunta malapit sa pintuan nang magtanong si Lovely.
"So friends na kayo...ulit?"
Natigil ako sa paghakbang. The world stopped for me. My body stiffened awaiting for your response to her innocent but thoughtless question. Ni hindi na ako lumingon pa. I heard you clearing your throat.
"Hindi...naman kami enemies ah," you said and my world started spinning again.
Hindi ko alam pero kahit na nakatalikod ako naiimagine ko pa rin ang malaking ngisi sa mukha ni Lovely. Kaya naman sa paglabas ko ng kuwarto, may malaking ngisi na rin na nakaplaster sa mukha ko.
Kagaya na lang ng sinabi ko, bumalik ako ng Maynila kinabukasan. I continued on my studies and work. I didn't want to slack off with the two. For a week, I called Lovely twice just to check on her condition. Malaki naman ang kumpiyansa ko na magiging okay din ang lahat kaya naman malaki ang tuwa ko nang ibalita niya sa akin na discharged na raw siya. She just needs to visit the hospital regularly for check ups and monitoring. At sinabi niya rin sa'kin na babalik ka na ng Maynila ngayong Lunes.
Sabi ko naman sayo hindi ba? Magiging okay din ang lahat.
-Sixth-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro