22
From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 05/17/2020, 09:01 AM
Subject: That night...
Hon,
Alam ko na magiging masakit ang laman ng email na 'to. Pero gusto ko talaga na sabihin sa'yo ang lahat ng hindi ko nasabi sa'yo noon tungkol sa gabing 'yon. Sa gabing nasaktan kita ng husto.
Kahit sa kasagsagan ng confrontations natin hindi ko kailanman denepensahan ang sarili ko. For I knew I committed an unforgivable mistake. Pero hayaan mo akong ikuwento ulit ang gabing 'yon. Gamit ang mga detalyeng naaalala ko. Mga detalying hawak ko. Allow me to speak my side of the coin, Hon.
It was a Friday night. A year ago. Parehas nating alam 'yon. Ang akala ko no'n nasa Maynila ka pa. Nagkatuwaan kami ng mga classmates ko kasi kakatapos lang ng Finals. So we went to a bar. Sa Adidas Avenue. We were all in one table. Puro Business Ad students. Nagkita rin kami ni Aki roon. Nasa kabilang table naman siya kasama ang mga nursing students din.
I didn't know what gotten into me but I just found myself partying hard. Siguro nga para mailabas din ang naipong isang linggong stress mula sa pag-aaral sa gabing 'yon.
"Body shot! Body shot!" they chanted towards my two classmates.
I smirked and shook my head. Patuloy lang sa pag-inom. O baka naman frustrated lang ako no'n dahil sinabi mong 'di ka naman makakauwi.
"Woo! Bakit sa lips?! Porn na yan huh!" sigawan ulit. Nag-angat ako ng tingin mula sa iniinom at nakita na nga ang paghahalikan ng dalawa. They were rumored to be dating. Kaya naman mas lalong naghiyawan ang lahat.
Ilang oras din kaming nandoon. Naramdaman ko nga na sobrang lasing na ako. My head was spinning so bad but I still couldn't stop drinking.
Hanggang sa maramdaman ko na na may tumapik sa balikat ko.
"Uy, pa'no makakauwi 'tong si Sixth? Lasing na oh!" Dinig ko sabi ng isa kong classmates.
"May sasakyan ba siyang dala?" sabi naman no'ng isa.
"Wala yata. Sumabay lang 'to kay Mark e! Speaking of Mark, nasaan na 'yong mokong na 'yon?!"
"Wala na! Sumibat na kasama si Jaz!"
"Amputa! Pa'no 'to?! Out of way 'yong sa kanila sa'min eh!"
Seriously? Ang ingay nila. Gusto ko lang matulog sa mga oras na 'yon. Marami pa silang pinag-usapan. Nakapikit lang naman ako at nakahilig na ang ulo sa armrest ng sofa.
Hanggang sa dinig ko na ang pagtawag nila kay Aki.
"Tol! Lasing na 'yong kaibigan mo!"
Hindi ko makuha ang naging sagot ni Aki. 'Di ko na nga napansin na nakalapit na pala siya sa mesa namin. Sinubukan kong dumilat. Nahagip ng paningin ko ang nakatayong si Aki kasama ang dalawang babae.
"Oh sabi mo Aki huh, may pupuntahan pa tayo! Sabi mo 'yon!" sabi no'ng isang babae sa kanya. Iyong pinopormahan niya yata.
"Ako na ang maghahatid kay Sixth, Aki. On the way naman 'yong bahay nila sa apartment ko," the other girl volunteered. Kinusot ko ang mga mata ko para maklaro ang mukha niya. It was Leah.
"Sigurado ka, Leah? Okay lang ba? Puwede naman na—"
"Okay lang! Sige na at baka masira pa 'yang diskarte mo kay Cynthia. Enjoy kayong dalawa."
Sa huli ay sumang-ayon din si Aki. I couldn't remember how I went out of the bar. I just remembered someone assisting me. Hindi ko na nga rin maalala kung pa'no ako nakapasok sa isang sasakyan. Hanggang sa umandar na nga ito. It was Leah's car I guess.
The next details were all vivid to me. I remembered someone helping me go inside a room. The next thing I knew, I blacked out.
Nagising na lang ako kinabukasan na halos sumabog na ang ulo ko sa sakit. Napahilot ako sa noo at unti-unting dumilat. I was inside an unfamiliar room. Bulaklaking kurtina na iniihipan ng hangin dahil sa bukas na bintana. May kumot na nakapatong sa baywang hanggang sa paa ko. Have I crashed in someone else's room? Unang tanong na agad sumagi sa isip ko.
Wala akong suot na T-shirt. I could also feel naked from the waist down. What the fuck have I done? Paulit-ulit na tanong sa isipan ko. Mabilis akong napabalikwas ng bangon. I sat on the edge of the bed and looked for my clothes. They were all scattered on the floor.
Mabilis akong nagbihis. Lutang ang isipan. Malapit pa akong matumba habang isinusuot ang jeans nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. It was Leah Macabre. She was only wearing a white robe while holding a cup on her hand. Medyo basa pa ang kanyang maitim at mahabang buhok. Bigla akong nanlamig.
"Gising ka na pala? Do you want some coffee?"
"What the fuck happened?" I growled.
Kalmante siyang naglakad patungo sa isang tukador at inilapag ang tasa doon.
"We had sex last night. And I am so offended that you're acting like you don't remember any of it."
Ginulo ko ang buhok ko at pumikit nang mariin. "No. We did not. I don't believe you."
Umakto siyang namimilog ang mga mata at inilagay ang isang palad sa dibdib. "Iintindihin na lang kita. Sixth, medyo lasing din ako kagabi kaya siguro parehas nating 'di alam ang ginagawa natin no'n."
I groaned. Napaupo ako sa dulo ng kama at napahilamos sa mukha.
"Fucking shit. What have I done?!" I softly cursed.
She sighed. "Look, don't blame yourself. No one needs to know. What happened last night—"
I sat up straight. Kuyom na ang mga palad. "Was an accident! It was nothing. I wouldn't... I wouldn't...I would never cheat on Honey."
Binigyan niya ako ng mapait na ngiti. I did wanna feel like an asshole. Alam ko na 'di lang naman si Leah ang may kasalanan. Ako dapat ang sisihin dahil ako 'yong lalaki. Pero sa mga oras na 'yon ayoko siyang bigyan ng kahit na anong simpatya. Galit ako sa nangyari. Galit ako sa sitwasyon. At mas lalong galit ako sa sarili ko.
She opened the drawer of the cabinet and took out something. Iniabot niya sa'kin ang cellphone ko. I held on it tightly.
"I'm really sorry, Sixth. If I could only change what happened last night, I would. Huwag mo na lang sasabihin kay Honey. Wala naman akong pagsasabihan kung gusto mo..."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Sa mga oras na 'yon isang bagay lang ang sumagi sa isipan ko. Na hindi mo 'yon malalaman. Hindi ko sasabihin.
Para akong wala sa sarili na lumabas ng apartment ni Leah. Tulala ako hanggang sa loob na ng taxi. I checked on my phone. Eight o'clock. 10 missed calls. All came from you. There were messages too. I opened the recent one. I'm just at home. Your text.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at dumeretso na sa inyo. I was so desperate to see you. Feeling ko, kapag nakita na kita magiging okay na lahat. I will find my balance again.
Lumabas na ako ng taxi matapos makapagbayad sa drayber. Tumingala ako sa bahay ninyo. Inayos ko ang buhok ko at ang medyo nagusot na tshirt. Pinagbuksan naman ako kaagad ng katulong niyo.
Your house was very silent when I went inside.
"Si Honey po?" tanong ko kay Manang Luela.
"Nasa kuwarto niya. Teka at tatawagin ko."
"Hindi na po. Ako na...ang aakyat."
"O siya sige. Okay ka lang ba, hijo? Nag-almusal ka na? Namumutla ka."
"O-opo...Okay lang po ako," kandautal kong sinabi. Tumango lang ako sa kanya kahit na pansin ko ang pag-aalala sa mukha niya. Umakyat na ako ng hagdanan niyo. Nang makarating sa pinto ng kuwarto mo ay parang dinaganan ako ng bakal. Ang bigat ng loob ko.
Kumatok ako ng dalawang beses. I heard your soft answer. Pinihit ko ang door knob at binuksan ang pinto. I saw you. Standing near the window. Looking outside. Wala sa sariling hila-hila ang necklace mula sa leeg. I remembered you only do that every time you got nervous. It was the necklace I gave you.
Naisip ko na siguro nakita mo ang pagdating ko. Lumapit ako sa'yo. Kaagad mo akong nilingon
I swallowed. "Honey..."
You gave me a small smile. "Kagabi pa ako dumating. I wanted to surprise you. I called you."
I licked my lips. Glanced a bit at my phone. "Yeah. I've...I've noticed. Nag-inuman lang kami kagabi kaya..."
Pinasadahan mo ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagtaas ka ng kilay. "Hindi ka umuwi kagabi."
I slowly shook my head. Tumikhim ka naman. "Saan ka umuwi kagabi, Sixth?"
Napakalambot ng boses mo. Halos matunaw ako sa hiya. Bigo akong napayuko. I swallowed hard repeatedly. "I...I was just..."
"Tinawagan ko si Tita nang 'di kita ma-contact last night. She told me you were out. Then I called, Aki noong nag-3 am na pero wala ka pa sa bahay niyo." Suminghap ka kaya nag-angat ako ng tingin. You were staring intently at me. It was then that I realized you were wearing the sweatshirt I gave you. You paired it with your white pajamas.
"Aki told me that Leah Macabre offered to drive you home," pagpapatuloy mo.
Pinasadahan ko ng kamay ang ulo ko. Mariin akong napapikit. Sa mga oras na 'yon alam ko na alam mo na. Na niloko kita.
"Mahal kita Honey," sabi ko sa namamaos na boses.
"I remember now. Leah's one of your ex-flings right? During your high school days," you softly said. Halos hindi ko na marinig. Pero tumagos pa rin.
"Sabihin mo sa'kin ngayon, Sais. Sasakyan lang ba ang minaneho ni Leah kagabi o pati ikaw?" Parang punyal ang bawat salitang binitawan mo.
I clenched my jaw repeatedly and tried to move closer to you. You immediately stepped back. Away from my reach.
"Mahal na mahal kita, Hon..." paulit-ulit kong sinabi.
"Tell me, Sixth! Did you cheat on me last night?!" you shouted. Umalingawngaw sa buong kuwarto ang sigaw mo. Your eyes were bloodshot.
Paulit-ulit ang paglunok ko. Nanlalabo na ang paningin pero kitang-kita ko pa rin ang galit at sakit na nasa mukha mo. Maling kumbinasyon.
"I-I don't know...I can't...I can't fucking remember," I choked out.
You gasped and cried out. Dahan-dahang naupo sa gilid ng kama. "Oh my God! Oh my God! You cheated on me..."
Your body slowly rocked. Nanginginig ang balikat mo. Hanggang sa tuluyan ka ng humagulgol sa iyak. You covered your face with your palms. Nanlumo ako habang nakikita ang matinding pag-iyak mo.
Nilapitan kita upang aluin. I stood in front of you. Hinagilap ang siko mo. Ramdam ko ang panginginig ng buo mong katawan. I held you tighter. Closer. Hindi mo ako pinigilan. Hindi ko namamalayan na bumubuhos na rin pala ang mga luha sa mata ko habang paulit-ulit na sinasabi ang salitang "I'm sorry."
We were like that for sometime. Until both of us finally calmed down. When the tears stopped, your body stiffened against my hold.
"Bakit, Sixth? Ano bang kulang sa'kin?" tanong mo sa paos na boses dahil sa pag-iyak.
"Wala kang pagkukulang, Hon. Ako 'yong naging gago. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako. Mahal na mahal kita...Hindi no sinasadya..." desperado kong sinabi. Mas lalo lang hinigpitan ang pagkayakap sa'yo kahit na nangangatog ang tuhod ko.
Hinawi mo ang mga kamay ko na nakapulupot sa'yo. Marahas kang tumayo at nilapitan na ang pinto.
"Umalis ka na muna, Sixth. Please, ayaw na muna kitang makita."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Tinitigan ko ang mga mata mo na namumula na dahil sa pag-iyak. Suminghot ako at pinunasan ang mga mata ko gamit ang palad.
Alam ko na masyado ng masakit 'yon para sa'yo kaya 'di na ako nagmatigas pa. Bagsak ang mga balikat ay marahan akong tumango. Sinunod ko ang gusto mo at lumabas na ng kuwarto. 'Di ko namalayan na palabas na rin pala 'yon mula sa buhay mo.
After two days, you went back to Manila. In those two days, I respected your decision not to bother you. Hanggang sa umabot ang isang buwan. Bumalik ka ulit ng Cebu. On a Sunday, you asked for a meet up. Sa park. Doon alam ko na ang mangyayari. It was your judgment day for me.
Para akong sumuong sa isang bakbakan na walang maipanglalaban kundi pagmamahal ko lang. At 9:01 in the morning. On a Sunday. You returned the necklace I gave you. It was then that I realized I was defeated.
Ngayon ko lang napagtanto. Isang minuto lang pala ang pagitan. Sinagot mo kasi ako noon, 09:00 AM. Tandang-tanda ko pa. Isang minuto lang, Honey. Isang minuto lang ang naging pagitan.
-Sixth-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro