21
From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 05/10/2020, 09:01 AM
Subject: Your email
Hon,
Alas-nuwebe ng umaga ko na nabuksan ang email mo. And it took me an entire week coming up with a reply for it. Pinag-isipan ko talaga. Hindi ko alam kung ano ang iisipin sa naging email mo. Sa lahat ng emails na ni-send ko sa'yo, isang beses ka lang nag-reply.
Sa pasimpleng "Sixth..." na reply mo lang, nabaliw na ako. I didn't know what to think. Hindi mo na naman kasi sinundan pa. Tanging pagsambit mo lang ng pangalan ko nabuhayan na uli ako ng loob. Nabura kaagad lahat ng pag-ignora mo sa'kin.
I couldn't sleep that night. Tinawagan at inistorbo ko talaga si Aki para humingi ng advice. Sa lahat ng mga tropa ko alam kong si Aki ang pinakamagaling at pinaka may sense magbigay ng payo.
"Maybe she's ready to talk to you?" sabi ni Aki sa kabilang linya.
"You think? I don't know, man..." Bumuntonghininga ako at napahilot sa sentido. Hinilig ko ang ulo sa backrest ng sofa. Ni hindi ko na binuksan pa ang ilaw sa sala.
"Why? What else would it be? Mas kilala mo si Honey kumpara sa'kin," he said and I suddenly heard a woman's voice on the background.
"May kasama ka? Shit. Pasensya sa istorbo." Napasulyap ako sa wall clock. It was 11:30 in the evening.
"Uh...Oo. 'Yong naikuwento ko sa inyo...Kung tawagan mo kaya si Honey para naman maklaro mo talaga."
Gusto ko sanang umalma pero ayoko namang humaba ang usapan namin at halatang nang-iistorbo talaga ako kay Aki.
"Siguro. I'll think about it, bro. Sige. Thanks for the time. Pasensya na sa istorbo." Matapos sabihin iyon ay pinutol ko na ang tawag.
Tinitigan ko ang laptop na nakapatong sa center table. Nakabukas pa do'n ang email mo. Pakiramdam ko no'n ikaw ang kaharap ko. I didn't know what to think and how to respond to your email.
Wala akong tulog na pumasok sa eskwela. Kahit nang nasa campus na ako, parang nakalutang pa rin ako sa ere at wala sa isip na nakikinig sa klase namin sa Quantitative Methods. To the point where I thought our prof's talking gibberish. Lutang talaga ako hanggang sa matapos na lang ang klase.
"Are you okay?" puna sa'kin ni Lira. Papunta na kami sa may school parking lot para sa kanya-kanyang sasakyan. I was holding my macbook and she was holding her laptop.
Binuksan ko na ang pinto ng BMW ko nang muli niya akong tanungin dahilan para mapatingin ako sa gawi niya. Our cars were parked beside each other.
"You sure you're okay? Mukha kang walang tulog. Something's bothering you?"
I licked my lips and played on my car keys a bit. Weighing my decision. Alam ko na kailangan ko ng opinyon ng isang babae. Maybe Lira could help me. Sa huli, bumuntong-hininga rin ako.
"I've been sending these emails to my ex for quite sometime now. First time niyang mag-reply kagabi. It was vague..."
Tumango siya at ngumiti. Iminuwestra niya ang bench na napailaliman ng isang puno.
"Do you mind if we sit for a while?" anyaya niya. Tumango ako at inilagay ang macbook sa loob ng sasakyan. She also did the same with her laptop. Halos magkasabay pa kami sa pagsara ng pinto sa kanya-kanya naming sasakyan. Inilagay ko sa bulsa ang susi ng sasakyan habang naglalakad patungo sa may bench.
Nang makarating doon ay naupo na kami. Tahimik pa noong una. Pareho naming tanaw ang parking lot. Iilang sasakyan na lang ang naroon. Alas tres na kasi ng hapon. Uwian na.
"What is she like? Your ex," pagbasag ni Lira sa katahimikan.
Hindi ko inasahan ang naging tanong niya kaya hindi ako agad nakasagot.
Mahina siyang natawa. "Pasensya na. Ganito talaga ako. I'm just curious..."
I pursed my lips and sighed. "She's great."
She nodded. Siguro pansin niya na 'yon lang ang tanging masasabi ko.
Sumulyap siya sa'kin. "I won't ask why you two broke up. So...what was on her email?"
Napapikit ako at nasapo ang noo. I felt my body's exhaustion. "Basically. Just my name."
Bago pa siya makapagkomento ay inunahan ko na. I laughed bitterly. "Baka gusto niya na akong tumigil...sa pangungulit."
Her brow shot up. "What name did she use? Given name? Your nickname?"
I swallowed hard. "She just said, Sixth...with ellipsis."
"Tama ka nga. That's really a vague message." She chuckled.
Ngumiti ako at napailing na rin. "I know. Ano sa tingin mo?"
"Well, hindi ka naman niya sinabihan na tumigil na. Because if she wanted that, she could've told you straight on. Maybe she's confused too."
That got me alert. I angled my body facing Lira. "So you think that she maybe you know, thinking of talking to me?"
Ngumisi siya. Nahalata na siguro ang biglang pag-alerto ko."That's what I think. Pero mas mabuti talaga na kausapin mo siya. At baka maging baliw ka na kakaisip kung ano ang meaning ng email niyang 'yon."
"Tama ka. Hindi ko lang alam paano. Thanks for listening."
"Sure thing. Para saan pa at inaya kitang maging friend kung hindi rin lang kita pakikinggan." She gave me a small smile. I smirked at her.
Kahit nasa sasakyan na ako ay inisip ko pa rin ang sinabi ni Lira tungkol sa email mo. Tama ba siya, Hon?Are you confused too? Pero nalilito saan?
Pumunta pa rin ako sa trabaho kahit na walang tulog. Nga lang, masyado pa rin akong pre-occupied sa iniisip. Kaya naman napagdesisyonan ko na umuwi ng maaga. Sinubukan kong matulog. Siguro ramdam na rin ng katawan ko ang pagod kaya matapos ang halos isang oras na pagpikit ay nakatulog din ako. Huli nga lang nang mapagtanto kong 'di pa pala ako naghapunan.
Sa sumunod na araw, umagang-umaga, tinawagan ko ang kapatid mo. Hindi naman alam ni Lovely na nagpapadala ako ng emails sa'yo. Gusto ko lang makaramdam. Kahit na wala ka do'n sa Cebu alam ko naman na tinatawagan mo siya ng madalas. Alam ko na tunog desperado na ako. I couldn't help myself.
"Ilang linggo ka na sa Manila pero ngayon mo lang ako naisipang tawagan, Kuya," bungad ni Lovely sa'kin sa kabilang linya. Bakas ng pagtatampo ang boses niya. Napangiti ako.
"I'm sorry. Medyo busy lang."
"Tse! Sabihin mo, naging 'others' ka na! What's so great about Manila anyway. Traffic lang naman!"
Her comments made me chuckled. Tama naman kasi siya sa trapik na parte. Pero ewan ko ba, gusto ko muna siyang asarin.
"Hmm. Let's see. Marami na akong nakitang artista. Nakita ko na nga si Anne Curtis. Ang ganda."
She got silent for a while. I knew she was trying to take it all in. Alam natin pareho na idol na idol niya si Anne Curtis. She pretended to clear her throat. "T-talaga? Saan? Mall show? Concert? Or nanood ka sa studio?"
I bit my lip to stop myself from laughing at her very curious and excited voice. Umubo ako para maiwala ang nagbabadyang tawa ko. I wanted to sound serious.
"Sa grocery store. Namimili siya ng asin."
"Kuya!" Napangiwi ako sa sigaw niya at inilayo ang cellphone mula sa tenga ko. I cursed softly and put it back near my ear.
"Biro lang. May itatanong pala ako sa'yo."
"At wala akong isasagot diyan." Nai-imagine ko na ang pagpapa-ikot niya sa mata habang sinasabi 'yon. Na-realize ko na namiss ko rin pala ang makulit na 'yon.
Huminga muna ako ng malalim. "About Honey. May...sinabi ba siya sa'yo?"
Tumili na naman siya. "Oh my God! Did you guys finally talk?! Anong sabi ni Ate sayo?!"
"No. We didn't talk. Uh nagkita lang kami isang gabi. I'm asking you if she told you about it."
Natahimik siya ng ilang minuto. Siguro para mag-isip. "Wala. Wala naman siyang naikwento sa'kin na nagkita kayo. You know you're off the topic every time we talk. Isa kang taboo sa'min, Kuya."
That did it. Ayokong madamay si Lovely sa ating dalawa. Kung hindi mo ibinahagi sa kanya 'yong tungkol sa aksidenteng pagkikita natin, siguro dapat 'di ko na rin siya idawit pa. Kaya naman napagdesisyunan ko na hindi sabihin sa kanya.
"Okay. Salamat na lang, Love."
Lovely and I chatted for a bit. Kaunting oras lang din kasi may klase na ako. Sinubukan ko na huwag nang isipin ang email mo. Ayoko namang mag-assume kaya hindi kita tinawagan. Pakiramdam ko kasi, kung sa tingin ko ay handa mo na akong kausapin, kokontakin mo rin ako. O baka mali ako?
Dati naman, kapag nagagalit ka sinusuyo kita kaagad. Dati alam na alam ko na ang inaasal mo. Kung kailan ka masaya, malungkot, galit, at nagtatampo. Kung kailan may gusto kang sabihin. At dati, alam na alam ko kung ano ang gagawin.
But this time, I'm so blinded. I feel like I'm in the dark. Nangangapa sa'yo. Sa gusto mo. Kung babasahin mo 'to sana mabigyan mo ako ng sagot. Di bale ng masasaktan ako sa magiging sagot mo. Basta lang maintindihan ko 'yong email mo.
-Sixth-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro