Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17


From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 04/19/2020, 09:01 AM
Subject: To the girl who has obviously moved on...

Hon,

Rainy morning. Pareho na tayo ng nakikitang ulan ngayon dahil mas malapit na ako sa kung nasa'n ka. It made me chuckle knowing how rain annoys you. I watched the weather forecast last night. "Sixty percent chances of rain in Metro Manila," the weatherman had said.

Loyal na ako sa channel 1 ngayon. Maybe because it's where you work. Nag-enrol na pala ako sa business school last Monday para sa MBA ko. Guess where. It's in Ateneo Graduate School of Business.

Pinili kong degree program ang Finance Management kahit sinabi ni Dad na Operations Management ang kunin ko para raw makapag-focus ako sa operations ng mall namin. Hindi naman siya ang mag-aaral, ako naman. So I followed what I always wanted. Napag-aaralan naman ang pagpapatakbo ng kompanya kapag nakamasid ka. And also through hands-on experience.

"I have here a hundred. In peso currency. I want you to spend it from your house to your coming here. Jot down your expenses," sabi ni Prof. Tagle habang hawak-hawak sa ere ang malutong na isang daang piso na papel.

Some of my classmates groaned. Wednesday pa lang kasi, first meeting pa pero mukhang seryoso na agad 'tong Financial Accounting subject na professor namin. Pero sumagot pa rin kami at pinatulan ang activity. Walang ni isang nagreklamo dahil mukhang seryoso talaga si Prof.

"Sa'n ka na pagkatapos nito? Uuwi ka na?" tanong sa'kin ni Lira Ciruela, classmate ko. Hinintay na lang namin ang Prof sa Managerial Economics. Huling subject na para sa araw na 'yon.

"Pupunta akong Halara Mall para sa trabaho."

"Oh. You work there?"

"Yes. Bakit mo pala naitanong?"

"Pupunta kasi kaming Revel mamayang gabi. You know, to party for our first day in MBA. You should come! Or hanggang gabi ba ang trabaho mo?"

"Just until 8. Sure. Susunod ako sa inyo pagkatapos ng trabaho."

Pagkatapos ng sampung minutong paghihintay ay in-announce na 'di makakarating ang professor namin kaya umuwi na lang kami. Dumeretso na ako sa Halara Mall. I didn't expect a grand welcome for my arrival because I kept my identity a low profile just like what I always do in Cebu branch. Ayokong magdulot ng komusyon sa pagdating ko. Mas lalong ayoko ng atensyon

Nagpunta ako kaagad sa top floor para sa conference meeting. I joined the meeting of the board as Dad's representative. Sandali lang 'yon dahil bumaba na rin ako sa Financial Department.

"Mr. Numero, I'm Polo Rene, accountant head here in Finance," pagpapakilala ng isang lalaki na nasa edad kuwarenta anyos na siguro. Sinabayan niya 'to ng paglalahad ng kamay.

"Just call me Sixth," sabi ko at tinanggap ang kamay na inilahad niya.

Naupo na kami at nagpatuloy siya. "I was told that you wanted to be assigned as one of the accountants here. I mean I can give you a higher-"

"It's fine. I wanna start somewhere," agap ko.

He nodded and realization dawned on his face. Ngumiti siya. "That's why you told me not to tell anyone that you were coming today. And not to introduce you to the other employees as the son of the President of this mall."

I nodded and smiled. "So, what can I do, sir?"

And just like that, my job orientation started. Napaka-efficient ni Sir Polo. Kaagad kong nakuha ang scope ng trabaho dahil sa maayos na paglalahad niya. Anim na oras lang ang work shift ko. Dahil alas tres ng hapon natatapos ang klase ko, alas kuwatro ako papasok sa trabaho.

I told Sir Polo to treat me just the same as he treats his other employees. Ayokong tratuhin ng espesyal dahil lang sa anak ako ng presidente ng Hilara Mall. Para sa'n pa ang pagsisimula ko sa ibaba kung espesyal ang magiging trato nila sa'kin.

Alam kong kapag nalaman mo 'to magtataka ka rin, Hon. Sinabi ko sa'yo noon na kukunin ko ang mataas na posisyon sa kompanya pagka-graduate ko ng college. But I guess, you breaking up with me changed some of my perspectives in life. Sa isang taon na wala ka, marami akong na-realize sa buhay. Tama ka sa mga pangaral mo sa'kin noon. Na hindi porque anak ako ni Unorelio Numero dapat madali lang sa'kin lahat. You were right when you told me that I have to make my own name. My own person.

Dahil unang araw ko pa lang sa trabaho kaya maaga akong umuwi. Pero imbes na dumeretso pauwi ng condo ay niliko ko ang sasakyan. Dumaan ako sa pinagtatrabahuhan mo. Sabi kasi ni Lovely, Martes ka raw bumalik ng Maynila.

Hindi naman ako umasa na makita ka o baka in denial lang talaga ako. All I knew was that I stopped the car in front of your station building. Nasa loob lang ako ng sasakyan ko habang tinitingala ang mataas na gusali. And maybe fate was playing mean tricks on me.

Nakita kita. You were wearing a white sleeveless blouse and gray pencil skirt with white heels. Nakalugay ang mahaba mo ng buhok. You were smiling from ear to ear at someone. And then I saw him. Your new guy. My jaw clenched. Fucking shit. Para akong sinuntok sa mukha at piniga ang kalamnan ko.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa manebela ng sasakyan. Kinalma ko ang sarili ko. Mukha kasing masaya ka na. Masakit lang.

Inakbayan ka niya. Sinundot mo naman siya sa tagiliran at sabay pa kayong natawa. Parang tayo lang no'n ah. Pinagbuksan ka niya ng sasakyan sa unahan. Sumunod naman siya.

Nakaalis na ang sasakyan niyo pero nakatanga pa rin ako. Itinukod ko ang dalawang siko sa manebela at napahilamos sa mukha gamit ang dalawang palad. I felt like I needed some time to recover.

"You're such a joke, Sais," bulong ko sa sarili saka pinaandar na ang sasakyan paalis.

I arrived at the Revel closer to 8 in the evening. Earlier than the rest of my classmates. Alas nuwebe kasi ang usapan. Nagpalit na ako ng suot sa condo. Gray polo shirt and dark denim jeans. Just casual clothes. I felt like I needed a drink. I sat at the counter an ordered a drink, Gold Rush, from the bartender.

Hindi ko na namalayan ang oras nang biglang may tumapik sa balikat ko.

"It really is you!" si Lira na may hawak na ng dalawang bote ng Black Label. She was wearing a black skimpy dress.

"Hey."

"Kanina ka pa? What are you doing here alone? Come with me! May VIP table tayo. Nando'n na iyong iba!" anyaya niya at ipinasa sa'kin ang isang bote para hilahin ang braso ko.

I quickly emptied my glass and followed her.

Inilapag ni Lira ang dalawang bote sa mesa. "Look who I found! I think he's trying to hide from us!"

I chuckled and sat on the sofa. Bale anim kaming nasa VIP table. Puro classmates ko. Umusog ako nang maramdamang naupo na sa tabi ko si Lira.

"I wasn't hiding. Napaaga lang ng pagpunta rito."

"That's alright. Mabuti nga pumunta ka. Sina Regine at Calvin nga nang-Indian," sabi naman ni Franzie.

Nag-angat ng baso si Jemuel. "Okay lang 'yan! O siya! Inom tayo mga soon to be Masters of business! To our first day and more days to come!"

Nag-angat na rin kami ng baso at uminom. Pabiro akong siniko ni Lira. "Baka malasing ka na kaagad ah. Baka naparami na inom mo dun sa counter kanina."

"No. Just two shots. I'm fine. Sanay ako."

Nagtaas siya ng isang kilay. "Oh? High alcohol tolerance?"

Ngumisi ako. "Something like that."

"God. Your dimple!" She groaned.

"What? Why?"

"Ang hot lang. Ang hot mo!"sabi niya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.

Kumunot ang noo ko at ngumisi na lang.

"Is she starting to hit on you, man? Grabe ka talaga, Lir. Hindi mo man lang pinalampas ng isang araw," tanong sa'kin ni Jemuel. Nasa tapat namin siya nakaupo.

Idedeny ko na sana pero bago ko pa maibuka ang bibig ko, inunahan na ako ni Lira.

"Yes I am. It's normal to hit on hot guys!"

Umiling naman si Jemuel at lumapad ang ngisi. "Ganyan talaga 'yang si Lira, Sixth. Isang malaking flirt. Mag-ingat ka diyan."

Natawa lang ako at uminom. "Matagal na kayong magkakilala?" tanong ko kay Lira.

"Yeah. He's my classmate in college. Ateneo pa rin. Loyal kami 'di ba?"

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pag-inom. Nagkwentuhan naman ang ibang kasamahan ko. Maybe trying to get to know one another since it's our first day.

"So...Do you have a girlfriend?" biglang tanong ni Lira sabay lapag ng kanyang baso sa mesa at tiningnan ako.

"I'm single."

"Any plans to change that? Because I kinda like you. Not just because of your good looks of course..."

Aggressive.

"You just met me," I calmly stated.

"And I like what I'm seeing already."

Ngumiti lang ako pagkatapos ay umiling ng isang beses. Hindi ito ang unang beses na naka-encounter ako ng isang agresibong babae. I couldn't explain it but I didn't feel awkward towards her though. I just felt...normal.

Hindi niya naman ako inintriga pa dahil kinausap din siya ng isa pang kasama namin. My evening went on like that. Just drinking and chatting with them. Siguro nakatulong din ang paglabas ko. It's a way of building rapport towards them.

Papasok na ako ng sasakyan ko nang bigla akong tawagin ni Jemuel. Nakaakbay na sa kanya si Lira. Medyo lasing na. Nakasunod naman sa kanya ang isang kasama pa namin na babae.

"Sixth, can you give her a ride home? Her apartment's on your way right?"

Tumango ako. Isang beses ko lang nabanggit ang tungkol sa address ko pero matalas siguro talaga ang memorya niya. Inihatid niya si Lira malapit sa sasakyan ko. I opened the backseat door and she slid inside. Halos nakapikit na ang mata.

"Hindi ko kasi siya maihahatid pauwi dahil...alam mo na," sabi Jemuel sabay sulyap sa babae na nasa tabi niya. Someone's getting lucky tonight. Nasa-isip ko.

"Where's her car?" tanong ko sabay sara sa pinto ng kotse.

"Nakisakay lang siya kay Franzie papunta rito. Hindi na rin namin mahagilip 'yong babaeng 'yon," ang babaeng kasama ni Jemuel ang sumagot. Hindi ko talaga maalala ang pangalan niya.

Tumango ako at pumasok na sa loob ng sasakyan.

"Sige. Alis na kami," paalam ko sa kanila at pinaandar na ang kotse.

Mabuti na lang at hindi natulog si Lira. Naituro niya pa sa'kin ang daanan patungo sa apartment niya. Itinigil ko ang sasakyan sa tapat ng gate at pinagbuksan siya ng pinto.

"Thanks, Sixth. I owe you one." Garalgal ang boses niya. Dahil sa kalasingan.

"Sure thing."

Nasa tapat na siya ng gate habang akma ko na sanang bubuksan pabalik ang pinto ng sasakyan ko nang tinawag niya ako.

"Hindi mo ba ako type?"

Ilang minuto ko siyang tinitigan. Isang poste ng ilaw lang ang liwanag sa gabing 'yon. Maganda naman si Lira. Morena at matangkad. She's also funny. Pero isang mukha lang talaga ang nasa isip ko no'n. At mukha mo 'yon, Hon.

I licked my lower lip. Bit on it. And finally sighed. I gave her a sad smile. "I'm sorry. I'm not over someone."

Tinitigan niya ang mukha ko na para bang binabasa 'to. Dalawang beses siyang tumango. Malapad na ang ngisi niya. "Kaya pala...hmm...Friends then?"

Ngumiti ako pabalik at binuksan ang pinto ng sasakyan. "Friends."

-Sixth-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro