15
From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 04/05/2020, 09:01 AM
Subject: To the girl whom I wanna tell these words 'Graduate na ako'...
Hon,
Just got my diploma last Friday. It was a big day. Ganito rin siguro ang pakiramdam mo no'ng grumaduate ka. Masaya. Pakiramdam ko may na-accomplished din ako sa buhay. I could say my mom was very proud. Even Dad. Though he didn't say that much. Binati rin pala ako ng parents mo. May celebration kasi na naganap sa bahay. You know, with Dad's business friends and some of our relatives.
"Congrats, Sixth. I heard you're going to take your MBA in Manila," si Tito Oscar, kasosyo ni Dad sa negosyo.
"Yes po."
Tinapik niya ako sa balikat. "I'm sure you'll do great! You are after all, your father's son."
Tumango lang ako at tipid siyang nginitian. Lalapitan ko na sana ang pamilya mo nang biglang kinuha ni Tita Sonia ang atensyon ko. May kasama siyang isang maputing babae. Medyo mas bata sa akin ng kaunti. Maganda pero siyempre mas maganda ka.
"Sixth! I want you to meet Sansa, my friend's niece," pagpapakilala niya sa babae na nakangiti na.
I offered a hand and she took it. Medyo malamig ang kamay niya kaya kaagad din akong bumitaw.
"Maiwan ko muna kayo diyan. Talk with each other." Matapos sabihin 'yon ni Tita Sonia ay mabilis siyang nagpunta sa mesa. Naiwan naman kaming dalawa ni Sansa sa gilid.
"Do you want a drink or something?" I offered her.
Nagligpit siya ng tikwas ng buhok sa likod ng tenga at ngumiti. "Okay lang. Uh congrats nga pala."
"Thank you. What about you? Anong year ka na?" I tried to strike a conversation. I didn't wanna be rude.
"Second year college. Business Ad."
"Cool. What school?"
Natigilan siya at medyo napaawang ang bibig. Kumurap siya at isang beses na umiling. "Same as yours. So yeah, University of San Carlos. We're schoolmates..."
Shit.
"Wow. That's why you uh kinda look familiar." Of course I lied. Ngayon ko pa lang siya napansin.
Natawa siya. Medyo awkward na pagtawa. Halatang nabisto ang pagsisinungaling ko. "Maybe not to you. Well, actually this is not the first time we met. Naimbitahan ka na kasi sa debut ko before. You were with...Honeybee."
I was totally an ass.
"Sorry. Baka dahil sa dami ng parties na napuntahan ko...nakaligtaan ko na."
Shit. Really, Sais? I think I just made it worst. Buti na lang pinalagpas niya ang kagaguhan ko. "It's fine. Halata naman na si Honey lang ang nakikita mo no'n. I didn't mean that as a bad thing," pahabol pa niya.
"Yeah. Well..."
"I'm sorry. I didn't...I mean alam ko na naghiwalay na kayo."
"It's alright."
"Is it true na kayo na ni Leah Macabre?"
"Why does everyone keep on saying that?" bulong ko sa sarili. A little frustrated. "No," sagot ko sa kanya sa mas malakas na boses.
"Oh. It isn't true then. Are you seeing-"
Uh huh. I know that look but I was definitely not interested. Naghanap kaagad ako ng palusot.
"I think I need a drink. Kuha lang ako ng wine. Excuse me," agap ko at hindi na hinintay ang sasabihin niya. I took a glass of wine on the way. Dumeretso na ako sa kusina at binuksan ang sliding glass door para makalabas. Thank God the pool area was quiet. Malamig din kasi kaya siguro walang tao. I sat on the lounger and tried to close my eyes. Medyo tahimik pa noong una kaya lang binulabog naman ako ng kapatid mo.
"Nagtatago ka? Akala ko ba party mo 'to?" intrada niya.
I massaged my temple. "Akala ko rin. What about you? What are you doing here?"
Ngumiwi naman si Lovely at naupo sa kabilang lounger. "Maingay. Saka, nagsimula ng mag joke si Papa."
Napangiti ako. And right on cue, dinig nga namin ang nagsisimulang tawanan sa loob.
"Congrats, Kuya," bati niya.
"Thanks. Where's my gift?" sabi ko saka sumimsim sa baso ng wine na hawak ko.
"Pinagdasal ko ang kaluluwa mo. When Coli and I had our first date. Tamang gift na 'yon."
Nasamid ako sa iniinom na wine. "Sinagot mo na?"
"Hindi pa. Balak ko sa graduation namin next week ko siya sasagutin. Kilig 'di ba?!" She started to have this dreamy look on her face.
Sabay kaming napabaling ng tingin sa loob ng bahay dahil sa lakas ng tawanan. Siguro dahil sa joke na naman ng papa mo.
"Uuwi si sisteret," sabi niya.
Mabilisan kong inubos ang wine at inilapag na ang baso sa lounger. "Siyempre. Graduation mo na," sabi ko na parang wala lang sa'kin 'yon. Na parang hindi lumakas bigla ang pintig ng puso ko.
"Bigay mo na regalo mo in advance. Alam ko na 'di ka na niyan pupunta sa graduation ko. Hindi ka na rin makakapunta sa party niyan sa bahay." Dinig ang pait sa boses niya.
I swallowed hard. Tiningnan ko ang mukha ni Lovely. For a minute I thought I was seeing you. Malungkot ang ngiting ibinigay niya.
"Magpapamisa ako para sa'yo," sabi ko na may panunukso ang tono.
Umirap siya at napangiti. Tumayo siya at biglang umupo sa ibaba malapit sa pool. Tinanggal niya ang suot na heels at inilublob ang dalawang paa sa tubig.
"Kainis!" bulong-bulong niya.
"O bakit? Ayaw mo sa regalo ko?"
Suminghot siya at ipinunas ang likod ng palad niya sa pisngi. Bumuntong-hininga naman ako at nilapitan na siya. I squatted beside her. "I was only kidding. Come on. Are you crying?"
She looked at me sharply. "Hindi naman dahil sa regalo mo! Naiinis lang ako kasi alam kong hindi ka makakaattend sa graduation ko dahil nandiyan si Ate! Sana hindi na lang kasi kayo naghiwalay! Para naman hindi maging complicated!"
I sighed. Naupo na rin ako sa tabi ng kapatid mo. Pero imbes na sa harap ng pool tulad niya ay nakatalikod ako. I stretched my legs. "You know that it was all my fault, right?"
Tumango siya. Busangot pa rin ang mukha at nasa tubig lang ang tingin.
"Ano na lang gusto mong regalo, bunso?" I gently asked. Para maiba ang usapan.
"Attend my graduation or my party and talk to Ate," deretsahan niyang sagot na parang nagpapabili lang ng ice cream.
"You know I can't do that..." I softly said.
"Bakit naman hindi? Kung ayaw ni Ate makipagbalikan sa'yo e 'di...you can just be...friends. Tulad noon!"
Natahimik ako ng ilang minuto. "It's complicated. I feel like I don't deserve to go near your sister. I'm not worthy to talk to her face to face. I'm...I'm ashamed." Sa wakas ay nasabi ko rin ang katotohanan. Na nahihiya ako. Na matapos ang isang taong pag-iisip naamin ko rin sa sarili ko na nahihiya ako. Dahil wala akong mukhang maihaharap sa'yo? Hindi ko alam kung pa'no ka tingnan sa mata?
Mabilis niya akong tiningnan. Parang may umilaw sa utak niya dahilan para umaliwalas bigla ang mukha niya. "I can help you! Sasabihin ko sa kanya na mahal mo pa rin siya! Kayo na lang ulit!"
I laughed without humor. Sinipat niya naman ako ng tingin kaya pilit kong sineryoso ang boses ko."Hindi mo 'yan gagawin, Lovely. And besides, you told me he's seeing another guy. Your sister has moved on."
"Hindi ko naman gusto 'yong bago niya! Ang yabang ng hitchura and I don't know him."
"That's because he's in Manila. Pero malay mo, magugustuhan mo pala 'yon 'pag nakilala mo na ng husto," pilit na paliwanag ko kahit na parang may bumabara sa lalamunan ko.
"I don't like him," sabi niya. Nagmamatigas pa rin.
Kinurot ko pisngi niya at ngumisi. "Hindi mo nga ako gusto noong una 'di ba? Sabi mo pinikot ko lang Ate mo."
Hinawi niya ang kamay ko. "Ay hindi, Kuya. Iba ka naman sa kanya. I saw your efforts. You're like a family! Saka inaasar lang naman kita no'n."
I chuckled. I stood up and offered her a hand. "Let's go. Baka hinahanap na tayo sa loob."
Tinanggap niya ang kamay ko at tumayo na rin. "Kailan ba ang alis mo pa-Maynila?"
"After your graduation. I'll be in school next week. May papers pa akong aasikasuhin."
Nang maisuot na niya uli ang sapatos ay naglakad na kami papasok ng bahay.
"Maybe you'll see each other in Manila, huh? You'll talk to her then?"
"I don't know. Look, Love. Kahit hindi na kami ng Ate mo, Kuya mo pa rin ako, okay? You can still talk to me about things which you can't talk about with Honey."
Dinuro niya ako. "Sabi mo 'yan ha. I'll remember that."
"I promise."
"Uuwi ka naman madalas 'di ba? Katulad ni Ate no'n. Though hindi na siya madalas umuuwi ngayon dahil iniiwasan ka at ayaw kang makita kasi siguro galit pa sa'yo. Sino ba naman ang hindi..." Tumigil siya sa pagsasalita nang makitang nakatingin lang ako sa kanya.
"What?" tanong niya. Bakas ang kalituhan sa mukha. Nahinto na kami sa tapat ng sliding door.
"Ikaw ba talaga 'yong kausap ko kanina? Minsan talaga, pakiramdam ko may Multiple Personality Disorder ka. Kani-kanina lang umiiyak ka ah. Ngayon nang-aasar na naman," sabi ko sabay iling.
"Kaya feeling ko bagay sa'kin mag-artista! What do you think, Kuya? Pwede naman 'di ba? Sabi kasi nila..." And just like that, nagpatuloy sa pagdaldal ang kapatid mo hanggang sa makapasok na kami sa loob ng bahay.
-Sixth-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro