Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

09


From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 02/23/2020, 09:01 AM
Subject: To the girl who taught me to conquer my fears...the hard way...

Hon,

Hi. Napanood ko sa balita na lumindol daw diyan ah. Okay ka lang ba?Alam ko na medyo malayo kasi nasa Makati ka naman. It just made me scared and worried about you. Can't help it. Siguro kung nandito ka tatawanan mo lang ang reaksyon ko tulad no'ng grade ten pa ako.

Nakaidlip ako sa sun lounger. Boxers lang suot ko. Kakatapos ko lang no'n magswimming sa pool namin.

I thought I was dreaming of kissing someone. Sobrang lamig ng lips ng someone na 'yon. Until I felt a tongue. It was licking on my mouth. Tumayo balahibo ko sa batok at napabalikwas ng bangon.

"What the hell?!" sigaw ko nang makita ang poodle na hawak-hawak mo. Abot hanggang tainga naman ang ngisi mo.

"OA ha! Sige na. Face your fear," panunuya mo.

Napaatras ako dahilan at muntik ng nahulog uli sa pool. "Ilayo mo 'yan sa'kin!"

Ngumuso ka. "How rude! He's my new baby. Come on. Pet him, Sais."

Mabilis akong paulit-ulit na umiling. "Stay away from me, babaeng sadista."

You dramatically sighed and sat on the lounger. "Fine. Hindi ka na part ng eighteen roses ko for my debut ha."

"Bahala ka," kalmado kong sinabi.

You looked shocked and then offended. "Gano'n? Okay lang sa'yo para lang sa puppy?!"

"The hell you're talking about? Ikaw nagdala niyan dito. 'Yong boyfriend mo guluhin mo!"

"He's...boring."

I laughed with sarcasm. "E ba't mo jinowa?"

"Kasi nga 'di ba, crush ko."

"Papangit ng mga crush mo," I muttered and took my towel. Inignora mo ang sinabi ko. Natigil ako sa pagpunas ng medyo basa ko pang buhok nang makita ko ang evil smirk mo. Kilalang kilala na kita.

"Ano 'yan?" sabi ko. Medyo kinakabahan na.

"Magda-dive ako sa pool. Tapos 'di ako aahon hanggang hindi mo hinahawakan 'tong puppy."

"Okay. Congrats." I tried saying in a dismissive tone. Tumalikod na ako at naglakad patungo sa glass door para lang ipakita sa'yo na wala akong pake. Hindi ko na natuloy pa ang paghakbang dahil dinig ko na ang pagtalon mo sa pool.

"Fucking shit," matigas na bulong ko sa sarili at naglakad pabalik ng pool. Kita ko pa ang poodle na inilapag mo sa lounger. Behave na behave pa ang animal. Pagtingin ko sa pool ay nadatnan na kita na naka-upo na sa flooring nito yakap ang dalawang tuhod.

"Honey. Tama na 'yan," tawag ko. Nasapo ko pa ang noo ko pagkatapos ay napahawak sa baywang. "Honey! Ahon na!"

Nang ilang minuto ang lumipas at hindi ka man lang gumalaw ay kinabahan na ako. Sinulyapan ko ulit ang tuta at walang nagawa kundi pulutin 'to mula sa lounger. Nanginig pa mga kamay ko at nagpigil ng hininga. Hinawakan ko 'to at nag-squat malapit sa tubig para ma-imuwestra sa'yo.

Ang bilis mong umahon at nakangisi ka pa. Napaisip tuloy akong ihagis sa'yo ang tuta mo.

"See? 'Di ba hindi naman nakakatakot?"

Ibinagsak ko sa mga kamay mo ang tuta at inabutan ka ng tuwalya. Kita ko na itim mong bra dahil sa nabasang suot mo na manipis na t-shirt. Basang-basa na rin ang high waist maong shorts mo.

"Uy, galit ka ba?" tanong mo nang mapansin na hindi ako kumikibo.

"Sixth! Bakit hindi ka umiimik? Galit ka?"

I ignored you and started walking towards the glass sliding door.

When I stepped inside the house, doon na ako nanginig, nagwala at sumigaw. "Mommy!"

It also brought me back to the time when I was in first year college. Umuwi ka rin ng Cebu para sa semester break. Nagpunta tayo ng Oslob. Sa rest house nina Benson. Stayed there for two days.

"Chug! Chug! Chug!"

"Mga punyeta kayo," angil ni Ricker habang nilalaklak 'yong isang plastic cup na puno ng beer. Nasa dalampasigan tayo no'n. Gabi na at nagka-camp fire.

Nakakandong ka sa'kin. Medyo lasing na. I was only wearing a board shorts and you in your bikini. We didn't feel cold maybe it was because of the alcohol.

"Okay! Next challenge is tongue twister!" masaya mong inanunsyo.

Both Eghart and Anthony groaned. Inignora mo naman 'yon at nagpatuloy. "Pitumpo'tputingtupa! Three times ha."

Sinimulan ni Ricker. He did it easily. Si Aki rin. Then ako. When it was Eghart's turn, he took a deep breath first and stood up.

"Pitumputputingputa!!!!" he shouted. Naghiyawan tayong lahat. Hinatak siya ni Ricker paupo at kinuhanan na ng pilik-mata.

"Bruh! Ba't feeling ko ang dami ng kinuha mo?!"

"Isa lang, bruh. Wag mabahala, nandiyan si bathala," sabi ni Ricker at inabutan siya ng isang cup ng beer. Isa-isa natin siyang binunutan ng tig-iisang piraso ng pilikmata.

"Madapaker! Mapapanot mata ko nito!" reklamo niya.

I could feel you shaking against me, Hon because of your laugh. I tightly held you in my arms. Nilinga mo naman ako. Sumasayaw sa saya 'yong mga mata mo. Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinalikan ka na. It was soft at first. Just fluttery kisses. But when you started to wrap your arms around my neck, something inside me broke free again. I moaned and deepened the kiss. I seek entrance to your mouth with my tongue. Pinagbuksan mo naman ako. Then you started grinding against me.

"Sixth..." You moaned my name. Mas lalo lang akong tumigas.

"Ampucha! Gumagawa na ng porn ang dalawa." Dinig ko sabi ni Ricker.

You slowly lose your hold on me and straightened up. Ngumisi ka sa kanila at nagpatuloy. "Okay! Next challenge na tayo."

"Ano? Kaya pa ng boyfriend mo? Tinitigasan na 'yan e!" panunukso ni Ricker.

"Gago," sambit ko saka ngumisi.

"Mga bruh, hindi na gumagalaw si Benson!" biglang sigaw ni Eghart. Sabay tayong napatingin kay Benson na nakahiga na sa buhangin. Nakasuot ng blue shorts at manipis na white sleeveless shirt na may naka-imprentang 'Eat Less. Move more.'

"Baka tulog na 'yan. Hindi na nagbago," si Anthony.

Binalingan mo siya at tinukso. "Bakit Anthony? Nagbago ka na? 'Di na nangongopya?"

"Mahirap mangopya sa college."

"Mga bruh! Patay na yata si Benson!" natatarantang sigaw na naman ni Eg.

Tumayo tayo at nilapitan sila. Nakadungaw na tayong lahat kay Benson.

"Tawag ka ng pari, Eg!" utos ni Ricker.

"Huh? Bakit pari, bruh? 'Di ba dapat ambulance?"

"Pabasbasan na natin kaluluwa ni Benson. Patay na."

Napa-sign of the cross si Anthony at bumulong. "Sumalangit nawa."

Nanigas ang katawan ko. Pinaka-ayaw ko kasing makakita ng bangkay. Pero kumilos pa rin ako dahil kaibigan natin 'yon eh.

"Tumawag kayo ng ambulansya!" utos ko sabay squat sa tabi ni Benson.

Pabagsak na nakaluhod si Eghart. Mukhang umiiyak na. "Bruh. Bakit mo kami iniwan, bruh?!"

"The hell you're talking about? Gago. Hindi pa tayo sigurado," I said sharply. Binalingan ko ng tingin si Aki na nakasquat na rin. "Aki, nursing ang course mo 'di ba? Ano!"

Mahina siyang umiling. Bumalatay ang lungkot sa mukha. "Wala na siya, Sixth. Chineck ko ang pulse niya kanina..."

Nanigas ang buong katawan ko. Hinimas mo naman ang likod ko, Hon. You were trying to comfort me. "We will all miss him, Sixth."

Ang bigat sa loob ko. Parang may nakadagan sa pagkatao ko. Shit. Kaibigan ko 'yon e. Tropa natin 'yon. Unti-unti akong lumuhod. sa harap ni Benson. Nangingilid na ang mga luha. Marahan kong kinuha ang kamay niya. Ang lamig na. I gripped his hand tightly. I was shocked when it gripped back!

"Wah! It's a prank madapaker!!!"sigaw niya at dilat na dilat pa. Sobrang laki ng ngisi.
I looked up. Sa inyong lahat. Natatawa na kayo habang laglag panga naman akong pinagkaisahan niyo."What. The. Fuck?!"

Umiling ka at ngumiti ng matamis. Your eyes were full of...adoration? "Oh, Sais, you just conquered your fear of dead bodies. Baby, I'm so proud of you."

I ignored you and jumped on Benson. We tackled and wrestled on the sand.

"Help! Papatayin ako ni Sais! Mga bruh!"

"Gago! Patay ka na 'di ba?" I replied kicking his ass.

I guess you taught me on how to conquer my fears the hard way, huh? Pero alam ko no'n na hindi ko dapat iasa sa'yo ang pagharap sa lahat ng takot ko. Hindi ka naman magiging palaging nandiyan para samahan ako sa pagharap sa mga takot ko. At hindi lahat ng takot ko, alam mo.

And do you know what my biggest fear was?

It was me losing you.

-Sixth-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro