Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

08


From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 02/23/2020, 09:01 AM
Subject: To the girl who made me happy the most...

Hon,

Kumusta? Nagkita nga pala kami ng Mom at Dad mo pati na rin ni Lovely last night. Sa birthday ni Gov. My family and yours were just in one table. Alam ko na medyo bad shot na ako kay Tita Meryl. She was neither polite nor rude to me though.

"Sayang wala si Ate. Complete family na sana tayo e," biglang sabi ni Lovely. I stiffened on my seat. If we hadn't known her we might think it was innocent. Pero pilya rin kasi kapatid mo, Hon.

There was an awkward silence. But your dad, Tito Melvin cleared his throat. "Your sister is busy. You know that."He inhaled sharply before he continued, "Just to clear the air around. Para hindi naman awkward tayo rito. Whatever happened between the children, both our families are still friends and will remain friends."

My Dad nodded and Mom gave a small smile to Tita Meryl. Naramdaman ko na kailangan kong magsalita. "I'm sorry po."

Your dad awkwardly laughed. "Ikaw talaga, Sixth. Last year ka pa nagsosorry ah. Hindi ka pa ba tapos? Sus. Wala na 'yon. Ano ka ba."

After that, both our fathers talked about business like nothing happened. Doon ko na-realize na napaka supportive ng families natin sa relationship natin no'n.

Bakit naman hindi 'di ba? I was always hanging out in your house. You were always in mine. When my cheating issue broke, I thought your dad was gonna punch me. Tingin ko naman deserve ko kamao ng papa mo. Pero hindi nakialam ang pamilya natin.

"Tito, si Honey po?" tanong ko nang pinuntahan kita sa bahay niyo pagkatapos nating mag-away. Gabing-gabi na no'n. Mabuti nga at pinagbuksan ako ni Tito ng gate. Nakapantulog na siya.

"Lasing ka ba Sixth?" he asked.

"Nakainom lang po. Gusto ko po sanang kausapin si Honey..."

Napahilot siya sa sentido. "Natutulog na siya. Umuwi ka na sa inyo. Bukas mo na siya kausapin. Iyong malinaw na pareho ang isipan ninyo."

Hindi na ako namilit. Tama naman ang dad mo. I was turning my back when your dad called me.

"Sixth...Alam namin ang nangyari sa inyong dalawa. Kung ano man ang magiging desisyon ng anak ko, sana irespeto mo."

May kung anong bumara sa lalamunan ko. Mabigat man sa loob, tinanguan ko pa rin ang papa mo.

They say happiness is a choice. Maybe I lost all my options with you. Because, Hon, you are my happiness. Guess I fucked up that one, didn't I?

Naging masaya naman tayo sa tatlong taon ng pagiging in a relationship 'di ba? We were even too comfortable with each other.

"Lovely, nasa'n girlfriend ko?" I teasingly asked your sister when I went to your house. Siguro, isang buwan pa lang tayo no'n. I was wearing a white shirt and gray shorts.

Nag-angat siya ng tingin mula sa laptop para irapan ako. "Saya ka na niyan? Ang yabang. Pinikot mo naman. Nasa taas. Sa kuwarto."

"Catch!" sabi ko sabay tapon ng supot sa kanya. Mabilis niya naman 'tong nasalo.

Ngiting aso niyang sinilip ang laman ng supot. "Iced! Cornetto. Thankies!" She looked up to me and smirked. "Sana may forever kayo ni Ate!"

I winked at her and ran towards the stairs. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng kuwarto mo, kakatok na sana ako pero may narinig akong umuungol.

"Baby, you watching porn? Can I watch?"

"Fuck off!" you replied in a muffled voice.

"Thank you," sabi ko sabay bukas ng pinto. Pagpasok ko sa loob ay kakaiba ang bumungad sa paningin ko.

I playfully covered my eyes with a hand. "Ouch! My eyes. May innocent eyes."

"Buwisit!"

I laughed and walked towards your bed. "Bakit ka kasi nakatuwad diyan sa kama mo? That's fucking weird!"

Hindi ka sumagot. Hikbi mo lang narinig ko. Kinabahan ako bigla. Hinawakan ko braso mo. "The fuck. Anong nangyayari sa'yo?!"

Umiyak ka. Namumula na mukha mo na parang namimilipit sa sakit.

"Honey! Anong masakit? Sinong gumawa nito sa'yo?!"

Ngumiwi ka. Napakapit sa baywang ko. "Ang sakit ng puson ko!"

Wala sa isip kong dinampi ang palad sa puson mo. "Bakit? Wala pa naman tayong ginagawa ah."

Mahina kang natawa at sinundot ako sa tagiliran. "Lintik! Dysmenorrhea 'to. My period ako."

I held your chin up and looked at your face. I licked my lips, something twisted inside my stomach."Huh? Is it always like that?"

Kahit hirap ay natawa ka pa rin. "Oh my God, Sais! Your face! Ang putla mo...Parang ikaw ang may dysmenorrhea ah. Oh geez. Just let me hug you for a bit."

Hinayaan kitang yakapin ako. Your body was slowly rocking in pain. Inipit ko sa likod ng tainga mo ang iilang tikwas ng buhok mo.

"Fuck. Tell me what to do?" tanong ko habang pinupunasan ang pawis sa noo mo. Puno ng pag-aalala. I felt so helpless.

"Wala. Mawawala rin 'to. Normal lang 'to for us girls."

I looked at you like you were crazy. "Normal?! Kailan? Hindi ka ba iinom ng gamot?"

You slowly shook your head and continued hugging me while I was standing on the edge of the bed.

"I want ice cream. Vanilla flavored," you softly said.

"Alright. Bibili kita. Anything else?" I indulgently asked.

Feeling ko inaamoy mo ako. "Bango mo, Sais. Nothing else. Just you."

Humigpit ang yakap ko pabalik sa'yo. "Goddamnit. Pafall ka talaga. Hulog na hulog na nga ako sa'yo...."

You giggled. And we were like that for about an hour. Pero hindi ako nagreklamo. Dahil sa mga oras na 'yon, ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa mundo.

Looking back at it now, sana frineeze ko na lang ang oras na 'yon. Sana nanatili na lang tayo ro'n. Where happiness embraced the both of us. Pero tulad na lang ng maraming mga sana, hanggang hangad lang iyon.

I just want you to know that you're my happiness though I was your sadness. Ikaw 'yong lunas ko kahit ako ang sakit mo.

Happiness is a choice. Please choose to be happy everyday.

-Sixth-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro