Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5


Kabanata 5

"Sabi nila bagay daw talaga ang mga HUMSS sa STEM," sabi ni Melanie pero nakatingin siya saakin.

Tinutukan ko siya ng ballpen ko.

"Bakit ganyan ka makatingin? Ano naman kung bagay sila? Tao naman tayo."

I mean, wala naman talagang issue 'di ba? Pakialam ko ba kung nandiyan si Sarathiel sa harap namin at kausap niya si Philomena Gracia ng HUMSS 1? Pakialam ko ba, ha?

Of course, I knew her from the information sheet we had last semester for our practical research. Ang alam ko ay running for honors din siya.

"Maganda pa naman si Philomena. Mahinhin. Matalino rin daw 'yan. Shocks, girl! Lahat ng wala ka, meron siya!"

Maganda at matalino rin naman ako! Pero alam ko naman na binubuhat ko lang ang sarili kong bangko kaya matalas kong tiningnan si Melay.

"Melay, ipapaalala ko lang sa'yo na nananakit ako ng kaibigan."

Tinawanan lang ako ni Melay.

Napatingin tuloy ako kay Sarathiel at Philomena kahit labag sa loob ko.

Philomena is pretty but her features were soft. She looks like a lost lamb in a den of tigers. She's petite, fair and probably taller than me. On the other hand, I have strong features, madalas akong mapagkamalang mataray. Hindi nga lumalapit saakin 'yung ibang mga kaklase ko kasi baka raw sigawan ko sila.

Why am I comparing myself to her?

Pinagpatuloy ko na 'yung ginagawa ko sa MATH 002. Hindi ko talaga alam bakit kapag ABM at STEM, pumapasok kaagad sa utak ng tao ay magaling sa math. Ghad, sana all! I was good at Gen Math but Statistics and Probability is another story.

Si Melay ay pangiti-ngiti lang sa gilid. May ka-chat 'yata siya dahil halatang nagpipigil siya ng kilig.

"Sino kalandian mo?" tanong ko sa kanya. Halata naman kasing may nilalandi siya sa chat.

"Wala, neargroup lang 'to." sagot niya saka pinatay ang cellphone niya.

Bumalik na kami sa pagsasagot ng MATH002. Nakita ko na kumunot ang noo ni Melay- same girl, di ko rin gets bakit kailangan namin malaman kung ilang heads o ilang tails ang lalabas sa tossed coin.

Nasa Gonza Hall kami, isa itong hallway na ginagawang study area ng mga students dahil malapit lang sa field. Presko ang hangin at nakaka-relax. Kalaban mo lang 'yung mga lumilipad na bola ng soccer at volleyball.

The sound of a familiar laughter erupted in the hallway. Natanaw ko si Gio at Adren na naglalakad sa direksyon namin.

"Tayo na raw, 'tol." Halakhak ni Gio.

"Bro," Umiling-iling naman si Adren.

Papunta sila sa pwesto namin kaya naman awtomatikong napalingon kami sa kanila.

They stopped in front of us and I immediately rose an eyebrow. Tumigil ako sa pagsasagot para tingnan kung bakit sila huminto sa harap namin.

Tinapik ako ni Gio sa balikat. "Zafi, tayong tatlo na raw sasali sa quizbee."

"Kasali tayo roon?" nagtaas ako ng kilay. Meron kasi kaming school event ngayon kung saan meron kaming mga activities na gagawin tungkol sa science, mathematics at technology.

In UJD, they like to put banners of events in every nook of the school. Pinapaalala sa amin na marami pa kaming gagawin.

Nagkibit-balikat ni Adren. "Oo raw e, lahat ng strands."

"Pass," sagot ko at bumalik sa ginagawa kong activity.

"Taray, kailangan may password." Tumawa si Gio.

"Ew, not funny." Ngumiwi ako sa kanya.

"Kasama ka nga, Zafi. Di kita niyayaya, ini-inform kita. Ayaw mo 'yun? Makikita mo si bebelabs?" hagalpak ang tawa ni Gio.

Awtomatikong nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. I hate being paired with him! Baka isipin pa no'n ay crush ko siya! Never! Not now, not ever!

"Alam mo di ko talaga gets bakit gustong-gusto niyong magkasama kami ni Sarathiel."

Sa room kasi parang mga ewan. Ginawa kaming artista ni Sarathiel! Meron kaming loveteam tapos may page pa kami sa Facebook! Araw-araw ko talagang nirereport 'yung page na 'yon. Mga walanghiya mga kablockmates ko!

"OTP kasi namin kayo," sagot ni Gio.

"OTP?" I arched an eyebrow.

"One True Pairing." Nag-finger heart pa siya saakin.

"OTP? O talaga po?" pag-uulit ko. Natawa tuloy sila Adren.

Alam niyo ba 'yon? Hindi niyo naman gusto 'yung tao pero tinutulak ka nila roon? Hindi ba pwedeng i-reto nila ako sa gusto ko rin?

Bawal ba 'yon? Ha?

"Basta, tayo pinili ng mga teacher natin para roon. Kahit naman pumunta lang tayo roon, okay na. Di naman natin kailangan manalo o ano. Di naman masyadong seryoso 'yun." Sabi ni Gio.

Si Adren naman ay nakangiti lang, it made him more attractive. Goodness, kung hindi lang talaga ito rich kid— matagal ko na siyang nagustuhan. Pero huwag na lang. Ayoko kasi maging k-drama kung saan binubugbog 'yong babae dahil sa mayaman 'yong lalaki. At saka, halata naman meron siyang sariling mundo.

Wala na akong nagawa kundi tumango. Nagpaalam na aalis si Gio at Adren, magbabasa raw sila ng mga dating lessons baka kasi lumabas sa quizbee.

Hindi raw seryoso pero magr-review? Wow, scam.

Umalis na rin si Melay dahil mukhang taga-rito lang 'yung naka-neargroup niya. Nag-ayos pa kasi ng sarili ang loka bago umalis.

Naiwan akong mag-isang nags-solve ng activity namin sa MATH002. Nakakainis talaga 'tong Stats and Prob. Balik niyo na ako sa Gen Math!

May umupo sa pwesto ni Melay. Umangat ang tingin ko rito at kumunot ang noo ko.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Sarathiel.

Bakit? Tapos na ba siya kay Philomena?

Hindi niya ako sinagot. He rested his cheeks on his palm, plastering a bored look on his face.

"Kasali ka sa SciMaTech?" he asked but his eyes were on my paper.

"Pake mo?"

"I was just asking," he shrugged his shoulders.

"Doon ka na sa HUMSS mo. Bagay daw kayo e," sabi ko habang tina-try hulaan kung ilan ba club sa isang deck of cards.

Saan nanggaling 'yon? Pero pabor naman talaga saakin kung si Philomena ang ginugulo niya.

"What?"

Patuloy lang siya sa pagtingin sa papel ko. I was conscious with my answer, ayokong isipin niya na mahina ako sa math. I'm not that good but I was at least a little above from the average.

"Kay Philomena, busy ka 'di ba? Tagal niyo ngang nag-usap e."

I tried diverting the topic.

"She just wanted some reading materials for the quiz. Kasali kasi siya sa participants ng quizbee." He explained.

Tumingin ako sa kanya at umawang ang bibig ko.

"Bakit ka nag-explain? Tinanong ko ba? Ini-inggit mo ba ako kasi si Philomena binigyan mo ng reading materials, tapos ako hindi? Oh edi sana all si Philomena."

He looks taken aback. He blinked a few times before letting out a hearty laugh.

"Ba't galit na galit ka? Gusto mo rin ba ng reading materials?"

The moment he spat those words out, I bit my lip. That was an offer I couldn't resist but I have pride.

"Psh, huwag na." It was a tempting offer but no. My pride won't let me.

He continously tapped the table using his fingers. It was making me distracted but I continued on answering my assignment.

"Di rin naman kailangan. Quizbees are more on trivias and lessons from JHS. Trust me, mapipikon ka lang kapag nag-review ka." He said.

Nagulat ako nang makita ang kamay niya sa notebook ko. Damn those veins. Puno ba siya? Bakit siya maugat?

He was tracing the question I was trying hard to answer.

"If we are selecting only one card from a standard deck of 52 playing cards, then the probability of picking a club would be..." he trailed off.

Tumingin ako sa kanya. His eyes were also looking back at me. I can see my reflection on his eyes.

"Four ba?" tanong ko sa kanya.

"Malapit na," he licked his lower lip.

Fine, I give up. Sila naman 'tong STEM. Alam ko naman na kahit papaano ay mas inaasahan sila sa math.

"Ano bang sagot?"

"Thirteen clubs." He said with finality.

"What the hell? Anong malapit doon? Kailan pa naging malapit ang four sa thirteen? Nung bata ka ba ang turo sayo one, two, three, four, thirteen?" I asked, annoyed because I didn't get his answer.

'Yon lang pala ang sagot doon? Halos mabaliw ako kakaisip kung ano ang tamang sagot!

"No. I mean there's thirteen clubs so the probability of picking a club would be one fourth or twenty five percent."

"Wow, nagsusugal ka 'no?" I accused him.

Hindi ko kasi talaga alam 'yung mga deck of cards na 'yan! Hindi ko nga alam paano mag-tong its e!

"Nakikinig kasi ako. Di tulad ng iba riyan." He chuckled.

I felt offended. Alam ko sa sarili ko na nakikinig din ako. Pero ano bang malay ko sa mga deck of cards, tossed coins at mga bagay na hinuhulaan ang outcome gamit ng probability?

"Well, see you at SciMaTech. Just because you're STEM, it doesn't mean you're already ahead of the line." Inayos ko na ang mga gamit ko. Sinagutan na niya 'yung kanina ko pa iniisip e.

I also wanted to review more. Hindi ko talaga matanggap na mas magaling siya saakin sa mga bagay na ganito.

"Let's bet?" he arched an eyebrow.

What a cliché thing to say. Pero dahil competitive ako ay agad na sumilay ang isang ngisi sa labi ko.

"Sure. The loser will have to be the winner's slave for a day." I clicked my tongue and gave him a wave of goodbye.

Since what he said was cliché, why not make it more cliché?

"You'll wish you didn't say that," was all I heard as I walk away from him.

❛ ━━━━━━・❪ ✎❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro