Kabanata 4
Kabanata 4
"So as an achiever, does the expectations of your classmates and teachers affect your daily routine in your class?"
"Sakto lang," he rested his head on the chair. Halata sa mga mata niya na inaantok na siya.
He has brown eyes — I was able to notice it since we're closely infront of each other. Sabi ko na may lahi itong lalaking 'to e. Sayang lang talaga at naging kampon siya ng kadiliman.
"Sagutin mo naman ako," I gritted my teeth. Gusto ko na rin umuwi kaso wala siyang matinong sagot!
Kanina pa siya nakikipagtitigan lang saakin. Ilang oras na rin ang lumipas pero hanggang ngayon ay wala pa akong matinong sagot na nakuha sa kanya.
Ano ba ito? Paunahan matunaw sa titig?
"Sinasagot na kita," he gave a small smile. Nagtaas naman ako ng kilay.
Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Why was he so complicated to talk to?
Nakita niya 'yata na malapit ko nang i-bato ang notebook ko sa kanya kaya nagsalita ulit siya.
"Honestly, di naman. Pumapasok lang 'yata ako para matulog."
My jaw dropped at his statement.
"Paano ka naging high honor kung natutulog ka lang naman?!"
"Napapaginipan ko 'yung mga sagot," he said and looked at me mischieviously.
I grimace at his statement. "Bangungutin ka sana."
I'm at the verge of giving up. Pero hindi naman kasi pwedeng hulaan lang ang mga sagot ng respondent. The answers from them will solidify your research. Kapag wala kang respondent, parang wala ka ring ebidensya na totoo nga ang research topic. Sometimes, RRLs are not enough to complete your research.
Nakakaramdam na rin ako ng gutom. Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil halos wala pa akong lunch.
Sarathiel was able to read my mood. Umayos siya sa pagkakaupo at tumikhim.
"Are you hungry? Gusto mo kumain muna?" tanong niya. Napatingin tuloy ako sa relo ko, this time I made sure my watch works well.
Anong oras na pala. Hindi pa ako kumakain. Ang tagal kasi sumagot nitong kumag na 'to e.
"Bibili ka? Lilibre mo ako?" I teased.
Sumilay ang isang ngisi sa labi niya. Dang it, sana talaga ay hindi ko na lang nalaman ang ugali niya. Baka isa siya sa mga inspirasyon ko para maka-graduate with flying colors!
"Sige lang, gusto mo ba?"
Sino ako para tumanggi sa grasya?
I nodded my head eagerly.
Tumayo na kami upang tumungo sa Main Cafeteria. Maraming mga senior high sa cafeteria na ito dahil mas malapit sa mga building namin. Nasa kabila pa kasi ang sa college kaya may sarili silang cafeteria roon.
Pumunta kami sa Main Caf para kumain. Ilang minutong lakad lang naman ito sa pinanggalingan namin.
Libre mo pala, ah?
I smiled to myself, trying to hide my hidden evil thoughts.
Nang nasa counter na kami at pipili na ng pagkain. Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang napaka-tamis.
"Libre mo, right?"
He looked at me and furrowed his eyebrows.
"Tao ka ba o sirang plaka? Ulit-ulit?"
I decided to avert my eyes towards the menu. Nakalagay ito sa itaas na bahagi ng counter.
"Ako pipili no'ng sa akin," sabi ko sa kanya. Hindi man ako makaganti sa kanya sa panguurat niya sa akin. Dito naman ako babawi!
I ordered thrice as much. Tinitignan ko ang reaksyon niyo pero parang hindi man lang siya aware sa ginawa ko. Nagawa pa nga niya omorder ng sarili niyang pagkain.
Ginto kaya pagkain sa Caf namin. Bottled water nga lang nasa singkwenta na.
Ako ang naghanap ng pwesto namin habang siya naman ang nagdala ng pagkain namin sa isang table. Umupo na kami at tulad kanina ay magkatapat ulit ang pwesto naming dalawa.
Ang dami ko pa lang binili. Tatlong ulam, tatlong kanin, at tatlong drinks. Tapos parang tanga 'tong si Sarathiel dahil bumili pa ng blueberry cheesecake na isang buo.
I swallowed my own saliva, I'm hungry but not this hungry.
Sarathiel chuckled. Napatingin ako sa kanya.
"Eat well," he smiled at me. Pero sa maikling panahon na nakilala ko siya alam kong tinatawanan na ako ng hayop na 'to sa utak niya.
I inhaled some air before eating. I was eating like a viking. Hindi ko pinapansin si Sarathiel na halos hindi matanggal ang tingin saakin.
Halos masuka na ako sa sobrang dami ng kinain ko. Medyo nanghinayang din kasi ako kasi marami kayang nagugutom sa mundo! Pero itong nasa tapat ko nagawa pa akong yayain kumain ng dessert.
"Thank you, huwag na sana maulit." I sneered at him.
He gave me a boyish smile.
Thankfully, I was able to get the answers needed for our research. Napilit ko naman siyang sumagot nang maayos — tinutukon ko na siya ng ballpen e. Hindi ko rin inakala na may substance pala siya sumagot kapag seryoso.
Kahit masakit man aminin ay nakita ko naman sa mga sagot niya...
Deserve nga niya 'yung with high honor.
『••✎••』
"Si Stacy na lang daw magp-print."
Halos mapunit ang mukha ko sa kakangiti. I was trying so hard not to show my irritation on my face.
Sino ba kasing matutuwa? Ngayon lang sila kikilos porke't bukas na 'yung defense namin? Tapos print lang, may grades na kaagad sila?
Edi sana di na ako nag-aral nagtayo na lang ako ng comshop kasi pwede naman palang print-print lang aasenso na sa buhay!
"Sige," pumayag si Melay. Tumingin naman ako kay Melanie nang masama. I wanted her to know she's not helping at all.
"Pabayaan mo na. Sa grades na lang tayo bumawi. Kawawa naman sila kung magkakaroon sila ng individual research." Paliwanag ni Melanie.
"That's not fair. Paano naman tayo na nag-puyat, gumastos at nag-pagod? Ano? Print lang pala katapat no'n?" reklamo ko.
Alam kong meron naman kaming peer evaluation. Pero ano ilalagay namin doon kung simula't sapul ay hindi naman talaga sila tumulong? Ngayon lang na magkakaroon kami ng mock defense?
Heranie, Paulene, and Isabelle hesitated too. Ilan kami sa grupo pero iilan lang din ang kumilos para gumawa. Hindi pa naman ito 'yung final defense, parang mock defense nga lang ito para tinqgnan kung may patutunguhan ba talaga 'yung research namin.
Hindi ako kailan man naging pabuhat sa klase. Kaya hindi ko alam kung ano 'yung feeling nila Stacy na lulubog at lilitaw na lang bigla-bigla. I'm probably not compassionate enough and that's the reason I don't have many friends. Wala akong time makipag-plastikan sa kanila.
Kaya naman nung dumating 'yung araw ng defense namin. Hindi ko talaga inakalang magpapakita sila. I did send the paper and ppt to them, pero napapamura na lang ako sa sarili kasi alam kong hindi nila 'yon binasa!
We wore formal attire. Habang inaayos ko 'yung coat ko, naramdaman ko 'yung panginginig ng kamay ko.
I was always confident when it comes to acads. Ito lang 'yung alam kong magaling ako e.
Pero ngayon ay parang pinanghihinaan ako ng loob. Hindi ko matatanggap na mababa kami dahil lang sa kanila. That's unfair because I spent sleepless nights in revising our paper. Minsan nga ay hindi na rin ako kumakain para lang maayos ang paper namin.
Pumunta kami sa AVR at nakitang nakaupo na ang Prof namin, naka-ready na rin ang ppt. Halos mangisay ako sa lamig. Required ba talagang malamig 'yung room kapag gigisahin kayo?
Inabot ni Melanie 'yung research paper namin sa Prof namin. Since it's only mock defense, siya pa lang panelist.
Ms. Cynthia smiled at us, trying to ease the tension. Pero nang binasa na niya ang papel namin.
Halos gumuho ang mundo ko.
I was always confident that if I just work hard enough, it will pay off. Lahat ng pinaghihirapan ay meron naman talagang katumbas na gantimpala.
Pero ngayon na nakakunot ang noo ni Ms. Cynthia habang tinitingnan ang papel namin, I wonder if our hardwork will really pay off.
Nilagyan niya ng malalaking ekis ang mga paragraph na pinaghirapan namin. I know I shouldn't take it personally but I know how much effort we put into that paper.
Hindi ako sanay. From elementary to junior highschool, I was always praise when it comes to my performance in school. From projects to periodical tests, lahat ng tao ay hanga saakin.
Kulang na lang punitin na ni Ms. Cynthia 'yung papel namin. Tapos lumingon siya saamin, tiningnan kami isa-isa. She started throwing questions.
"What do you mean by achiever? Dami namang definition ng achiever pero di niyo nilagay sa papel niyo?"
Crap. Definition of terms. Sa sobrang lutang 'yata namin, nakalimutan namin ilagay.
"How will you say it has an effect on their mental health? Psychologist kayo?"
She was right. It was psychological aspect — we're not experts when it comes to that. Wala kaming basis man lang.
Sa dami ng tanong niya. Wala kaming nasagot. I tried defending our paper but Ms. Cynthia knew I was bluffing.
No source, not reliable.
She always reminded us that.
"Next time, prepare more RRLs if necessary. Marami kayong mga sinabi rito pero wala namang pangalan."
In citing sources, always remember to state the name and the year. I should have edited the final paper, mukhang nakaligtaan ng nakatoka sa editing namin. I made sure to add that in a document, hindi 'yata nalagay. I bit my lower lip.
We focused on finishing the entire paper that we forgot it's quality over quantity. Hindi pa nakatulong na qualitative 'yung research namin, it means we really did mess our paper.
Nang lumabas kami sa AVR, tulala lang ako. I can't accept that I wasn't able to defend our paper the way I imagined it to be.
I was disappointed with myself. I didn't do well. Ang bigat sa pakiramdam.
"Okay lang 'yan, bawi na lang!" sabi ni Stacy at patalon-talon pa kung maglakad.
I clenched my fists and turned my attention to her. I gritted my teeth to suppressed my anger.
"Seryoso ka ba?" hindi ko napigilan ang sarili ko. Lumingon ang mga kagrupo ko saakin.
"Kalma ka lang, research lang 'yan. Matataas naman grade mo e. Huwag ka masyadong GC." Ngumiwi si Stacy at nagawa pang tumawa.
How dare you?
I exasperatedly sighed. I wanna bombard her with questions. Gusto ko maramdaman niya 'yung nararamdaman ko kanina. Ang daming tanong pero wala akong nasagot na tama.
"Zafirah," hinawakan na ako ni Melanie sa braso ko.
I was imagining myself holding Stacy's scalp and dragging her outside for a cat fight. Sobrang inis na inis na ako sa kanya!
"Hindi mo alam 'yung puyat namin. Hindi mo naramdaman 'yung pagod. Hindi mo naranasan na hindi matulog para lang i-proofread 'yung gawa natin. Gawa nga lang namin e. Papel at ink lang ambag mo!"
Nagtaas ng kilay saakin si Stacy. "Wow ha, buti nga ako pa nagpa-print e."
Gusto ko kunin 'yung wallet ko at i-bato sa kanya para lang mabayaran na 'yung binayad niya para sa print! Magkano ba 'yon, ha?!
"Tama na, Stacy." Umaawat na si Isabelle at Heranie. Si Paulene naman naguguluhan sa nangyayari.
"Si Zafirah kasi e! Napaka-GC akala mo naman nakakain 'yung grade! E ano naman kung mababa tayo? At least may grade, okay na 'yon!" katwiran niya pa.
Napahilamos ako sa sarili kong mukha. Hindi ko na kinaya at nag-walk out na ako sa kanila.
Bakit ganito?
Ginawa ko naman 'yung best ko pero kulang pa rin.
Narinig ko na tinatawag ako ng mga kagrupo ko pero hindi ko sila pinansin. I had enough.
Pagod na ako.
Pumunta ako sa pinakatagong lugar sa UJD. Sumandal ako sa isang pader at unti-unting napa-upo. Hindi ko namalayan na unti-unti na palang tumutulo 'yung luha ko.
Hindi nila nararamdaman 'yung frustration na pinagod ka pero hindi mo nakuha 'yung pinagpaguran mo.
Pinupunasan ko gamit ng coat ko 'yung mga luha ko. I know they're probably looking for me or not. Pero sobrang inis na inis lang talaga ako.
I was disappointed with myself.
Hanggang ngayon ay ramdam ko ang dismaya sa sarili ko.
I never failed. I was always above average. Hindi nga ako natatakot sa mga reporting noon. I even volunteer for recitations!
So, what happened?
Bakit ganito ang Senior High?
"Hey," nakaramdam ako ng presensya sa tabi ko.
"Sabi ko na nga ba kapag nalulungkot ka may demonyong bubulong sa'yo e," lumingon ako kay Sarathiel.
He arched an eyebrow. "Ano ba 'yan, uhugin."
Hinampas ko siya. "Kadiri ka naman!"
"Mas kadiri ka. Ikaw nga 'tong may tumutulo pang—"
Pinunas ko sa kanya 'yung basa kong kamay. Agad naman siyang napalayo. Duh, that's just tears!
Naka-squat siya sa harap ko ngayon. Probably to match our level.
"Why are you crying, though? Sino nagpa-iyak sa'yo?" his voice was laced with concern.
"Research," tipid kong sagot.
"Did you get sautéed?"
I grimaced. "Anong pinagsasabi mo?"
"Ginisa kayo?" he asked.
I wiped my tears and tried to laugh.
"Ginisa lang, sauté sauté ka pang nalalaman. TVL ka ba?"
"Do you want me to use STEM—"
"No please, Physical Science pa lang qouta na ako sa terms."
"Neutrons are probably having the best time when shopping, don't you think?" he said, out of the blue.
"What the?"
"Because everytime they ask for how much, people will always say no charge."
"Di ko gets joke ng mga matatalino. Hanap ka kausap mo." Umirap ako sa kanya.
Nagulat ako nang siya mismo 'yung nagpunas ng mga luha sa gilid ng mata ko. He used his handkerchief which actually smelled good.
"Pa-arbor ng panyo," biro ko. I was trying to lift my mood.
"Sige, sa'yo na. May uhog mo na e."
Umamba ako ng sapak sa kanya.
"Ang kapal-kapal ng mukha mo! Kailan pa nagkaroon ng uhog sa mata?! STEM ka tapos di mo alam?"
He didn't say anything and continuously wipe the tears in my face.
"Thank you," I had a bad day. Akala ko mas papangit lang ito dahil sa kanya. Who would have thought he'll be the one who's there for me?
I look up to him.
"You can vent if you want. Kung ayaw mo, okay lang din." he said then looked at me in the eye.
His eyes are probably the most mesmerizing thing about him. He don't show emotion often but his eyes speaks volumes.
"I just had...a bad day," I trailed off.
I was probably overreacting. He remove the falling strands of hair in my face.
He decided to pause but gently reminded me that. "A bad day is just a day after all. There's always another day to hope for a good one."
❛ ━━━━━━・❪ ✎❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro