Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11

Kabanata 11

"Seryoso 'yan?" tinuro ko si Gio na nagf-flex ng sarili niya sa mga kablockmates namin.

Naka-jersey siya na pang-basketball. It was color blue and has ABM printed on it. Sa likod nito ay 06 San Pedro nakalagay.

Tumitili ang ilan sa mga kaklase namin. The guys even joined the cheer for him. Ako naman ay nanatiling nakataas ang kilay dahil sa pagmamalaki niya sa kanyang muscles. I mean, he did have the body for it. Hindi siya sobrang maskulado at hindi rin naman siya payat.

"Ginawan ko ng banner si Gio!" Melanie squealed in delight. She's always supportive when it comes to our blockmates and our strand itself.

"Guys, ako lang 'to. Itatayo ko talaga bandera ng ABM." ngumisi si Gio saamin.

Kaya naman ngayon na nanonood na kami ng laban ng ABM at STEM sa grade 11 basketball ay tuwang-tuwa kami kay Gio. Lahat kami ay halos mamamatay na kakatawa sa kanya.

Bumunghalit ng tawa ang buong ABM 1 kay Gio nang nasa loob na kami ng court. Kitang-kita namin kung paano niya kami ipagmalaki sa kanyang laro.

"Go Gio! Seat properly!" sigaw ko kay Gio na kanina pa nakaupo sa may bench para sa mga basketball players ng ABM.

I even misused a word because of my laughter. Ang sakit sa tyan dahil kanina pa siya nakatitig lang sa pag-shoot ng iba ng bola.

Ilang oras na 'yata siyang nakaupo. Pakiramdam ko ay naiputan na siya ng Adarna dahil sa tagal niyang hindi pinapasok sa mismong laro. Ang malala pa ay mukha siyang batang iniwan ng nanay niya sa grocery store at sinabing huwag aalis o gagalaw sa kanyang pwesto. He was just there, sitting straightly.

"Melay, ibaba mo na banner mo. Nanonood lang din naman 'yata si Gio e." Hagalpak ang tawa ni Bea.

Si Melanie naman ay unti-unting binaba ang banner na ginawa niya para kay Gio. Sayang dahil ang ganda pa naman ng quality ng banner niya.

"Itatayo raw bandera ng ABM- pero kanina pa siya nakaupo." nagpupunas ng luha si Melay, naiiyak na siya sa kakatawa.

We didn't really hope for him to do well. Pinili lang naman siya dahil sa height niya at dahil nasa ibang sports na ang mga athletic kong mga kaklase.

Bangko kasi si Gagio. Kapag sinasalta naman siya sa loob ng court- hindi siya nakaka-shoot. Sa tagal niyang naka-upo sa bench, baka isipin ng tao na upuan din siya.

"Buti na lang talaga matalino si Gio." Halakhak ko. Bano sa basketball.

My arms were across my chest as I watch the ball being pass on by one player to another. A familiar guy was on the court, his hair was plastered on his forehead because of his sweat but it didn't make him look bad - on the contrary, it made almost all of the girls to root for him.

Naningkit ang mga mata ko dahil namukhaan ko na kung sino ito - it was no other than Iscalade himself. Gumapang ang kaba sa puso ko dahil nawala sa isip ko na STEM nga pala ang kalaban namin ngayon.

Iscalade decided to go for a half court shot before the buzzer goes off. Kaya naman hiyawan ang mga STEM dahil mukhang tinatambakan talaga kaming mga ABM.

"Ang galing ni Iscalade! Palaging three points!" Melay said in awe.

"ABM ka, uy!" sita ko sa kanya.

"Okay lang 'yan, magpapanggap muna akong STEM dahil kay Gio." Melanie chortled whilst continuing her cheer for the other side.

Kasali rin pala si Iscalade sa basketball team ng STEM. Siya rin talaga ang nagdadala ng laro nila. Ang laki nga ng lamang nila sa score namin.

Iscalade was wearing a bandana and even though he was sweaty- he looks good in his jersey. Ang dami tuloy tumitiling mga babae sa STEM at ABM dahil sa kanya.

I didn't really like the game because the other side was continously scoring. Hindi man lang ito naging challenging dahil nga sa una pa lang ay tinambakan na kami.

I roamed my eyes but I didn't see even a hint of his shadow. Disappointment crept inside my heart.

Sa huli, nanalo ang STEM laban sa ABM. Tinambakan nga ng STEM ang ABM kaya hindi na nakabawi.

"G na g kasi maglaro si Iscalade. Gusto talaga makalaban mga HUMSS," kwento ni Gio sa'kin nang puntahan ko siya matapos ang laro.

Inabutan ko siya ng tubig at tinanggap niya naman ito. Uminom si Gio bago lumingon sa'min at sumama na kumain muna bago siya umupo ulit para sa susunod na laro.

"Bangko ka lang e," I chuckled and Gio nudged me on the shoulder. Totoo naman 'yung sinabi ko.

"Anong over all scores? Sino leading?" tanong ko.

"STEM 'yata? Sunod ABM," sagot ni Gio habang naguunat-unat.

My forehead creased because of his gesture.

Akala mo naman talaga gumalaw siya. Napagod ba siya kakaupo?

We were walking to the cafeteria when I notice his sweats. Hindi naman ito dugyot tingnan pero nalalagkitan ako sa kanya kaya ngumiwi ako at nilabas ang panyo ko.

"Punasan mo nga sarili mo. Bakit ka pawis na pawis, wala ka namang ginawa?" tanong ko sa kanya. Pinunasan ko siya gamit ng panyo ko.

"Naglaro ako!" He defended himself. Natigilan lang siya at nagulat ako nang nagtaas ng dalawang kamay.

He looked pale as if he have seen a ghost. Agad siyang umatras habang tinaas ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko siya.

"Gusto ko lang sabihin na mali 'yang iniisip mo," bigla siyang nagsalita.

"Gagio ka talaga. Ano 'yon?" naguguluhan kong tanong.

Lumingon ako sa kung saan siya nakatingin.

My lips parted.

It was Sarathiel and he was wearing his signature jacket. He was looking at us from head to toe. May hawak siyang soda can.

May kakaiba akong naramdaman dahil sa paraan kung paano niya kami tingnan. I remember how hurt he looked like before this. The way he made me feel so cold.

He arched an eyebrow and drink on his soda. Nilagpasan niya lang kami ni Gio na para bang hindi niya kami kilala.

Napasabunot si Gio sa sarili niyang buhok. "Tangina mo naman, Zaf e!"

"Anong ginawa ko sa'yo?"

Siya na nga pinunasan, siya pa galit?

Gio dismissively rolled his eyes and continued walking. Sumunod naman ako sa kanya.

As I saw Sarathiel's back from us. Nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko.

Ito 'yung gusto ko 'di ba?

Pero bakit parang may mali? I shouldn't be sad. I should feel happy because he finally stops pestering me.

I sighed as we went back to our building. Mabibigat ang bawat hakbang ko kaya naman tumingin saakin si Gio at kinalabit ako.

Nawalan na ako ng gana kumain. Gio decided to tag along with me, masama raw kasi ang maglaro pagkatapos kumain. Pinapanindigan niya talagang naglalaro siya kahit ang ginawa lang naman niya magdamag ay umupo.

"May laban mamayang hapon 'yung grade 11 volleyball," sabi niya.

Lumingon ako sa kanya.

"Required manood?"

"Yup, ABM vs STEM 'yun e. Ako na bahala sa seats niyo. Front row pa, promise." Ngumiti saakin si Gio.

I smiled back at him.

I'm grateful for having Giorgi as a blockmate and also as a friend.

Joke lang pala. Tangina talaga ni Giorgi.

I appeared gauchely seated on the seat that Gio provided. Ilang santo na 'yata ang pinakiusapan ko sa utak ko na kung alam man nila kung nasaan si Gio ngayon ay nasa paki-batukan para sa akin.

"Ang awkward mag-katabi 'yung STEM pati ABM."

"Baka mag-jowa 'yan sila."

"Sana all."

Napahilamos ako sa sarili kong mukha. Si Bea at Melay naman ay nakatingin saakin at nagpipigil sila ng ngiti.

I abruptly shook my head at them when they were secretly pointing at Sarathiel. Pinanglalakihan ko sila ng mata para tumigil na sila.

Alam kong katabi ko siya, please don't make him oblivious of that fact!

Hindi ko alam paano ko naging katabi si Sarathiel. Pero alam kong gawa 'to ni Gagio.

And I would strangle him because of it! Akala ko pa naman ay mawawalan ako ng sama ng loob pero mukhang lalo lang itong lumalim.

"Bibili lang kami ng tubig," paalam ni Bea at akmang tatayo nang pigilan ko siya. She squinted her eyes at me, kaya naman agad ko siyang binitawan.

"Bibili ako ng popcorn," dumagdag pa si Melay at kinindatan pa ako.

I heaved a sigh and pleadingly looked at them. Pareho lang silang nagtataas sa akin ng kilay, like they're planning something.

"Bumalik kayo ha," I gritted my teeth. Nakita ko na malaki ang ngisi nung dalawa.

Duda akong babalik pa sila.

Fudge.

Naiwan kaming dalawa ni Sarathiel. May katabi naman si Sarathiel at kausap niya ito. He really didn't even spare me a glance. Alam niya sigurong nasa tabi niya lang ako dahil sa kabilang dako ang atensyon niya.

If he hated me so much, he didn't need to make me feel like it. Lumamlam ang pakiramdam ko dahil dito. I shouldn't feel like this.

Para tuloy akong ewan dito na inaabangan na magsimula na 'yung laban ng STEM at ABM.

Lumabas na 'yung players. I saw Czanne as one of the players for STEM. Kaya ba nandito si Sarathiel para suportahan si Czanne?

No, probably not.

Baka para sa attendance lang din. I didn't know why I had to convince myself.

This seriously made me feel down. It made the empty feeling inside my chest more hollow. Parang sinimot pa lalo ang natitirang meron dito.

Hindi kami naguusap ni Sarathiel. Hindi niya ako pinapansin. Masyado rin akong ma-pride para kausapin siya.

The game started and I tried to enjoy it since it is still my strand against another one.

Lamang ang ABM sa STEM. I was cheering the whole time for our strand. Pero natigilan lang ako dahil pagka-spike nung isang player sa STEM ng bola ay napunta ito sa direksyon namin.

Out of reflex, I close my eyes and decided to hide in the nearest person I know.

Sa sobrang takot ko matamaan ay hinatak ko ang katabi ko para magtago sa kanya. The person beside me did shield me from the ball. Mabuti na lang at doon sa walang bakanteng upuan ni Melay at Bea napunta 'yung bola.

"Thank you," nanginginig kong sabi. That was close. Masakit pa naman matamaan ng bola.

Umangat ang tingin ko sa kanya at sinalubong naman ako ng mga mata niyang nag-aalala. He was looking at me with a perturbed expression. Agad niyang tiningnan kung may natamaan sa akin.

"Welcome," napalingon ako sa katabi ko. Si Sarathiel nga pala 'yung katabi ko! Sa sobrang kaba ko kanina ay nakalimutan kong siya ang katabi ko!

"Mag-jowa nga sila!" someone gushed from the crowd.

"Sorry," sabi ko at bumitaw sa pagkakahawak ko sa jacket niya.

I meant it for what I've said. I didn't want to offend him and honestly this set up is making me feel so bad. Parang naging way na lang ito upang lumabas na ang kinikimkim ko na sabihin sa kanya.

"For what?" his tone was cold.

"Kay Clary-" I stopped and inhaled some air before speaking.

I nibbled on my lower lip and decided to go for it. Lumingon ako sa kanya at tiningnan siya nang diretso sa kanyang mga mata.

"I didn't really say that. Pero gusto ka niya talaga. She's a really nice girl once you know-"

He cutted me off by shaking his head in disapproval.

"I don't wanna know her. I'm not interested." He firmly said.

No, that can't be. Hindi pwedeng - bakit ganito ang nararamdaman ko? I feel bad because I feel so relieved! I should feel the otherwise! Not this one.

I exasperatedly sighed.

"Sige, ako na lang-"

"Ikaw na lang?" nagtaas siya ng kilay. Namula naman ako.

My eyes immediately glared at him. There's no way I'm feeling like this because of him. This was just my guilt because I think I offended him.

"Patapusin mo muna ako, lintik ka. Ako na lang magsasabi kay Clary na maghanap na lang siya ng iba 'yung hindi sugo ng kadiliman."

"Right," he sneered.

Nilipat niyang muli ang kanyang paningin sa laro. It made me realized that I shouldn't be too harsh on him. Ako na nga itong humihingi ng pasensya.

"I'm sorry..." my pride was crumbling down.

I saw him stiffened on his seat. Unti-unti niyang binalik ang tingin niya sa akin. The aloofness of his gestures immediately softened.

"Bati na tayo?" tanong ko sa kanya. He was about to speak when someone sat beside me.

"Ang rupok rupok rupok naman ng upuan na 'to," it was Iscalade, hindi ko alam 'yung ginagawa niya sa upuan nila Melay.

Iscalade acted surprise, even putting a hand on his mouth. He grinned at us while continously shaking the chair he was using.

"Hi Zafi! Hi Sarathiel! Ang rupok ng upuan ko!" Halakhak ni Iscalade.

"Share mo lang?" I snorted at him.

He only shook his head and laugh.

Hindi ko na tuloy nalaman ang sagot ni Sarathiel pero sa buong oras ng laro ay naguusap kami tungkol sa mga nangyari sa undas break namin. Si Iscalade naman ay umaalis din kaagad dahil may laro pa pala siya- may inutos lang daw sa kanya si Gio kaya siya pumunta sa'min.

The game ended with ABM winning. Tumayo na si Sarathiel at akala ko ay iiwan niya na ako na walang sagot. I get it, my apology probably looked like it was half assed. Hindi kasi talaga ako sanay na mag-sorry sa mga ganitong bagay.

I was about to also return to our room when Sarathiel traipsed over my direction. His cheeks were crimson while looking down.

"Do you mean it?" he asked in a low tone.

"'Yung a-ano? Sorry?" I ask, distracted with his sudden movement.

He abruptly nodded.

"Yeah, sorry if I offended you..." mahina kong tugon.

He looked up to me, hope lingering on his eyes. It made my heart pound against my chest. Those hazel eyes will be the death of me.

"I'm sorry too, Zafi. I just don't like being paired with others..." he had a glint of smile on his lip. "When I already have someone I like."

Oh. That's why he was pissed off.

I slowly nodded my head.

"R-right, sorry ulit."

He gave me a boyish smile.

"Bati na tayo."

Buong araw ay halos para akong lumulutang sa mga ulap. Simpling pahayag lang naman 'yon pero buong araw itong nanatili sa utak ko.

Halos 6pm na nang makauwi ako sa bahay. Naabutan ko si Clary na nakapameywang at tinataasan ako ng kilay.

She was glaring at me. Kaya naman agad kumunot ang noo ko sa kanya. Hindi ko pa nga nailalapag ang aking knapsack ay agad niya akong hinila.

"Anong meron sa inyo ni Sarathiel?"

I looked at her with pure confusion on my eyes. I even laughed because of how she was acting.

"Ha? Anong pinagsasabi mo?"

She showed me a picture of Sarathiel and I talking in the volleyball match. Kanina lang 'yon ah.

I frowned upon knowing this information and look at her with discomfort.

"Clary, that's creepy. You shouldn't take pictures of other people-"

She had tears under her eyelids, mga nagbabadyang lumandas sa kanyanv pisngi.

"Someone posted this on UJD confession page! Sana all daw mag-jowa kahit magka-iba ng strand!" She shrieked.

I get where she's coming from but at the same time she doesn't make any sense. Hindi naman sa kanya si Sarathiel.

"Di kami mag-jowa pero hindi rin ako natuwa noong nagsinungaling ka tungkol sa may sinabi ako sa'yo." I sighed.

She cannot always use me as a bait for Sarathiel. That's just awful. At ayoko na ulit na magkaroon kami ng hidwaan dahil lang kay Clary.

She chuckled, bitterness dripping on her tone.

"Do you like him, Zaf?"

I looked away but decided to answer what I always say.

"No-"

"Liar! Nagbago ka na, Zafirah!"

Did I really change? Wala namang nagbago sa'kin. Pero sa nararamdaman ko ay hindi ako sigurado. Hindi ako maka-sagot sa kanya nang diretso kung kaya't sumigaw siya dahil sa kanyang inis.

"Zafi, bakit?! You know I like Sarathiel!"

I didn't want her to think I seduced Sarathiel because she liked him. Ayoko rin isipin niya na may ganito nga akong nararamdaman. Dahil kahit ako ay hindi pa ito matanggap.

"Clary, stop it. Marami pang lalaki riyan. Di ka mauubusan ng lalaki! Nandiyan pa nga si Alex e!"

We were both startled when the door went ajar, niluwa nito ang panganay na kapatid ni Clary.

"Ano 'to?" Kuya Carlos came in. Naguguluhan siyang tumingin sa'min. He looked tired but he was intrigued that we were both shouting.

"Wala, Kuya." Clary averted her gaze. I knew the reason why she was hesitant to open up.

Takot si Clary malaman ng magulang at kuya niya na nagb-boyfriend siya. That's why I'm the only one who knows her boyfriends before.

"Hiniram ko kasi 'yung notes niya sa E-Tech kaya lang hindi ko mahanap." I lied, covering for Clary.

Bumuntong hininga si Kuya Carlos bago niya kami nilapitan at tinapik sa aming mga ulo.

"Sige, sa kwarto na ako ha. Huwag na kayong mag-away dalawa. Kayo na nga lang magka-sundo sa bahay e." Ngumiti si Kuya Carlos at umakyat na.

Ilang segundo lamang ay padabog na naglakad si Clary palapit sa'kin. Clary glared at me with blazing eyes.

"I'm not going to lose to you," Clary said before going upstairs.

She stopped midway and decided to throw me a glance of disgust.

"Akala ko pa naman puro ka lang pag-aaral, Zafirah. Inaaral mo na rin pala paano lumandi ng taong gusto ng pinsan mo?"

That hit me hard. Naiwan ako roon at napaupo na lang sa may sofa.

Did we really have a competition in the first place? Masama nga ba na lumalapit pa rin ako kay Sarathiel?

I liked competitions but not like this. I'm trying to understand her perspective. Mali nga naman na magkagusto ka sa taong gusto na ng taong malapit sa'yo. It's like a code you can't break.

I was so torn between the two of them. Kung sa ibang tao lang ito, I'll always choose Clary over them. She's basically family. Pero iba si Sarathiel, for some reason I can't just give him up.

Naaawa ako kay Sarathiel. He doesn't deserve to be treated like a trophy of affection. Hindi ko alam kung bakit ganoon si Clary. Nasanay siguro siya na lahat ng lalaki na gusto niya ay nagkakagusto rin sa kanya pabalik.

In the end, I realized that it is not up to us but only Sarathiel can give her an answer. I remember how Alex looked hopeful when they were together. Sayang dahil kay Sarathiel niya binibigay ang atensyon niya.

I shut my eyes close as I rest my head on the sofa. Gusto ko na lang muna mag-pahinga. This day was too exhausting. Pakiramdam ko ay ramdam ko na ang nararamdaman ni Gio kahit umuupo lang naman siya tuwing may laro.

Sarathiel and Alex, huh? If I was Clary, I probably already knew the answer. It is not simple but it is a way to get hurt less.

Choose whoever stays with you.

We can't always have what we want but we can always choose those who decided to stay with us.

I hope she knows that.

❛ ━━━━━━・❪ ✎❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro