Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

Kabanata 1

"Dora!"

Napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag saakin sa pangalang hindi ko alam saang lupalop ng mundo nila nakuha.

Binatuhan ko ito nang masamang tingin.

"Loko talaga 'yung mga STEM 1 'no? Hanggang ngayon Dora pa rin tawag nila sa'yo." Bea said while I frowned.

Akala ko tatantanan na nila ako pagkatapos ng pangyayari na 'yon. Pero hanggang ngayon ay tinatawag nila akong Dora dahil explore raw ako nang explore.

Hindi ba sila maka-move on? Matatapos na ang first semester pero gano'n pa rin ang tawag nila sa akin!

"Sana nahanap mo na si The Map!" nagtawanan pa ang mga tangkay.

"Duda ko 'yung lalaking nakatabi ko 'yung may pakana e," I sighed and continued our walk to our classroom.

"Zafi, kilala mo na ba 'yun?" Bea asked, pertaining to the guy I sat beside with.

Umiling ako. "Hindi pa at wala akong balak kilalanin dahil baka ma-stress lang ako."

Katatapos lang ng lunchbreak at paakyat na kami ni Bea sa room namin. I can't believe that I got lost during the first day. Ang lapit lang pala ng room ng ABM 1! The buildings were also named after famous figures in their respective fields. Pero madalas ay sa strand na lamang ito tinatawag.

When we were in front of the door, I noticed my classmates laughing with each other. Nakikita ito dahil gawa sa salamin ang mga bintana sa school namin.

Nakapaskil sa harap ng pinto namin ang schedule namin. Para sa first semester, puro lang kami core subjects. Bale, ang core subjects ay mga subjects na required kunin ng lahat ng strand.

I thought Senior High will look like college but so far it still looks like it's highschool. Nakakapanibago lamang ang mga subjects at pagkakaroon ng iba't ibang strand pero halos highschool pa rin naman talaga siya. The subjects or courses as they prefer to say are just a lot harder.

Pagkabukas ko pa lang ng pinto, rinig na rinig ko na kaagad ang maiingay kong mga kaklase. Contrary to popular belief, maingay sila dahil nagkukulitan at hindi lang dahil sa acads.

Lahat kasi ng ibang sections, ang tingin sa ABM 1 ay seryoso at matatalino.

I rolled my eyes because that's far from the truth.

Napaka-fake news.

Mababait naman mga kaklase ko pero competitive nga lang sila. I find that good actually because I was competitive myself.

Iba naman kasi talaga kapag Senior highschool ka na. Hindi ka na pwede magpetiks-petiks dahil may mga college schools na bumabatay sa performance mo sa senior high.

It is, after all, a preparatory step for college. You'll see here if you're really inclined for your future career. I was really hoping that accounting is for me. Gusto ko talaga maging-CPA.

I'm not smart like I was born with an IQ that matches with Eistein. Pero masipag ako mag-aral at nataguyod ko naman ang mga grades ko noon hanggang ngayon gamit lamang ng pagsisikap.

If you don't know it then know it. Sinanay ko ang sarili ko na palaging mag-aral kahit walang exam. Hindi ako nadadaan sa stock knowledge. Aanuhin mo ang stock knowledge kung wala ka namang knowledge in the first place?

"Anong sunod na subject?" tanong ko kay Bea.

I opened my phone to check it because my lockscreen was our schedule. It's really helpful in Senior Highschool when you know your sched.

Hindi tulad ng highschool- sobrang gulo ng pagkakaayos ng mga subjects sa Senior High. Hindi pa nakakatulong na minsan double period ang ibang subjects.

Media and Information Literacy pala. We sometimes just call it MIL as an acronym.

"MIL," sabi ni Bea at nilabas ang notebook niya para hindi na hassle pagdating ng Prof namin.

Dumating na si Ms. Frias, she's actually a fresh graduate kaya medyo ka-vibes niya kami. Binati namin siya at umupo na kami sa mga upuan namin.

"So, remember the groupings we had last time? I want you guys to go to your group and we'll discuss our next performance task." Ms. Frias announced.

We did what she told us to do. Mabuti na lang at medyo close ko 'yung mga ka-grupo ko kaya naman sa tingin ko magiging madali lang saamin 'yung gagawin.

"Yes! Kagrupo ko kayo!" Melanie squealed and immediately went beside Bea.

Ngitinian lang siya ni Bea.

"Our performance task will be..." may isinulat si Ms. Frias sa whiteboard.

Film making.

Halu-halo ang reaksyon sa loob ng classroom namin. May mga natuwa at meron namang hindi dahil masyado itong magawa.

Ms. Frias explained that we had to make a film about a topic that is relevant in our generation. Since MIL ang subject namin, we'll have to also upload it to get insights from others. Pwede raw tungkol sa LGBTQ+, depression, teenage pregnancy, o kahit anong napapansin namin sa panahon ngayon.

"Buti na lang kagrupo natin si Adren! May lugar na kaagad tayo!"

Everyone got what Gio's implying. Adren is probably the richest person in our class. Ibig sabihin kung meron man kaming shooting place, malamang sa mansion nila 'yon.

"No prob, dude." Adren smiled, nakarinig tuloy ako ng mga hagikgik ng mga kaklase kong babae.

"About the place, class. Unfortunately, you can't film outside the school." sabi ni Ms. Frias.

Nalaglag ang panga ko.

There were violent reactions everywhere. Kahit ako ay nagulat sa sinabi niya.

"Ma'am paano 'yon?!"

"Ma'am, ano 'yon? Paano kapag teenage pregnancy? Sa school sila gagawa ng bata?!"

"Ma'am, ang pangit naman no'n! Hindi magiging realistic 'yung film!"

"You have to be resourceful. Marami namang shooting places sa school."

That didn't help at all.

Kaya naman nung nag-brainstorming kami. Nag-isip kami ng topic na hindi masyadong lalayo ang lugar sa school. We decided bullying will be the topic for our film.

The director appointed me as the head of props. Hinati-hati kasi namin 'yung mga gawain para mas madali.

Kinabukasan kaagad ay naisipan na namin magsimula ng shooting. We had 2 weeks to do the film, gusto namin matapos kaagad para hindi sumabay sa ibang subjects.

"Evergreen garden daw 'yung first scene," Paulene informed me. Kasama ko siya sa propsmen.

"Oy nandoon si crush!" hagikgik ni Melanie.

"Paano mo naman nalaman?" Bea raised an eyebrow.

"Nararamdaman lang ng radar ko!"

Si Melanie ang pinaka-excited sa amin kasi malapit daw ang room ng crush niya sa evergreen garden.

Sana lahat kasing excited niya.

"Okay ka lang?" tanong ni Bea habang bitbit namin 'yung mga gagamitin na props.

"Yup," pilit ang ngiti ko kay Bea. She's always observant. Akala mo tahimik lang siya sa gilid hindi mo alam napapansin niya na pala 'yung nararamdaman mo.

Sinong magiging okay kung 'yung shooting place namin malapit lang sa room ng STEM 1?

Ang evergreen garden kasi ang daanan papunta sa building ng STEM. Bale, teritoryo 'yon ng mga tangkay.

Hindi naman siguro kami magkakasalubong. What are the chances we'll meet there? I hope it's close to none.

Nang makaraming kami sa shooting place. Inaayusan na si Heranie at LJ, ang mga bida sa pelikula na gagawin namin.

Pero nakita ko si Gio na mukhang problemado. May kausap siya na isang grupo. Naningkit kaagad ang mga mata ko nang makita ko ang isang pamilyar na mukha.

Oh ghad, just no.

Napako 'yata ako sa kinatatayuan ko. His familiar face seems unfazed, he was looking over Gio who was talking to his group of classmates.

That prick. Hindi niya alam kung gaano ako ka-iwas sa building ng STEM dahil ayaw ko siyang makita!

He was sporting the same outfit when I first saw him. A neat uniform with a hoodie. Ibang kulay nga lang ang hoodie na gamit niya ngayon. May hawak siyang DLSR na camera.

Don't tell me...

Lumapit ako kay Gio para makumpirma ang hinala ko.

"Sorry, hindi kami aware na kailangan pala muna ng permit bago makapag-shoot dito." Gio was apologizing.

Anong permit?!

"Anong meron?" I asked. Napatingin tuloy sa akin 'yong grupo na kausap ni Gio.

One of them was that guy. He was looking at me as if he was trying to remember who I was.

When he did though, a smirk appeared on his face.

"Zafirah, kailangan pala muna ng permit para makapag-shoot dito. Marami raw kasing gagamit ng lugar na 'to kaya nag-palagay sila ng permit para hindi magsabay-sabay at hindi masira 'yung mga halaman," paliwanag ni Gio.

"Hindi ba pwede na gamitin natin kahit saglit lang? Nakapag-make up na kasi si LJ at saka Heranie." Tinuro ko pa 'yung dalawang lead namin.

"Pwede naman, you can just use our permit—" sagot nung isang lalaki na agad kong pinutol. Tiningnan ko naman ito at siya pala 'yung naka-hoodie. Awtomatikong uminit ang ulo ko.

"Ikaw ba kausap ko? Bakit ka sumasagot?" nag-taas ako ng kilay.

O's can be heard from the group. Pero imbis na mainis, the guy looked amused.

"O puso mo, baka malaglag. Galit na 'yan?" he fired back.

"Ginawa ka ba ng Diyos para inisin ako?" I grimaced at him.

"Brave for you to say na ginawa ako ng Diyos para sa'yo," he said, hiding a smirk.

"Mag-Ex ba kayo? Bakit ganyan kayo mag-usap?" Gio asked, whispering to my ear.

"What the hell, Gio? Mukha ba akong papatol sa kanya?" I shamelessly pointed at the guy.

Lalo lamang nagsi-tawanan 'yung mga tangkay.

"Grabe, basted na kaagad si Sarathiel! Payag ka no'n?"

"Okay lang 'yan, Sarathiel! Dami pa namang babae sa mundo na maiinis sa'yo,"

"ABM pala ang hangad ni Sarathiel kaya walang pinapansin na STEM."

I glared at Sarathiel. Ayon pala ang pangalan ng nakakainis nalalaking 'yon. An angelic name for a demonic person!

"Well, here's the permit. Bigay niyo na lang sa amin 'yung permit niyo kapag nakakuha na kayo." Sarathiel offered.

"Hindi na 'tol, nakakahiya —"

I decided to grab the permit from Sarathiel's hand. Pero sa sobrang pag-mamadali ko ay pati kamay niya nahablot ko na rin.

My cheeks were flushed in red as I retrieved my hand.

"Permit lang po, hindi po ako kasama." Ayan na naman 'yung nakakalokong ngiti niya!

"Heh! Akin na nga. I-aabot na lang namin bukas 'yung permit namin. Thank you na lang!"

I decided to drag Gio after we got the permit. Pagbalik namin sa mga kaklase namin, alam kong napanood nila 'yung nangyari kanina at 'yung iba ay nakangiti na para bang mga tanga.

"No, don't get me wrong..." I was going to explain but it already looks pointless to do so.

"Sana all STEM." sabay-sabay nilang katyaw.

The hatred I buried for that STEM guy just got deeper.

❛ ━━━━━━・❪ ✎❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro