Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 4

Kabanata 4

Puno ng pagtataka ang mga mata ni Manang nang makita niya ako kasama ang masungit na ito. Sa totoo naman ay nakakapagtaka talaga. I never imagine na kakausapin ako ni Sir Jandrich lalong higit ang isabay pa pauwi!

Parang isang malaking panaginip na nasa tabihan niya ako ngayon na hindi masungit ang mukha niya.

"Ipagluto mo ako." sabi niya.

"P-Po?"

Nadidismaya na naman siyang napatingin sa akin. "Do I always need to repeat myself?"

Mabilis akong umiling at nakatungo na nagpunta sa kusina.

Sinimulan ko na ang pagluluto. Naramdaman ko naman ang presensya niya sa aking likuran. I can feel his stares. Nakakatunaw, nakakapang-lambot. Ewan ko ba kung anong meron dito sa ostrich na ito. Moody na nakakainis.

Akala ko ba ay gusto niyang layuan ko siya? Akala ko ba ay siya ang inis sa akin? Pero bakit ngayon ay siya itong lumalapit at ako naman ang naiinis sa kanya.

Habang naghihiwa ng mga ilalahok sa lulutuin ay naramdaman ko na nasa likuran ko na siya. As in, dikit na 'yong likuran ko sa dibdib niya. At ang pareho niyang kamay, nasa magkabilang gilid ko na. Nakatuon sa may gilid ko!

"Wala na bang ibibilis 'yan?" tanong niya sa malamig na tono.

"Patapos na po," inilagay ko ang mga hiniwa ko sa kaldero. Kailangan ko ng asin kaya tumalikod ako para kumuha pero napatigil ako nang mukha niya ang sumalubong sa mukha ko. Hindi parin siya umaalis sa pwesto niya.

Tinitigan niya ang buong mukha ko. Na para bang may inaalala sa akin. Napalunok ako at napaatras nang iangat niya ang kamay niya para ilapat sa mukha ko. Hinawi niya ang buhok ko papunta sa likod ng aking tenga.

"May...may problema, Sir?" mahinang tanong ko.

Napatikhim siya at napatalikod sa akin. "Damn it!" rinig kong bulong niya. "Wag kana palang magluto, wala akong gana." sabi niya at naglakad na palayo.

Pero hindi pa man siya tuluyang nakakaalis sa kusina ay dumating naman si Sir Jerick. Nagkasalubong ang dalawa at pareho na namang galit ang tingin. Ngumiti lang si Sir Jerick nang mapatingin sa akin.

"So sweet. Ipinagluto mo talaga ako?" lumapit siya para silipin ang niluluto ko.

Nawala lang ang tingin ko sa kanya nang mapansin ko ang titig ni Sir Jandrich na natigilan sa pwesto niya. Para siyang asar sa lalaking nasa tabi ko. Nakataas ng bahagya ang kaniyang kilay at nakaawang naman ang kanyang labi.

Tumikhim siya na nagpalingon kay Sir Jerick, paharap sa kanya. Pero sa akin nakatingin si Sir Jandrich. At ang nakakagulat. Ngumiti siya sa akin!

First time kong nakita ang ngiting iyon. Parang pati mga mata niya ay nakangiti.

"Pakidala nalang ng pinapaluto ko sa room ko ha, miss baby maid."

Ewan ko ba kung ako ang inaasar niya o itong kapatid niya. Hindi ko napigilang mapangiti nang maglakad na itong palayo.

Ang cute niya pala kapag nakangiti. Para siyang baby na pinaglihi sa sama ng loob.

Nakangiti ako na bumalik sa niluluto. Na-realize ko lang na andito nga pala si Sir Jerick sa tabi ko nang tumikhim siya.

"Masaya kana do'n?" umiling-iling siya. "Too shallow." umalis na siya pagkasabi no'n.

Napangiwi nalang ako sa sinabi niya. Para na naman silang mga bata na may pinag-aawayan na laruan.

Napabuntong hininga ako at hinintay matapos ang aking niluluto. Pagkatapos ay dinala ko na ito sa kuta ni Ostrich.

Napalunok ako nang makapasok sa kwarto niya. Nakahiga siya sa may sofa habang naka-topless at ang suot pambaba lang ay boxer short. Nakatungo ako na lumapit sa kanya at ipinatong ang hawak kong tray ng pagkain sa lamesa na nasa harap niya.

"Ito na po, Sir." sambit ko at medyo umangat ang tingin sa kanya.

Nakatingin siya sa akin. Hindi pala tingin, kundi titig. Bakit ba trip na trip niya ang pagtitig? Para siyang may inaalala o naalala sa akin.

"Come here." biglang sabi niya.

Napakurap-kurap ako at pinaulit-ulit sa isipan ang sinabi niya.

"I said, come here." ulit niya at umayos ng upo sa sofa. Mayroong space na nakalaan sa tabihan niya.

Inalis niya ang takip ng aking niluto at isa-isang tinikman iyon. Tapos ay bumalik ang tingin niya sa akin na nakataas ang kilay. Para bang asar na naman siya na hindi ko sinusunod ang gusto niya.

Kaya naiilang ako na lumapit sa tabi niya. Sino bang hindi maiilang na makatabi ang isang lalaki na nakahubad tapos ang suot pambaba lang ay boxer short. Halos isuksok ko ang sarili ko sa pinakagilid ng sofa.

Tinikman niya muli ang niluto ko. Napansin ko ang pagngiwi niya.

"Bakit ganito ang lasa?" para siyang masusuka na ewan. "Lasang....adobo."

Malamang! Adobo 'yan!

Nakakapagtaka naman kung ang adobo ay maglasang kaldereta. Nakita ko ang pag-irap niya nang mahuli akong nakatingin sa kanya. Naghahalo ang inis at tuwa kapag nakikita ko siyang ganyan. Para siyang bata na sinasapian ng kapre.

Napamasid ako sa kanya nang magsimula na siyang kumain. Sunod-sunod ang subo niya na para bang nasasarapan sa niluto ko. Simpleng lutuin lang ang niluto ko kumpara sa malimit na niluluto ni Manang kapag kakain ang pamilya nila. Mukhang mas gusto niya ang mga adobo kagaya ng niluto ko, kumpara doon sa niluluto ni Manang na iba't ibang putahe na hindi pamilyar ang mga tawag sa akin.

Nagsalubong ang mga mata namin ni Sir Jandrich nang humarap siya sa akin. Nanguya pa siya at nagawa pang magtaas ng kilay.

"Why are you staring?"

Umiling ako. Nag-iwas na ako ng tingin sa kanya. Bakit nga ba ako nakatitig? Nakakatuwa lang kasi na nagustuhan niya ang niluto ko, sa pagkakakilala ko kasi sa kanya choosy siya.

"Hindi man lang sumarap ang luto mo. Wala ka paring improvement sa loob ng halos buwan mong pagtigil dito." kuda niya pero patuloy sa pagkain.

Nakakaubos pala siya ng isang bowl na kanin kapag hindi siya nasasarapan sa ulam. 'Yon pala ang secret.

Napangiti nalang ako sa isang sulok dahil sa sinabi niya. Hindi ko nga alam kung bakit kailangang andito pa ako sa loob ng kwarto niya. Napaka-sosyal naman niya.

Lumingon siya saglit kaya napatingin ako sa kaniya. At lintek ang mata ko dahil napababa ang tingin nito.

Nang umangat ang tingin ko sa kanya ay nakatitig siya sa akin. Mayamaya naman ay bumaba ang tingin niya sa kaninang tinitignan ko, sa abs niya. Ngumisi siya ng nakakaloko.

"Why do girls love staring at my abs?" ngisi niya. Iniakbay niya ang isa niyang kamay sa sandalan at bahagyang lumapit ulit sa akin. "Why do think?"

Napalunok ako. Ngumisi siya sa akin.

Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa kamay kong nakapatong sa aking hita. He massaged it. At unti-unti ay iniangat papunta sa kanyang dibdib. Agad ko rin naman iyong binawi.

Napatayo ako at deretsong niligpit ang pinagkainan niya. "S-Sige po, Sir. Baba na po ako."

"Did I..." ramdam ko na nakatitig siya sa akin. "Did I scare you?"

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Hanggang dito ay dala ko parin ang takot ko sa ganoong senaryo.

Hindi ako sumagot at bubuksan na sana ang pintuan para makalabas ng kwarto niya nang maunahan niya akong hawakan ang doorknob.

"If I did that to other girls, they would ask for more...but you," nakatingin lang siya sa akin. "You look pale."

"Dahil hindi lahat ng babae ganun ang habol sa lalaki. At hindi lahat ng babae, basta lang pumapayag sa gusto ng lalaki. At sorry kung hindi ako kagaya ng mga babaeng tinutukoy mo. "

Nanginig ang mga kamay ko. Ni hindi namalayang nasagot ko pala siya.

Mukhang hindi rin siya makapaniwala dahil doon.

Mabilis akong nagtungo sa aking kwarto matapos linisin ang pinagkainan niya. Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko nalang ang luha ko na sunod-sunod na pumapatak sa aking pisngi. Nanginginig din ang mga kamay ko.

Anong nangyayari sa akin? Ganito ba talaga kapag may takot sa mga bagay-bagay? Paano kaya ito mawawala? I want it gone. Lahat ng trauma ko, lahat ng bagay na mabilis magbigay ng takot sa akin, gusto kong mawala. Gusto kong mabago.

Hindi ko masasabing takot ako sa lalaki, pero kunting galaw nila ay para akong kakapusin ng hininga sa takot.

Niyakap ko ang aking sarili at nahiga na sa sulok ng aking kama. Nakatulog ako na may mga luhang kusang pumapatak sa aking mga mata.

Kinabukasan ay maaga rin akong gumising dahil naalala kong ako nga pala ang pinamamalengke ni Manang.

Lumabas ako ng mansyon para mag-abang ng tricycle sa labas nang may kotseng tumigil sa harap ko. Si Sir Jandrich.

"Sakay." ayan na naman ang boses niyang nag-uutos.

Nakatitig siya sa akin at inaantay ang pagpasok ko sa loob ng kotse.

Kunwari nalang ay hindi ko siya naririnig.

Bakit naman niya ako pasasakayin eh malay ko ba kung saan siya papunta? Eh sa palengke lang naman ako.

"Get in o bubuhatin pa kita dito?" sabi niya.

Hindi ako makatingin sa kaniya hanggang namalayan ko na nasa tabi ko na pala siya. Binuksan niya ang pintuan ng kotse niya.

"Sa palengke lang po ako." hindi parin ako makatingin.

"I'll take you there."

Wala rin akong nagawa dahil hindi siya umaalis hangga't hindi ako sumasakay.

Napansin ko agad ang suot niyang shades. Naka-white polo shirt lang siya at black fitted pants.

Napansin ko na sa ibang dereksyon ang punta ng kotse niya.

"Sir, diba do'n ang daan papuntang palengke?" tanong ko nalang.

"I know." simpleng sagot niya.

"Sir, bakit sa iba ang punta mo?"

Ibinaba niya ang shades niya at nagtatakang tumingin sa akin. "May sinabi ba akong sa palengke agad kita dadalahin?"

Ako naman ang nagtataka na napatingin sa kanya. "Pero baka mag antay sila Manang sa akin..."

"I'm the boss."

Napamurot ako.

Paano kung kailangan agad ki Manang ang mga bibilhin ko?

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana at namangha sa natatanaw kong dagat. El Grande Paraiso ang tawag sa resort na ito. Napakaganda.

Nang ihinto niya ang kotse ay bumaba na rin ako. May ilang mga bata na nagtatampisaw sa tabing dagat. Ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin.

"Doon tayo." sumunod lang ako sa kanya.

Nagpunta kami sa tabing dagat matapos bumili ng pagkain. Siya pala ang bumili, ewan ko ba kung libre niya itong crackers at buko juice na binili niya o ikakaltas niya sa sahod ko?

Naupo kami sa tabing dagat. Sinasalimpad ng hangin ang buhok kong hanggang balikat ang haba.

Bukod sa tanawin na magandang pagmasdan. Mayroong mga batang naglalaro na isa sa nakakapagpaganda ng paligid at nakakapagpagaan ng paligid.

"You know why I brought you here?" tanong niya. Sumisipsip siya sa straw ng buko juice at nasa karagatan ang tingin.

"Bakit po?"

"Gusto kong ipahanap sayo si Nemo sa karagatang nasa harap natin."

Napanguso ako sa sinabi niya. Bakit ko naman hahanapin si Nemo d'yan? Siraulo talaga ang ostrich na ito.

Nakita ko ang pagngisi niya habang nasa bibig parin ang straw. Sa totoo naman ay kung pagmamasdan ang mukha niya, walang bahid ng kalokohan at kamanyakan na makikita doon. Ewan ko ba kung ano iyong nangyari kagabi.

"Ang ganda ng Isla De Provincia, diba Sir?" nakangiting tanong ko.

Kahit papaano ay napansin kong maganda ang awra niya ngayon.

"Paano mo masasabing maganda? Hindi mo pa naman lahat nakikita." sagot niya.

"Kahit na Sir. Sa mga bagay at lugar na nakikita ko. Masasabi kong napakaganda na ng lugar na ito. Tignan mo nalang ang mga tanawin oh."

"Sapat na bang masabi na maganda ang isang lugar just by its tourist spots and scenery?" tanong niya.

"Its not just about tourist spots, Sir. Maganda ang paligid ng isang lugar dahil may nangangalaga dito. Sino ba sa tingin mo ang nangangalaga sa magagandang lugar dito?"

"Fairy?"

Pinigilan ko nalang ang tawa sa sagot niya. Umiling ako. "Ang mga tao. Ang mga naninirahan dito sa Isla De Provincia. Hindi naman magiging maganda at maayos ang lugar na ito kung pabaya rin ang mga naninirahan dito. At isa pa, hindi lang tourist spots ang kapansin-pansin sa lugar na ito. Kundi pati ang mga mabubuting tao."

Humarap siya sa akin. "Do you believe that peoples are all good?"

Tumango ako.

"Why? Don't you experience being hurt with someone?"

"Na-experience po. Pero...hindi naman 'yon dahilan para mawala ang paniniwala ko na mabuti ang mga tao. Siguro mas nauna lang nilang ipakita yung bad sides nila kesa good sides nila. Which make others think na masama talaga sila. Kase merong tao na nagpe-pretend lang na masama sila pero deep inside may mabuti naman talaga silang kalooban."

Sana gano'n ang magulang ko. Sana pagdating ng panahon mailabas nila ang good sides nila. Kahit hindi na sa akin. Kahit sa mismong sarili man lang nila.

"Why do you have that mindset?"

"Ganito siguro akong pinalaki ng lola ko." napangiti ako habang naaalala si Lola.

"Where is she now? Bakit naligaw ka sa buhay namin?"

Napatingin ako sa kaniya dahil doon. Puno ng kuryusidad ang mga mata niya. Ngumiti ako sa kaniya, na nakapagpa-awang sa labi niya.

"Wala na ang lola ko. Nasa safe place na siya."

"Ah, sorry for that."

Napalingon ako sa kaniya at nabigla sa pag-sorry niya. Legit 'yon? Nagsorry ang ostrich?

"And...about last night. I didn't mean to scare you. I didn't know you're..." he gulped. "Tama ka. Hindi lahat ng babae pare-pareho."

Napangiti ako.

"Pero 'yong kabayo ko, babae. Magkamukha kayo."

"Ano?!" nanlaki ang mga mata ko.

Nakapamulsa siyang naglakad palayo habang nagpipigil ng tawa.

Siraulo.

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro