KABANATA 3
Kabanata 3
Dito sa mansyon ng mga Del Vierro, napakaraming magandang natatanaw. Mula sa kaitaasang palapag ng mansyon ay may natatanaw na malawak na lupain. Na ayon kay Manang ay pag-aari parin nila, sakop parin ng Casa Del Vierro.
Napakalawak ng kanilang Hacienda. At mayroong nakalaan pang lupa sa dalawang anak ng Del Vierro. Iyon siguro ang tinutukoy ni Sir Jerick na own place daw niya. Mayroon din si Jandrich na masungit, at iyon naman siguro ang lupain na isa sa business niya. Sa pagkakaalam ko ay may mga tanim doon at napakaganda rin ng tanawin. Hindi ko lang sure dahil hindi pa naman ako nakakarating doon.
At wala akong balak. Dahil baka masungit din ang mga kabayo doon kagaya niya.
Tinulungan ko si Manang sa pagtitiklop ng damit. While staring at her, I realized...hindi kailangang maging kadugo ang isang tao para lang masabi na pamilya ito. Si Manang, even I just met her accidentally, walang alinlangan niya akong tinulungan. She help me, without me asking for it. Itinuring niya akong pamilya kahit hindi naman niya ako kilala.
"Salamat Manang, ah. Kung hindi mo ako dinala dito, baka palaboy parin ako sa kalye hanggang ngayon." ngumiti ako sa kanya.
She sighed. "Wala 'yon! Isa pa..." ngumiti siya ng malungkot. "Naaalala ko rin ang anak ko sa'yo. Ka-edad mo lang siya."
"May anak ka, Manang? Nasaan siya ngayon?"
"Wala na siya.." napatigil ako sa ginagawa dahil sa sagot niya. Huminga siya ng malalim at nag-iwas ng tingin. "Pitong taon ang anak ko noon, nagpaalam siya sa akin na sasama siya sa tatay niya. Namamangka ang asawa ko no'n, at tuwang tuwa naman ang anak ko nang payagan ko siya dahil gustong gusto niya ang pagsakay sa bangka. Hindi ko alam na may biglang darating na bagyo noon, nasa karagatan pa sila nang mag-anunsyo na dapat ay lumikas na ang mga tao." she sighed.
"Hindi ako umalis noon dahil talagang hinintay ko sila sa tabi ng dagat. Pilit akong pinaalis ng lahat pero hindi ko ginawa. Hanggang may dumating na balita sa akin...tumaob ang sinasakyan nilang bangka. Wala na ang mag-ama ko." may luhang tumulo sa mata niya.
Pinigilan niya ang pagtulo ng kanyang luha at itinawa nalang.
"Napakatagal ng panahon. Pero hanggang ngayon nandito parin ang sakit." ngumiti siya sa akin na may lungkot. "Ikaw? Ano ba talagang nangyari sa'yo at pinalayas ka sa inyo?"
Napalunok ako. "A-Ang totoo, Manang. Hindi ko rin alam."
That's the truth. Wala naman akong ginawa para gawin nila sa akin iyon. Hindi ko alam kung nasaan ang konsensya nila para magawa iyon sa akin.
I smiled bitterly. "Naging mabuting anak ako, pero sila...hindi naging mabuting magulang sa akin." a tear fell from my eye. "Itinuturing nila akong parang iba sa kanila.."
"Anong ibig mong sabihin?"
Napahinga ako ng malalim ng nanuot muli ang nakaraan. "M-Marami pong nangyari....at gusto ko pong makalimutan lahat iyon."
"Maghihilom din lahat iyon, hija. Darating ang araw na magiging payapa at kalmado ang puso't isipan mo."
Napangiti ako sa kaniya. Niyakap niya ako.
Humiwalay sa yakap si Manang at hinawakan ako sa kamay. Ngumiti siya sa akin na tila may magandang naisip. I can feel the mothers love through her touch. Bukod kay Lola, sa kanya ko lang iyon naramdaman.
--
"Sinong nagluto nito?"
Nasa kusina ako ngayon at naabutan ko si Sir Jandrich na may tinitikman nq galing sa ref. Iyon ang natirang champorado na niluto ko kaninang umaga.
"Ako po."
Lumingon siya sa akin. "Ang panget ng lasa."
Bakit niya kinakain iyon kung ganun?
Tuwing magluluto ako at matitikman niya ay pala
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro