KABANATA 2
Kabanata 2
Minamahal niya at...nagmamahal sa kanya...
Ops! Bakit ko nga ba siya tinawag na Japs? Dapat Mister Sungit nalang.
Pagkatapos iplantsa ang mga damit ng mga amo namin ay nilinis ko muna itong kwarto ko.
Maayos naman ito. White ang pintura, meron ring ceiling fan at sakto lang ang space para sa akin.
Pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis.
Napunta sng paningin ko sa aking may pulso at nakita ang sugat doon.
Napabuntong hininga ako at tinakpan ito.
Hindi ko rin inakala na aabot ako sa point na mag-suicide nalang para matakasan ang lahat. I didn't even realize that I have my Lola, siya na palaging nasa tabi ko t'wing umiiyak ako. Gusto kong pagsisihan ang lahat. Kung hindi ko siguro ginawa iyon, hindi ko masasaktan si Lola. Hindi sana aabot sa punto na pati buhay niya ay kailangan niyang tapusin dahil sa akin.
"Jiharah, ayos ka lang ba?" tanong ni Manang. Nasa may pintuan siya ng kwarto ko.
"Opo."
"Lumabas kana. Maghahain na tayo ng dinner nila."
"Sige po, Manang. Susunod po ako."
Kinabahan ako sa mangyayari. Makakaharap ko na naman si Sir Ostrich-'este Sir Jandrich. Napakasungit niya at ang brown niyang mga mata, akala mo palagi ay may galit.
Inayos namin ni Manang ang dinner nila sa table, mahabang table. Hindi ko talaga alam kung bakit halos mapuno ang pagkain sa table gayong apat lang naman silang kakain. Iba't ibang putahe ng ulam, at may katabi pang bote ng wine ang mga baso nila. Sosyal talaga ng mayayaman.
Unang dumating dito sa dining area si Madam Angel, kasunod niya si Sir Jerome. Napakatangkad ni Sir at halata sa kilos na professional. Ayon kasi sa sinabi ni Manang ay isa itong kilalang Businessman dito sa Provincia. Isa rin sila sa pinakamayamang pamilya dito. Nagmamay-ari ng isang malaking hacienda na ito. Casa Del Vierro.
Naupo sila sa kanilang upuan. Tumingin sa akin si Sir kaya pakiramdam ko ay nanliit na naman ako. Nasa gilid lang kami ni Manang.
Ramdam ko ang paglapit ni Manang sa akin para bumulong. "Si Sir Jerome 'yan. Istrikto 'yan, kaya umayos ka. Diyan nagmana ang dalawa."
Mukha nga. He look serious and his eyes look alike with Mister Sungit. Si Madam naman ay mabait at maamo ang itsura.
Mayamaya ay sabay na dumating ang dalawang lalaki. Magkatitigan ang mga ito habang naglalakad at mukha ngang magpapatayan. Shit. 'Yong isang lalaki, ayon kay Manang, Jerick Del Vierro ang pangalan. May side na maamo ang mukha nito pero 'yong tingin niya, napakaistrikto rin.
Pareho silang matangkad, at parang hindi nagkakalayo ang edad. Meron silang mukhang walang maipipintas, pero hindi sila pwedeng sabihin na perpekto dahil...pareho silang masungit!
Inirapan ba naman ako ni Mister Ostrich, at ito namang si Jerick ay tinaasan ako ng kilay.
"Why are you staring?" tanong ni Mister Ostrich.
"It maybe her first time to see a crocodile in a formal suit." ngumisi si Jerick bago naupo.
"And a demon wearing pink polo." ngumisi si Sir Jandrich.
Mukhang sanay na rin naman si Madam at Sir sa dalawa. Parang mga bata lang na nag-aaway. Sayang ang porma nila kung childish naman sila.
"Ah, you both shut up! Jiharah," nagulat ako sa pagtawag sa akin ni Madam. Pinalapit niya ako sa kanila. Napatungo ako nang sa akin mapunta ang tingin ng dalawa. "She's our new kasambahay."
"She looks too young huh?" tumango si Madam kay Sir. "How old are you?"
"Nineteen po."
Nangunot ang kanilang noo. Marahil ay nagtataka sa mura kong edad, pero nagtatrabaho na.
Ang dalawang masungit ay nakatitig sa akin. Nangilabot ako sa biglang pagngisi ni Jerick. Napatingin si Jandrich sa kanya at napasinghal dahil sa pagtitig nito sa akin.
Hindi ko alam kung bakit kailangang pagmasdan pa namin sila habang kumakain. Siguro kapag nabilaukan sila ay kami rin ang hahampas sa likod nila. Sana mabilaukan si Mister Ostrich, kanina pa siyang nakatitig sa akin habang ngumunguya. Gusto kong mabilaukan siya para mabatukan ko siya.
Mayamaya nga ay napaubo ito. Lalapit na sana ako para hampasin ang likod niya pero naunahan ako ni Manang. Pinaglagay niya ito ng tubig sa baso. Pero si Jandrich ay nakatitig parin sa akin habang namumula na.
"You," turo nito sa akin. "Wine ang gusto ko."
Napapalunok akong lumapit. Napatingin pa ako kay Manang na napailing nalang sa lalaki. Napaka-choosy talaga niya. Pwede namang tubig nalang, may nalalaman pang wine.
Lumapit ako at pinagsalin siya sa wine glass ng wine. Nasa gilid ko siya at amoy na amoy ang napakalakas niyang pabango. Hindi ko alam kung bakit dumadagundong ang dibdib ko sa kaba, gayong amo ko naman siya at dapat ko talagang pagsilbihan.
Uminom siya ng wine na nakatitig parin sa akin. Shit. Even Madam and Sir noticed it.
Nang matapos silang kumain ay nagligpit na kami ni Manang. Hindi mawala sa isip ko ang paraan niya ng pagtitig. I don't know why my heart throbbing too violently. Sobrang bilis, sobrang lakas. And it's my first time having a feeling like this.
"Ayos ka lang ba? Sabi ko sa'yo e, ewan ko nalang kapag nakita ka ng dalawa." natatawang sabi ni Manang habang nagpupunas kami ng mga plato.
"Anong ibig mong sabihin, Manang?"
Ngumiti siya. "May pag-asa na maging tulay ka...para magkasundo ang dalawa."
Ano daw? Ako?
Mukhang malabo 'yon. Titig palang nila hindi ko na kayang labanan. Iyon pa kayang pigilan sila sa pag-aaway. Mukhang malabo na maging tulay ang isang hamak na ako sa dalawang taong makapangyarihan. Kasambahay lang ako, at ang trabaho ko lang ay pagsilbihan sila, hindi ang pagbatiin.
Hayst. Pinag-ooverthink ako ni Manang.
Kinabukasan ay naglinis kami ng buong mansyon. Sobrang nakakamangha ang buong paligid. Nasa limang palapag ito.
Napadaan ako sa isang pasilyo na puno ng mga pictures nila. Napatitig ako sa isang picture ni Jandrich na mukhang nasa ibang bansa. Nakangiti siya dito. Maamo din naman ang mukha niya kapag nakangiti. Kaso malimit ay seryoso siya.
May picture din ang magkapatid noong bata pa sila. Mukhang magkasundo sila dito. Ewan ko ba kung anong away ang meron sila. Ayon kay Manang, baka daw dahil sa Business. As in pag-aawayan nila 'yon? Hayst. Mayayaman nga naman.
Lumabas ako ng bahay para magdilig sa garden. Nangunot ang noo ko nang makakita ng kabayo...kabayo?!
Kinakain na nito ang mga dahon ng halaman at sinisipaan ang ilan. Lumapit ako dito at muntik pa ako masipaan!
"Hoy! Naku, sayang naman ang mga halaman. Itong kabayong ito, saang planeta ka ba nagmula?" kuda ko dito na para bang nakakaintindi ito.
Inayos ko ang mga natumbang halaman at napatigil muli nang biglang yumuko ang ulo ng kabayo at medyo umatras ito.
Naiintindihan niya kaya ako?
Mukhang nahiya siya sa ginawang pagsira sa halaman. Napabuntong hininga ako at lumapit dito. Umatras ulit siya.
"Wag kang matakot. Hindi kita sasaktan." napangiti ako nang unti-unting tumunghay ang ulo nito. Lumapit ito sa akin kaya hinagpos ko ang ulo niya. "Ang ganda naman ng kulay mo, kulay kayumanggi. Pilipinong pilipino ka pre." mukhang mabait naman pala itong kabayo. "Anong pangalan mo?"
"Fino,"
Nagulat ako nang may nagsalita. Shit, akala ko itong kabayo na!
Lumingon ako sa aking likod at nakita si Jerick. Nakasuot ito ng brown polo at cowboy hat. Napalunok ako nang akin itong pagmasdan. Para siyang model sa mga magazine. Bakat sa polo na suot niya ang kanyang bicep at abs. Umiwas na ako ng tingin at bumalik sa kabayo.
Shit, bakit ngumiti siya sa akin?
"His name is Fino.." sabi niya. Naramdaman ko ang paglapit niya at pagpunta sa harap ko. Hinagpos niya ang likod ng kabayo. "He's too elusive, lalo pa at hindi niya kilala ang tao. And it's surprising that he let you touch him that easy."
Ngumiti ulit si Jerick. Mukha naman pala siyang mabait, unlike Mister Ostrich. At nakakausap rin siya ng maayos.
Tumingin siya sa akin. "Do you ride horse?" tanong niya.
Umiling ako. "First time ko lang po na nakakita ng kabayo..."
"You wanna try?"
My mouth parted. "P-Po?" nakatitig lang siya. "Hindi na po.."
Ano ba 'yan, bakit ako pinamumulahan?
"Okay. But next time, I want you to come with me..." hala, ano bang pinagsasasabi nito? "...on my own place."
May sarili siyang lugar?
Ngumiti siya bago sumakay sa kabayo niya. Napakaliwanag ng mukha niya ngayong umaga, kumpara noong nakaraang gabi. He has a deep dimple on his right cheek. And his thick eyebrows, napakalakas ng dating.
"Bid a goodbye to this...young yet...pretty maid, Fino." sabi niya pa sa kabayo.
Napangiti ako nang tumungo muli ang kabayo, kagaya kanina. Mukhang gusto niya na hinahaplos ang ulo niya.
Hinaplos ko ang kanyang ulo at nakangiting tumungo sa kanya.
"Bye, Fino. 'Wag ka na ulit maninira ng halaman ha? Bad 'yon. Dapat good boy ka lang!"
Umayos ako ng tayo at nakita ang pagtitig ni Jerick. Tumango siya sa akin at pasimpleng ngumiti bago umalis.
Napatitig ako sa dinaanan niya. Hindi mawala sa isip ko ang kanyang ngiti.
"Mabuti pa 'yong panganay, marunong ngumiti at nakakausap pala ng maayos, at higit sa lahat, hindi siya choosy! 'Yong bunso, akala mo kung sinong pagkakagwapo, choosy sa lahat. Hmp! Sungit na sungit, mukha namang Ostrich!"
Napabuntong hininga ako sa kawalan. Tumalikod na ako at biglang napauntog ang aking noo sa dibdib ni....
Nanlaki ang mga mata ko nang umangat ang aking tingin sa kanya. Shit! Si Mister Sungit!
Narinig niya ang sinabi ko!
Naniningkit ang kanyang mga mata at nagcross arm sa harap ko. He tilted his head to make our eyes on same level. Para akong nagyelo sa kinatatayuan ko.
"Who looks like Ostrich? Huh?" mataray na tanong niya.
Napalunok ako. Lagot na naman ako!
"Answer me," pabulong na sabi niya.
"W-Wala Sir, 'yong...'yong kabayo...sabi ko mukhang ostrich-" napatigil ako at napapikit nang bigla niyang pitikin ang noo ko.
Napaawang ang labi ko at napahawak sa aking noo dahil sa lakas ng pitik niya.
"Not good pretending." sabi niya bago ako talikuran.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro