Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 1


Kabanata 1

"Miss, pwedeng doon ka? Nakaharang ka sa paninda ko!"

Saan ba pwedeng tumayo na walang iistorbo sakin?

Napabuntong hininga ako at naglakad na palayo sa karenderya niya. Nakailang tigil na ako dito sa palengke at lahat ng tao ay ipinagtatabuyan ako na parang basura.

Bakit kaya may mga gano'n na tao. Sa halip na tulungan ang kapwa tao nilang naghihirap at palaboy na sa kalye ay kinukutsa at pinandidirihan pa nila.

"Teh, hindi pwede dito ang pulubi! Doon ka! Wala akong ipapakain sa'yo. Maghanap kana lang sa basurahan."

Lumayo nalang ako sa mga tao at naupo sa may tabing daan.

Simula noong umalis ako sa bahay ay wala parin akong natutuluyan, kundi kalye. Walang tumatanggap sa akin sa lahat ng pinapasukan kong trabaho.

Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. At ni sa pagiging kasambahay ay hindi rin ako tinatanggap dahil mukha daw akong kawatan.

Hindi ko alam kung ilang araw na akong natutulog dito sa kalye kasama ang mga batang pulubi. Hindi ko alam kung kailan ang huling beses na nakakain ako ng maayos. Kung hindi ako maghahanap ng tirang pagkain sa mga basurahan ay wala. Mamamatay ako sa gutom.

Bumalik na ako sa may park dala ang dalawang bag ko na laman ay damit. Naupo ako sa bakal na upuan at pinagmasdan ang paligid.

Delikado dito sa park. Hindi ko alam kung sino sa mga tao dito ang mabuti at hindi. T'wing gabi, maraming lalaki ang nakamasid sa akin. At alam ko ang pakay nila, hinding hindi na mauulit ang kahalayan sa pagkatao ko sa pangalawang pagkakataon.

"Hoy! Magnanakaw! 'Yong wallet ko!"

Napatayo ako nang marinig ang sigaw ng isang ginang sa di kalayuan. Natanaw ko ang lalaking nagnakaw sa wallet niya, at papunta ito sa gawi ko.

Pasimple akong tumayo sa gilid at nang malapit na ito ay pinatid ko agad gamit ang aking paa. Mabilis naman na nakalapit ang mga tanod na humahabol sa kanya kanina.

"Ikulong niyo 'yan! Letse!" sigaw ng ginang at binatukan pa ang lalaking ngayon ay hindi na makapagsalita. "Eneng, naku salamat at naharang mo ang lalaking iyon. Kung hindi lagot ako sa amo ko, budget 'to sa pampalengke e." sabi niya.

"W-Wala po 'yon, sige po." ngumiti ako sa ginang at bumalik na sa pwesto ko.

Ilang minuto pa siyang napatitig sa akin na tila pinagmamasdan akong maigi. Mapait akong napangisi. Siguro iniisip niya na baka kasabwat ako ng magnanakaw na iyon, baka tingin niya sa akin ay isang kawatan din.

Nagulat ako nang lumapit ito sa akin. Naupo siya sa tabi ko at inabutan ako ng pera na ikinagulat ko.

"Ito, tanggapin mo, hija. Pasalamat ko na sa pagtulong mo sa akin." ngumiti siya.

Napatitig ako sa kanya. So, hindi niya iniisip na kawatan ako? At...bakit niya ako bibigyan ng pera?

Umiling ako. "H-Hindi na po. Wala pong bayad ang pagtulong ko."

Nailang ako sa pagtitig niya sa akin. Para bang kinikilala niya ako. Mula ulo hanggang paa.

Napatitig ako sa aking sarili at napansin na puro dumi na ang damit ko, at pati buhok ko ay napakagulo.

"Ah, hija. Kung ayaw mo ng pera, gusto mo bang kumain nalang tayo sa karenderya?" alok pa niya. Mukha naman siyang mabait, at halos ka-edad lang niya si Mama. "Ano? Payag ka?"

"Hindi na po. B-Busog.." biglang tumunog ang tyan ko. Kapag minamalas nga naman, hindi talaga nakisama ang tyan ko sa kasinungalingan. "B-Busog pa po ako..." napaiwas ako ng tingin.

Narinig ko ang tawa niya at hinawakan ako sa kamay. "Wag ka ng mahiya. Nakakapagsinungaling ang bunganga, pero ang tyan hindi."

Wala na akong nagawa ng hilahin niya ako. Nagpunta kami sa karenderya at siya ang um-order ng pagkain ko. Napangiti ako sa kabaitan niya. Diba dapat don't talk to strangers? Lalo na sa'kin na mukhang pulubi? Bakit parang napakabait niya sa akin?

"S-Salamat po dito." napakarami ng pagkain na in-order niya para sa aming dalawa. Takam na takam na agad ang tyan ko na makatikim ng pagkain na malinis. Nasanay na kasi ako sa pagkain ng left over food. At ito ang unang beses ulit na nakakain ako. "Sorry po," ngayon ko lang napagtanto na nakatitig siya sa akin. At halos lobo naman ang bunganga ko dahil sa puno ng pagkain.

"Ayos lang.." ngumiti ulit siya. 'Yong ngiti na napakatamis. Naalala ko tuloy si Lola. "Lumayas ka ba sa bahay niyo, hija?"

"Hindi po. Pinalayas po ako."

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. "Wala ka bang ibang matutuluyan? Delikado dito lalo pa at...napakaganda mong bata, alam mo naman ang mga tao ngayon."

Napangiti ako ng malungkot. "Wala po akong matutuluyan e. W-Wala na po ang Lola ko, wala rin akong kamag-anak dito."

Tumango-tango siya at biglang ngumiti. "Aba'y ayos. Mukhang mabuti ka namang bata, gusto mo bang ipasok kitang kasambahay?"

"Ayos lang po." napangiti ako.

"Para may trabaho kana, may matutuluyan ka pa." hinawakan niya ang kamay kong nasa lamesa. "Isasama kita sa pinapasukan ko. Umalis ang isang kasambahay sa hacienda at naghahanap ng papalit ang amo ko, pwede kitang ipasok doon. Isasama kita, siguro bukas! Kasama ko kasi 'yung isa kong alaga ngayon. Baka nag-aantay na 'yon. Basta isasama kita." sabi niya. "Sa Hacienda ng mga Del Vierro."

--

Napanganga ako sa Hacienda na sinasabi ni Manang Linda. Sobrang laki, at napakaganda. Parang sa mga palabas sa tv ko lang ito nakikita.

"Welcome to Hacienda Del Vierro, Jiharah." sabi ni Manang nang makapasok kami.

Napatingin ako sa paligid at mas namangha nang makita ang maraming kotse.

Nagagamit pa ba nila 'yan?

Iba talaga kapag mayaman. Lahat kayang bilhin. Samantalang ang mga laki sa hirap, ni pagkain hindi kayang bilhin.

Bitbit ang dalawang bag ko ay sumunod lang ako kay Manang papasok sa loob ng mansyon. Parang nakakapanliit ang tumapak sa ganitong kagandang bahay. Pakiramdam ko ay isa lang akong langgam na kayang tapak-tapakan ng mga tao dito.

"Jiharah, andito si Madam. Umayos ka lang, mabait 'yan."

Nakampante naman ako sa sinabi ni Manang. Inayos ko ang damit na suot ko, siya din ang bumili nito para sa akin. Para magmukha daw akong kaayaaya sa harap ng mga amo niya.

"Who is she?" napaayos ako ng tayo nang marinig ang boses ng babae.

"Ah, Madam siya 'yong papalit sa umalis na kasambahay dito. Mabait na bata 'yan, at napaka-sipag. Kaya niyang gawin lahat." napatingin ako kay Manang dahil sa sinabi nito. Parang kilala na niya ako agad.

"I see. Siguraduhin mo lang na hindi malikot ang kamay niyan, iyon ang ayaw na ayaw ko sa lahat." sabi ni Madam habang nakatitig sa akin. Napalunok ako dahil sa seryosong titig niya sa akin.

"Oo, Madam. Mabait na bata po si Jiharah."

Tumango-tango lang siya at naglakad na palayo. Napaka-elegante niyang tignan. Mukha talagang napakayaman. Medyo may pagkasuplada ang mukha niya kaya parang kinabahan ako kanina.

Tumingin sa akin si Manang at hinawakan ang kamay ko. "Tara na. Sasamahan na kita sa magiging kwarto mo."

Napakalawak ng bahay na ito, I mean mansyon. Ilang palapag ba ito? Nasa baba palang kami pero marami na agad pasikot ang nalakad ko. Maraming pasilyo. Mukhang hindi lang isang daang milyon ang gastos sa pagpapagawa dito.

"Dito ang kwarto mo, Jiharah. Nandoon lang ako sa katabing kwarto kapag may kailangan ka."

Naupo ako sa maliit na kama at napatingin sa paligid. "Safe ba dito, Manang?"

May takot na naman na pumapasok sa isip ko. Bakit ang hirap alisin nito? Bakit ang hirap limutin ng nakaraan?

"Oo, safe naman dito. May bodyguard kada sulok ng bahay. 'Wag kang matakot, wala namang masamang tao dito, multo meron."

"Manang naman!" nakuha niya pa talagang manakot. "Ah, mataray po ba 'yong amo natin dito?" naitanong ko kay Manang.

Napangiti siya bago naupo sa tabi ko. "Si Madam Angel, strikto talaga 'yon. Sa totoo lang silang dalawang mag-asawa ni Sir Jerome. Seryoso sila palagi, lalo na pag usapang business na. May pagka-suplada 'yon pero tiis-tiis lang, wala naman iyong gagawin sayo kung wala ka ring gagawin na ikaiinit ng ulo niya." ngumiti siya.

"Sila lang po bang mag-asawa ang andito?"

"Andito rin ang dalawa nilang anak. Parehong lalaki pa. Pero mabait naman ang mga 'yon. Masungit nga lang." natatawang sabi niya.

Dahil tanghali na ay inaya ako ni Manang para magluto ng tanghalian nila. Nagtaka nga ako dahil napakadami ng niluluto nilang ulam. Mabuti at katulong din namin iyong ibang kasambahay dito sa bahay. Parang may handaan. Sabagay, nasa bahay mayaman na nga pala ako, hindi na dapat ako magtaka kapag mga sosyal na ulam ang hinahain sa kanila.

Lumabas ako at nagpunta na kay Manang. Nakahanda na ang pagkain na dadalhin doon sa lalaki.

"Jiharah, ikaw na ang magdala nito kay Sir."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-Ako Manang?"

"Oo, ikaw. May aayusin pa ako dito."

"Sige po."

Kinuha ko ang food tray na dadalhin sa pool area kung nasaan si Sir daw. Nakakapanibago ang mga tawag sa kanila. Hindi rin ako sanay makisalamuha sa mayayaman.

Nakita kong nakaupo si Sir sa isang upuan at may laptop naman na nakapatong sa table na nasa harap niya.

Napalunok ako nang biglang magtama ang aming paningin. Nangangatal ang aking kamay na nakahawak sa food tray. Shit na malagkit. Mukha nga siyang masungit at...masungit nga.

Nang makalapit ako ay ipinatong ko na ang food tray at inayos ang pagkain niya sa table. Nakatitig siya sa akin! Habang naka-cross arm. Ni hindi kumikislot ang kanyang labi.

"Ito na po ang pagkain niyo...Sir Japs..." mabuti nalang at hindi ako nautal.

"Did I let you call me by that?" masungit na tanong niya. Ang tinutukoy niya ba ay ang pagtawag ko sa kanya ng pangalan niya? Hindi ba iyon ang name niya?

Napalunok ako at napalingon sa may loob. Sakto, nakatingin si Manang. May sinasabi siya. Napatingin naman ako sa lalaking nasa harap ko na nakatitig sa akin.

Binasa ko ang binubuka ng bibig ni Manang.

"Ano...S-Sir Danrick?" nakatitig parin ito sa akin. Binasa ko ulit ang buka ng bibig ni Manang. "Ah, Sir H-Henrich?" nakatitig parin ito.

Ano bang pangalan nito at napakaarte? Ayaw ng Japs, e 'yon ang narinig ko na name niya.

Binasa ko ulit ang buka ng bibig ni Manang.

"Sir...Ostrich?" namula ang aking mukha.

Napaawang ang kanyang labi.

"Whatever." umirap siya sa akin.

Lagot!

Napakamot ako sa batok at namumulang tumalikod.

"Bago ka?"

Unti-unti akong napalingon sa kanya at nakatitig parin siya. Tibay ng mga mata niya sa pagtitig.

Tumango ako. Nang tumango siya sa akin ay saka ako umalis.

Sinalubong naman ako ni Manang ng nakakalokong ngisi.

"Jandrich 'yon! Ito talagang batang ito."

Napanguso ako. "Akala ko kasi Ostrich." natawa si Manang sa akin. "Anong totoong pangalan niya Manang?"

Ngumisi siya. "Jandrich Piere Del Vierro.....at ang tanging pwede lang na tumawag sa kanya ng Japs, ay ang mga taong minamahal niya...at mga taong nagmamahal sa kanya."

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro