xvii
xvii
Someone's POV
"Nagiging malapit na naman sila! Ano bang ginagawa mo?" Galit na galit na sigaw sa kanya ng kausap nya. Tinignan nya ito at bakas sa mukha nito na kanina pa iritang-irita sa mga nakikita nito.
"Ano na?" Tinignan nya ito sa mata at puro galit lang ang nakikita nya dito.
"Wae? Bakit ba gustong-gusto mo syang mawala?" Tanong nya dito. Simula nung makilala nya ito ay wala na itong ibang sinabi sa kanya kundi ang ipaalala ng misyon nya. Inisnaban sya nito at nagcross-arm.
"Wala ka na dun, kaya kung ako sayo gawin mo na ang misyon mo bago pa magbago ang isip ko at ilunod kita sa mga dagat dito" mataray na pagkakasabi nito tsaka sya tinalikuran at naglakad palayo. Pero hindi pa ito nakakatatlong hakbang ay muli itong lumingon sa kanya.
"Patahimikin mo na si Yoora, Eunjae-shhi" muling paalala nito sa kanya bago tuluyang umalis, napalingon naman sya sa isang babae at isang lalaking may dala-dala ng kahon habang dahan-dahang naglalakad sa di kalayuan.
"Annyeong Choi Yoora"
-----
"Yah! Tumayo ka nga dyan!" Asik ni Yesung kay Hanuel na bigla na lang umupo sa tapat nya. Ramdam na randam na nya ang pagod dahil kanina pa sila naglalakad para marating yung isang lugar na dapat nilang puntahan. Akala nila ay dire-diretsong lakad lang pero hindi nila akalain na may aakyatin silang bundok para marating iyon.
"Kaja! Ipapasan kita, pagod ka na oh" sabi ni Hanuel sa kanya pero umiling sya. Alam nyang pagod na din si Hanuel kaya kung papayag pa syang pumasan dito ay mas mapapagod si Hanuel.
"Aniyo! Kaya ko pa --oh!" Paghakbang ni Yesung papalapit sana kay Hanuel ay bigla na lang syang dumulas.
"Yesung-ah!" sigaw ni Hanuel at sinubukan syang abutin pero hindi na sya nito naabutan. Napapikit na lang sya at hinintay na bumagsak sya. Sunod na lang nyang naramdaman na may humawak sa bewang para hindi sya tuluyang bumagsak.
"Gwenchana?" Napamulat sya ng mga mata ng may magsalita at nakita nya si Taehyung nakatingin sa kanya. Agad naman syang umayos ng tayo at nagbow.
"Ne, Mianhe" sabi nya tapos tinignan ni Taehyung kung may sugat ba sya.
"Pagod ka na ba?" Tanong nito sa kanya at napatango sya ng konti. Inilahad nito ang kamay nya sa harap ni Yesung kaya napakunot ang noo nito. Kinuha ni Taehyung ang kamay nya at inilagay sa kamay nito at hinawakan ito ng mahigpit.
"Bibigyan kita ng lakas" biglang sabi ni Taehyung kaya mas lalong nagtaka si Yesung. Ipinikit pa nito ang mga mata nito at parang nagdadasal.
"Meron na ba?" Iminulat nito ang isang mata nya at bumulong. Hindi naman iyon naintindihan ni Yesung kaya pinaulit nya.
"Aissh! Sabi ko meron na ba? Nabigyan na ba kita ng lakas?" Asik nito, binawi ni Yesung yung kamay nya mula kay Taehyung.
"Ang weird mo!" Sabi ni Yesung, napangiti naman si Taehyung sa sinabi sa kanya ni Yesung.
"Nabigyan na nga kita"
"Huh?"
"Sabi ko nabigyan na kita, nakangiti ka na eh" napatigil si Yesung dahil sa sinabi ni Taehyung. Ramdam nya ang pag-angat ng dugo sa pisngi nya dahil sa sinabi nito.
Umiwas sya ng tingin "Kaja" aya nya dito at nagsimula na syang maglakad paakyat. Nung makarating sya sa lugar ni Hanuel ay tinignan sya nito at maka-ilang beses tinanong kung ok lang ba sya.
Matapos ang ilang oras pang paglalakad ay nakarating naman sila sa pupuntahan nila. Nagset-up sila at agad na sinimulan yung mga gawain. Hapon na ng makatapos sila, kinuha ni yung camera nya at kinunan yung mga tanawin na nakikita nya.
Napatigil sya ng pakiramdam nya ay may nakatingin sa kanya. Ibinaba nya ang camera-ng hawak nya at lumingon-lingon sa paligid. Wala naman syang nakita isinawalang bahala na lamang nya. Nagpatuloy sya sa pagkuha ng mga litrato at tuwang-tuwa sya sa mga nakukunan. Kitang-kita yung ibang parte ng bundok at isang malaking ilog.
Umurong sya ng konti para mas mapalapit sya isang magandang bulaklak na malapit sa kanya. Pipindutin na sana ni Yesung yung camera ng bigla nyang maramdaman na may tumulak sa kanya kaya dumire-diretso sya sa bangin.
Pagulong-gulong sya pababa, ramdam nya ang sakit ng pagtama ng mga halaman at bato sa katawan nya. Sinubukan din nyang kapitan ang mga ito para hindi na na tumuloy-tuloy sa baba pero nanghihina na sya.
Nung tumigil sya sa paggulong, mas naramdaman nya ang sakit ng buong katawan nya. Pinilit nyang iminulat yung mga mata nya at nakita nya ang isang tao na nakatayo kung nasaan sya kanina at nakangiti ito.
---
"Unnie! Yesung Unnie!" Sigaw ni Somi habang palingon-lingon sa paligid. Kanina pa nawawala si Yesung Unnie nya at kabadong-kabado na sya. Inilabas nya yung cellphone nya at hindi din makontak ang Unnie nya. Malapit ng magdilim at nakakatakot daw sa lugar na iyon kapag gabi na kaya napagpasyahan nilang bukas na lang umuwi at dito na lang magpalipas ng gabi.
"Unnie! Aissh! Neo eodiya!" Inis na sabi nya. Maya-maya ay may tumawag sa kanya. Nilingon nya ito at nakita nya si Jungkook na natakbo papalapit sa kanya. *Where are you?*
"Nakita mo na si Noona?" Tanong nito sa kanya.
"Mukha ba akong hanapan ng taong mapagpanggap?" Bulong ni Somi, hindi nya talaga gusto ang presensya ni Jungkook dahil naiinis sya sa katangahan nito.
"Bwo?" Tanong ulit ni Jungkook sa kanya habang nakakunot ang noo nito. Umiling sya. "Aniyo, hindi ko nakita yung girlfriend mong peke" muling ibinulong ni Somi yung huli nyang sinabi at tinalikuran na si Jungkook.
Nakarating sya sa lugar na malapit sa bangin at may nakita syang isang tao na natakbo paalis sa lugar na iyon. Agad naman syang kinutuban kaya tumabko sya papunta sa lung saan nanggaling yung babae.
Wala naman syang nakitang kakaiba pero may iba syang nararamdaman. Tumingin sya sa bangin at mukha namang walang problema doon. Aalis na sana sya ng may mapansin sya sa di kalayuan. Isang basag na lens ng camera.
"Camera?" Biglang naalala ni Somi na sa kanilang lahat si Yesung lang ang maya dala-dalang camera. Sinubukan nyang tignan yung pinakadulo ng bangin. Naiiyak na si Somi, paano kung may nangyari sa Unnie nya?
"Unnie!" Sigaw nya habang pinipilit na bumaba. Naramdaman nyang may humawak sa balikat nya at hinila sya palayo doon. Paglingon nya at nakita nya si Eun-ah na nag-aalalang nakatingin sa kaya.
"Magpapakamatay ka ba? Kita mong medyo malalim yang bangin oh!" Inalis ni Somi yung pagkakahawak ni Eun-ah sa kanya at muling bumalik sa lugar kung nasaan sya kanina.
"Unnie! Wala ka dyan di ba?" Sigaw nya pa rin. May nakita syang isang sapatos at sa di kalayuan ay isang kamay, umurong pa sya ng konti at nakita nya ang Unnie nya na nasa baba na, walang malay at puno ng sugat. Muli syang hinila ni Eun-ah palayo pero ayaw nya.
"Pwede ba! Ayokong makipagplastikan sayo!" Sigaw nya kay Eun-ah. Maya-maya ay tumawa ito.
"Ikaw na nga tong tinutulungan eh! Tsaka anong bang sinisilip mo dyan? Mamaya mahulog ka!" Galit na sagot sa kanya ni Eun-ah. Tinaasan nya ito ng kilay.
"Stop it bitch, don't act as if you were really here to help. Don't me" sabi ni Somi bago iwan si Eun-ah para tawagin ang Oppa nya.
---
Abangan.....
Napatingin si Yesung kay Taehyung ng mahulog ang bagay na iyon. Pupulutin na sana nya ng maunahan sya nito. Kita nya kung paano tignan yung bracelet na kanina lang ay suot nya.
Inagaw nya ito mula kay Taehyung at nagsimulang maglakad palayo pero hindi pa sya nakkaka-isang hakbang ay hinawakan sya nito sa braso at kinuha yung bracelet na nasa kamay nya.
"Paano napunta sayo ang bracelet na to?"
-----
K.
Wag nyo na lang pansin yung abangan, pauso ko lang yan haha XD.
Hello! Hello!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro