Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Six

ALEXANDER III LOUNGE

It was around ten when I got a call from my brother, Luis. Inis man ay tumayo ako sa pagkakahiga para kunin ang tinapon kong cellphone sa malapit na couch. He should know I was in no mood to take calls right now, pero kahit kailan talaga ay hindi marunong makiramdam ang gagong 'to.

"What, Luis?" inis na bati ko. Walang dahilan para tumawag siya ng ganitong ka-late.

"Kuya, hinatid mo ba si Evelyn?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Si Evelyn? Bakit ko naman ihahatid ang babaeng 'yon? Nakaya niyang pumunta sa club para hanapin ako, she can find her way home.

"No. The fuck, Luis?" Alam niyang mas inaalala ko ang estado namin ni Jane ngayon. I had no time to worry about Evelyn and whether or not she got home. May driver 'yon. Siguradong nakauwi na ng ligtas sa lintek na condominium nila.

My brother sighed on the other line. "Kuya, hindi pa daw siya nakakauwi."

Mas lalo akong napasimangot, ibang klaseng kaba na ngayon ang namumuo. "What do you mean? May driver 'yon. Malamang ay nagpasundo na."

"Naiwan niya ang phone niya sa kotse ko, kuya. Paano niya matatawagan 'yung—"

"Bakit nasa'yo ang phone niya? Bakit nasa sasakyan mo siya kanina?" Ngayon naman kakaibang inis na ang bumalot sa'kin. Parang gusto kong sirain bigla ang mukha ng kapatid ko sa narinig. I had to force the stubborn Evelyn to ride my car the very first time, pero walang pagaalinlangan siyang sumama sa kapatid ko? Putanginang pag-iisip naman 'yan oh.

"Kuya!" iritado siya, pero mas iritado ako. Punyeta din 'tong isa 'to kahit kailan. Hindi pa marunong mag-ate kay Evelyn. She was older by a good six months!

"What?!"

Muli ay nagpakawala siya ng hininga. "Ako ang naghatid sakanya sa club kanina. That was hours ago and I'm sure kanina ka pa nakauwi. Pero wala pa daw si Evelyn. Wala sa family home nila o sa condo niya o sa mga kapatid niya. Kuya, no one knows where she is and you're the last person she was with."

"Paano mo nalaman?" Fuck, Eva didn't even tell me! Akala ko pa naman close na kami non!

Fucking DeMarcus sisters. Ang daling makausap, pero ang hirap kunin ng loob.

"Kuya, does it really matter?"

"Yes," I hissed. Hindi ako matatahimik hanggang malaman kong hindi si Eva ang nag-contact sakanya. I'm the fucking fiancé—ako dapat ang unang pinapaalam!

Nagmura si Luis pero hindi ako nag-react. "Jeez. Mom was on the phone with tita Samantha. Tinanong lang ako ni mommy kung saan ko hinatid si Evelyn and that's it. They even sent their driver there pero sabi nung security guard, namataan niya daw si Evelyn na naglakad paalis sa lugar na 'yon. Fuck, kuya, 'pag may nangyari sakanya..."

I recalled the neighborhood of the club at ilang beses akong napamura. Mabilis akong nagbihis at wala pang limang minuto ay nakalabas na ako ng condominium. I have to find my Evelyn, tama si Luis, baka ano na ang nangyari sakanya.

"Fuck!" Hindi ko mapapatawad ang sarili ko 'pag meron nga.

Bumalik ako sa club at tinanong ulit 'yung security. Malas ko nalang dahil umuwi na pala 'yung kanina. Tapos na daw ang shift at panibagong bouncer na 'to. Nag-init ang ulo ko pero wala akong panahon para magsigaw-sigaw doon. Kailangan kong mahanap si Evelyn. Kung bakit ba kasi hindi nalang siya sumabay sa'kin kanina. Did she think me too heartless to say no?

Oo, punyeta, galit ako sa nangyari. Pero hindi ibig sabihin non ay gusto kong mapahamak siya. Walang p'wedeng manakit sakanya at kung meron mang mangyari sakanya, sisiguraduhin kong gagapang sa impyerno ang kung sino man gago 'yon.

Naglakad daw, alala ko sa sinabi ni Luis. Kaya siguro ay malapit lang dito ang pinuntahan niya. Pero isang milya o higit ang pinakamalapit na motel. Mas lalo akong napamura nang maalala ang matataas na takong na suot niya. Nilakad niya ito? Masasakal ko rin ang isang 'yon e. Mas mataas pa ang pride kesa sa'kin.

Pinasok ko ang karamihan sa mga motel pero hindi ko namataan si Evelyn. Hindi ko rin pinansin ang sinasabi ng ibang may-ari na baka nasa isang kwarto na siya sa taas. No, Evelyn would never stay here. Masyadong maarte 'yon.

"Baka may kasama, sir," hirit naman ng isang babae kaya mas lalo akong nagalit. Iniisip ko palang na may ibang lalaking humawak sakanya tulad ng paghawak ko ay nawawalan na ako ng bait.

Evelyn was clear, from the very beginning, that she was mine. Akin siya, kaya sa oras na may humawak sakanya sa paraan na ako lang ang dapat, hindi ko na masisisi ang sarili ko kung makakapatay ako.

I left the filthy establishment. Kahit walang magandang option si Evelyn, kilala ko 'yon. Hindi 'yon sasama sa kahit na sino-sino lang. She was the princess of the DeMarcus Group of Companies. Bata palang siya ay pinalaki na siya bilang isang reyna, dahil 'yon naman talaga siya.

Nagpatuloy ako sa paghahanap at kahit sumasakit na ang ulo ko ay hindi ako tumigil. I won't stop until I find her. This time, sisiguraduhin kong sa'kin na ulit siya uuwi. The past two weeks without her have been pure hell. Hindi ko alam kung gaano ko kagusto ang presensiya niya hanggang sa wala na akong magawa kundi hanap-hanapin siya.

It pisses me off that she no longer needs me. Nabasa ko ang kontrata at tama sila, kahit sino ay p'wede niyang pakasalan basta ba may maitutulong sa kumpanya nila. Lounge Enterprises might be their best option, pero hindi ito ang only option nila. At sa ganda ni Evelyn, sigurado akong hindi siya mahihirapang maghanap ng iba.

But, fuck that! No way!

She disrupted my life for almost a year. Hindi ako papayag na basta-basta nalang din siya aalis gaya ng pagdating niya sa buhay ko. I might be in the middle of a chaotic web, pero hindi ako papayag na mawala siya sa'kin. Hindi ko alam kung paano niya nagawa, but the thought of losing her was now scarier than losing Jane. And that thought alone guilts me.

Walang ibang ginawa si Jane kundi damayan ako, samahan ako, at mahalin ako. Even at my lowest, she still stayed with me. Sa sobrang tagal niya sa buhay ko, hindi ko na alam kung papano pa ito kung wala siya. She was comfort in every way.

But Evelyn... She was chaos and peace.

Guguluhin niya ang buhay ko. Iinisin niya ako, gagalitin, pipikonin... but at the end of the day, I don't seek comfort, I seek peace. Comfort is familiar, safe, and only a distraction from chaos. But peace... it's calm, freedom, and sanity even in the midst of chaos.

'Yon si Evelyn para sa'kin. Kahit ano'ng away namin o hindi pagkakaintindihan sa araw, tuwing gabi na kasama ko siya ay parang nawawala lahat ng bigat ng loob ko. She is my peace.

"Luis?"

"Nakita mo ba siya, kuya?" tanong niya sa kabilang linya.

'Di man niya kita, umiling ako. "No sign. You?"

"Wala pa. Ruel and Russell joined the search, si Eva naman ay didiretso nalang daw si presinto."

"The station is too far, hindi malalakad 'yon ni Evelyn. She's wearing heels."

"You know Eva, she relies a lot on the law."

"Okay. Call me kung may balita."

By midnight, wala paring balita. Hindi ko parin siya mahanap. Nakailang pasok na ako ng iba't ibang lugar pero wala parin. Isang kainan ang pinasukan ko, nagbabasakaling andon siya loob, pero wala parin.

I went to the vendor and asked for water. Kanina pa ako nauuhaw, ngayon lang may pagkakataon na makakuha ng tubig.

I sat on one of the chairs and calmed myself down. May ibang tao sa loob at mukhang lahat ay halos lasing na. I thank whoever that I didn't drink, dahil kung uminom ako baka kanina pa ako walang lakas na maghanap.

"Narinig mo nangyari kina Boobay? Lintek! Papunta pa naman ako doon."

I glanced at the four men. Lahat sila ay halatang tinamaan na ng alak, lahat din sila ay mukhang may hindi magandang balak. Hindi ko alam pero nakinig ako, kahit wala naman akong interes sa kung sino man si Boobay. The name alone gives me the creeps.

"Tangina! Dadaan pa naman sana ako ngayong gabi, wala pa naman si Mrs."

I winced at what the other said. I can't really judge, but still. May ideya na ako kung ano ang establishment ni Boobay, kung sino man 'yon.

"Nagraid na naman kasi ang mga lintek na pulis na 'yan," sabi ng isa pa. Doon ay napangisi ako. Buti naman.

"Nahuli nga daw sina Mario at Pikoy, e. Mga gago ba naman."

Nagtawanan ang apat at hindi na ako nakinig pa. Umalis na ako doon para maipagpatuloy ang paghahanap kay Evelyn. I was about to start my car when my phone rang. Agad kong sinagot ang tawag ni Eva.

"Andito siya sa police station!" bungad niya at napapikit ako agad. Of course, si Eva na naman ang pinaka-tama sa'min. The kid is too smart for her own good and for our egos. "I can't see her yet dahil questioning pa daw."

I started driving towards the station. "Questioning? Para saan?"

"Nahanap daw siya sa isang motel, kuya. The owner, a lady named Boobay, is in custody pero sinabi naman niya na hindi niya alaga si ate. Jeez! So many sleazy guys—"

Mas napapikit ako ng mariin. Damn it. Ito 'yung pinag-uusapan ng mga lalaki kanina. Evelyn went there? Shit! That woman is officially moving in! For good this time!

"Don't leave their sight, Eva," utos ko. Evelyn will kill me if something happens to their sister. Hindi lang si Ruel at Russell ang papatol sa'kin.

She gave me a know-it-all 'duh' at kahit papano ay napangiti ako. Eva is the little sister I never wanted. Annoying and too fucking smart.

Nang makarating ako doon, madaming tao sa paligid. I got there the same time as Russell and he gave me quick punch to the jaw. Tumagilid ang ulo ko pero hindi ko sinagot ang suntok niya.

"I deserved that, man."

Inirapan niya ako pero naglaon ay ngumisi rin siya. "That's only for show. Para sabihin ni ate na protective ako."

The fuck?

Hindi na ako nagkomento. Pumasok nalang kami at halos hindi kami makagalaw sa sobrang dami ng tao. There were policemen guarding the doors at karamihan ay kababaihan. Now that I've listened to their angry cries, karamihan ay asawa o nobya siguro ng mga lalaking nahuli.

Madaling nahanap sina Eva dahil napapalibutan siya ng mga pulis. Not because of her beauty, pero dahil nakikipag-away. She was screaming due process and rights of the accused like a lunatic.

Umiling si Russell sa tabi ko. "I swear, Eva is a nightmare. Tatandang dalaga 'yan."

Sumimangot ako. "You can't say that about your sister."

Nagkibit-balikat siya. "It's true. She needs a patient man."

"Ma'am, hindi ho talaga p'wede. Kailangan muna ng questioning bago siya palabasin—"

Eva growled like a beast. "Ikaw—hindi kita kilala pero ikakaso kita! I will even hire Mikhail Donovan!"

Nanlaki ang mata ng pulis. I raised a brow. I know that name. A famous criminal lawyer. Paano nila nakilala 'yon ng personal?

Russell sighed beside me. "Eva, that's enough."

Umirap si Eva pero hindi parin siya nilayuan ng mga pulis. Seriously, she was so small and lady-like, ano'ng kinakatakot nilang gagawin niya? Aatake?

"You'll see! Fiancé ni Donovan 'yang ate ko!"

Nandilim ang mata ko sa sinabi niya. What the fuck is she saying? Si Mikhail Donovan? Ikakasal kay Evelyn? No. Hell no.

"Behave, Eva. Hindi matutuwa si ate sa'yo..." sabi ni Russell.

Mas sumimangot si Eva. "Where's kuya Ruel?"

"Bakit niyo kilala si Donovan?"

They both looked at me weirdly, para bang walang connect ang tanong ko. Meron! They mentioned him.

Si Eva ang sumagot. She shrugged. "A potential husband for ate, of course. Since, you know, you're out na."

"What?" Mas nag-iinit ang ulo ko sa mga naririnig. They had a list of potential husbands for Evelyn? My Evelyn?

Hindi ako tinignan kaya bumaling ako kay Russell. He only shrugged in response. Gusto ko sanang magtanong pa pero mabilis silang tumayo. One of the doors opened and Evelyn was being escorted out. Suot niya parin ang damit niya kanina pero napansin kong pinahiram siya ng tsinelas. I frowned at the dirty slippers touching her delicate skin.

"Ate!" Eva was now smiling widely. Niyakap niya si Evelyn tapos ay humiwalay, may simangot sa labi. "Nag-change profession ka na pala, you didn't inform us!"

Russell and I both groaned habang si Evelyn naman ay napataas kilay lamang sa sinabi ng kapatid. I noticed other people looking at her exposed shoulders kaya nailang ako. Especially knowing what these men were looking for in that place.

Napatalon si Russell nang hilain ko ang jacket niya. Nagpumiglas pa siya pero nahubad ko rin sakanya. Nakasimangot niya akong pinanood na ibigay 'yon kay Evelyn. She looked at me with a hesitant smile, one I've never seen on her.

"Thank you, Third..." Where's "love"?

I frowned.

"Seriously, ate, how'd you even get there..."

Tipid lang na ngumiti si Evelyn at doon ko napansin kung paano siya kapagod. My girl was currently in chaos, and she needed a moment of peace, too...

We decided to leave and I pulled her closer. Gulat na tumingin siya sa'kin but I only tugged her closer to me. Marami pa kami kailangang pag-usapan at ayusin, but with the mention of someone being a potential husband to her, alam ko na ang kailangan kong gawin. Reality didn't hit me until Eva mentioned that name.

Paglabas namin, nakita namin agad si Luis at Ruel na nakasandal sa sasakyan ng huli. They were casually talking na para bang normal lang ang lahat. When they saw us, hinintay lang nila kaming makalapit sakanila.

"I heard you caused a scene, daredevil," bungad ni Ruel sa nakababata nilang kapatid.

Eva only made a face and cuddled to Ruel. May naisingit pa siyang pangkurot sa kuya niya bago tumigil sa paggalaw.

"Umuwi na tayo. I'm sure mom wants us home tomorrow.."

Tumango si Evelyn, pero tahimik parin. I was looking down at her so I watched her nuzzle my chest. Malumanay akong napangiti habang nakatitig sakanya. When she closed her eyes, I knew it was time to go home. Umangat ang tingin ko at agad nakasalubong ang kunot-noong tingin ni Eva. She raised a brow at me but I only blinked.

I took Evelyn to my car first bago ko hinarap ang mga kapatid niya. The two DeMarcus men, although younger than me, were poised to fight. Si Eva naman ay parang mas nakakatakot ang magagawa sa'kin.

"I'll take care of her," was all I could say.

"Just tonight, Lounge," sambit ni Russell sa seryosong tono. "She's not yours to keep anymore."

"She never was," singit ni Eva, nakasimangot sa kuya niya. Tumingin siya sa'kin ng seryoso. "The only reason she pursued you was because of the company, kuya Third. Alam mo kung gaano siya kadesidido. Ate is a stubborn and strong woman. She won't settle for what you're offering her anymore. She's a DeMarcus, remember that."

I only nodded. Wala akong ibang maisagot doon.

I shook hands with all of them. Luis handed me her purse ad I smacked it across his head. Ngumiwi siya pero hindi naman nagreklamo. Bobo rin kasi minsan.

Evelyn was fast asleep when we got to my place. Hindi siya nagsasalita pero alam ko kung gaano siya kapagod. I should've been gentler with her earlier this evening, pero nabulag ako sa pagaalala kay Jane. I may have the most all-consuming feelings for Evelyn, pero hindi mawawala sa'kin ang mag-alala kay Jane. She will always hold a special place in my life.

"Papalitan ko lang 'to," bulong ko sakanya at hinaplos ang damit niya.

Her sleepy eyes looked at me. "Malamig... huwag na."

"Love," malambing kong usal. Her eyes widened a bit. "Mas malamig ito. I'll do it, okay?"

I changed her into one of my shirts. Agad siyang sumiksik sa comforter at napangiti ako. I stared at her from the foot of the bed. Yes. She belonged here with me. Not with some Donovan guy.

Tumabi ako sakanya. She was a few inches from me. Magkaharap kami pero hindi magkahawak. Just having her near me gave me the comfort I needed. But I held her hand, then held her closer to me. Pumikit ako.

Holding her close was peace.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro