Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

Kabanata 8

Guilty


Dumating nga si Alvaro sa araw na tinukoy ni Aria. Nagmamadaling mag-ayos si Aria kanina para daw hindi na maghintay si Alvaro sa kanya.

She tried so hard to dress up, I noticed. Madalas ko siyang makitang umaalis para makipagdate pero hindi ganito. She's wearing a mini skirt right now and her face is full of make up.

"I don't think Alvaro would like you that way, Aria," hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil napansin ang makapal na eye make up niya.

"Bakit hindi? At ano naman ang alam mo?"

My eyes narrowed. Nagpatuloy siya sa pagpapakapal sa eyeliner sa kanyang mga mata.

"Iyong bagong itinutukso sa kanya na transferee mahilig mag eye liner kaya gagawin ko."

Umiling ako at hinayaan siya.

Natanaw ko na ang motor ni Alvaro galing sa gate. My heart skipped a bit.

"Tabi ka nga diyan!" iritadong sigaw ni Aria sabay baba ng kanyang compact bb cream. Sinisigawan niya ang taga walis ng bakuran naming si Romulo.

"Aria..." saway ko dahil nasa gilid naman ito, nagwawalis.

Dahil lang natanaw na naming pumasok si Alvaro sa gate, masama na agad ang tungo niya sa tagawalis.

"Ang sabing tabi, Romulo!" sigaw ni Aria nang natanaw na tinanaw lang nito ang motor ni Alvaro at hindi pa gumalaw.

Mabilis siyang nagtago sa halamanan. Umiling ako. I feel guilty sometimes. Lalo na kapag nagiging malupit si Aria sa mga kasambahay namin. I am the owner of the whole azucarera including this mansion. Pera rin namin ang nagpapasuweldo sa tauhan. Tinutulungan naman ako ng mga magulang ni Aria pero wala siyang karapatan na maging malupit sa mga kasambahay.

She is especially annoyed with our street cleaner. Siguro hindi niya matanggap na kaklase niya ito. Minsan niya nang nasabi sa akin na hindi niya daw matanggap na magkalebel silang dalawa tuwing nasa classroom.

"Alvaro!"

I looked at Alvaro quietly. Nakatingin din siya sa akin at inilahad na si Kuring. Ang bag ay naka cross body sa kanya. Nang tinanggap ko ang kuting, inab ot niya agad sa akin.

"Tara na?"

Alvaro laughed a bit. "Mauna ka na. Susunod ako sa sasakyan mo."

Bumaling si Alvaro sa paligid.

Malaki ang bakuran namin. May hagdanan bago ang bulwagan. Doon kami nakatayo. May fountain pa sa harap at rotunda iyon para sa mga sasakyang papasok at aalis. Ang garahe namin ay nasa isang malaking warehouse malapit sa swimming pool.

Napansin siguro ni Alvaro na walang sasakyang nag-aabang.

"Aangkas ako sa'yo!" si Aria.

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Alvaro.

"Wala akong extra na helmet, Aria. Ayos lang kung magsasakyan ka."

"Nakita ko nga noong nakaraan si Grace, nakaangkas sa'yo ng walang helmet. Bakit siya, puwede?"

Napasulyap si Alvaro sa akin. He cleared his throat.

"Malapit lang 'yong pinagbabaan niya."

"Sige na, Alvaro! Malapit lang din ang pupuntahan natin, promise!" si Aria.

Tiningnan ko ang kuting at hinaplos ang ulo. I missed him. Ang bilis niyang tumanda, ilang buwan pa lang naman mula nong napulot ko siya.

"Ah! Alam ko na!" si Aria.

Napabaling ako sa dalawa. Lumakad si Aria. Sinundan namin siya ng tingin ni Alvaro at nakita kong papuntab siya sa isa sa hilera nng pine trees sa daanan. Naroon si Romulo, nagtatago at bahagyang nagwawalis.

"Hoy, ikaw! Kunin mo nga ang helmet mo sa scooter mo! Bilis!"

"Huh? Gagamitin ko 'yon mamaya, Aria. Kapag aalis na ako-"

"E 'di huwag kang umalis kung hindi pa ako nakakauwi!"

"Aria!" I called but she was too far to hear me.

Nilingon ako ni Alvaro. He looked pained.

"Hindi kami magtatagal. Yayayain ko siyang umuwi pagkatapos puntahan noong gusto niyang cafe."

Nagkatinginan kami. I hate that she's treating a house help that way.

Umalis si Romulo. Lumapit naman ako kay Aria at sumunod si Alvaro sa akin.

"Huwag mo namang pinapagsalitaan ng ganoon ang tao."

"Hay naku! Nanghihiram lang naman ako, ah?!" she said and she crossed her arms.

"Puwede mo namang ayusin ang pagsasabi. Hindi mo kailangang sabihin ng ganoon."

"Anong gusto mo? Romulo... pahiram naman ng helmet please?" lumiit ang boses ni Aria sa huling mga sinabi.

"Aria, tama na. Tama si Yohan. Hindi mo dapat ginaganoon ang tao. Puwede mo namang ayusin."

"Akala n'yo lang mabait iyon. Pag nasa school, akala mo kung sinong mayabang na matalino kung maka asta! Kaya huwag n'yo nga akong husgahang dalawa sa pakikitungo ko sa Romulo na 'yon!"

Nakalapit na si Romulo dala ang kanyang itim na helmet. Walang pakialam si Aria kung narinig man ni Romulo ang mga sinabi niya.

Pahaklit na kinuha ni Aria ang helmet bago plastik siyang nginitian.

"Thanks, Romulo."

She then turned to us.

"Masaya na kayong dalawa?!"

Alvaro sighed.

"Tara na, Alvaro. Magdate na tayo! Dito ka na, Yohan!"

Nauna na si Aria na pumunta sa motor ni Alvaro. Inayos niya na rin ang helmet niya. Alvaro looked at me first.

"Hindi kami magtatagal," he said.

I nodded.

Lumakad na rin siya patungo sa motor. Kasasampa niya pa lang, sumampa na kaagad si Aria roon at yumakap pa.

Aria had that mischievous grin directed at me as she wholeheartedly hugged Alvaro's body. Alvaro's brow furrowed a bit and he glanced beside him before turning the engine.

He nodded at me. I nodded back. Ganoon din siya kay Romulo sa likod ko bago niya pinaharurot ang motor niya papuntang gate.

Wala na sila nang binalingan ko si Romulo para humingi ng paumanhin.

"Pasensiya ka na kay Aria."

"Ayos lang. Sanay na ako sa kanya."

Umiling ako. "Hindi ka dapat nasasanay sa tungo niya. She really is mean," sabi ko.

Inayos niya ang salamin niya. Medyo na conscious din ako dahil nakasalamin din ako. Pareho kaming dalawa. Tumingin siya sa kuting na dala ko at pinasandal na lang muna ang walis sa pine tree.

"Si Alvaro ang nag-aalaga ng kuting mo?"

"Oo. Alam mo naman si Tita, bawal mag dala ng alaga rito sa bahay."

He was petting Kuring when I realized he probably is also fond of cats. I offered him Kuring. Tinanggap niya naman.

Unexpectedly, he was a good company. Mahilig siya sa pusa at may pusa rin siya sa kanila. Naisip ko tuloy na kung ang mga trabahante pala namin ang pinaalaga ko kay Kuring, hindi na sana problema.

Hindi ko man masyadong nakasasalamuha si Romulo, alam ko namang halos araw-araw siya sa mansiyon. Dito siya lagi sa harap na bakuran, nagwawalis.

I wonder if it would be more convenient if it's him who has Kuring? At hindi kaya dagdag lang si Kuring sa aalalahanin ni Alvaro sa bahay? Nakakahiya tuloy.

"Si Alvaro at si Aria?"

Nakaupo na kami ni Romulo sa bermuda ngayon. Tinatanaw namin si Kuring na may hinahabol na paru paru.

"Hindi naman," sagot ko.

"Wala na si Alvaro at iyong girlfriend niya ah. Baka nililigawan si Aria?"

Sasabihin ko sanang hindi. Kaso ako man, hindi ko alam kaya nagkibit ako ng balikat.

"Hindi ba gusto mo si Alvaro?"

My eyes widened. Napabaling ako kay Romulo, nagulat na alam niya. He only chuckled. Inayos niyang muli ang eye glasses niya.

"Alam ng halos lahat. Pasensiya na kung naitanong ko."

Natahimik ako at naisip na alam din kaya ni Alvaro iyon? Malamang. But he's just probably too kind to turn me down. A young girl's heart like mine is fragile. Somehow, I appreciate that. I always know that iit won't ever happen. Even if I dream about it, I don't believe or hope for it.

"Mabuti naman at maayos ang tungo niya sa'yo."

Tumayo siya.

Napaangat ako ng tingin, hindi naiintindihan ang sinabi niya. Maayos ang tungo niya sa akin? Bakit? Ano ba dapat ang tungo niya sa akin? Maybe like all the my other schoolmate?

Bumuntonghininga ako at tumayo na rin para. I removed the small dirt behind my buttocks. Tiningnan ko si Romulo na kinukuha na ngayon ang walis. Hindi ko na namalayan kung ilang oras na kami roon pero mukhang natagalan.

"Sana lang totoong mabait nga siya sa'yo, Yohan," si Romulo.

"H-Huh?"

Nawala agad sa isipan ko ang sinabi niya nang bumukas ang gate. Tanghali na at iniisip kong magtatagal ang dalawa at sa labas na magtatanghalian pero nakauwi na sila ngayon! Natanaw ko ang motor ni Alvaro na palapit. At si Romulo naman, nagpaalam na sa akin at may aayusin lang daw siya sa garahe.

I nodded. Lumapit muna si Romulo sa dalawa para kuhanin ang helmet niya. Supladang ibinigay ni Aria iyon.

Umiling ako at inuna muna si Kuring bago sila lapitan. Tantiya ko ay mga dalawang oras lang ang alis nila. Sa itsura ni Aria, mukhang dismayado pa siya. Naaalala kong sinabi niyang gusto niyang buong araw ang date nila ni Alvaro.

Nasaa tanggapan na sila. Sumunod si Alvaro kay Aria. Narinig ko ang sabi ni Aria.

"Huwag kang tatanggi sa tanghalian at mamaya! Para mahaba ang oras ni Yohan sa kuting!"

Hindi na umimik si Alvaro.

"Aakyat muna ako para magbihis. Dito ka na maghintay."

Papasok ako sa tanggapan nang natanaw ang pag-akyat ni Aria sa hagdanan. Nilingon ni Alvaro ang pintuan kaya nagkatinginan kami. Ngumiti ako at tiningnan ang kuting sa kamay ko at lumapit na sa kanya.

Ibababa ko sana si Kuring kaso hinaplos niya ang ulo nito. Nasa sofa kami pero hindi nakaupo dahil sa ginagawa niya. Parehong nakatayo lang. I smiled as I watched his hand rubbing the cat's head.

"Kumusta ang date n'yo?"

"Ayos naman," aniya.

"Maganda ba ang cafe na tinukoy ni Aria?"

"Oo."

I smiled and watched his hand again. Humaba saglit ang katahimikan.

"Si Romulo pala, 'yong tagawalis namin ng bakuran, ngayon ko lang nalaman na may mga pusa siya sa kanila."

Tumango lang si Alvaro. Nagkatinginan kaming dalawa. Somehow, whenever his eyebrows are furrowed, I always notice his thick and nice brows.

I chuckled nervously. "Nasabi ko na ikaw ang nag-aalaga sa pusa ko kasi bawal dito."

Nag-antay ako ng reaksiyon niya pero tumango lang si Alvaro sa akin, madilim ang tingin.

"Naisip kong... uh... puwede rin pala sanang siya iyong nag-alaga kay Kuring. Kasi... lagi naman siya rito para magtrabaho. Hindi na gaanong mabigat sa kanya kung dadalhin niya si Kuring."

Binaba ni Alvaro ang kamay niya. Tumigil siya sa paghahaplos sa pusa. Lalo akong kinabahan. I suddenly regret saying that. I feel like that was insensitive of me but I meant well.

"Hindi naman din mabigat sa akin, Yohan."

"Ang ibig kong sabihin, hindi ka na sasadya rito para lang makita ko na si Kuring. Si Romulo kasi, lagi namang pumupunta rito."

"What do you mean?" he asked me a bit critically.

Umiling agad ako. I don't mean anything. I was just really insensitive to bring it up right now.

"Na si Romulo na lang ang mag-aalaga kay Kuring?"

"Hindi, Alvaro."

"Pusa ko na rin siya, Yohan. Napamahal na siya sa akin kaya hindi ako papayag."

"Ah, hindi naman, Alvaro. Ikaw naman talaga ang mag-aalaga sa... pusa natin pero..." I chuckled nervously. "Naisip ko lang na baka naabala ka."

"Hindi rin ako naabala."

Nanlamig ako nang kinuha ni Alvaro sa kamay ko ang kuting. I shut my mouth up as I watched him.

"Nagsisisi ka ba na sa akin mo pinaalaga si Kuring?"

"Hindi naman! Hindi naman, Alvaro," agap ko, guilty na. "I'm sorry."

Nag-iwas siya ng tingin.

"Susubukan kong bumisita ng madalas, kung ganoon. Kung gusto mo talagang nakikita siya palagi."

"Hindi naman kailangan! I'm really sorry. I didn't mean to offend you by that. It's fine if you visit only once a month or once every two months. Wala namang problema. Pasensiya na at nabanggit ko pa iyon."

Hindi siya sumagot. Mas lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko nairita siya sa akin.

Bumaba na si Aria kaya hindi ko na nga nalaman kung galit ba si Alvaro sa akin o hindi. Sa hapag ay silang dalawa lang ang nag-uusap at tipid pang magsalita si Alvaro.

I glance at him from time to time. I noticed that he's on a foul mood. Ganoon din yata si Aria, napansin niya iyon kaya nagtaas siya ng kilay sa akin. Nagpatuloy naman ako sa pagkain.

"Magswimming na lang tayo ngayong hapon, Alvaro. Ayaw mo akong dalhin sa Bistro, e."

"Ikaw na lang. Sasamahan lang kita malapit sa pool," malamig na sagot ni Alvaro.

"Okay. Basta mamaya ka na umuwi lalo na't busy pa si Yohan at ang pusa."

Hindi na sumagot si Alvaro.

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam si Aria na umakyat ulit para makapag bihis ng panligo. Tahimik nang lumakad si Alvaro patungo sa pool. Because I was guilty, I brought Kuring with me and fed him near the pool. Tinatanaw si Alvaro at naghihintay ng tiyempong makakausap siya.

He noticed that I was watching him. He looked at the cat and slowly got up to come nearer. He squatted and looked at Kuring while eating.

"Kayo na ni Aria?" I asked to divert and find a new topic.

Umiling siya.

"Uh... Nanliligaw ka kay Aria?"

"Hindi rin, Yohan."

Tumango ako at ngumiti. "Mabuti naman. Akala ko gusto mo si... Aria..."

He then glanced at me. Nagkatinginan kami. My face heated hanggang sa hindi ko natagalan ang tingin niya. Hindi ko na alam kung ano ang naging reaksiyon niya pero naabutan ko siyang nakapikit ng mariin ang mga mata.

Hindi nga lang nagtagal. Muli niyang hinaplos si Kuring. Nilingon niya ako, medyo namumula ang mga mata. He smiled. My face heated more.

"May iba akong nililigawan."

I was stunned. But I recovered quickly. I like him but I know my place. Tumango ako.

"Hindi si Aria, Yohan."

"Okay."

Magtatanong sana ako kung sino pero hindi ko na ginawa. Dahil masyado naman yata akong usisero kung ganoon.

"Ikaw? May nanliligaw na ba sa'yo?" he asked.

Namilog ang mga mata ko. I was about to throw a pitiful argument about me. Sasabihin kong wala namang manliligaw sa akin dahil pangit ako.

"Dapat ay wala. Bata ka pa. Hindi pa dapat iyon ang iniisip mo sa ngayon."

My face heated more and more. Pakikramdam ko kasing pula na ako ng kamatis ngayon. Nakakahiya na iyon nga ang laman ng isipan ko! Iyon halos lagi iniisip ko gabi-gabi. I daydream about having a boyfriend, or even suitors, then breaking up with them! Not Alvaro but random blurry-faced good boys!

I felt guilty.

"At huwag mo na ring banggitin sa akin ang tungkol sa ibang puwedeng mag-alaga kay Kuring."

Mabilis ang iling ko, hindi na makapagsalita sa lamig ng tono niya.

"Kung uulitin mo 'yan, hindi mo na kami makikita ulit, Yohan."

"Hindi na! Sorry!"

He smirked. This time, he looked lighter.

"It's harsh but I mean it. Ayaw kong nag-iisip ka na may iba pang puwedeng mag-alaga sa kanya."

Tumango ako, determinado na sang-ayunan siya.

"He's yours but... he's mine now, too."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro