Kabanata 38
Kabanata 38
Kiss
Tahimik ang gabi. Tumigil na sa kangi-ngiyaw ang mga pusa at tahimik nang naupo malapit sa amin ang mga ito.
He watched me intently, his eyes never faltering. Habang ako naman, hindi makatagal. Tuwing nagkakatinginan kami, madalas kong iniiwas. He didn't probe it again, he just remained silent, with a ghost of a smile on his face.
Sinulyapan ko ang bangle sa kanyang palapulsuhan. It looked like silver in the dark night. It suited him so much, manly and simple. Wala nang ibang detalye, bukod sa naka engrave sa likod noon, na hindi naman din kita ng titingin. Kaming dalawa lang ang nakakaalam.
"Sinasagot na kita," sabi ko, hindi siya matingnan ng diretso.
Uminit ang pisngi ko. Hindi siya nagsalita. Nang sulyapan ko ay umangat na ang mga gilid ng labi niya.
"Hindi ko pa sana plano. Kasisimula mo lang manligaw ulit kaso..."
"Hindi ka magsisisi. Kahit tayo na, liligawan pa rin kita."
Sinimangutan ko siya. Ngumisi naman siya lalo.
"It's a miracle that after years, we saw each other again. Your feelings for me changed. My feelings for you probably changed too."
Nagtaas siya ng kilay. Nahimigan ko ng kaunting yabang sa ekspresyon niya.
"It matured through the years. Hindi na simpleng paghanga lang, Alvaro."
He smiled. Tinapangan ko na at tiningnan na rin siya. The night felt so serene. At tanging ang puso ko lang ang hindi mapakali habang tinatanaw ko siya.
"Nagtraining ka sa PMA, nag kolehiyo ako sa Silliman. Nadestino ka sa malayong lugar at lumaban sa giyera. It's a miracle that you came back here in one piece..."
Namungay ang mga mata niya. He pursed his lips.
"Yes, it's a miracle that I survived. And maybe you were my lucky charm all this time."
My lips parted. He swallowed hard. Dumaan ang kaunting sakit sa kanyang mukha at tinitingnan pa lang siyang ganoon, parang nasasaktan na rin akol. Hindi ko talaga yata kayang marinig ng buo ang mga istorya niya. But I also know that I need to go through that pain, maybe I could somehow ease it for him.
"Madalas kitang maisip kahit sa gitna ng giyera at mga misyon."
Ngumuso ako para pigilan ang ngiti. Sa gitna ng lungkot ko para sa kanya at sa mga pinagdaanan niya, hindi ko lubos maisip na dumadaan ako sa isipan niya kahit paano.
For years, I will lie if I say he didn't ever cross my mind. He did. At times. Pero minsan para lang ikumpara ang manliligaw o nagiging boyfriend ko. Ni hindi ko iniisip kung ano kaya ang mga paghihirap niya.
"At tuwing naiisip kita, lagi akong sinisuwerte." He smiled, his eyes a bit weary.
Ngumiti ako pero sumisikip ang dibdib ko.
He slowly took my hand. Isa-isa niyang maingat na pinagsalikop ang mga daliri naming dalawa. He looked at it like it was his most prized possession - our intertwined fingers.
Slowly, he brushed the back of my thumb with his. At kahit magaspang ang kamay niya, walang mas maingat pa sa haplos na binibigay niya. I closed my eyes, memories rushed on my mind. My young memories of him and not knowing the reason why I wished for him to hold me... even for a while.
I have loved him for a long time. Hindi man siguro ganito ka tindi ang pagmamahal ko sa kanya noon, pero minahal ko siya ng buong puso sa mga panahong iyon. I was young and hopeless. But in time, I forgot about him. I didn't wait for him. But I also didn't give my heart to anyone else.
Or maybe, I waited for him. Unconsciously.
"Help comes, or I suddenly find a way to escape, or there is a new strategy... tuwing naiisip kita." He chuckled, like he's not taking it seriously but I can sense that it was true.
Ngumiti ako habang pinagmamasdan siyang medyo nahihirapang magkuwento.
"Tuwing naiisip kita, parang laging nagpapakita ang pag-asa."
Sumikip lalo ang dibdib ko at nag-init ang mga mata. I felt guilty that I really didn't think much about him all these years. And here he seeing hope in my eyes, even in my absence.
"Like a lucky charm," aniya at ginalaw ang bangle sa palapulsuhan niya.
I sighed and nodded. "At simula ngayon, hindi mo na kailangang umasa roon. You said it's a bit of luck, and prayer, right? I will be your luck, and prayer, Alvaro."
He smiled but his eyes sparkled. Ngumisi na lang ako lalo para itago ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.
"Ipagdarasal kita lagi. Isang bagay na... pinagsisihan kong hindi ko ginawa sa nagdaang taon."
His brow shot up again, a menacing and teasing smile is on his face. I sighed.
"Bakit? Ano ba ang ginawa mo sa nagdaang taon? Hindi mo na ako naisip?"
"Minsan lang," I said in a small voice. "I know you're in the army but..."
Humalakhak siya at hinigpitan pa lalo ang salikop sa daliri ko.
"I guess I just didn't think so much about how dangerous it really is out there. O siguro dahil masyado lang akong abala sa ibang bagay."
"Gaya ng mga naging boyfriend mo?" he sounded playful now.
Sinimangutan ko siya pero hindi ko maipagkakailang tama siya ng kaunti roon.
"At pag-aaral."
"At mga manliligaw."
I sighed and frowned at him.
"You have six ex boyfriends. Let me guess, one for each year in college?"
"Bakit? Ikaw nga nakakailan noon sa isang year ng high school?"
Namilog ang mga mata niya at natawa na.
"I didn't judge you for your exes, Yohan. Nagtatanong lang naman kung isa ba kada taon 'yon?"
"Oo!" iritado kong sagot.
"Well, that's why there was no space for me on your mind through the years."
"Naiisip din naman kita minsan," giit ko.
Nagtaas ulit siya ng kilay. "Sa anong pagkakataon naman?"
An image suddenoly flashed on my mind. I remember my first kiss with Angelo. I couldn't kiss him seriously because I was thinking about Alvaro! At pati noong sa ilan kong ex na tuwing hinahalikan ako, kung saan saan lumilipad ang isipan ko.
I even wonder if Alvaro could kiss better or what?!
"Uh... Minsan lang kapag naiisip k-kita..."
"Sa anong pagkakataon nga?" ulit niya at ngayon may puwersa na.
I was very pressured. Kinakabahan ako at pinagpapawisan na. I feel like a cornered cat. My eyes narrowed at him and reminded myself that he was a playboy. Was.
Kinakalawang na ang skills niya at baduy na kaya bakit ako magpapatalo sa kanya?
"Kapag kasama ko ang boyfriend ko..." I bravely said kahit na may kaunting hiya na namang gumagapang sa sikmura kol.
His raised brow move and he shifted his weight.
"Ano 'yan, pinapaselos mo ako?"
Namilog ang mga mata ko.
"Bakit? Nagseselos ka?"
"Hindi. Ako na naman ang boyfriend mo ngayon. Wala na sila," he said confidently.
I gave him a knowing look. But his brow remained raised.
"Kapag kasama mo ang boyfriend mo, ako ang naiisip mo?" binalik niya ang usapan.
Nagulat ako. Hindi ko napansin na parang iba pala ang labas noon!
"Naiisip kita. Kung may girlfriend ka na rin ba."
Naningkit ang mga mata niya. "May boyfriend ka na noon kaya iniisip mo dapat ako rin?"
Ayaw kong aminin kung sa anong paraan ko siya naisip. I would be swallowed by the earth if I did that.
"Hindi ka naman kasi nawawalan ng girlfriend noon kaya iniisip ko na may girlfriend ka na siguro."
"Kaya ka nagbo-boyfriend kasi iniisip mo, may girlfriend na rin naman siguro ako?"
Sinimangutan ko ulit siya. Muntik na akong pangunahan ng kaba at iritasyon sa kanya mabuti na lang at nakontrol ko.
"Well, wala ka namang naging girlfriend ng ilang taon. Kaya siguro ang corny mo na."
Namilog ang mga mata niya at natawa pa. His hold on me tightened and I can't stop thinking about it. It might be nothing for him but for me, it meant so much.
Inaamin ko na nagawa ko na rin ang mga bagay na ito sa mga nagdaang ex boyfriend pero hindi ko maalala kung may ganito ba akong naramdaman. I can't stop thinking about it. I can't seem to put it out of my mind, even when we're talking.
"Hindi mo na nahasa ang pambobola mo."
"Well, if that's supposed to be an insult for me, I'll take it as a compliment. Hindi na naman ako playboy, Yohan. Matagal na nga iyon."
I smirked. "Para sa mahal ko?" Ulit ko sa nilagay niya sa softdrinks ko.
Ngumisi rin siya. "Sinagot mo naman ako kaya epektibo pa rin, hindi ba?"
Hindi ko na maitago ang ngiti. He smiled back, too.
"At pinagyayabang mo ba na ikaw naman ang playgirl ngayon?"
He raised a brow again. I laughed.
"Baka iwan mo ako kalaunan at may ipapalit ka agad?"
"Hindi ako ganoon, ah!"
My face heated when I realized I couldn't imagine being in a relationship with someone else other than him now. Kumalma ako at pinagmasdan siya. Sana nga siya na ang huli. Gusto ko siya na ang huli...
"You've always been pretty but you matured so gracefully. Baka maagaw ka pa sa'kin..." he said with a small doubtful smile.
My eyes narrowed. His eyes dropped on my lips a bit then back in my eyes again.
Umiling siya at unti-unting nagseryoso. "Hinintay ko 'to. Hindi ako papayag na maagaw ka pa."
"Wala namang aagaw, Alvaro."
Seryoso pa rin siya.
"At hindi ako magpapaagaw dahil ikaw lang din naman... ang gusto ko."
Unti-unting namungay ang mga mata niya. Unti-unti ring sumilay ang ngiti sa labi niya. He tilted his head, as he indulgently watched me. He licked his lips.
"Mukhang ako na nga yata ang binobola ngayon, ah. Kinakalawang na nga ako."
I chuckled. I can't believe it. Parang panaginip ang lahat ng ito. This is even better than all of my childish daydreams!
In my dreams, he liked me back. Right now, as he watched me with indulgence, and with those words. I felt like he was smitten so bad.
"No need to fool me with your learned sweet words, Yohan. Gustong-gusto na kita, ano pang plano mo?"
Tumawa ako lalo. "Wala."
"Alvaro? Yohan?"
I jumped a bit. Nakita ko ang pag iling ni Alvaro at pagpikit ng mga mata. He even muttered a soft curse. Abala na ako sa paghahanap kay Tita Ana dahil sa narinig na tawag galing sa kanya.
"Kailangan ko nang lumipat. Ayaw ko rin namang dalhin ka sa kampo," he said.
"Oh! Nandito lang pala kayo. Akala ko umuwi na dahil wala sa loob," ani Tita nang nasa pintuan na siya.
Nakapantulog na si Tita. Halatang antok na at ngumisi. Cheshire meowed and went to her while Kuring remained near us, sleeping.
"Kuring, halika na rito!" si Tita.
Ngumiti ako. I saw her eyes drifted on our intertwined hands. Alvaro was silently watching me. Agad akong nagsalita.
"Ah, tutulak na po ako para rin makatulog na si Alvaro."
"Ah, ayos lang hija. Sige pa, magkuwentuhan pa kayo."
Dahil hindi lumalapit si Kuring sa ginang, siya na ang lumapit dito. I squatted. Binitiwan si Alvaro para kuhanin si Kuring at ibigay kay Tita.
"Salamat," si Tita nang nakita ang ginawa ko.
Hinaplos ni Alvaro ang ulo ni Kuring. His eyes opened and looked at us. May kaunting kumurot sa puso ko para sa pusa. At hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nalungkot.
"Uuwi na po ako," sabi ko nang nakitang tahimik naman si Kuring nang tinanggap ni Tita Ana.
"Ihatid mo, Alvaro."
"Ihahatid ko naman talaga, Ma," he said.
Tita Ana smiled. "Mag-ingat kayo."
She stayed on the front door of their house. Kahit na nagbubukas na ako ng sasakyan, nakatingin si Alvaro sa akin. I glanced at him and entered my car. He lazily slid on his.
Kumakaway si Tita Ana nang inaatras ko na ang sasakyan at pinadaan na sa kalsada. Ginawa rin iyon ni Alvaro sa kanya at bumuntot na sa akin. Kalaunan, bumiyahe na kaming pareho.
Hindi kalayuan ang bahay kaya hindi nagtagal, dumating din kami agad. Bumaba ako at pinapark sa garahe ang sasakyan. Nanatili naman si Alvaro sa rotunda ng bahay, hinihintay na makapasok ako pero bumaba siya.
My heart hammered again, wanting to continue the small talk we have but I also know that he'll need to rest. May trabaho pa siya bukas. Ganoon din naman ako pero hindi gaya niya, puwede akong matagalang pumasok.
"Bukas, bibisita ako. Dadalhin ko na si Cheshire at Kuring dito."
Tumango ako. "Iuuwi ko rin si Garfield."
"May reunion ang mga anak natin," he said playfully.
My eyes narrowed again but I let him have that opinion.
"Dito ka na rin magdinner bukas," sabi ko.
"At sa susunod na gabi, ikaw naman sa amin dahil nandoon si Ate Gen."
"Okay."
Nagkatinginan kami.
"Yohan? Ikaw ba 'yan?" si Aria ang narinig ko ngayon.
Parang nagkapalit kami. Ngayon ako naman ang umiling at pumikit ang mga mata dahil sa pinsan. Bakit ba lagi na lang may nang-iistorbo?
"Oo."
"O, Alvaro! Hinatid mo?"
"Yes, Aria," ako na ang sumagot para kay Alvaro.
"Ganyan nga, Alvaro. Magsipag ka sa panliligaw!"
Ngumisi si Alvaro at gusto ko nang magsapo ng noo. Akala ko babanggitin ni Alvaro pero nagulat ako nang tinawanan niya lang si Aria. I looked at him in awe.
"Aria!" I heard Romulo call. Nasa loob siya ng mansiyon.
Aria rolled her eyes. Imbes na lumapit sa amin ay bumalik siya sa loob dahil sa tawag ng asawa.
Nilingon ko si Alvaro. "Akala ko sasabihin mo sa kanyang tayo na."
May gulat din sa mga mata niya. "Puwede na ba? I'd tell people I have a girlfriend. Pero iniisip kong baka mahiya ka?"
"Ikakahiya kita, Captain?" may hamon sa tanong ko.
He chuckled. "O sige. Pag-uwi ko kung gising pa si Mama at Papa, sasabihin ko."
Ngumisi ako pero napaisip tuloy ako. He probably thinks about me being a Valiente. Na baka ikahiya ko pa siya. Noong manliligaw siya, ayos lang. Pero ngayong kami na, ibang usapan na iyon.
But from the very beginning, I didn't mind our differences. It was a little thing. Kung mayroon man, tingin ko mas higit pa siya sa kahit sinong mayamang tulad ko. He earned all his merits and he's serving the country with his life.
"Siya nga pala!"
Ang tindi ng talon ko sa gulat nang nagsalita si Aria. Bumalik pala siya! Nakakainis naman talaga ito!
Sa kauna-unahang pagkakataon, gusto ko na silang palayasin dito sa mansiyon!
"Birthday ni Romulo bukas, magpapainom kami sa Bistro. Sama kayo ah!"
"Oh? O sige. P-Pero dito sana kami magdi-dinner."
"Doon na! May handa. Doon na namin ice-celebrate para maiba naman," si Aria.
Nilingon ko si Alvaro. "Idadaan na lang pala natin ang mga pusa rito bukas."
"Oo-"
"Pusa na naman? Gamit na gamit mo 'yan, Alvaro, ah! Dapat may talent fee ang mga pusang 'yan!" si Aria.
I rolled my eyes at Aria. Dahil sa daldal niya, halos ipauwi ko na lang din si Alvaro. Nagpaalam na siya kalaunan at umakyat na rin ako sa taas, iniwan ang mag-anak sa sala.
Pagkatapos maligo at magbihis, nakahiga na ako. Alvaro wanted to call. Kahit na gusto ko na siyang matulog, hindi ko naman palalampasin iyong tawag kahit sandali lang.
"Kailangan mo nang matulog," sabi ko.
He chuckled. His voice was husky.
"Hindi yata ako makakatulog sa gabing 'to."
I smiled and bit my lower lip.
"Girlfriend na kita, Yohan."
Dahil nasa cellphone at inaantok na, nagkaroon ako ng lakas ng loob. "Hindi pa kita nahahalikan kahit tayo na."
"H-Huh?" He chuckled.
He paused.
"Gusto mo ba?" tunog interesado.
He paused again.
"Iyan na talaga ang naiisip mo?" may dismaya sa boses niya.
Humalakhak lang ako.
"Marunong ka pa ba, Alvaro?" I teased.
He laughed loudlyl. "Hinahamon mo ba ako? Tingin mo dahil matagal na ang huli, hindi na, Yohan?"
"Bakit? Marunong ka pa ba talaga?" I teased him more.
"Kasasagot mo lang sa akin, iyan na ba talaga ang iniisip mo, Yohan?" may banta sa boses niya, parang galit pa.
"You really are an old school playboy, Alvaro."
"Hindi na nga ako playboy."
"Bakit? Ayaw mo bang humalik?"
He paused. I bit my lower lip. Mapupunit na yata ang labi ko sa kangingiti.
"Gusto."
I smiled wider.
"Gustong gusto kitang halikan, Yohan."
My heart skipped a beat. He then groaned.
"Lalo akong hindi makakatulog nito."
"Sasamahan kitang magpuyat."
I heard him mutter some curses. Niyakap ko ang unan ko at pakiramdam ko, ako rin. Hindi na ako makakatulog. At hindi na ako makakapaghintay na makita siya ulit bukas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro