Kabanata 31
Kabanata 31
Cats
Unlike Aria's batch, my batchmates are not as active. Kasali naman kami sa Homecoming pero hindi pa gaanong nagkikita. Ang mga nangunguna kasi sa mga pagtitipon ay nasa ibang lugar pa kaya baka sa Homecoming na lang kami magkikita.
The days were very slow. Parang kitang-kita ko lagi ang bawat galaw ng kamay sa orasan. Marami naman akong ginagawa sa azucarera pero parang hindi maubos-ubos ang oras ko.
Alas tres pa lang, nakatunganga na ako kaya minabuti kong pumunta sa shelter.
Tuwing tumutunog ang chime, napapaangat ako ng tingin. Kinakabahan ng kaunti at parang humihiwalay ang kaluluwa sa aking katawan.
Iyon yata ang gawain ko sa natitirang oras ko sa shelter. Nasa likod na ako nagpapakain ng mga rescue dogs, nagmamadali pa akong bumalik sa counter nang narinig ang isang staff.
"Good afternoon, Sir! Para ba sa pusa n'yo?"
Hindi ko alam kung anong bilis ang ginawa ko pabalik sa counter. Namilog pa ang mga mata ni Chantal dahil akala niya mabubunggo ko siya sa pagmamadali. Nang nakalapit sa counter at nakita na si Juan iyon, kasama ang pusa niya, napasinghap na lang ako.
"Ah," nagkamot sa ulo si Juan at ngumiti. "Ipapa neuter ko sana ang pusa ko. M-May appointment ba dapat?"
"Ah." I sounded dismayed. "Oo kailangan ng appointment pero wala namang naka schedule si Doc ngayon kaya puwede na rin 'yan."
Juan laughed a bit and looked at his cat. Kinuha ko iyon sa kanya. Lumapit na rin si Chantal at ito na ang nanghingi ng ibang detalye.
Tahimik ako. Maraming bumagabag sa isipan ko na hindi ko halos masagot ang tanong ni Juan.
"Magkano ba?"
"Eto na, Juan," si Chantal at pinakita ang kakaprint lang na mga detalye.
Kinuha ko na ang pusa at inilapag. Kinuha naman ito ng mga trainees. Bumalik ako sa counter.
"Ipapacheck ko lang ang pusa," si Chantal at lumapit na sa lamesa.
Tahimik akong nagpatuloy sa pagchi-check naman ng mga donations. Nanatili si Juan sa harap ko.
"Sasama ka naman sa homecoming?"
Napaangat ako ng tingin sa kanya. I don't remember us talking or being friendly with each other. Naalala ko lang ay tinatawag niya akong Josefa at kasama siya sa iilang tinatawanan ako. Lalo na dahil alam nila ng mga kaibigan niya na gusto ko si Alvaro.
"Oo."
"Ah, akala ko hindi ka sisipot."
Muli akong nag-angat ng tingin, nagtataka bakit iyon ang iisipin niya.
"Bakit naman hindi?" tanong ko.
Namula siya at tumawa ulit. I noticed he doesn't call me Josefa and laugh about it anymore. But then most of my bullies changed through the years.
"Juan? Hindi mo ba sasamahan ang pusa mo?" si Chantal.
"Oo nga pala!" he laughed again and immediately went to Chantal.
Ganoon ang mga sumunod na araw ko. Madalas akong maaga sa shelter dahil maaga ko rin namang natatapos ang gawain ko sa azucarera.
I spent most of my time there helping out with the rescue animals. Hindi na bumisita ulit si Alvaro. Hindi ko na siya nakita ulit pagkatapos noong sa Bistro. It was Thursday in the afternoon when I just lazily lift my head when I hear the chime.
Pumasok si Chantal. Bumili siya ng pandesal sa malapit na panaderia. Ako sana 'yong bibili kaso nagpresinta siya kaya hinayaan ko. She smiled at me.
"Waiting for someone to show up?" she asked.
Ngumiti lang ako. "Hindi naman."
"Not to be nosy but... totoo ba 'yong sabi nila? Na... binasted mo raw si Captain?"
Nilingon ko siya. I chuckled a bit to make everything lighter.
I actually wonder if they believed that. Alam ng lahat na gusto ko si Alvaro kaya imposibleng mabasted ko siya. Yes it happened but I'm surprised everyone didn't think that I was the one who got rejected?
Kung sa bagay, naiwan ang bulaklak sa lamesa niya. Hindi ko tinanggap. Dapat pala kinuha ko na lang 'yon kung ganoon.
"Naniniwala ka? Ako? Babastedin si Alvaro?" I asked her playfully.
She pursed her lips. "Mali ba ako? Nanliligaw siya noong nakaraan, hindi ba? And it seems like, he's crazy over you.
I was a bit shocked to hear it from her.
Chantal laughed a bit. "Kilala ko 'yon. Hindi 'yon nanliligaw. Hindi 'yon marunong. I could never imagine him courting someone but I've seen it here with you. So I was sure that the rumors were true, you rejected him."
"I don't trust him," sabi ko nang hindi siya tinitingnan.
"Understandable. Playboy nga 'yon at maraming naging girlfriend."
I thought she'd say more but she didn't. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya.
"You liked him very much then. It's amazing you can reject him this way right now. Pero... matagal na rin siguro 'yon, 'no? Nagbago na ang nararamdaman mo."
I couldn't answer her. Hindi niya rin naman hinintay ang sagot ko. Nilapag niya na lang ang pandesal sa harap ko.
"I'll get the staff," aniya at umalis na.
Nagbago ang nararamdaman? Siguro nga. Imposible naman kasing hindi nagbago. Nagbago ang buong pagkatao ko, ang buhay ko. Marami akong natutunan sa pagdaan ng panahon, maraming nakilala, maraming pagkakamali... My young heart is still her but she's changed from all the past experiences.
Like him, he didn't like me then. He wasn't in love with me like I was with him. Pero sa trainings niya, naalala niya ako. Nagbago rin ang puso niya.
But I wonder if my changed heart could never accept him anymore? I wonder if this new person inside could never love him again? I think I know the answer to that. Kaya nga miserable ako nitong nakaraang araw, hindi ba?
And in his case, he fell for me while we were apart. I wonder if his experiences would also cause his heart to change right now? Like he would fall out for me and change his mind? Who knows, right?
Kaya tama nga naman si Aria. Mabuti nga na tinanggihan ko siya. That way, I could see if he is just infatuated with me or not. Kung makahanap siya ng iba, walang problema, hindi ba? Masasaktan ako pero nasalba ko naman ang puso ko sa mas matinding sakit.
I comforted myself with those thoughts because I could no longer stop thinking about Alvaro and his absence.
Friday nang pagod akong dumating sa shelter para muling magcheck doon. Nagulat ako nang wala sa sarili kong buksan ang pintuan ay nakita ko si Alvaro na nakaupo sa harap mismo ng pintuan!
I couldn't even hide my shock! Nakita niya iyon pero binagsak ko na lang ang tingin kay Kuring na nasa kandungan niya.
"Schedule ni Kuring ng deworm," paliwanag ni Alvaro kahit hindi pa man ako nagtanong.
Itinago ko ang kaba ko. Binuntonghininga ko iyon. Didiretso na sana ako sa counter kaso nakita kong masigla si Kuring ngayon kaya lumapit ako.
Tumayo si Alvaro. Naka itim na maong at naka kulay army gray na t-shirt. He towerd over me as he tried to show me Kuring. Tinanggap iko naman si Kuring at kinandong agad.
"Hindi ka pa na-i entertain?" I asked casually.
I think it's fine, right? I rejected him but that doesn't mean we can't talk anymore.
"Hindi pa. May inaasikaso pa sila," aniya.
Lumapit ako sa counter at natanaw sa kabilang side na ang mga trainees, may pinagkakaabalahan, at ganoon din si Chantal. They are very busy. Mukhang may sakit pa ang asong hawak ni Chantal.
Alvaro is standing in the middle. Hindi siya makalapit sa counter, malayo naman siya sa inuupuan kanina. Itinabi ko naman sa counter si Kuring. Si Garfield ay nagising galing sa pagkakatulog sa kanyang box.
"Uh..." He then looked at Kuring. "Ayos lang 'to, hindi ba?"
"Ang alin?"
"Na..." he traile off for a little bit longer.
Nagtama ang tingin namin.
"Dito ko siya ipacheck pa rin minsan?"
"Bakit hindi?"
He chuckled nervously. "Akala ko kailangan ko nang pumunta ulit sa La Carlota para rito."
Hinaplos ko si Kuring at napapapikit siya sa bawat dampi ng kamay ko.
"Hindi naman, Alvaro."
I slightly remember that night. Natanto kong kung mas maaga siyang pumunta, kunwari noong Lunes agad. Baka mahimatay ako sa kaba. At dahil nagdaan na ang ilang araw at medyo nasanay na akong kabahan sa pag-eexpect na dadating siya, medyo nasanay na ako sa kaba ngayon.
"Kaya okay lang kung si Cheshire naman sa susunod? Ang dalhin ko rito?"
"Oo naman," sagot ko.
He smiled a bit and lowered his eyes.
"Dadalhin ko na rin si Kuring, kung ganoon. Para makita mo ulit siya."
"Thanks."
There's another awkward silence between us. Hinahaplos ko si Kuring at inaangat ang tingin dahil madalas ang buntonghininga ni Alvaro. Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin pero wala naman. Kalaunan lang siya nagsalita.
"Bumili nga pala ako ng snacks sa staff. At sa'yo an rin. Nandiyan sa gilid. Nilagay noong staff kanina," aniya at may tinuro pa sa left side ng counter.
Nilingon ko iyon at nakitang pagkain galing sa cafe ni Sancha. Ibinalik ko sa kanya ang tingin ko.
"Hindi ka na dapat nag-abala. May budget naman kami para sa merienda."
Though, I can't deny. Our budget is a bit cheap here. Kaya nga nagdadala ako minsan ng mas masarap galing sa cafe ni Sancha Alcazar.
"Minsan lang naman ako bibisita kaya ayos lang 'yan. Nakasanayan ko na rin."
Nakangiti siya. Hindi ko naman magawang ngumiti.
"Thank you."
"May... listahan ba kayo ng mga kakailanganin para sa donation? Gusto ko kasing mag donate ulit pero hindi ko alam kung pagkain ba ulit ang ido-donate ko o may iba kayong kailangan?"
"Okay lang naman na pagkain ulit. Marami kasi ang rescue dog nitong nakaraan. May mga nangako nang mag adopt pero baka ilang linggo pa bago kunin kaya okay din ang pagkain."
"Okay. Sunod siguro na balik ko, magdadala ulit ako."
Medyo natigilan ako roon. Parang ang weird na magdodonate pa ulit siya ngayong kababasted ko lang sa kanya. At hindi ko naman matanggihan dahil hindi naman iyon para sa akin. Para naman iyon sa mga shelter animals.
Tinawag na kami nI Chantal. Inasikaso na ng ilang trainees ang bill noong asong may sakit. Lumapit naman kaming dalawa ni Alvaro kay Chantal, ako na ang may dala kay Kuring.
"Oh! Ito si Kuring, 'di ba? Iyong anak n'yo?" maligayang sinabi ni Chantal.
Natawa ako ng kaunti. Alvaro only pursed his lips.
"Iyong noon? Ang tanda niya na, ah? Naalala ko pa 'to noong kuting pa siya!" si Chantal na nagpatuloy kasi walang sumasagot.
Nga naman pala. Akin si Kuring. Hindi naman din mali ang sinabi ni Chantal pero 'anak' talaga ang ginamit niyang salita?
She did the routines. Inilista na rin sa record ang iilang updated na weight at iba pa. Pagkatapos ay nagbigay na siya ng pang deworm at may ilan din siyang sinabi sa akin na kailangang ipadala at ipakain pagdating sa bahay.
Tumango ako. Mas maingat na dapat sa pag-aalaga dahil may katandaan na rin si Kuring.
"No bill for this, Yohan?" si Chantal na inasahan ko naman.
Tumango ako. "Ako na ang bahala."
"Hindi, magbabayad ako," si Alvaro.
Niyakap ko na si Kuring at lumakad na patungo sa counter. The trainees were quiet but their eyes were curious.
"Aba, daddy na daddy, ah?" pang-aasar ni Chantal kay Alvaro.
Alvaro laughed. "Responsibilidad ko si Kuring at pumunta naman ako rito ng may nakahandang pambayad kaya magbabayad ako."
Nasa counter na ako at inililista na ang bill para sa aking sarili pero humarap si Alvaro sa akin at kumuha na ng wallet. Si Chantal naman nakisali pa sa isang pasyente ng trainees.
"Yohan, magbabayad ako."
"Ayos lang. Huwag ka nang mag-abala."
"Hindi puwede 'yon. Hindi naman ako nagpunta rito dahil gusto kong makalibre."
"Alam ko naman 'yon pero pusa ko rin naman si Kuring."
Umiling siya. "Pero napag-usapan na natin dati ito. Ako ang magbabayad sa gastusin niya."
Naglapag siya ng malaking bill sa harap ko. Nagkatinginan kami. His gaze sharpened.
"Ako ang magbabayad, Yohan."
"Ilang taon ko naman siyang hindi nakita at hindi ako nakagastos sa kanya kaya ayos lang 'to."
Umiling ulit siya. "Hindi ko naman iyon inalala. Ayos lang sa akin. Magbabayad din naman ako kung sa iba ko siya dinala. Kung sa La Carlota... kaya ayos lang."
Kumunot ang noo ko. "Bakit mo pa siya dadalhin sa La Carlota, e, nandito naman ako?"
"Ayaw kong hindi mo ako pinagbabayad. I availed the services here and I will pay for it."
"Pusa ko naman si Kuring kaya puwede rin naman akong gumastos sa kanya."
"Bilhan mo siya ng pagkain, ganoon na lang. Pero sa ganitong bagay, ako na."
I can't believe it. Ayaw ko sanang makipagtalo pero mukhang ayaw niya ring magpatalo kaya natahimik ako.
"At pusa ko rin si Kuring," aniya.
Tinanggap ko ang pera niya at sa mabigat na loob kinukuha ang sukli roon. I put it back on his hand. He smiled.
"Thank you. Pasensiya na kung makulit ako."
"Okay lang. Iniisip ko lang naman kasi na... akin din naman si Kuring."
"Ating dalawa..." he said.
Nagkatinginan ulit kami. Siya ang unang nagtanggal ng tingin at bumaling kay Kuring.
"Uh, wala na akong gagawin. Kung gusto mo pa siyang makasama, ayos lang sa akin. Maghihintay ako sa upuan."
Hindi ko alam. Nakatingin ako kay Kuring. Palapit na si Garfield sa kanya ngayon habang ngumingiyaw pero dahil hindi na naman agresibo si Kuring, tumigil din siya.
"Pero kung hindi ka kumportable, ayos lang. Uuwi na kami." Ngumiti pa siya na parang masaya iyon.
"Ayos lang, sige. Diyan ka muna. Ipapasabay ko si Kuring sa pagkain ng mga pusa ngayon."
Tumango siya.
Naupo nga siya roon. Pinag amoy ko naman si Kuring at Garfield. Medyo sumigla ng kaunti si Kuring at naisip ko tuloy kung mas okay ba na mas maraming pusa si Alvaro para sumigla naman si Kuring.
I glanced at him. He noticed it. Kahit hindi ko naman tinawag, tumayo siya na para bang kuryoso kung bakit ko siya tiningnan.
"May problema ba?"
"Wala naman."
"Miss Yohan, feeding time na po," ang isang staff.
Tumango ako. Pumunta na sila sa likod. Kasama na ang mga pusang kanina pa naglalaro roon.
"Ako na rito kay Garfield," si Alvaro nang nakitang medyo nahirapan akong pagsabayin na buhatin si Kuring at Garfield.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Siguro nabasa niya ang pagtataka roon.
"Minsan lang kayo magkita ni Kuring kaya dito muna ako kay Garfield."
I nodded but I couldn't take my eyes off the flat face of Garfield.
Alvaro chuckled. "Hindi ko aagawin sa'yo 'to, Yohan."
Uminit ang pisngi ko.
"Pero kung gusto niya, bakit naman hindi?" si Alvaro na nakatingin na kay Garfield.
I looked at him, a bit offended. "Anong gusto? Kung ganoon, ayaw ni Garfield sa akin?"
Nagulat siya sa iritasyon ko. He laughed. "Biro lang, Yohan."
Kunot noo akong nagpatuloy sa labas. Sumunod naman siya pero hindi natanggal sa isipan ko na may plano siyang kunin si Garfield. Not that he can do it, anyway.
May kinuha akong isang pusa. Sabay ko silang hinawakan ni Kuring. Agad ko namang naramdaman ang sakit sa braso pero kailangan kong ilapit ang pusa sa pagkain.
"Ako muna kay Kuring," aniya at kinuha agad sa akin si Kuring.
Ngayon parehong si Kuring at Garfield na ang nasa kamay niya. I frowned at him but I know he wouldn't take away any of them. He smirked. Inilapag ko ang pusang kinuha ko kanina at nilapit na sa pagkain.
"Galit ang Mommy n'yo sa akin, ah?" I heard Alvaro talking to the cats.
Nilingon ko siya. He probably didn't realize that I can hear him, umatras siya ng kaunti at nagseryoso. Tinikom ang bibig at iniwas ang tingin sa akin.
Ibinalik ko ang tingin ko sa mga pusang kumakain pero hindi ko mapanatili ang iritasyon ko. I shivered a bit at his simple but weird words. Tumayo ako at kumuha na rin ng pagkain para kay Kuring at Garfield bago nilapitan si Alvaro.
"Ilapag mo na," sabi ko at binaba na ang mga pagkain.
Binaba niya na naman ang dalawa. He squatted and remained that way. He tried to look at me but I was glaring at him. Ibinagsak niyang muli ang mga mata sa dalawang pusa at pasalit salit na hinaplos ang ulo ng mga ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro