Kabanata 2
Kabanata 2
Number
Nilabhan ko ang maruming tuwalya ni Alvaro pag-uwi ng bahay. Habang binabasa iyon ng tubig at kumukuha ng sabon, naaalala ko bigla ang lahat ng nangyari kanina. I sighed heavily.
Alvaro's joke to Chantal replayed on my mind. Hindi ko man nakita kung sino ang inaasar nila kay Alvaro bago ako umalis sa gym, at marami man sila roon, biglaan ko na lang naalala ang nangyari kanina.
He tried to converse with Chantal and he even joked around her. Then after that, he walked away with her. Maybe he has a hidden crush on Chantal? O hidden pa ba 'yon?
Sa pagmamadali ko kanina, nabunggo ako sa isang estudyante palabas ng gym. Nabitiwan ko itong tuwalya ni Alvaro at nasipa naman ng dumadaang si Soren. Hindi niya man lang namalayan ang ginagawa dahil sa pagmamadali kaya pinulot ko na lang iyon at itinago.
Ngayon ko pa lang lalabhan na nandito na sa bahay. Nakauwi na ako. Ako lang dahil sumama pa si Aria sa mga kaibigan dahil may party daw para sa pagkapanalo. Hindi niya naman ako inimbita at pinauwi na kaya maaga rin akong nakauwi sa araw na iyon.
Finals na sa susunod na linggo. Iniisip ko pa lang ang bakasyon, hindi ko na alam paano pa aalagaan ang kuting. Alam kong nagpapapasok naman ang school ng mga estudyante sa summer dahil may pasok naman ang mga college pero papapasukin kaya ako?
I will be Grade seven the next school year and I won't stay in the Grade School building. Bahagya akong na-excite sa naisip pero hindi pa rin natanggal ang isipan ko sa kuting. But then I realized that even the weekend was difficult for the kitten. Pinuntahan ko nang Sabado at iniwanan ko ng maraming pagkain para may pagkain pa siya sa Linggo. Hindi na kasi ako papayagan ni Tita na lumabas sa Linggo lalo na't nakikita niyang lumabas na ako ng Sabado.
Kailangan ko ring mag-aral para sa exams.
Pagkatapos ng tatlong exam ko sa sumunod na linggo, dumiretso na ako sa kuting para maghatid ulit ng pagkain.
I was petting him while he was eating when suddenly Alvaro came. Galing siya sa gymnasium at tumatakbo nang lumiko sa mga lababo. Nakatawa siya nagmamadali na lumapit sa lababo noong una pero nang nakita ako ay bumagal ang takbo at bahagyang napawi ang ngiti.
My heart pounded. Akala ko hindi na siya tutuloy sa paghuhugas ng kamay dahil nakita niya ako. Para rin kasing aamba siyang babalik sa pinanggalingan niya pero hindi.
He opened the faucet and washed his hands. Seryoso na ngayon, tuluyan nang nawala ang ngiti sa labi kanina.
I know I shouldn't talk to him. We are not close anymore. Bata pa ako noong madalas ko siyang makausap at iba na ngayon. Binata na siya at matagal na na panahon kaming hindi nagkakausap kaya awkward na. But I was sure that I have a good reason to talk to him this time.
"Uhm..." With hesitation to look at him. "Iyong tuwalya mo nga pala. H-Hindi ko nagamit."
Bumaling siya sa akin, kunot ang noo. Mas lalo akong kinabahan. Nag-iwas ako ng tingin. Something about him looking at me is making me uncomfortable. Maybe because I don't feel confident with my appearance.
"Uh, saan ba ang classroom mo bukas? Ihahatid ko na lang iyon sa'yo. Hindi ko kasi dala."
"Huwag na. Hindi ko naman kailangan," he answered.
It made me jump. My eyes darted at him.
"Pero sa'yo 'yon at... hindi ko nagamit para sa kuting." Sabay sulyap ko sa kuting na umiinom ng gatas. "Malinis iyon. Nilabhan ko pa."
Habang nagsasalita ako, mas lalong nagkakasalubong ang kilay niya. Marami pa sana akong sasabihin para makumbinsi siya na malinis iyon pero pinigilan ko ang sarili ko. It seems like... he's annoyed.
Sinarado niya ang gripo, mukhang tapos na sa paghuhugas ng kamay. Hinarap niya ako.
"Hindi ko na naman kailangan iyon. Kaya huwag mo nang ibalik."
Yumuko ako. For a moment, I thought of him disgusted of me. Maybe he thinks I contaminated his towel so he wouldn't accept it anymore.
Hindi na siya nagsalita. Hinintay ko na lang na umalis siya bago ako bumaling pero hindi nangyari. Eventually, he spoke.
"Hindi mo ba dadalhin sa bahay n'yo 'yan?"
Napabaling ulit ako. Natataranta akong ngumiti at nilingon ang kuting.
"Ah. Bawal kasi sa bahay. Magagalit si Tita."
Tumango siya. "Bakasyon na. Paano mo 'yan aalagaan?"
I petted the kitten and laughed a bit.
"Ah. Hmm. Pupuntahan ko na lang siguro rito araw araw... makikiusap lang ako sa guard. May mga estudyante naman din niyan na nagsu-summer kaya..."
"Araw-araw? Sa bakasyon? Hindi ka ba magbabakasyon sa ibang lugar?"
I pouted a bit thinking about Tita's plans. Oo nga pala at baka umuwi sila ng Bacolod at isasama ako. At paano naman kung magyayaya sila papuntang ibang bansa?
Maybe I should find someone who can take care of the cat. Nilingon ko ang malayong gate at naiisip ang security guard. Baka naman puwede kong iwan nalang sa kanya at magbibigay lang ako ng pagkain? O sa kasambahay kaya namin? Hindi ko alam.
Hindi ko naiisip ito at nakakahiya na wala akong maisagot kay Alvaro.
"Baka maghanap na lang ako ng ibang pag-iiwanan."
He glanced at the kitten. His brow moved closer and his eyes narrowed. Para bang isang salot ang pusang alaga ko. I cleared my throat. Iniisip kong hindi naman yata siya mahilig sa mga hayop, at lalo na sa isang kuting.
"Ako na lang ang mag-aalaga niyan."
Namilog ang mata ko at muling napaangat ng tingin sa kanya. He looked annoyed now, very different from his line. Pakiramdam ko tuloy isa lang ito sa mga day dream ko. Tama ba ang narinig ko o gawa-gawa na lang iyon ng imahinasyon ko.
"Huh?"
He sighed impatiently.
"May pangalan na ba siya?"
"Uhm... Kuring lang ang... naiisip ko pa."
I want to ask about what he just said but I couldn't bring myself to say it.
"Dadalhin ko na lang 'yan sa amin at ako na ang mag-aalaga."
That was for real?! Hindi ko na gaanong inalintana ang paglaki pa lalo ng malalaking mga mata ko. I'm just thankful that I removed my glasses after the exam so it isn't highlighted now.
"Wala ka bang gagawin sa bakasyon?"
He chuckled. "Hindi ko naman 'yan kailangang bantayan buong araw hindi ba? Tutulong ako sa azucarera ng mga Alcazar. Puwede naman 'yang iwan sa bahay, hindi ba?"
Uminit ang pisngi ko. Bakit ko nga ba iyon natanong? I just want to know if he would travel or something. But it seems like he won't. He will be working on the sugarmill of the Alcazars. Naalala ko tuloy noong sa amin pa nagtatrabaho ang parents niya kaya madalas kaming magkita.
"Oo naman." I chuckled too. "Sigurado ka? Uhm..."
Lumapit pa lalo siya kaya mas nataranta ako. Nakatayo ako sa tabi ng lababo kung saan ko pinapakain ang kuting. At habang palapit siya, pakiramdam ko hindi na ako humihinga.
"Mahilig ka ba sa pusa?" I asked.
Nagtaas siya ng kilay. "Kailangan ba maging mahilig pa ako doon para mag-alaga?"
"Alvaro!" We both heard a call from his friends.
He shifted his weight. "Ano?"
"O... sige." Hindi ko maitago ang ngiti.
He nodded. "Magsabi ka lang kay Aria kung gusto mo siyang bisitahin."
"S-Sige. Pupuntahan ko siya sa inyo."
Umiling siya. "Magsabi ka kay Aria at ako na ang magdadala sa kuting. Kukunin ko sa huling araw ng exam."
"Alvaro!" the call again.
Nagmamadali siya. Hindi pa ako nakasagot, tinalikuran niya na ako.
"Alis na ako."
Pinanood ko ang pag-alis niya. Pinanood ko ang paghalo niya sa mga kaibigang tumawag. Pinanood ko ang paglakad nila palayo.
There was a mixture of feelings inside of me. Only one was negative but it didn't win. The thought of him slightly prejudiced of me floated in the air but his kindness and joke were more powerful.
Humagikhik ako habang hinahaplos ang kuting noong naalala ko ang pagtawa niya. Kailangan ba na mahilig siya sa pusa para alagaan ito? Oo nga naman. He can give kindness to another being... even when he doesn't like him or her... in this case... the kitten.
Napawi ang ngiti ko at naisip na ganoon kaya siya sa akin? Ganoon pa man, bakit ko pa iisipin iyon? Can't I be content that he was kind? That he joked around me. And he offered shelter to the poor kitten?
The next days were sunny and vibrant. Masaya ako at maganda rin ang takbo ng pag-aaral ko sa exams.
Hindi ko pa naitatanong o naku-kuwento kay Aria ang tungkol sa sinabi ni Alvaro. Siguro dahil nasa isip ko na kung sasabihin ko sa kanya, hindi na ako magiging masaya sa magdadaang araw.
Naghintay ako sa huling araw ng exam namin. Naisip ko bigla kung paano naman niya malalaman na huling araw na iyon ng exam namin? At paano niya kukunin ang kuting? Hihintayin ko ba siya at iaabot ko ba sa kanya?
Hihintayin siya? I have no problem with waiting but it would be nice if we have agreed a time. Sa huling pag-uusap namin, hindi kami nakapagkasundo ng oras kung kailan niya kukunin ang kuting.
But isn't it more convenient if I just get his number? So I can text him and he could tell me?
I was sitting on the kiosk alone. Bukas na ang huling araw ng exam at nakita ko ang grupo nina Alvaro, mga Grade 11 na dumaan. Mukhang katatapos lang nila sa isang exam o period at naghahanap na ng kiosk na puwedeng pagpahingahan at pagkakainan.
He was always the center of attention. He was friendly and funny to everyone. Boys of all status, rich and poor, were like magnet to him. Walang social divide dahil halos lahat ay natutuwang kasama siya, kahit pa hindi naman sila mayaman tulad ng marami niyang kaibigan.
And the girls liked him, too. Hindi lang isang beses ko siyang nakitang tinutukso sa mga pinakamagagandang babae sa junior high man o sa senior high. When there is a basketball game, even the college girls would cheer for him.
He was taller than most of the Grade elevens. Kaya naman medyo mabenta sa higher grades and college girls dahil kasing tangkad lang naman siya ng mga boys nila. He was also boyishly funny to his friends. In fact, just now, they all laughed with him. May itinulak na junior high school sa kanya at nang pinulot ni Alvaro ang nahulog na bag ay tinukso na kaagad sila.
The junior high girl's face flushed. And her friends cheered for her while Alvaro tried to pacify his already cheering friends, too. Napangiti ako sa kinauupuan ko, nakikisabay sa tuksuhan ng grupo nila.
I was shocked when one of them chose a kiosk near mine. Parang langgam nilang pinagharian iyon at isa-isa nang naglagayan ng kani-kanilang bag. My eyes widened and looked at my notes.
It took a long while before my messy thoughts got organized.
Maybe I can call him a bit and get his number? Nakakahiya. Hindi kaya tutuksuhin lang nila ako? Kaya nga tatawagin ko siya at kami na lang ang mag-uusap hindi ba?
O kahit mapagkasunduan na lang sana namin kung anong oras bukas.
I closed my eyes. My fear is eating me up. Natatakot ako. Hindi ko gagawin. Ayaw kong gawin. Baka mapahiya pa ako. Dumilat ako at sa kauna unahang pagkakataon nakaramdam ako ng tiwala sa sarili. Why can't I be like those normal girls? They might be shy and embarrassed but they still do it.
Lahat naman yata nahihiya paminsan-minsan, ang kaibahan lang, ginawa pa rin nila kahit nahihiya sila.
Mabilis akong nagligpit ng gamit at tinatagan na ang loob para sa planong kakausapin na si Alvaro. Tumayo ako at nagpasya na.
Hindi ko na sinuyod ang kiosk ng mga kasama niya. I concluded that he was among them when I neared. Unti-unti silang natahimik. May nagtatawanan na tinulak ng isa at itinuro ako dahilan kung bakit natigil saglit ang kulitan.
Nakalapit na ako bago ko pa lang sinuyod ang dami ng mga lalaki doon. Doon ko rin natanto na hindi ko mahanap si Alvaro.
"Si Alvaro?"
One burst out laughing while the others looked at each other with a smirk.
"Bakit muna?"
He really wasn't with them. I craned my neck to check the other boys but I was already starting to panic.
"Uhm... May itatanong lang sana ako."
"Ano'ng itatanong mo?" ang isa na parang nagsisinungaling ako at imposibleng may pag-uusapan kami ni Alvaro.
I slightly didn't want to reveal the real reason. Kaya naman sa pagmamadali ko, hindi ko na rin gaanong inisip pa ang isasagot.
"Manghihingi lang sana ako ng number niya."
Nagkatinginan sila at isa isang nagtawanan ng napakalakas.
The courage I mustered and the confidence I tried to build up slightly diminished. Bigla akong nanlamig at kahit na gusto kong tumakbo, nag-uugat ang mga paa ko sa kahihiyan at kaba.
"Number ni Alvaro?!"
"Sabi may crush daw 'yan kay Alvaro!"
"Grade six ka pa lang, Neng!"
"Uhm... May sadya lang naman ako..." sabay iling ko dahil alam na ang iniisip nila. "Hindi naman sa-"
"Ang tayog ng pangarap nitong si Josefa!"
"Ano 'yan?" Alvaro's voice thundered behind them.
Mabilis ko siyang hinanap sa likod ng nagtatawanang kaibigan. Nagpapatuloy ang iba at ang iba'y natahimik na, nakangisi pa rin.
"Si Yohan nanghihingi ng number mo."
Nahanap ko si Alvaro at napatingin din siya sa akin. He looked pissed. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Lalo pa nang umiling siya, dismayadong dismayado bago dire-diretsong lumapit sa akin.
Nagtatawanan ang mga kaibigan niya. Sumulyap siya sa iba at natigil naman ang iilan pero nanatili ang mga ngisi nila.
"What is it?" he asked in a low voice but with emphasis.
"Uh. Para lang naman bukas. Hindi ko kasi alam kung anong oras ako maghihintay para maibigay sa'yo ang kuting-"
"Iwan mo na lang doon at doon ko na siya hahanapin. Basta't kukunin ko siya bukas."
"Pero-"
"Four o'clock in the afternoon," agap niya bago pa ako makapagprotesta.
Nagtawanan ulit ang mga kaibigan niya.
"Sige na. Bukas na lang," he said in a dismissive tone.
I nodded and slowly walked away.
Nagtawanan pa sila pero kalaunan, nang nakalyo na ako, tumigil in naman. I sighed.
It paid off, right? The courage and confidence I released somehow paid off. Bukas ng alas kuatro kami magkikita. Nasagot ang tanong ko.
Ngumiti ako pero medyo may halong pait tuwing naaalala ang reaksiyon ni Alvaro at ang tawanan ng mga kaibigan niya.
Is he... ashamed of what happened? Napahiya ko ba siya? At mali ba na nanghingi ako ng numero para dito? Iniisip niya ba na humihingi lang ako bilang palusot? Na hindi naman talaga tungkol sa kuting ang sadya ko? Tinawanan ko ang sarili ko. Nagmamagandang loob na nga si Alvaro, ako pa ang nag-iisip ng masama sa kanya. At kung ano man ang iniisip niya tungkol sa akin, ayos lang. It's not like he's the only person who misunderstands me.
Buong gabi kong inisip kung hihintayin ko ba siya o gaya sa nauna niyang gusto'y, kukunin niya na lang ang kuting doon? Paano kung mawala ang kuting? Siya pa ba ang ipaghahanap ko? Kaya dapat nandoon ako at ako na mismo ang magbigay sa kanya sa kuting.
This is actually a big thing. To get a pet is a responsibility. He is taking it. He is kind for doing it. The least I could do is to not be a burden to him.
I sighed and started writing a letter. Bukas ng alas tres, hahanapin ko ang kuting at maghihintay doon hanggang mag alas kuatro. Iiwan ko itong sulat sa box kasama ang tuwalya niya. Hindi na ako magpapakita. Para hindi na siya mahirapan pa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro