Kabanata 19
Kabanata 19
Dance
Nagmamadali akong umuwi. Hinatid ko si Soren sa kanila bago ako tuluyang umuwi sa amin. Dumaan pa ako sa checkpoint ulit, kabadong kabado pero mas gamay na ang sarili. I was just caught off guard a while ago.
Laking ginhawa ko nang natanaw na wala na si Alvaro roon. I smoothly passed by the barricade and went home. I parked my car in front of the door, ayaw pa munang ilagay sa garahe.
Hindi naman madaling magasgas ang sasakyan pero solid ang barricade sa check point at may kalakasan ang pagkakabangga kanina. I squatted in front of it to check. Hinawakan ko ang halos gahiblang gasgas.
"Anong nangyari diyan?"
Napatalong baling ako kay Aria, nasa likod ko na pala siya. Tumayo ako at itinuro na lang ang gasgas.
"Na gasgas lang," I said lightly so she won't question more.
"Bakit? Nabangga ka? Saan?" sunod-sunod ang tanong niya.
Tiningnan ko ang sasakyan ko ng ilang sandali. Nakatingin si Aria sa akin at hindi ko pa sinasagot.
"Yohan?"
"Ah... nabangga ako sa checkpoint."
Kunot-noo ang iginawad ni Aria sa akin, para bang hindi siya makapaniwala sa sagot ko. Pero kalaunan, bumilog ang mga mata niya at ngumisi.
"Let me guess..."
Umirap ako at kinabahan.
Kanina ko pa iniisip na hindi naman siguro alam ni Aria na nandito na si Alvaro, hindi ba? Ako naman siguro ang unang nakakaalam? Pero sa ngisi niyang ito, pakiramdam ko nagkakamali ako. She knew. Obviously.
Naglakad na ako papasok sa bahay, hindi na siya pinatapos sa pagsasalita pero sinundan niya ako. Humahalakhak siya habang nakabuntot sa akin.
"May guwapong sundalo do'n?"
Uminom ako ng tubig at inignora siya. Alam niya nga'ng nandito na si Alvaro. How could I forget? She's close to him. Hindi niya nga lang sinabi sa akin. Ba't kailangan niya pang sabihin, Yohan?
She was laughing. I shook my head while I was drinking a glass of water. Nang binaba ay 'tsaka lang nagsalita.
"Nagkakatuwaan kami ni Soren sa sasakyan kaya hindi ko gaanong napansin ang barricade."
Napawi ang ngiti niya. "Kasama mo si Soren? Ba't kayo magkasama? Nanliligaw iyon?"
"Magkaibigan kami, Aria."
She frowned. "Hindi mo ako sinagot. Manliligaw ba, Yohan?"
"Well, gusto niyang manligaw."
She groaned. "Sinasabi ko na nga ba. Naku, tanggihan mo na 'yan."
"Aria, magkaibigan kami ni Soren. Mabait naman siya."
"Mabait pero matagal ka nang pinipilit ng mga taga bayan na tumakbong Vice Mayor. Ngayong close kayo ni Soren, baka isipin nila ikaw pa ang nagfu-fund doon."
Sumimangot ako. "Malabo naman 'yan. Imposibleng isipin nila na ako dahil may pamilya naman siya."
She rolled her eyes and paused a bit. Nanliit ulit ang mga mata niya. "So are you saying that you're seen with Soren?"
Ako naman ngayon ang dumaing dahil hindi yata ako tatantanan ni Aria sa pang-iintriga niya.
It helps that she's busy with her wedding. Pero habang palapit ang kasal niya, mas lalo akong kinakabahan. Ang daming pumapasok sa isipan ko.
Parang ako pa yata ang ikakasal. Bawat gabing palapit na ang kasal, hindi ako halos makatulog. Mabuti na lang at nagdatingan na ang iilang mga kamag-anak kaya naging abala ako sa pag-entertain at pakikipagkumustahan.
"Napansin kong wala pa si Bobby, hija? Nasa Cebu pa ba?" si Tita sa gabi bago ang kasal.
We are gathered on our lanai, nag-iinuman ang iilang kamag-anak ko at nina Aria. Nakihalubilo ako at ngayon, si Tita na ang kausap.
"Ah." Natawa ako ng bahagya. "Tita, wala na po kami ni Bobby."
After graduation, I had another boyfriend. Medyo nagtagal din kami ni Bobby dahil mabuti naman at marespeto. It was after our first year anniversary when he finally voiced out something mature. Sinubukan ko na rin namang ihanda ang sarili ko roon pero talagang hindi ko nagawa.
I apologized that I cannot be intimate with him yet. That maybe he could give me more time. He wanted to touch me in places but after a while, I couldn't really lie to myself. I just can't bring myself to do it with him. Kahit pa gusto ko siya, may pagdududa sa puso ko.
Nagalit ako sa sarili ko. He walked away but I was determined to win him back. I feel like something is wrong with me. Kaya lang, nang subukan ko naman siyang suyuin, nalaman kong may nililigawan na itong babae sa Cebu. He didn't cheat on me because we already broke up when it happened. But I think it's just so petty to be withy me for a year and then jump to someone else after a rejection of intimacy.
Halos isang taon na rin ang lumipas mula noon. Lagi pa ring nagtatawag si Bobby at minsan na niya akong binisita para suyuin. Kaso lang, hindi ko na siya gusto.
I had suitors after him. It's not like I couldn't get over him kaya hindi ako nagkakaroon ng bago, nag-isip lang talaga muna ako ng mabuti sa sarili.
I have been in so many relationships but I wonder if those were true. Is it because of my crave for good attention, suitors, and boyfriends, kaya ko sila sinagot? Kasi mabait naman si Bobby, pero sa tingin ko, magtagal man kami, hindi ako magiging handa para sa kanya.
"Ganoon ba? Naku!" she exclaimed. "Kailan pa?"
"Mag-iisang taon na po," sagot ko.
Hindi nga naman gaanong bumisita si Tita dito dahil sa disgusto kay Romulo. Kaya minsan na lang kaming nagkikita.
"I saw him a month ago in Cebu! I invited him sa kasal ni Aria kasi hindi ko alam! Actually, I thought you will invite him at nakalimutan niya lang ahng date!"
I gave Tita an obvious awkward smile. Natutop niya ang labi niya.
"Naku, hija! I'm sorry. But if that's the case, I don't think he will come here, right?"
I sighed because I know Bobby. Nilinaw niya sa akin na gusto niya pa kaming magkabalikan. Natanong niya na rin kay Aria kung anong araw ang kasal pero hindi sinagot ni Aria dahil alam niyang pupunta iyon dito kapag nalaman.
"Okay lang, Tita. He's also a friend so I guess it's okay if he comes here for Aria' wedding."
Maid of honor ako ni Aria. Ang Best Man ni Romulo ay ang kapatid niya namang may asawa na.
Maaga kami kinabukasan para sa paghahanda. May photoshoot din si Aria na dinaluhan ko dahil gusto niyang magpaka "maid" ako sa araw na iyon. Kailangan ako ang maghawak ng tail ng gown niya, ang veil, at kung ano ano pang kakailanganin niya sa photohoot at mismong kasal.
Nang nasa simbahan na kami, pati ang pagpapalakad kay Ria sa altar, bilang flowergirl, ako na rin ang nag-alu.
I was too busy to notice anyone while the mass is going on. At noong kukuhanan naman ng picture, mauuna ang mga bridesmaids, kasama ako. At pagakatapos noon, nauna na rin akong umuwi para masigurado na ayos lang ang lahat sa mansiyon.
It was all perfect. Buti na lang. Sa reception lang talaga ako nakapagsettle down at nakapagrelax. Doon ko lang din nakita na naroon nga si Bobby. Kumukuha siya ng inumin at nakatingin sa akin. Panay ang pakikisalamuha ko. Kasalukuyang nagpapatugtog at isang oras pa bago magsimula ang programme dahil sa photoshoot ni Aria at Romulo, at pagpapalit niya rin ng damit.
"This is a nice wedding, Yohan. Ikaw ba ang nag arrange," si Chayo na katabi si Leandro.
Levi is beside her while Chantal, beside her brother. The couple in front of me looked relaxed but the other two on their sides, seems very... tense.
"Ah, tumulong lang ako. Si Aria talaga ang nag-ayos ng lahat."
"I love it," si Chayo.
Ngumiti ako.
"Pupunta ka ba sa kasal nilang dalawa, Yohan?" nagulat ako dahil nagtanong si Levi.
"Ah. Oo. Nakuha ko ang invitation no'n," sabay tawa ko.
Napabaling si Levi sa gilid kaya ganoon din ako. My eyes widened when I saw whose coming. Kadarating lang ng grupo ni Alvaro. Naroon si Daniel at si Juan, ang mga kaibigan nila dati. Alam ko namang imbitado silang lahat pero nagulat pa rin ako. Hindi ko sila napansin kanina sa simbahan.
"Kumusta, Levi?"
Some of his friends went to them, too. It was like a reunion. Narinig ko na magtatagal na raw si Levi sa ngayon at dadalhin ang sariling negosyo rito. On Chantal's way, she was also greeted with her batch. Naroon ang mga kaibigan ni Aria para batiin siya.
Leandro went to Levi's group, the reason why I looked their way. Sa dagat nila, nagtagal ang tingin ko kay Alvaro na nakikitawa sa mga kaibigan.
"Dito ka na rin pala?" si Levi tanong kay Alvaro.
Alvaro's eyes drifted on me bago niya sinagot si Levi. "Oo. Kadarating ko lang din."
I tore off my gaze at him when someone held my elbow. Napabaling ako kung sino iyon. Nakita ko si Bobby.
Kinabahan ako ng kaunti. Levi was looking at me. I excused myself to the group. Lalo na nang nakitang nag-uusap na rin si Soren at Chantal.
I saw Alvaro's parents behind him. Napatingin si Tita Ana sa akin. I politely smiled and excused myself so I could talk to Bobby.
"Bobby..."
"What's with you and those boys?" he asked looking annoyed.
I sighed and watched Aria and Romulo entering the reception area.
"Mga guests ko sila. Ano ka ba? At... hindi ba nag-usap na tayo?"
"Your Tita invited me here. That must me you wanted me here."
"No, Bobby. Nagbreak na tayo at sinabi ko na sa'yong hindi na ako makikipagbalikan, hindi ba?"
Nagkakatuwaan na at magsisimula na ang programme. Nandito ako malapit sa mga buffet table, kausap si Bobby. Kailangan ko nang maupo sa lamesa na para sa pamilya.
"Bakit? May pinalit ka ba agad sa akin, Yohan?" he said, annoyed.
"Huh?"
"Kanina pa tingin nang tingin 'yong Noel na 'yon sa'yo, ah? At bakit naman imbitado si Johnny rito? Hindi ba matagal na kayong hiwalay?"
Panay ang lipat ng mga mata ko sa tinukoy niya. Malapit sa pampaliyang mesa si Noel nakaupo. Siyempre imbitado siya dahil close sila ni Aria. Kaibigan ko rin siya at may girlfriend na siya. Wala nga lang dito.
"Si Johnny, kilala ni Aria at si Noel, kaibigan namin. Puwede ba? Uupo na ako roon," sabi ko at lumakad na.
Sumunod si Bobby sa akin. Sasawayin ko sana nang naupo siya sa tabi ko pero ayaw ko nang mag-away kami. Nagsisimula na ang first dance at baka magkaroon pa ng gulo kapag pinilit kong umalis siya.
Tinitingnan kami ni Tita. Nagtataka din siguro siya kung bakit ko katabi si Bobby pero hindi na nagtanong.
Natapos ang kalahati ng programme at kumain na kami. Pumunta si Soren sa lamesa ko. Tumingin siya kay Bobby pero siguro dahil alam naman nitong wala na kami, naupo siya sa kabilang tabi ko.
"Sayaw tayo mamaya, ah?" he smirked.
Tumawa ako. "Sige ba!"
"Sinasabi ko lang, baka maunahan ako," he whispered meaningfully.
I rolled my eyes and smiled.
"Nakikipagbalikan?" he whispered.
Nagkibit ako ng balikat. "Inimbita ni Tita. Ewan ko diyan."
He laughed. "Mamaya, ah!"
Tumango ako at nagpaalam si Soren. Nagpatuloy ang lahat at pati ang single's game. I cheated on the girl's game kaya nauna akong maupo. At sa boys game naman, tahimik kong pinagmamasdan si Alvaro. Silently hoping that he won't get the... hmmm. Bakit ko ba iniisip 'to?
Matagal na noong naging crush ko siya. Lumipas na ang panahon at hindi ko na siya naiisip pa. Si Kuring na lang.
"I heard that man asked you to dance. Tayo ang magsasayaw, Yohan," pilit ni Bobby.
"For the whole night ba? Bobby, yes we can dance but please... huwag ka nang umasa sa atin."
"Bakit? May pamalit ka agad?"
"May boyfriend ba ako ngayon?"
"O, bakit ayaw mo sa atin? Hindi ka pa nakakalimot, kaya magbalikan na tayo."
"I just took my time to be single. At sinagot kita noon kasi iniisip ko na gusto kita, pero ngayon... with that attitude, I don't think I would ever think that way again. Hindi ka ganito noon."
Natahimik si Bobby.
"Look, I jut want us to be okay. Iyong nahuli mo ako, wala lang 'yon."
"Ayos lang 'yon sa akin, Bobby. Wala na tayo noon kaya puwede ka na sa iba. It's just that I realized something in the process, okay? We can just be friends."
He sighed.
Natapos ang programme at sayawan na. I didn't like the loud music that the old people are playing for their dance. Pero nang naging sweet old music na, pinaunlakan ko na rin si Bobby.
"Huwag kang umasa. Sabi ko na sa'yong magkaibigan na lang tayo."
Umiling siya at nagpatuloy pa rin sa pagsasayaw sa akin. Mahaba ang naging sayaw. Matagal pa nang lumapit si Johnny para yayain ako sa sayaw. Kinabahan pa ako dahil baka magalit si Bobby sa kanya. Mabuti na lang at tahimik niya naman akong ibinigay rito.
Johnny is my ex. Naghiwalay kami sa third year kasi pareho kaming busy sa pag-aaral. Boto sana si Aria sa kanya kaya lang hindi ko na siya sinagot nang muli siyang nanligaw after graduation. Magkaibigan na lang kami, nilinaw ko na sa kanya iyon.
"Nakita ko lang na ginugulo ka niya kaya pinalitan ko," so Johnny.
Nagtawanan kami.
"Lalo kang gumanda, Yohan."
I smiled and looked at him. Hindi ko alam kung kailan ko unang narinig iyan pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako nasanay.
Payat pa rin ako pero siguro sa edad, medyo nagkalaman na rin. I'm still pale, too, nothing has changed. My hair is long and straight because I always imagine beautiful girls having that. I wanted to be beautiful my whole life. I want my lips thin because people always notice them and said they were too big. Pero ngayon, I have received some praises about it for being full and pouty. And of course... for them being kissable from my many exes.
Hindi pa rin ako sanay.
Napalitan na ng iba ang kapares ko. Nagulat ako nang niyaya ako ni Juan. Seryoso siya. I expected for some teasing from his friends but there was none.
Hindi na ako nakaupo sa ilan pang pumalit pero ayos lang. I enjoyed the company. Some I didn't talk to for years so it's a good way to catch up.
"Bagay sa'yo ang pink na damit mo," si Soren.
Ngumiti ako. "Thank you."
Kanina pa ako nagsasayaw at kanina ko pa rin natatanaw si Alvaro na nakikihalo sa mga kaibigang nag-iinuman. Kaunti na lang kasi ang matanda roon. Nagsiuwian na. Nakita ko na umuwi na ang mga magulang niya kanina, nagpaalam kina TIta at Tito. Lumingon din ssila sa akin at dahil may kasayaw ako, nginitian ko lang.
I don't know if their opinion about me changed but I did gave them their land back. Isa sa away namin ni Tita iyon. I found a way to justify it. Na talagang walang nawalang pera kay Dad nang kunin niya iyon. He gained a lot when he had it. Nang hindi nagbabayad sa mga Santander. I'm even surprised that Ate Gen didn't file a case on us. Siguro dahil patay na si Dad at wala naman akong alam sa nangyari.
Nasa gitna ako ng iniisip nang biglang dumilim sa banda namin. Gabi na at tanging mga nagkalat na ilaw lang ang tanglaw sa nagsasayawan. Pero may tumayo sa gilid namin ni Soren dahilan kung bakit dumilim sa anino.
I saw Alvaro, standing. Dati pa siyang matangkad pero parang mas nadepina iyon ngayong nasa tabi ko siya. He's wearing a gray long sleeve, rolled till his elbow, and black slacks. Kanina ko pa siya nakita pero hindi ganito ka lapit.
He was watching me intently. He tore his eyes off me then it drifted on to my partner.
"May I borrow her for a dance, Soren?" he said that shocked me.
The men before Soren, and even Soren, asked me to dance with them. Siya lang ang nag acknowledge sa partner ko sa sayaw!
Tumawa si Soren at tinanggal ang kamay sa akin.
"May magagawa ba ako, Alvaro?" he said.
Alvaro turned to me. Doon ko pa lang natanto kung ano talaga ang gusto niyang mangyari.
"May I have this dance?" he asked.
"Sure..." I managed to croak.
Kabang-kaba ako. I can hear some laughters from the audience and slight teasing. Hindi ko nga lang alam kung para iyon sa amin. Nawala rin agad ang atensiyon ko sa kanila nang umalis na si Soren at si Alvaro na ang nasa harap ko.
Parang ang dali kanina na magpalit ng partner. Tapos ngayon na siya na ang nasa harap ko, hindi ko na alam ang gagawin! He held out his hand, something that I don't remember touching even then.
Kabadong kabado kong nilapag ang kamay ko sa kamay niya. I notice that his palm was rough, calloused. Akala ko mananatili iyon doon. I was shocked when he slowly brought it up to his nape. That process never really struck me before. Ni hindi ko maalala kung may gumawa na ba sa akin noon o ano.
Ginawa niya rin sa kabilang kamay ko. He put my other hand in place on his nape before his hand slid down on my waist.
Yumuko ako, hindi na gumagalaw. Naestatwa na yata ako. We are so close. I don't remember when I was this close to him. Never. I never held his hand before... I don't even remember if I ever touched him. And a I watch his hand rest on my waist, I feel like I am going to faint.
"Is this okay?" his baritone was a whisper.
I nodded slowly and brought my eyes up to him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro