Kabanata 12
Kabanata 12
Dreams
That is my job. Pero bakit kaya hindi ko kakayanin kung si Alvaro na ang kaharap? Thinking about hugging him would make me too cold, or sometimes too hot.
Inisip ko iyong nangyari kaninang umaga, hindi ko yata talaga kakayaning yakapin siya.
"This one, this one... this one..." si Chayo.
Hapon na nang bumili ulit siya sa booth. Ngayon, nasa harap ko na siya at naglalatag ng mga pabango niya.
May iilang bumili kanina. Kasunod niya sana pero hindi na nag-avail ng free hug dahil nakikitang naroon si Chayo sa harap ko at mahaba pa ang pag-uusapan namin.
Nagdala siya nbg limang bote ng pabango. Nobody could ever protest because of her bad temper. Parang palalagpasin na lang ng iba dahil mas mabuti iyon kaysa galitin si Chayo del Real.
Hindi na rin naman nagreklamo ang mga kaklase ko dahil paubos na ang supply. Hapon na at malapit na magclose.
Napadalawang tingin ako nang nakita ko si Alvaro. Kinabahan ako lalo na nang natanaw siya na palapit.
Nasa kabilang booth pa siya tumitingin tingin pero wala namang binibili. Hanggang sa umabot na siya sa tabing booth namin. My heart is in my throat.
"How 'bout this?" Chayo pushed a Bulgari bottle on my face.
Inamoy ko iyon. Tumango ako kahit hindi naman rumihistro sa isipan ko iyon dahil sa panic.
"Try this one, too."
Napasulyap si Alvaro sa banda ko. Bumili na siya ulit ng lemonade namin! I stiffened. I couldn't even process Chayo's words.
"This one!" ulit niya nang nakitang hindi ako nakikinig.
Kinuha ko iyon at nag-spray sa palapulsuhan. Nakuha na ni Alvaro ang kanyang lemonade. He smiled at me. I smiled back.
I am thinking about the hug. I should hug him, right? Gusto niya ba 'yon? Pero hindi siya nagsabi. Pero booth namin 'to kaya dapat ako ang nag-ooffer.
Alvaro looked at Chayo. Hindi namalayan ni Chayo iyon at nagpatuloy siya sa mga sinasabi niya.
"This smells sweeter than this right? Compare them," she told me.
"Okay," sambit ko at ginawa ang gusto ni Chayo.
Alvaro's brow shot up. Hindi siya umalis at parang naghihintay siya na umalis si Chayo. My classmates are already looking at us. Kinakabahan ako at pakiramdam ko, kailangan ko na talaga siyang... yakapin.
But the thought of holding him close and hugging him is making me a coward!
Ni hindi ko masabi kay Chayo na naroon si Alvaro sa gilid niya!
"Alvaro!" I heard the call from his friends.
Pumikit siya ng mariin at saglit na umiling. Nang dumilat at nakita niyang nakatingin ako, ngumiti siya bago bumaling sa kung saan ang tumawag sa kanya.
Natanaw ko na sina Juan iyon. Marami sila. If I am not mistaken, probably fifteen to twenty boys coming to get him. He sighed heavily. That's when Chayo noticed him. Kaya lang, habang palapit ang mga kaibigan niya, mas lalo yata siyang nakukumbinsing salubungin sila.
He glanced at me again. Ngumiti bilang pagpapaalam. I smiled back and then he's gone.
Chayo is now putting the perfume bottles back in her bag.
"I'll give you some on your birthday."
I smiled at Chayo. "Sige. Exchange tayong dalawa. Give me the scent you like. I'll give you mine."
She smiled again. Kinuha na ang kanyang lemonade at umalis nang walang paalam.
Nagbuntonghininga ako.
Dalawang beses bumibili ng lemonade si Alvaro sa araw na iyon. Both times, I didn't offer a hug. Kinabukasan, maraming tao kaya hindi ulit siya pumila. May kaunti pang nanunukso sa amin. At sa hapon naman noon, naubusan na siya.
We never got a chance to hug. I wasn't sure if I felt relieved or sad.
Naging abala na dahil sa exam. Nasabi ni Aria na sa susunod na weekend, iimbitahin niya sina Leandro at Levi, kasama ang ibang kaibigan. Kaya naroon na rin si Alvaro para kay Kuring. Now I wasn't sure what I feel about it.
Kinakabahan ako. Hindi ako mapakali. Whenever I remember the times he went to our booth, I feel tensed.
Dahil sa booth namin, pinuri ako ng aming adviser. Isang linggo matapos iyon, hindi na ako madalas tinutukso ng mga kaklase. I didn't have friends yet but at least they also weren't bullying me anymore.
Hindi ko nga lang alam kung bakit ganoon. Hindi na nga ako tinutukso sa classroom, napansin ko namang medyo mas madalas ang tukso sa akin ng mga babae sa higher level.
One time I went to the locker room. I don't usually get bullied by random girls from Grade ten and eleven but there were a mixture of girls near my locker. At nang nakita nila na parating na ako, nagtawanan na.
"Ang pangit na pinsan ni Aria," narinig ko ang sabi ng isa.
Oh. Kaibigan lang siguro ni Aria.
I opened my locker and put some books inside. Nagmadali na akong mag sarado.
"Giraffe na 'to, feeling dahil lang tinutukso."
"Kalansay, akala niya talaga gumanda na siya."
The confidence the intramurals gave me grew on me. Pagkatapos kong isarado ang locker ko nilingon ko sila.
"Hindi naman. Alam ko namang hindi pa rin ako maganda. Hindi ko alam bakit tinutukso n'yo pa ako ng ganoon, wala naman akong ginagawa."
It was like I pissed them off because of what I said. Lumapit ang isa sa akin habang nakangisi naman ang mga nakapaligid.
"Lumalaki ang ulo mo, ah? Dahil maraming pumansin sa'yo?"
"Hoy, alam mo, naawa lang ang mga tao sa'yo. Mukha ka kasing tanga kaya huwag malaki ang ulo, Yohan!"
"Hindi naman malaki ang ulo ko-"
Tinawanan nila ako. "Awang awa sila sa'yo kasi pangit ka na, wala ka pang kaibigan. Kaya huwag ka masyadong feeling!"
Then they walked out of the locker room, leaving me alone.
I always think that I'm used to that but I'm not. Kahit pa sanay naman ako sa mga sinasabi ni Aria sa akin sa bahay, kung ibang tao pala ang magsabi iba pa rin ang pakiramdam.
"Yohan!" si Levi nang nakita akong katabi ni Aria at nag-aabang sa kanila ng mga kaibigan niya.
Alvaro is with Juan, Daniel, at his other girl-classmates na kaibigan ni Aria. Si Levi naman, kasama ang magkapatid na Leandro at Chantal.
"Hi!" sabi ko kahit na kay Alvaro naman talaga ang mga mata ko kanina.
Inakbayan niya ako lalo.
"Balik ako nang balik sa lemonade booth n'yo para lang mayakap ka!" ani Levi sabay ngisi.
Chantal smiled awkwardly. Leandro smirked. And Alvaro's eyes went on my shoulder, where Levi's hand was. Dumiretso nga lang siya sa akin para ibigay si Kuring.
Tinanggap ko pero dahil nakita ni Levi iyon, siya na ang kumuha kay Kuring sa kamay ko.
"May pusa kayo?"
"Ah. Oo," sabay tawa ko.
Pinagmasdan ko ang pagkakahawak ni Levi doon. It was as if he's holding an infant.
"Pahiram muna nito," aniya.
"Tara na nga sa pool. Nandoon na ang pagkain, e!" iritadong sinabi ni Aria. "Tara na, Leandro!"
Pumunta na nga sila roon. Huli nga lang gumalaw si Alvaro at hindi matanggal ang tingin kay Kuring na hinahawakan ni Levi ngayon.
I was hesitant to go out. Lalo na kung makihalo sa kanila dahil pakiramdam ko tutuksuhin ako kahit wala pa namang nanukso sa akin ngayon. Napansin yata ni Alvaro ang pagdadalawang isip ko.
"Ako na ang kukuha," si Alvaro.
Umiling ako, nahihiya. "Hindi sige. Ako na," sabi ko at nauna nang lumakad.
Sumunod si Alvaro sa akin. Kaya lang nang kaharap ko na si Levi na tinutukso ang kuting kay Chantal, parang wala akong lakas nang loob na kuhanin iyon.
"M-Mamaya na lang."
"Levi, baka mapano si Kuring," si Alvaro.
"Oh! Kuring pala ang pangalan mo!" si Levi.
Kaharap niya na si Alvaro. Binigay naman agad ni Levi ang kuting dito. Chantal looked at Alvaro then her eyes drifted on me.
Alvaro smiled when he turned to me. Uminit ang pisngi ko at agad nang inilahad ang kamay para makuha si Kuring.
"S-Sige. Sa kabila na ako," paalam ko at hindi na hinintay ang sasabihin ni Alvaro.
I thought that was it. I even sighed because I felt relieved. Kaya lang kalagitnaan ng buntonghininga ko, sumungaw si Alvaro sa likod. Tumatakbo na si Kuring sa bermuda at kauupo ko lang sa isang nakahandang upuan.
"Medyo matagal ding hindi kami nakabisita," aniya.
Tumango ako. "Ayos lang. Busy ako at may intrams at exams pa."
I don't know why but I suddenly feel so awkward. I feel like it's back to square one. I cleared my throat and looked back at the mansiyon.
"H-Hindi ka ba maliligo?"
"Ah. Maliligo rin naman. Mamaya."
Tumango ako at natahimik ulit kaming dalawa.
"Baka..."
Napatingin ako sa kanya kasi nagsalita siya.
"Next week 'yong outing namin. Inimbitahan nila si Aria. Baka... gusto mong pumunta."
Aria. I don't think she'd let me. Even if she'd let me, I'd probably just embarrass myself.
"Ah. Sa pagkapanalo n'yo ba? Congrats nga pala. Uhm... Hindi ako makakapunta. Medyo nahihiya ako."
"Mukha namang isasama ni Levi si Chayo."
But thinking about the other people there, I don't think so.
"Baka rin may practice kami no'n."
He bowed in a dramatic way. Medyo natawa ako. Tumawa rin siya. "I pushed my luck to invite you. Nakukulitan ka na siguro. Pasensiya na..."
I chuckled. "Okay lang..."
Nahihiya lang talaga ako. Hindi ko alam paano niya ginagawang makisalamuha sa marami at madalas pang center of attention. Hindi ko kailanman magagawa iyon. We're very opposite.
"Congrats nga pala sa booth n'yo."
I nodded. Mas lalo pang bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko na alam kung ano pang idudugtong.
"Sarap ng lemonade n'yo, kaya balik ako nang balik," he chuckled again.
I smiled but it was so awkward.
"Kasali ka ba sa nagtimpla no'n?"
Ngayon napabaling na ako sa kanya. Hindi gaanong awkward pag teknikal ang usapan.
"Uh, hindi na. Kasi araw-araw kami ni Angelo doon. Bale, iyon na ang privilege namin. Hindi na sasali sa mismong... uh..."
I realized he was so attentive while I was explaining.
"Pagtitimpla at paghahanap ng ingredients dahil araw-araw kami roon."
"Pasensiya na nga pala ulit noong first day. Napansin kong 'di ka komportable sa mga nanunukso kaya umalis na ako."
I stiffened again. Ayos na ang usapan kanina tapos ibinalik niya pa iyon!
"Bumalik nga ako noon, para sana bumawi kaso... medyo pawis ako, galing sa game, hindi nagpapalit kaya... nagdalawang-isip ako."
Kumalma ulit ako. Kumunot ang noo kasi hindi ko napansin na lumapit siya sa booth na galing sa laro. He never went there with his jersey on. He was always fresh. No sweat and according to my classmates, always smelling good.
"Next time na lang," he laughed.
I laughed awkwardly too. "Uh... next year sa PMA ka na?"
Tumango siya. Ganoon din ako at tumingin sa malawak naming bakuran. Si Kuring ay kitang kita kong magalaw sa gitna. Naglalaro na naman. The wind blew and I realized... next year, we won't see each other anymore. Not even once a month. I won't randomly see him at school.
Bahagya akong nalungkot. Parang mas okay sa akin na makita siyang papalit palit ng girlfriend sa school, kaysa sa hindi ko na siya makita ulit.
Nilingon ko siya at nakitang nakatingin din siya sa malawak naming bakuran. I smiled.
"Kaya ba... nagbreak na kayo ng girlfriend mo? Dahil aalis ka rin naman next year?"
He chuckled and looked at me.
"Maghahanap ka na roon ng bagong girlfriend," biro ko.
"Hindi naman yata puwede roon, Yohan. At isa pa, kapag nag-aral na roon, iyon na lang muna ang iisipin ko. Gusto ko kasing makatapos na mataas ang marka doon."
I swallowed hard. It was weird to look at him get serious about something. I never thought that it meant so much to him. Tumingin ulit siya sa malawak na bakuran sa harap.
"Minsanan na lang ang uwi ko. Gusto kong magseryoso doon. Dati ko pa kasing gustong pumasok doon."
Bumaling ulit ako sa harap.
"Gusto mong maging kagaya ni Kuya Gilbert."
"Hmm. Oo. Pero hindi ako sa Navy papasok."
Nilingon ko ulit siya. He smiled and then looked back at me.
"Sa Army."
"Oh..." So he will really be gone.
He has goals he wished to fulfill. He has dreams. It's amazing to watch him dream.
He will be gone. After this year, there's a chance that we won't ever see each other again. For his dreams. Kahit nalulungkot ako, may saya pa rin sa puso ko para sa kanya. I feel proud of him dreaming this seriously. I feel like... it will be worth it. Not seeing him and missing him... will be worth it. For his dreams.
"Ikaw? Alam kong maaga pa pero... may gusto ka na bang kunin? Saan mo gustong magtrabaho?"
I smiled. "Dito lang din sa azucarera. Ako kasi ang magmamana at... dati pa alam ko nang ako ang magpapatakbo nito kaya..." I chuckled. "Dito lang ako."
"I'm sure you'll be a good leader."
Nahiya ako ng kaunti, naiisip si Daddy at ang lahat ng nagawa niya sa buong lalawigan. After his death, it Negros was more peaceful. Less armed group terrorists, less corruption, less chaos. Yumuko ako.
"I love my father but... I don't want to follow his leadership."
"I'm sure of that," he said.
Bahagya akong nabuhayan sa sinabi niya. Pakiramdam ko kasi ang isa rin sa dahilan na maraming naiinis sa akin sa school ay dahil kay Daddy. Marami ang may ayaw sa kanya, noong buhay pa man siya at hanggang ngayong patay na. I could never escape his shadows. I am his only child, the only bearer of his family name. The family name that screams terror for everyone. The only Valiente here in Negros.
"Si Kuya Gilbert, Navy. Tapos abogado naman si Ate Gen. At ikaw... magiging army. Siguro... pag-alis mo next year..." Tinawa ko ang lungkot. "Aalis na rin kayo... nina Kuring?"
Slowly, a smile crept on his lips.
"Hindi, Yohan. Dito lang sina Mama at Papa. At ibinilin ko na si Kuring sa kanila."
I gasped. "Uhm... Gusto mo subukan ko ulit na-"
"Si Romulo na naman ba?" his brow shot up.
"Hindi. Uhm... Ako. Dito sa bahay. Susubukan ko si Tita. Tatanungin ko baka puwede na si Kuring."
Sa itsura niya mukhang hindi ko siya makukumbinsi. Umiling siya.
"Hindi na, Yohan. Kung may tsansa na makauwi ako rito, uuwi naman ako. At gusto ko pag-uwi ko, nariyan si Kuring. Madalas din daw umuwi si Ate Gen dito kaya maalagaan si Kuring. I'll have him neutered too, so you won't worry about his children."
I sighed. Mabuti at naisip niya iyon kaso duda talaga ako. Parang gusto kong kunin si Kuring. Nakita niya ang bakas noon sa mukha ko kaya naningkit ang mga mata niya at umiling ulit siya.
"Sabing hindi, Yohan."
"P-Pero pusa ko rin siya."
He looked at me, annoyed, but there was a ghost of a smile on his lips. He shook his head again.
"Bibisita naman kami. Kung nariyan si Ate Gen, susubukan ko siyang kausapin. Katatapos ko lang gumawa ng cat furniture para sa kanya. Kaya malilibang siya sa bahay kahit wala ako."
"H-Huh? Anong gumawa? P-Paano?"
His lips twisted.
"Gumawa."
"Ikaw?" hindi pa rin makapaniwala.
"Oo. Mahal at mas makakamura kapag ako na ang gumawa kaya iyon ang pinagkaabalahan ko noong nakaraan. Hindi pa tapos kasi gusto ko ng maayos. Pero ipagpapatuloy ko. At nasisiguro kong mas maganda pa iyon kaysa sa nakita mo sa shop."
I chuckled. I couldn't believe it. I can't stop smiling.
"Alvaro, ano ba?!" I heard Levi behind him.
Umismid si Alvaro at bumaling kay Levi. Kumakain ito ng apple at basang basa pa. Naka topless at kita ang katawan. Uminit ang pisngi ko. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa katawan niya.
Laging may pumupuntang kaibigan si Aria rito pero si Levi pa lang ang naglakad sa living area nang basa at walang saplot!
Alvaro sighed. Lumakad siya.
"Halika na, Levi."
"Asan ang kuting, Yohan?"
"Akala ko ba hinahanap n'yo ako? Halika na at hayaan mo na si Yohan!" iritadong sabi ni Alvaro.
"Bagal mo, eh," aniya at umambang aalis. Pero nang naalala ako, bumaling ulit. "Maiwan ka na muna namin, Yohan."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro