Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue




Napatingin ako sa malawak na bukirin at lupain na aming nadadaanan. Hindi ko aakalain na matagal na akong hindi nakakabalik dito. Ang ganda lang pagmasdan ng mga ganitong tanawin na matagal ko nang huli kong makita. Namiss ko ang La Soledad.



"Malapit na tayo." Sabi ni Kuya Blake na katabi ko at nagmamaneho. Siya ang nagsundo sa akin sa airport kanina.


Huminga ako ng malamim at nag-ayos ng sarili. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa Casa De Dios na halatang antigo na marahil pamana pa ito ng Lolo ni Papa. Katabi nito ang aming rancho na pinamamahalaan ni Kuya Blake.


Natanaw ko ang fountain sa ginta ngunit walang lamang tubig. Maganda ang pagkakagawa ng mga halaman sa paligid. Makikita mong inaagalaagan ng mabuti. Napansin ko ang mga hardinero napatigil at napatitig sa kakadaan na kotse ni Kuya Blake.



Tumigil ito sa harap ng bahay at nakita kong nakaabang si Mama sa labas kasama ni Manang Sita.


Lumabas ako ng sasakyan at agad akong sinalubong ni Mama. Ngumiti ako ng bahagya sa kanya at niyakap.


"Napagod ka ba sa biyahe?" Tanong ni Mama at ngumiti rin.



"Medyo po." Tipid kong sagot rito.


Napatingin ako sa katabi nito na si Manang Sita na siyang nag-alaga sa akin noong palagi akong nagbabakasyon dito tuwing summer. Niyakap ko rin si Manang Sita na nakita kong halos naiiyak siya.


"Manang, namiss kita."


"Naku, ang laki laki mo na Nico. Dati ay bata ka pa noong huli kang magbaksyon dito." Naiiyak nitong sabi sa akin na medyo kinatawa ko.


"Matagal na din po akong hindi nakakabalik dito." Sabi ko.


"Tara na anak, kain na tayo. Siguradong gutom ka na. Blake, ipasok mo na yung ibang gamit ng kapatid mo." Ani Mama at ginaya ako papasok ng bahay.


Nothing has changed through this walls of Casa De Dios. Maganda pa rin ito gaya ng dati. Tanaw ko ang malaking hagdan na gawa sa oakwood. Ang malaking picture frame namin ay naroon rin makikita pagkapasok. Ang mga malalaking vase na koleksyon ni Mama ay naroon rin sa mga pasilyo, pati na ang malaking chandelier sa gitna ng hagdan. Halos walang nagbago sa bahay na ito dahil habang tumatagal gumaganda lang.

Sinalubong kami ng mga tauhan sa bahay at nahagip ng tingin ko si Alora na isa sa mga kaibigan na tauhan rito marahil apo siya ni Manang Sita. Naalala ko na siya ang minsan kong kalaro noon tuwing nagbabakasyon ako rito. Nginitian ko siya at ngumiti naman siya pabalik.


Dumiretso kami sa dining table at nakita ko roon si Papa na nakaupo na. Ngumiti ako sa kanya at agad na niyakap.


"Kamusta ang biyahe, anak?"


"Ayos naman po, Papa."


Maya-maya pa ay naupo na rin sina Mama at Kuya Blake. Nagsimula na kaming kumain. Marami silang hinandang pagkain marahil pinautos daw ni Mama ito lalo yung mga paborito ko.


"I already enrolled you sa papasukan mong school, Nico." Pagbasag ng katahimikan ni Mama.


Napatingin ako sa kanya at tumango lamang tsaka nagpatuloy sa pagkain. Hindi ako nakasagot dahil busy akong ngumuya sa sarap ng pagkain.


Gusto ni Mama na dito muna kami tumira pansamantala dahil walang kasama si Kuya Blake rito. Hindi naman labag sa loob ko dahil namiss ko din naman si Kuya Blake. Marami akong maiiwan sa Manila dahil dito ay ayos lang din at babalik pa rin naman kami dahil pansamantala lang ito. Gusto rin ni Papa na dito muna dahil hindi pa daw masyadong gamay ni Kuya ang pamamahala sa rancho. Naiintindihan ko sila at gusto ko rin naman sila makasama kahit papaano.


"Kailan ang pasukan, Ma?" Tanong ko kay Mama.


"Next week na, kaya kailangan mo na bumili ng gamit mo bukas din pati yung mga isusuot mo." Tumango ako at tinuloy ang pagkain.


Pagkatapos namin maglunch ay umakyat agad ako sa kwarto ko para magpahinga. Wala rin halos nagbago rito, ang floor to ceiling na pintong salamin na kita ang view sa labas ay mas gumanda. Ang napansin ko lamang na kakaiba ay ang painting sa pader sa ibabaw ng kama. Maganda rin naman ang ipinalit.


Humiga ako at napaisip sa mga mangyayari dito sa mga susunod na araw at buwan. Alam kong hindi pa ako masyadong sanay rito kaya medyo mahihirapan pa akong mag-adjust. Sa aking pag-iisip ay tuluyan na akong hinila ng antok.


Pagkagising ko ay madalim na sa labas. Bumangon ako at kitang nasa loob na ang mga gamit ko. Maayos na ang mga ito at nasa tamang lagayan na. Mabuti na iyon at hindi na ako mag-aayos ng gamit ko. Tumayo na ako at saktong may kumatok sa pintuan.


"Nico, maghahapunan na daw kayo." Ani ng tinig sa labas. Pagkabukas ko ng pinto ay nakitang si Alora iyon. Napalaki ang mata niya na ikinatawa ko ng bahagya.




"Ikaw ba yan? Iba ka na ha." Mapanuksong sabi ni Alora sa akin.


"Oo naman. Tagal nating hindi nagkita ah."


Close talaga kami noon ni Alora at alam rin niya na iba talaga ako. Well, alam naman ng pamilya ko na hindi ako tunay na lalaki pero wala lang sa kanila importante daw sa kanila ang kasiyahan ko at nagpapasalamat na naman ako. Hindi lang ako masyadong open sa ibang tao at hindi halatang iba ako sa kanila na lakaki pa rin ang tingin nila.


Sakto lang ang tangkad ko at sobra ang kaputian dahil mana na rin kay Mama. Sabi nila maganda daw ang mata ko, they say it looks fragile and innocent. Matangos ang ilong ko at mapula ang labi siguro nakuha ko ito kay Papa.


"Besh, ang pogi mo na ah. May nobyo ka na ba? Gwapo ba or hot or both?" Sabi ni Alora na tumatawa sabay tusok sa tagiliran ko.


"Sira ka, wala pa no." Natawa na rin ako. Baliw talaga itong si Alora.


"Sus, wala ka manlang nagtangkang magjowa sayo? Sayang ang fez oh ang gwapo mo. Ibang iba ka dati na payat at bungi ka pa noon." Ani Alora na ngayon ay humahagalpak ng tawa.


"Wala nga, Alora. Tsaka nahiya naman ako sa iyo na chubby at uhugin pa dati ah." Sabi ko at natawa na rin ng malakas. Akala niya siya lang ang marunong mang-asar ha!


"Ewan ko sayo, besh. Namiss kita ah. Oh siya kain na daw kayo hinihintay ka na nila." Ani Alora


"Miss rin kita, besh. Kumain na ba kayo nila Manang Sita?" Sabi ko at lumabas nang kwarto.


"Yes, besh. Lumamon na kami ni Lola kanina pa." Si Alora at sinabayan akong bumaba ng hagdan.


Pagdating ko sa dining table ay nakaupo na silang lahat. Halatang bagong gising lang din si Kuya Blake. Dumiretso ako at umupo na.


Kumain kami at nagkuwentuhan ng mga bagay. Namiss ko ang ganito dati simula noong umalis kasi si Kuya Blake para mamahala dito ay medyo tahimik kami kumain at minsan ay hindi pa sabay. Pagkatapos kumain ay nagkuwentuhan rin kami ni Alora.


"Sa LSS ka mag-aaral rinig ko sabi ni Lola kanina. Naku may gwapo doon besh at matalino pa." Sabi ni Alora na may malanding tono.


"Ewan ko sayo, Alora. Puro ka kalokohan."


"Sus kunwari ka pa. Sasamahan daw kita bukas at sabay na rin tayo mamili ng gamit." Sabi niya at tumango lamang ako.


Medyo napahaba ang kwentuhan namin ni Alora kay pagkatapos noon ay umakyat agad ako para magpahinga dahil maaga pa kami bukas para mamili ng gamit.


Nagising ko sa katok sa labas ng pintuan. Biglaang pumasok roon si Mama.


"Maghanda ka na para kumain at makaalis kayo ni Alora." Aniya at nilibot ang tingin kwarto. Lumapit siya sa akin at pinagmasdan ako.


"Sige, Ma. Susunod na lang ako sa baba at maliligo na."


"Naku, bilisan mo anak kasi mamaya mainit na sa labas sayang ang puti natin. Mana ka pa naman sa akin." Anito at kumindat pa na ikinatawa ko. Isa pa to si Mama, makulit rin e.


"Oo na, Mama ikaw na ang maganda." Sabi ko at tumayo na sa higaan. Tumawa naman siya sa sinabi ko at lumabas na sa kwarto.


Dumiretso ako sa banyo at ginawa ang dapat gawin. Pagkatapos kong magayos ng sarili ay bumaba na ako para kumain. Naroon na silang lahat at kumakain na.


"Good morning!" Bati ni Kuya Blake habang nakangiti.


"Morning, Kuya." Nginitian ko siya at nagsimula na rin kumain.


Pagkatapos noon ay tumulak na kami ni Alora papunta sa bilihan ng gamit. Sakay kami ng Montero habang dinadaldal ako ni Alora. Nakarating kami sa bilihan at medyo madaming tao.


Una naming pinuntahan ang bilihan ng gamit. Ang akala ko ay bibili pa kami ng uniform pero ang sabi ni Alora ay hindi daw nagsusuot ng uniform ang mga senior high school hanggang college doon sa La Soledad. Napakibit balikat na lamang ako namili ng mga kakailanganin.


Habang dadampot ako ng yellow pad ay nahagip ng mata ko ang isang lalaki sa di kalayuan na nakasuot ng gray na shirt at maong na pantalon na halata mong luma na. Matangkad ito at halata mong maganda ang katawan dahil sa hapit nitong suot na damit. Dumapo ang tingin ko sa kanyang mukha. Ang kanyang mga panga ay pamatay. Ang tangos ng ilong ay parang hinulma at ang mapupungay niyang mata ay sumisigaw ng katikasan. Ang makakapal niyang kilay ay parang ginuhit at ang pula ng labi niya. Oh God! I've seen a lot of handsome men in Manila but this one is definitely different. His features are way more attractive and sexier. Damn, his aura hits differently.


Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatitig sa kanya dahil pag-angat ko nang aking tingin ay nahuli ko ito nakatingin sa akin at bahagyang nakangiti ang labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro