Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

12




"Hello, are you there, Nico?" Nagulat ako lalo nang magsalita ulit ang nasa kabilang linya at binanggitin niya ang pangalan ko. Of course, my caller ID would be my name.


"Uh, yeah. Si Gab?" I swallowed as I wait for her answer. Rinig ko rin ang kaunting ingay na mga nagtatawanan. Saan ba 'to si Gabriel?


"Nagpunta lang sa CR. Sabihin ko na lang na tumawag si My Baby Nico niya." Halata sa boses niya ang pang-aasar na ikakunot ng noo ko at ikinapula ng pisngi ko.


"S-sige. Salamat." Pagkatapos kong magpaalam ay ibinaba ko agad ang tawag. Hinawakan ko ang pisngi ko at ramdam ko ang init nito.  What the hell My Baby Nico ang name ko sa cellphone niya? May kung anong kiliti akong naramdaman sa tiyan at tenga ko.


Habang prinoproseso ko pa sa utak ko ang inassume ko na caller ID ko sa cellphone niya. Biglang tumunog naman ang cellphone ko at kitang siya na ang tumawag. Huminga ako nang malalim at pinigilan ang sariling ngumiti.


"Hello." Bungad ko sa kanya.


"Hi, tumawag ka daw sabi ni Mariz." Sabi niya sa kabilang linya. So Mariz pala pangalan ng sumagot kanina?


"Ah oo, I'm just checking on you." Sagot ko at kasabay niyan ang pagkagat ko sa ibaba kong labi.


"Hmm. Patapos na rin naman kami. Siguro bago mag alas sais ay makakauwi na ako." He explained himself and I absentmindedly nodded.


"C-can I ask who's Mariz?" I curiously asked him.


"Mga kagroupmate ko kasama sina Cholo at Korics. Bakit selos ka?" Sagot nito sabay may halong pang-aasar. Again I immediately rolled my eyes. Bakit naman ako magseselos? Fine, muntik na akong magselos kung hindi lang ako inasar nung babaeng yon na 'My Baby Nico' daw ang nakalagay sa tumawag.


"Ewan ko sa'yo, Gabriel. I'll hang up now. Text mo ako kapag nakauwi ka na." I authoritively said to him and heard him chuckled on the other line.


"Yes, baby. I love you." Sagot nito na ikinangiti ko na parang tanga.


"Bye, I love you too." Sabi ko bago ibinaba ang tawag. I stared at the ceiling with my blushed face and erratically heartbeat.  Kahit anong pilit kong matulog ay lagi kong naalala iyon at kahit nang mag-usap kami kanina bago matulog ay hindi ko mapigilang mapangiti mag-isa.


Nang magising ako kinabukasan ay rinig ko ang ingay sa baba. Nagtaka naman ako kaya tinungo ko agad iyon pababa upang makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Maraming mga camera at mga reporter ang nandoon. Pinagkakaguluhan si Papa sa baba ng mga ito. Anong meron?


Mas lumapit pa ako nang bahagya sa bintana para makita ng mas malapit. Mukhang iniinterview si Papa dahil nakatutok ang lahat ng microphone na hawak nila sa kanya.


"Mr. De Dios, ano po ang masasabi niyo sa biglaang pagkamatay ni Fernando Mendez?" Tanong ng isang kilala reporter.


"I have nothing much to say but may his soul rest in peace." Sagot ni Papa kasabay ng pagdating ng iilang kapulisan upang paalisin ang mga naturang reporters para makapasok si Papa sa bahay dahil nga dinudumog siya.


"Anong meron, Pa?" Bungad ko kay Papa ng makapasok ito sa bahay.


"Dinumog ng mga reporter para hingin ang panig niya tungkol doon sa pagkamatay ni Fernando Mendez." Sabat naman ni Kuya Blake na kasabay niyang pumasok.


"I don't really know why they want my statement." Takang sagot naman ni Papa na ikinailing ni Kuya Blake.


"It is because of your past issue with him, dahil siguro ikaw ang kilalang kalaban noon ni Mendez." Sabi naman ni Kuya Blake na lalo kong ikinataka.


"Ano ba talaga ang totoong nangyari?" Frustated kong tanong dahil mukhang ako lang ang walang alam sa nangyari. Papa sighed before he answered my question.


"Fernando Mendez was a businessman and our strongest competitors in the industry. And a drug lord. He knows that I know something that is why he tried to get rid of me. Kaya noong nakaraang taon ay dito muna ako namalagi hindi lang pamahalaan ang rancho para rin magtago sa mga gustong pumatay sa akin na utos ni Mendez. But after that incident, we have settled our issue and had an agreement." Paliwanag ni Papa na ikinatango ko na lang.


Buong hapon ay hindi ako nakatanggap ng tawag galing kay Gabriel. Medyo nag-aalala na naman ako kaya nagpasya akong pumunta sa bahay nila. Pagdating ko roon ay naabutan ko si Migz na pasakay sa kanyang motor. Nagulat ito sa presensya ko pero agad din iyon nawala.


"Si Gabriel?" Tanong ko kay Migz.


"Nasa loob. Pasok ka." Maikling sagot nito saka ako nagpatuloy sa paglakad papasok sa bahay nila. Bago pa ako makapasok sa loob ng bahay nila ay rinig ko na ang boses ng mga nag-uusap.


"Nabalitaan mo ba ang nangyari taong nasa likod ng pagkamatay ni Mama? Ayon patay na." Si Milly. Mahina itong natawa na para bang natutuwa pa ito sa nalaman.


"Tigilan mo na si Nico dahil wala siyang kinalaman doon." Mariing sabi ni Gabriel.


"Wala akong paki alam! Ang tatay niya ang dapat managot dahil siya ang puno't dulo nito!" Galit nitong sabi at halata sa boses nito ang pagkamuhi. Kung si Papa ang tinutukoy niya ibig sabihin si Mendez iyong isa. Lalo akong naguluhan sa naririnig ko.


"Milly, alam mong pulis ang nanay mo kaya responsibilidad niyang batayan ang kapakanan ng taong nasa bingit ng kamatayan.  Alam kong malaki ang pasasalamat ni Tito Manuel sa pagligtas ni Tita sa buhay niya. Kaya please lang, hayaan mo na si Nico. Hayaan mo na kami." I can sense the frustation of Gabriel when he said that. And here I am, shocked of what I have heard.  Ibig sabihin binuwis ng nanay ni Milly ang buhay niya sa pagtatangka ng mga tauhan ni Mendez na patayin si Papa? Anong kinalaman ko dito at ni Gabriel?


"So, hindi mo na itutuloy ang pinapagawa ko? Ganoon na lang iyon? Mahal mo na ba ang baklang iyon?" Mas lalong galit na sambit ni Milly na lalo ko kinagulat at unti-unting namuo ang galit sa akin. Anong pinapagawa niya kay Gab?


Magsasalita na sana si Gabriel nang nagpasya akong pumasok na. Bahagya namutla si Gab nang makita ako. Tinignan ko ito nang malamig at ibinaling ang tingin kay Milly na ngayong nakangisi sa akin.


"N-Nico." Sambit ni Gabriel na sinubukang lapitan ako pero bahagya akong lumayo kaya hindi na niya ginawa.


"Ano iyong lahat na narinig ko? Gabriel sabihin mo sa akin ano iyong sinasabi nitong si Milly?" Mariin kong sabi at tinignan silang dalawa ng masama.


"Narinig mo pala ang usapan namin. Kaya eto na sasabihin ko na, inutusan ko si Gabriel na paibigin at paikutan ka tapos iwan. Para naman makaganti ako sa pamilya mo yun nga lang ikaw ang sasalo. Iyon lang naman. Ang dali lang diba?" Nakangisi nitong sabi at saka ko tinignan si Gabriel na papalapit sa akin. Inabot niya ang kamay ko kaya sinubukan ko iyon hilahin pero sadyang malakas siya kaya hindi ko nagawa.


"Nico, hindi ko ginawa maniwala ka." Sabi ni Gabriel. Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya pero hindi ko alam kung paano ko susuklian ng pagtatanggap sa ngayon. "Milly pwede ba umalis ka na!" Galit na sambit ni Gabriel kay Milly.


"Hindi pa tayo tapos." Sabi ni Milly saka tuluyang umalis.  Tinignan ko nang masama si Gabriel at saka umalis na rin sa harap niya. Ramdam kong hinahabol niya ako kaya tumakbo ako palabas at rinig ko ang malakas niyang sigaw sa pangalan ko. Hindi ko iyon nilingon at pinabayaan dahil sa sobrang gulat at naguluhan sa narinig.


Nang makalayo ako ay tumigil ako sa may malaking puno at hinabol ang hininga ko saka nagbagsakan ang mga luha ko. Mabuti na lang ay wala masyadong mga tao dito sa parte na ito kaya malaya akong umiyak. Ibig sabihin niloloko niya ako? Pinapaikot at sasaktan pagkatapos kong mahulog sa kanya? Panalo na sila, nasaktan ako.


Nasa ganoong pagkalma ko ay may pares ng paa sa harap ko. Pag-angat ko ng aking tingin ay nakita ko ang gwapo niyang mukha. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at lungkot. Tatayo na sana ako at aalis sa harap niya nang higitin niya ang braso ko paharap sa kanya. Hindi na ako nagpumiglas kaya naman tinignan ko nalang siya nang malamig.


Ramdam kong gusto niyang magsalita pero halatang natatakot sa kung anong lalabas sa bibig niya. Inagaw ko na ang pagkakataong magsalita at inunahan siya.


"Totoo ba? Yung sinabi niya? Totoo ba iyon?" Naiiyak kong tanong sa kanya. Unti-unting namumuo ang luha sa mata ko. Umiling-iling ito ng ilang beses at kinagat ang pangibaba niyang labi na para bang hindi ito makapaniwala.


"Totoo iyon, pero hindi ko ginawa. Hindi ko gagawin sa iyo iyon, Nico. Una pa lang tinigil ko na dahil una pa lang gusto na kita. Maniwala ka sa akin. Please." Pagsusumamo nito sa akin kaya naman tumulo nang tuluyan ang mga luha ko. Agad niya namang inangat ang kamay niya at pinunasan ang mga iyon.


Part of me didn't believe him, but when I saw his hurt and regretful eyes myself turned upside down and I just nodded at him as a reply. Swiftfully, he wrapped me between his arms and hugged me tightly. As if my body has its own mind which returned his hug immediately. I sighed deeply at his chest. 


"Please trust me again, baby. Paano ko makukuha ulit ang tiwala mo?" He whispered as we hugged. I can feel his rapid heartbeat because of his fast breathing.


"I trust you, Gabriel. I do." I said and hugged him tightly even more.


Trust is the foundation of a relationship and it should never be destroyed. It is one of the prerequisites of a happy and healthy relationship. If that is the formula of a healthy relationship then I will happily accept his forgiveness and trust him. I will always trust him. Para sa akin, madaling ibagay ang tiwala ko sa kanya dahil siya iyon. It is because I love him at handa akong ibigay ang buong tiwala ko sa kanya kahit mahirap ibigay sa iba.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro