Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11




These past few weeks felt like I was in the seventh heaven. The happiness and love I received seems so extreme and sometimes I felt like I don't deserve it. The late night talks and early morning meetings with  is really becoming our routine. At magiging sinungaling lang ako kung hindi ko sasabihin mas mahal ko na siya lalo. Truly and deeply.


"Dito ka na magpatila ng ulan." Pag-aaya sa akin ni Gabriel nang maabutan kami ng ulan sa daan. Sabay pa rin kaming umuwi ngayon at iyon nga ang nangyari, walang may dalang payong kahit isa sa amin. Mabuti na lang ay malapit na kami sa bahay nila kay tinakbo na namin iyon.


"Good afternoon po." Bati ko sa tatay ni Gab na nakaupo sa sala habang nagbabasa ng dyaryo. Lumapit ako rito at nag-mano.


"Magandang hapon, Nico. Naabutan yata kayo ng ulan?" Sabi nito habang binaba ang hawak niya. Pumasok naman si Gabriel habang pinapagpagan ang sapatos niya sa doormat. Binati din niya ang ama niya at nag-mano.


"Wala pa si Migz?" Tanong ni Gab at nilapag ang gamit sa lamesa. Umupo naman ako sa maliit na couch sa harap ko. Medyo nabasa ang uniform namin dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan habang naglalakad kami at lalo pang nabasa dahil sa pagtakbo namin.


"Wala pa. Dito ka na maghapunan, hijo." Sabi ni Tito Alijandro sa akin kaya napatango lang ako. Tumungin ako kay Gab na naabutan kong nakamasid sa kinauupuan ko. Kinunutan ko siya nang kilay kaya natawa ito ng bahagya. Lumapit siya sa akin at hinatak ako papasok sa kwarto niya.


Pagpasok namin ay malinis ang mga gamit nito at nasa tamang ayos ang lahat. Napansin ko ang magulo lang na parte ng kwarto niya ay ang study table niya kung saan nakakalat lahat ng mga blueprints at papel niya. Hindi kasing laki ng kwarto ko ito pero kasya na ang dalawang tao. Halata mo ring lalaki ang natutulog dahil puro panlalaki ang mga gamit lalo na ang mga poster ng basketball players na nakadikit sa dingding.


Umupo ako sa kama niya at hintay siya na may kinukuha sa kabinet niya. Inabot niya iyon sa akin na ikinataka ko. 


"Magpalit ka nang damit nabasa yang uniform mo." Sabi niya kaya agad ko iyong tinanggap. Isang maluwag na pambahay ang binigay niya sa akin. I smiled at him at started unbottoning my uniform. Pag-angat ko ng tingin ay nakahubad na ito nang uniform niya at wala ng siyang suot na damit. Damn those perfect broad shoulders!


"Ayos ba?" Natauhan nalang ako nang maabutan niya akong nakatitig sa likod niya. I blushed yet I had the guts to roll my eyes at him. Nagpalit na ako nang damit ko mabuti nalang ay hindi na niya ako inasar pa.


Tumabi siya sa akin at niyakap ako sa bewang habang sinasandal ang ulo sa balikat ko. I sighed and found myself hugging his broad shoulders.


"May problema ba?" Tanong ko sa kanya nang inangat niya ang kanyang ulo. Tumitig muna siya sa akin bago umiling. Mukhang may problema siya pero ayaw lang niyang sabihin pero hindi ko siya pipilitin. Gusto ko siya ang kusang magsasabi sa akin sa mga problema niya.


Tumayo ako at lumapit sa study table niya. Tinignan ko ang mga papel na nakakalat doon saka ko pinagsama-sama at inayos. Nakita ko ang isang album doon sa gilid na kakasiksik din sa mga libro. Binuksan ko iyon at napangiti dahil puro mga baby pictures ang laman nito. Lumingon ako sa gawi niya na nahuli kong nakatitig na naman sa bawat galaw ko.


Bumalik ako sa kama habang hawak ang photo album at tumabi ulit sa kanya. Ang cute niya nung bata pati si Miguel. Halata mong makulit sila dahil lagi madungis sa picture. Napangiti ako nang makitang ang picture niya na kasama ang isang magandang babae at nalaman ko agad na nanay niya iyon dahil kaparehas sila ng mata at labi. May pinagmanahan din talaga itong magkapatid na ito lalo na sa kanilang tatay.


"Ang cute mo dito." Pang-aasar ko sa kanya sa picture na nakahubad at nasa swimming pool kaya pabiro niya akong sinamaan ng tingin. Nagtawanan lang kami habang tumitingin ng mga lumang litrato niya noong bata. His was a cute kid then and what a handsome man he become.


Kinuhanan ko nang picture sa cellphone ang mga litrato niya at mabuti na lang ay pumayag naman siya. Nang mapadpad ako sa isang litrato na may kasama siyang batang babae ay tinanong ko kung sino iyon.


"My seventh birthday. Si Milly yan dahil magkaibigan ang Mama namin. Pinilit pa kami na magpapicture na dalawa dahil nahihiya pa noon si Milly." Pagkwento niya sa akin habang nakatingin sa kamay ko. Hindi ako nakaramdam ng selos o kahit ano dahil alam kong nakaraan na iyon at mga bata lang sila noon. He was talking about his past, thinking his future was me.


Bigla kaming tinawag ni Tito Alijandro para maghapunan kaya natigil ang kwentuhan namin. Hindi ko namalayan ang oras dahil madilim na pala sa labas pero malakas pa rin ang ulan. Mamaya nalang ako magpapasundo kay Kuya Naldo pag hindi gaano kalakas ang buhos ng ulan dahil masyadong delikado sa daan kahit pa sabihin malapit lang ang bahay namin.


"Mamaya pa daw makakauwi si Miguel kaya mauna na tayong kumain." Sabi ni Tito Alijandro habang inanyayahan akong umupo.


Pinagsandok pa ako ni Gabriel nang kanin at ulam kaya naman nakaramdam ako nang hiya dahil ramdam ko ang titig ni Tito Alijandro sa amin. Hindi pa nga nila alam ang relasyon namin ni Gabriel at halos wala pang nakakaalam. Hindi ko alam kung kailan kami o ako magiging handa pero sana kakayanin namin dahil alam kong hindi magiging madali ang lahat.


Nagpresinta akong maghugas ng mga plato pero ayaw naman ni Gabriel dahil siya na lang daw ang gagawa dahil nga daw bisita ako. Gusto ko lang naman tumulong masama ba yon? Damot naman ni Antonio.


Tumayo lang ako sa gilid niya habang nagpupunas siya ng mga plato. Tinitignan ko lang siya habang ginagawa iyon pero siya naman ay kindatan ako na ikinangiti ko.


"Gusto mo kumain ng chocolate? Doon sa ref kuha ka." Tumango ako at nagliwanag ang mata ko nang sabihin niya iyon dahil isa din iyon sa ginagawa ko pagkatapos kumain. Panghimagas kumbaga.


"Wow saan galing itong mga 'to?" Tanong ko sa kanyang nang mabuksan ko ang ref at nakitang medyo madaming laman na chocolates. Nang kukunin ko ang ang isang bar ng chocolate ay may pumulupot na kamay sa bewang ko.


"Sa tita ko na nasa ibang bansa." Sabi nito habang inaamoy pa ang leeg ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapulupot sa akin para tanggalin pero mas lang niya itong hinigpitan.


"Let's stay like this for a while." Tumango naman ako bilang sagot. Ramdam ko ang kanyang hininga na tumatama sa leeg ko. Gumagalaw siya na para bang sumasayaw kaya ganoon rin ang ginawa ko. I just followed his rhythm and motion as we swayed. We we're dancing around the kitchen in the refrigerator light.  My heart melts as it beats faster when we are dancing and this gesture made me love him deeper, damn.


Nang matapos ang munting sayawan namin ay saka naman tumila nang bahagya ang ulan. Tinext ko na si Kuya Naldo para magpasundo dahil gabi na rin. Habang naghihintay ay tumambay muna kami sa sala nila at kumain ng chocolates. Sakto naman ang pagdating ni Migz nang dumating din si Kuya Naldo. Nang-asar pa ito sa akin bago ako umalis kaya muntik na siyang batukan ni Gabriel.


"See you on monday?" Sabi nito sa akin at panakaw akong hinalikan sa sentido ko. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.


"Mag-iingat ka. Text mo ako kapag matutulog ka na." Pahabol nito sa akin bago ako sumakay sa sasakyan.


"I will.  Pumasok ka na sa bahay niyo medyo umaabon pa pala." Pag-aalala ko sa kanya bago pumasok nang tuluyan sa loob ng sasakyan.  Sinunod naman niya ang sinabi ko at pumasok na rin sa bahay nila.


Pagdating ko ay naligo agad ako at humiga sa aking kama. Hindi na rin ako sumabay sa kanila na maghapunan dahil nakakain na ako kila Gabriel. Binuksan ko ang gallery ko at nagtingin ng mga pictures na kinuha ko kanina sa album niya. Ang cute talaga niya noong bata pa siya! Napangiti ako habang tinitignan ang mga baby pictures niya at yung kasama ang Mama niya. Nang mapadaan ako sa litrato na kung saan kasama niya si Milly ay biglang may kung anong selos akong naramdaman na hindi ko naramdaman kanina.


Para walang panama ang pagkakakilala ko ngayon kay Gabriel kaysa kay Milly. Naiingit ako dahil mas matagal na ang kanilang pagsasama at pagkakaibigan kaysa sa akin. May kung anong kirot akong naramdaman sa litrato dahil mas lubos na kilala nila ang isa't isa lalo na si Gabriel. Sa ganoong pag-iisip ay biglang tumunog ang cellphone ko.


Si Gabriel iyon na tumatawag.


"Baby?" Sagot niya na ikinalambot ng puso ko at ikinawala nang naramdaman kong pagseselos kanina.


"H-hello. Sorry kakatapos ko lang maligo at nakalimutan kong magtext." Sabi sa kanya habang hawak ang pisngi ko na namula dahil sa pagtawag niya sa akin.


"Ayos lang. Nakahiga ka na?" He answered with his deep sexy voice.


"Yes, ikaw? Anong ginagawa mo?" Sagot ko habang hawak pa rin ang kabilang pisngi. Damn, masyado siguro akong halata na kiligin kapag kaharap ko siya.


"Nakahiga na rin." Bakit ang sarap sa tenga ng boses niya? Nagkwentuhan pa kami ng kaunti at saka nagpaalam sa isa't isa para matulog dahil nakaramdam na rin ako ng antok.


Nang magising ako ay medyo tanghali na, diretso agad ako sa banyo para maligo at makasabay sa kanila para kumain. Pagdating ko sa hapag ay kumpleto na silang doon at mukhang ako na lang ang inaantay. Binati ko sila saka umupo para magsimulang kumain.


"Did you heard the news, hon?" Tanong ni Mama kay Papa na busy kumain pero napalingon pa rin ito na kahit kami rin ni Kuya Blake.


"What is it?" Takang tanong ni Papa saka binababa ang hawak na baso.


"Fernando Mendez had cardiac arrest last night and he was dead on arrival." The shock on Papa's face is visible as Mama announced the said news. Lalo pa akong nalito dahil hindi ko nga kilala ang tinutukoy ni Mama.


"Well, may his soul rest in peace. Good thing we have settled our issue between us." Sagot ni Papa at nagpatuloy sa pagkain. Si Kuya Blake ay mukhang chill lang habang kumakain at nakikinig sa usapan. Sino si Fernando Mendez at anong issue?


"Who's Fernando?" Hindi ko napigilang itanong sa kanila. Nagkatinginan pa sila Mama at Papa bago ito sagutin.


"Just a business competitor." Maikling sagot ni Papa na ikinatango ko na kunwaring kumbensido.


Buong araw kaming magkatext ni Gabriel. Hindi naman ako busy pero siya ay busy daw dahil maraming mga dapat tapusin kaya hindi na muna siya inabala. Binuksan ko ang laptop ko para sana magbukas ng social media pero biglang pumasok sa isip ko ang pangalang Fernando Mendez kaya naman sinubukan kong isearch yon sa internet.


Madaming iba't ibang impormasyon lumabas sa pangalang iyon. The only one that caught my attention is the Fernando Mendez on a suit and tie surrounded by policemen. Kita sa picture na nakaposas ang kamay nito habang dala siya ng mga pulis. Out of curiousity, I clicked the link and found what I've been looking for.  Siya nga ang kunong business competitor ni Papa, ayon dito sa article ay nahuli daw ni Emmanuel De Dios na may iba pang business at iyon ay ang pamumuno sa pabebenta ng droga sa mercado. So ibig sabihin pinakulong ni Papa itong si Mendez? Akala ko be settled na ang 'issue' sa pagitan nila? Hindi ko maintindihan may iba akong kutob sa Fernando Mendez na iyan.

Hindi ko na tinuloy pa ginagawa ko dahil napansin kong hindi pa nagrereply si Gabriel sa huli kong text. Alam kong busy siya pero hindi ko magawang hindi mag-alala. Sinubukan ko tawagan ang number niya at saktong nagring naman iyon. Maya-maya pa ay sinagot na niya ito.


"Hello?" Rinig kong bati sa kabilang linya na boses ng babae.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro