10
Ganoon lagi ang ginagawa namin tuwing uwian na kung magsabay man ang oras nang labas namin. Magkasabay kaming maglalakad pauwi at hinahatid niya ako sa bahay. Tawanan at kwentuhan habang bahagyang magkahawak ang kamay. Napapangiti nalang ako tuwing naalala ko iyon. This is such a crazy feeling for me, ayaw kong masanay sa ganito pero lalo lang akong nahuhulog sa kanya.
"Nasa labas na ako." Napangiti ako nang mabasa ko ang text sa akin na galing kay Gabriel. Sabay pa rin kaming uuwi ngayon dahil iyon na ang nakasanayan namin. I find it really sweet tuwing naglalakad kami sa papalubog na araw.
Nang makalabas ako ay kita ko ang gwapong mukha niya na nakaabang sa tapat ng pinto. I smiled at him as he approached me. Sinubukan niyang agawin ang bag ko sa akin para siya ang magdadala pero lagi ko itong tinatanggihan dahil kaya ko namang buhatin, he just sighed in defeat. Nagpaalam muna ako kay Kat at Alora bago kami umalis. Mapang-asar namang sinundot ni Alora ang tagiliran ko bago kami iniwan.
"Kanina ka pa?" Sabi ko sa kanya habang nagsimula kaming maglakad papunta sa gate. He kinda looked stress and I don't know why. Maybe napagod sa inaaral niya?
"Hindi naman. Kamusta araw mo?" Tanong nito pabalik nang makarating kami sa gate. May tumamang sikat ng araw sa mukha niya na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Damn, sobrang gwapo.
"Ayos naman medyo madami lang ginagawa kasi malapit na ang finals." Pagkukwento ko sa kanya. Napantango naman ito sa sinabi ko. Mukhang may problema ang isang 'to.
"Are you okay? May problema ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanya nang makalayo kami sa school. Tumigil ito sa paglalakad at hinawakan ang kamay ko. Walang masyadong tao kaya komportable kami sa posisyon namin.
"Wala. Tambak lang rin kami sa gawain." He sighed and held my hands tightly. I smiled sweetly at him and continued walking.
It has been a month simula noong ganito ang ginagawa namin. Wala kaming relasyon pero ganito kami lagi. Umamin na kami sa isa't isa pero wala pa rin kaming relasyon. Siguro ito na yung pagkakataon para magkaroon kami ng mas malalim na ugnayan. Magkaroon ng karapatan sa isa't isa. Magkaroon ng pagmamahal sa isa't isa.
Lumingon ako sa kanya saka tumigil sa paglalakad. Medyo nakalayo na kami sa paaralan dahil mas dumami ang nakikita kong mga puno at wala masyadong kabahayan sa paligid.
I sighed nervously and smiled at him.
"Can you be my boyfriend?" I said firmly and closed my eyes as I made the first move. Nahihiya ako sa ginawa ko pero gusto ko rin. As I opened my eyes, I saw his shocked and slightly amused face.
"A-ano... Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan, Nico." Sabi niya na ikinakagat ko nang labi. Sobrang hiya na ako tignan ngayon sa totoo lang. I felt my legs trembled at what he said and the heat at my face is slightly burning.
"Pero, Oo. Gustong-gusto ko. " I smiled victoriously as if I won something. Ramdam ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko ngayon na mas lalong kumakawala nang hatakin niya ako papalit upang yakapin. Mas lalo akong napipi nang bumitaw siya at hinawakan ang parehas kong pisngi habang nakakatitig sa akin.
"Bakit mo ako inunahan hmm?" Sabi niya at ngumiti nang nakakaloko sa akin. Mas lalong gumagwapo kapag ngumingiti.
"I don't know, I just felt like doing it now. At saka ang bagal mo e." Sabi ko at bahagyang sinuntok ang kanyang braso na ikinatawa niya. I stared at his handsome face and how the orange-colored ray of sun hits his godly features. Ang swerte ko grabe!
"Sabagay." Sagot nito at tinitigan lalo ang mukha ko. His face came closer and closer as he gaze move down to my lips. Napalunok ako nang laway dahil doon, damn!
Mabilis niyang inangkin ang labi ko at hinalikan nang masuyo. I can feel his love and passion through his kiss. Unang halik namin bilang magkarelasyon at ang sarap sa pakiramdam. Sinubukan niyang palaliman ang halik kaya napakapit ako sa braso nito. Nang maubusan ng hangin ay saka lang niya ito pinakawalan.
"Mahal kita." Seryosong sabi nito habang nakatitig sa akin. I smiled sweetly at him and held his hands that is holding my cheeks.
"Mahal din kita." Sabi ko sa kanya na ikinaiwas niya nang tingin. Nahuli ko ang bahagyang pagpula bigla nang kanyang pisngi. What kinikilig siya? I chuckled at the thought. Kinuha ko ang kamay niya at pinagsalikop iyon saka nagsimulang maglakad ulit.
Parang gumaan ang loob ko sa pangyayari kanina. Ito ang una kong relasyon sa kahit kanino. I somehow felt relieved and I don't know why. Nang gabing iyon at hindi ako gaano nakatulog dahil sa kilig at saya na naramdaman ko. Mabuti nalang ay sabado kinabukasan kaya walang problema sa oras ng gising.
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko dahil sa tawag. Si Gabriel iyon. Napatingin ako sa oras ang pasado alas otso pa lang ng umaga. Humikab muna ako bago sagutin ang tawag niya.
"Good morning. Ligo tayo sa beach." Biglang nanlaki ang mata ko nang marinig ko iyon at napabangon sa higaan.
"Ngayon na?" Taranta kong sabi sa kanya na ikinatawa naman niya.
"Oo, papunta na ako sa bahay niyo." Sabi nito sa kabilang linya. Nagmadali akong bumangon at pumunta sa banyo.
"Okay sige, maayos lang. See you. Ingat." Mabilis ko sabi na ikinatawa naman niya lalo. Hindi naman halatang excited ako? Pero gustong-gusto ko na kasi maligo doon sa napakagandang beach na iyon. Hindi na ako naligo ngayon dahil nga maliligo kami sa beach?
I grabbed everything I need and put it inside a small duffel bag. Kay Kuya Blake ito patago ko lang hiniram dahil paborito niya ito eh. I did not forgot my film camera and slid it inside the bag. Nang matapos lahat ay saktong tumunog ang cellphone ko dahil sa text. Nandiyan na daw siya sa labas kaya naman napangiti ako bumaba na.
Walang tao ngayon dahil umalis silang lahat. Si Papa at Kuya Blake nasa rancho habang si Mama naman ay pumunta sa Manila dahil birthday daw ng matalik niyang kaibigan pero babalik din iyon bukas. Nagpaalam nalang ako kay Manang Sita at Alora kaya naman pinabaunan ako ni Manang Sita ng tatlong sandwich habang si Alora naman ay pinabaunan ako nang pang-aasar.
Paglabas ko ay nakita kong nakatayo ito sa sasakyan niyang ginamit din namin noon nang maglibot kami sa La Soledad. I smiled at him as I approached him. Gwapo ito sa suot niyang khaki shorts at itim na t-shirt na hapit sa kanya. How can this man be so handsome and hot at the same time? I am so lucky damn!
Mabuti nalang hindi kami nagkaparehas ng outfit at nagboard short ako na floral at puting button down shirt. Kinuha niya ang dala kong bag at ipinasok sa likod ng sasakyan niya. Saka naman ako umupo sa shotgun seat.
"Ano iyang hawak mo?" Tanong nito sa hawak kong brown bag nang makapasok sa kotse.
"Sandwich pinabaon ni Manang Sita." Sagot ko sa kanya at nilapag ang bag sa gilid ko. Tumango naman siya at sinimulang paandarin ang sasakyan.
"Biglaan naman yata ang pagligo natin." I asked as I looked at him driving. Pinasadahan ko nang tingin ang braso nito na nakahawak sa manibela. Suki ba siya sa gym?
"Medyo? Kagabi ko lang naisip. Ito na ang first date natin." Sabi niya at nginitian ako. Medyo nakaramdam ako nang gutom kaya binuksan ko ang isang sandwich at kumagat doon. Tumingin ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin.
Nilapit ko sa bibig niya ang sandwich na bahagya niya ikinagulat pero kumagat din doon. I smiled at my own gesture. Kinilig ako sa ginawa ko.
"Thanks." Sagot nito at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Nginitian ko siya at binalik ang tingin sa bintana. Panakaw ko siyang sinusulyapan habang busy siya sa daan. May kung anong pakiramdam akong biglang umusbong sa akin. I felt happiness, comfortable and secured at the moment. Parang ang sarap maramdaman ng ganito pa lagi.
Nang marating namin ang resort ay may mga tao na rin doon. Hindi katulad ng bumisita kami ay wala halos tao. Marahil sabado ngayon kaya may iilang gustong magswimming. Kumuha kami ng maliit na cottage dahil kaming dalawa lang naman at ang konting gamit namin. Sabi ko hati kami sa bayad sa cottage pero ayaw niyan tanggapin. Damn his man ego!
"Gusto mo na bang maligo?" Tanong niya nang mailapag na namin ang gamit sa loob ng cottage.
"Tara?" Sabi ko sa kanya at akmang hahablutin ang kamay niya pero pinigilan niya ako.
"Wait lang." Anito at akmang huhubarin ang suot niyang shorts. Ano gagawin niya!?
"Teka bakit ka maghu-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nahubad na niya iyon at nakita ko agad ang itim niyang briefs. Hindi nakaiwas sa akin ang bukol sa harap niya at binilisan ko ang pag-iwas ng tingin. Shit bakit ang laki naman nun?
"Hindi ako lalangoy ng ganito ang short ko. Pwede ka nang lumingon." Sabi nito na rinig ko pa ang mahina niya tawa. Nakangisi ito sa akin na kaya pinaningkitan ko ito ng mata. Napatikom nalang ito nang kanyang labi at lumapit sa akin saka inabot ang kamay ko upang hawakan. Takot ka naman pala.
Hindi nakaiwas sa akin ang mga mapanuring tingin ng mga tao nang maglakad kami papunta sa pampang. Halos umikot naman ang ulo ng mga babae na nadaanan namin dahil sa kagwapuhan nito ni Gabriel. Katulad lagi ay parang sanay na ito sa mga tingin ng tao sa kanya at mukhang wala naman siyang pakialam dito. I smiled mentally at the thought dahil alam kong hanggang tingin lang sila. Medyo doon kami pumwesto sa malayo sa mga tao nang bahagya.
Napanganga ako nang hinubad niya ang itim niya t-shirt sa harap ko at tinapon sa tabi. Nagtataka itong tumingin sa akin sabay natawa dahil siguro nakita niya ang reaksyon ko. Damn that godly body of your, Gabriel Antonio!
"Like what you see, baby?" Pang-aasar nito sa akin na ikinabalik ko sa ulirat. Oo naman!
"Pangit ng katawan mo." Sabi ko rito para asarin rin siya pabalik. Akala mo ikaw lang marunong ah.
"Ah ganon? Halik ka rito." Pagbabanta niya sabay hila sa akin papunta sa tubig. Hindi ko pa nahuhubad ang damit ko!
"Teka lang, Gabriel! Yung damit ko!" Sigaw ko sa kanya sabay tawa dahil hinihila pa rin niya ako. Nang makarating kami ay sinabuyan niya agad ako ng tubig. Buwiset ang pait!
Nagsabuyan lang kami ng tubig kahit sobrang basa na ang damit ko ay hindi ko na lang pinansin. Hindi namin pansin ang paligid na para bang kaming dalawa lang ang nandito.
Tumigil kami dahil sa pagod. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang baywang ko sa ilallim ng tubig. Nakaharap kami sa papalubog na araw na tanaw dito namin. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya na lalong nagpahigpit sa hawak niya. This feels so pure and real. I hope this won't end.
"I love you." He silently said and kissed the top of my head. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Halos marinig ko rin kung gaano kabilis ang sa kanya.
"I love you too." Sagot ko sa kanya at hinarap ko siya. I can feel his both hands now wrapped around my waist. I traced my fingers into his check and then laced my both hands to his nape. Tinitigan niya ako sa mata at bumaba sa labi ko. Ramdam ko ang init ng hininga niya nang papalapit na ang mukha niya sa akin.
Maya maya pa'y nagkadikit na ang labi namin sa isa't isa. He kissed me gently and passionately. I can feel his hot skin through my wet clothes. It was burning with such zeal, passion and anticipation. At the same time, I felt his throbbing member between my thighs. His kiss got more aggressive and I couldn't contain my moan as he bit my lower lip. We stopped at the time that we both gasped for air.
"Stop." Mariin niyang sabi na ikinatango ko. I looked flushed and shy as I looked at him. Sobrang pula na ang labi nito dahil sa halikan namin na kakatapos lang.
"Itigil na natin habang nakakaya ko pa." Sabi nito at nagbuntong hininga. Tama naman siya. isa pa hindi ko pa kaya gawin ang bagay na iyon. I can feel his intense stare na para bang gusto niya pa ulit akong halikan marahil pinipigilan lang niya ang kanyang sarili. Isa pa bago lang ang relasyon namin at sa palagay ko ay ayaw lang niyang isipin kong ganoon ang habol niya sa akin pero alam kong hindi siya kagaya niyon. I completely understand him and it makes me love him even more. There will be a right time for us with this kind of worldly things. There will always be a right time for everything.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro