Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

09


Pagdating ko sa school ay dumiretso agad ako sa classroom namin. Saktong dumating kaagad ang guro namin para sa unang klase at nagsimula na ang araw ko. Nang mag-uwian ay parang nakaramdam ako nang kulang ngayong araw. Bahagya akong nalungkot nang maalala ko na hindi ako tinext ni Gabriel simula kaninang umaga.

Bago ako lumabas nang classroom habang bitbit ko ang bag ko ay tinignan ko muna ang hawak kong cellphone. Kanina ko pa inaabangan ang text niya. Nadismaya ako na walang makitang mensahe kahit kanino. Ako na ang magtetext sa kanya.

To Gabriel:

Good Afternoon. Busy ka?

I sighed after I sent my message. I waited for a minute pero wala pa rin akong natanggap na reply.

"Nics!" Tawag sa akin ni Kat nang makasalubong ko siya sa hallway. Hindi kami sabay ngayon dahil may practice siya sa cheerdance. Madami siyang mga sinasalihan na extracurricular activities kumpara sa akin kaya mas maaga akong umuuwi sa kanya.

"Di pa kayo nag-start?" Tanong ko rito nang makalapit siya sa akin.

"Hindi pa. Wala pa si coach." Sabi niya na ikinatango ko lang. Pinagmasdan ako nito kaya napaiwas ako nang tingin. Observant kasi masyado yan si Kat kaya umiwas ako agad.

"May problema ba?" Tanong niya kaya napabalik ako nang tingin sa kanya. Sabi ko na eh mahahalata niya na may iniisip ako.

"W-wala naman. Pauwi na rin ako. Sige na bye goodluck sa practice." Agad ko sabi at dali-daling umalis sa harap niya. Nang makarating sa gate ay nabuntong hininga ako at tinignan ulit ang cellphone ko. Wala pa rin itong mensahe kaya nilagay ko nalang sa bulsa ko at naglakad.

I felt a pang of pain when I saw a familiar figure with a girl . He was hugging her while the girl was gently crying. It was Milly and Gabriel. My eyes suddenly blur as the tears formed in it. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Nagseselos dahil sa nangyayari. Hindi niya ako tinext simula kaninang umaga tapos makita kong may kayakap siya na iba. I felt betrayed and taken for granted in a way.

Minabuti kong umalis at lumayo sa kinaroonan nila. Naglalakad ako habang nag-uunahang tumulo ang mga luha ko. Hindi dapat ako nasasaktan nang ganito dahil unang una sa lahat hindi naman kami. Pero malinaw para sa akin ang nararamdaman ko kaya ganito ang reaksyon ko. I wiped my tears and sighed heavily. I will give him the benefit of the doubt. Susubukan kong pagkatiwalaan si Gabriel sa mga nakita ko at bibigyan ko siya nang pagkakataong magpaliwanag kung ano man iyon. I will learn to trust him because it is the foundation of a starting relationship even though we are not in it. I will trust. Even if I have some troubles and issues giving it to other.

Pagkarating ko sa bahay ay naligo agad ako at nagpalit ng damit. Ginawa ko ang lahat ng gagawin ko. Kumain at humiga ulit. Sinubukan kong pumikit pero hindi ko magawang makatulog at dalawin ng antok. Palagi ang imahe nang magkayakap na si Milly at Gab ang nakikita ko habang pinipilit kong pumikit. Nasa ganoong posisyon ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Inabot ko iyon at tinignan.

Gabriel:

Hi.

Sorry hindi kita natext ngayong araw. Masyadong madaming ginagawa sa major subjects namin.

Tulog ka na ba?

Sunod-sunod na mensahe ang natanggap ko. Hindi ko alam kung rereplyan ko siya. Binaba ko ang cellphone ko sa tabi ko pero kaagad na pinulot at nagtipa ng mensahe.

To Gabriel:

Ayos lang, Gab naiintindihan ko. Goodnight.

I sent him my half-lying message. Part of me understand him because he was busy with his studies but part of me doesn't get why he has the time to hug her. I sighed heavily for the last time before I closed my eyes and saw complete darkness.

Umaga pa lang ay madami na akong natanggap na mensahe kay Gabriel mayroong bago at kagabi pa na text. Bahagya akong napangiti dahil doon. Marupok ka talaga, Nico. I mentally said to myself.

Gabriel:

Good night. Sweet dreams.

Good morning.

Sabay tayong pumasok?

Hintayin kita sa gate.

Nang makarating sa gate ay nakita ko agad siya. His intimidating looks and heights made myself shiver. Gwapo siya lagi kapag suot ang uniform namin. Nahagip niya ang mata kong nakatitig sa kanya kaya ngumisi ito habang papalapit sa akin. Hindi ko magawang ngumiti dahil naalala ko pa rin yung kahapon. I just fake smiled at him which I think he noticed because of his questioning look.

"May problema ba?" Tanong niya nang makalapit sa kinaroroonan ko.

"Wala naman. Pasok na tayo." Pagsisinungaling ko at inaya itong pumasok. Nauna akong maglakad nang hindi siya nililingon. Hindi ko alam kung paano ko siya tatanungin sa nakita ko kahapon.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papalayo sa mga tao. Medyo sa gilid ng school ito kung saan wala masyadong tao. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko sa tagpo namin ngayon.

"Sabihin mo sa akin ang problema, Nico. Pasensya na kahapon dahil sobrang daming ginagawa talaga sa subjects namin kahit tanungin mo pa sila Cholo. Isa pa hindi ko ako nakapagcharge nung isang gabi dahil napuyat ako sa kakaaral." Paliwanag niya kaya akong nakahinga ng maluwag. I slightly smiled at his gesture.

"Naiintindihan ko naman, Gab. Wala naman talaga akong problema." Sabi ko sa kanya pero mukhang hindi ito kumbinsido sa akin. Kumunot ang noo niya nang umangat ako ng tingin.

"Alam kong meron. Ano 'yon? Please." Pag-susumamo nito kaya naman sasabihin ko na talaga. Pinikit ko muna ang mata ko bago magsalita upang kumuha ng lakas ng loob.

"K-kahapon nang uwian, nakita kita. Nakita ko kayo. Sa labas ng gate. Kayakap mo si Milly." May diin kong sabi habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. Nagulat ito sa sinabi ko at medyo namutla. Napakurap ito at lumapit sa akin.

"Wala iyon, Nico. Totoo ang nakita mo pe-" Pinutol ko ang sinabi niya ang akmang aalis pero hinawakan niya kaagad ang kamay ko at iniharap sa kanya.

"B-baby, wala iyon please. May pinagdadaanan kasi si Milly kaya niyakap ko siya." Yumuko ako sa sinabi niya, hinawakan niya ang baba ko inangat iyon paharap sa kanya.

"Hey, you don't have to worry. Isang taon na kasi simula nang mamatay ang Mama niya kaya ganoon. Hindi lang naman ako ang yumakap sa kanya. Andoon din sila Cholo at Korics kahapon kasama namin pero nung makita mo kami nauna na silang umuwi." Pagpapaliwanag niya sa akin. I felt a genuine relief at what he said. I smiled at him genuinely and he did too.

"Naniniwala ako sayo at naiintindihan ko." Sabi ko sa kanya habang hawak nito ang dalawa kong kamay. He smiled again and kissed my forehead. Napapikit ko nang maramdaman ko ang labi niya sa noo ko. Para akong nabunutan ng tinik sa nangyari. Tama lang ang ginawa kong pagbibigay nang tiwala kay Gabriel. Ang benefit of the doubt na binigay ko para maipalawanag niya ang rason niya. I will never regret giving him my trust from now on.

"Thank you, baby." Sabi nito habang tinitignan ako sa mata. Bahagyang ramdaman kong uminit ang pisngi ko sa kilig dahil sa tinawa niya sa akin. Damn. Baby? I swear to God, pinipigilan ko ang sarili kong ngumiti ngayon.

"Tara na, baka malate ka pa sa class mo." Sabi nito sa tunog ng paglalambing. Damn, I never knew he could be this sweet and amiable at the same time. Parang bata pa ang pagkasabi nito. Gabriel Antonio, are you serious?

"Let's go." Sabi ko at ngumiti habang hila niya ang kanang kamay ko. Hindi niya alintana ang mga mapanghusgang mata habang naglalakad kami papasok sa building ng Senior High. Rinig rin ang mga bulungan pero parang wala itong tenga dahil diretso lang siyang naglalakad habang hawak ang kamay ko nang mahigpit.

Pagkarating sa tapat ng room namin ay ngumiti siya at binigay ang panyo niya. Nagtaka ako dahil bakit niya binibigay ang panyo. Nang hindi ko ito tinanggap ay lumapit ito sa akin at pinunasan ang pawis ko sa noo. Damn, ang aga-aga pinagpapawisan ako? Paano ba naman ang init ng mga tingin ng kapwa ko estudyante sa amin. I smiled shyly at inagaw ang panyo sa kanya.

"Kita tayo mamaya." Ngumiti siya habang nakapamulsa. Kita kong paparating na ang iba kong kaklase at ang kapatid niya si Migz na kaklase ko. Nang makalapit ito sa tapat ng room sa tapat namin ay ngumisi ito ng nakakaloko sa akin sabay tingin sa Kuya niyang nakakunot ng bahagya ang noo.

"Aba! May paghatid pa ang loko!" Pang-aasar niya kay Gab na ngayon ay sinamaan ng tingin ang kapatid niya.

"Tangina mo!" Bulong niya sa kapatid niya kahit rinig ko naman iyon. Natawa ako sa kanila dahil sa mga bangayan nilang parang mga bata.

"Pumasok ka na, Gabriel. Start na ang class namin." Sabi ko nang may awtoridad na hindi ko napansin na yun ang labas sa tono. Tumango naman ito kaya tumalikod na siya sa amin at naglakad paalis. Maraming mata pa rin ang nakatingin sa kanya pero hindi niya pa rin ito pinagtutuunan ng pansin.

Sinundot ni Migz ang tagiliran ko kaya sinamaan ko siya nang tingin. Ang kulit talaga ng isang to! Tumalikod na ako pero sumabay pa ito sa pagpasok ko.

"Sana all hinahatid." Pang-aasar pa niya sa akin. Medyo natawa ako sa sinabi niya.

"Ewan ko sayo, Miguel!" Sabi ko sa kanya at dumiretso na sa upuan ko. Tawang-tawa naman ang loko. Nakakatawa ba yon?

Nang mag-simula ang klase ay wala nang ginawa si Migz kundi asarin ako. Tinabihan pa talaga niya ako sa upuan para lang mas inisin pa. Magkaiba talaga sila nang kanyang kapatid na tahimik at seryoso. 

"Hatid kita sa bebe mo, Nico?" Patuloy na pang-aasar sa akin ni Migz hanggang matapos ang klase. Buwiset na 'to ayaw ako tigilan! Ang baduy ng bebe ah!

"Tigilan mo na nga yan si Nico, Migz." Pang-aawat ni Kat sa amin habang palabas kami ng classroom.

I felt so light today and somehow relieved. Maybe because I heard his explanation which I kinda needed. And maybe because the people around and important to us, accepts us.

"Hi." Bati niya nang makalapit sa amin at binaling ang mapanuri niyang tingin sa katabi ko. Kasama ko si Miguel hanggang ngayon dahil tinotoo niya ang sinabi niya kanina na ihahatid niya ako sa kapatid niya. Naunang umuwi si Alora dahil sasamahan daw niya ang lola niya na magpacheck-up sa bayan. Sinabihan ko naman ito na hindi na ako magpapahatid kay Kuya Naldo dahil may kasabay akong umuwi.

"Alis na ako. Ayaw ko maging third wheel." Sabi ni Migz at inikot pa ng mata na ikinatawa ko. Umalis na siya at naiwan kaming dalawa dito sa labas ng gate.

"Wala ka nang klase?" Tanong ko sa kanya nang tumingin sa hawak niyang bag.

"Wala na. Uuwi ka na?" Sabi nito at tumabi sa akin. Heard my heart thumped a little at that gesture.  Akmang kukunin niya ang dala kong bag pero tinanggihan ko ito. Hindi ako babae para buhatin niya ng mga gamit ko dahil kaya ko naman iyon at hindi naman mabigat. He just sighed as a sign of his defeat.

"Hindi pa naman. Bakit?" I asked and looked at him. Damn! The way the little ray of the sun hits his godly features. 

"Sama ka sa akin." Sabi niya at hinarap ako. Nilahad niya ang kamay niya at agad ko namang tinanggap iyon. Naglakad kaming bahagyang magkahawak ang kamay. Nakatitig lang ako sa kamay namin habang hila niya ang kamay ko.

Nang pag-angat ko ng tingin ko ay natingin rin pala ito sa akin. Namula ako dahil nahuli niya akong nakatitig sa maghawak na kamay namin. Ngumiti lang ito at pinagsalikop pa lalo ang parehas naming mga kamay.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya na medyo bumagal ang paglalakad namin. Magkasabay na kami ngayong naglalakad at ganoon pa rin ang posisyon ng kamay namin. I felt so smell yet so comfortable beside him with our hands intertwined. And then again I blushed at the thought.

"Wala lang. Gusto ko lang maglakad kasama ka." He said while still looking our both hands. It seems that it is perfect for each other.  Nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa daan. Kakaunti lang ang mga taong dumaraan at mga sasakyang lumagpas sa amin. Sobrang kakaiba sa pakiramdam ang ganitong tagpo.

Kung paanong malapit na ang paglubog ng araw, ang pagdampi ng may kalamigang ihip ng hangin sa mga balat namin. Hindi alintana ang mga taong nadadaanan namin. I dreamt this kind of feeling with someone, comfortable and safe, happy and contented, loved and unbothered at what others might say. Nang tignan ko siya at nakangiti ito nang malambing sa akin kaya sinuklian ko iyon ng matamis na ngiti. Inangat niya ang kamay ko at hinalikan iyon ng masuyo. How can I not fall for you, Gabriel Antonio?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro