Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

07




Ilang linggo na ang nakalipas simula nung hinalikan ako ni Gab. Pero hanggang ngayon ay ramamdam ko pa rin ang labi niya. Hindi siya ang first kiss ko pero parang siya pa lamang ang humalik sa akin ng ganoon. Kakaiba ang pakiramdam, tuwing iniisip ko iyon ang bumibilis ang tibok ng puso ko. Mahal ko na ba siya? Am I falling for him already?



Hindi pwede! Masyadong mabilis!



Naglalakad ako ngayon palabas ng gate kabasay sina Alora at Kat. Friday ngayon at birthday ni Kat. Inimbitahan niya kaming pumunta mamaya sa bahay nila dahil may magpaparty daw siya doon.



Nakarating kami at medyo nakatulog ako sa kwarto. Alas sais daw ang party, mabuti nalang at hindi ako nahuling magising. I head straight to the bathroom and took a shower. I chose to wear a black lacoste polo and a khaki shorts paired with a low cut converse sneakers. I also wore my eyeglasses because I am too lazy to wear my contact lenses. Yes, my eyesight is poor. As I am done fixing  my hair, Alora called me so I grabbed my silver watch and followed her.



Sabi ni Kat, hindi naman daw formal ang party kaya ganito lang ang suot namin. Naka white shirt at pinatungan ng sleeveless floral dress si Alora. Natawa ako dahil muntik na din ako magsuot ng puti.



Pagkadating naamin sa bahay nila Kat ay medyo madami na ang tao at mga nakaparking na kotse sa labas. Malaki ang bahay nila, maganda ito at halatang modern ang design. Mayaman naman kasi sila dahil ang tatay lang naman niya ang mayor ng probinsya ng La Soledad.



Nang makapasok kami ay rinig ang malakas na tugtog at ingay ng mga tao. I know they are all from our school and her previous school dahil mukhang mayayaman ang iba dito.



"Daming tao beshy, sana all madaming friends. Char." Ani Alora habang iniikot ang paningin sa mga tao.



"Mga kaibigan ata ni Kat yan doon sa dati niyang school. Meron din namang taga-LSU dito." Sabi ko kay Alora habang hinahanap ng paningin ko si Kat.



"Ay beshy, yung regalo natin kay Kat nakalimutan ko sa kotse niyo." Nagtaka ako sa kanya, pinagsasabi nitong babaeng 'to? Inangat ko ang kamay ko at pinakita na bitbit ko ang regalo kanina pa. Nag-peace sign naman ang loka.



"Ayun si Kat." Turo ni Alora kung saan ang direksyon nang kinaroonan ni Katlyn.



Nagkasalubong ang tingin namin ni Kat kaya naman lumapit kami sa kanya. Ngumiti ito at lumapit din sa amin.



"Mabuti nakarating kayo." Ani Kat nang nakalapit ito sa amin.



"Happy Birthday!" Pagbati ko sa kanya sabay abot ng regalo. Ngumiti ako sa kanya nang magulat ito sa regalo. Sabi niya kasi kanina ay kahit huwag na daw kami magdala.



"Happy birthday,Katty Girl!" Si Alora naman ang bumati. Yinakap pa niya ito kaya naman tumawa si Kat.



"Thank you sa gift and pagpunta. Come on, kain na kayo sa loob. Pasensya na at madaming bisita sila Mommy." Pag-yaya nito sa amin.



"Ano ka ba, ayos lang yon." Sabi ko at sumunod kami sa kanya.



Pagkapasok namin ay wala masyadong kumakain sa loob dahil ang karamihan ay nagpaparty sa labas.



"Iwan ko muna kayo para makakain kayo." Sabi ni Kat at iginaya kami sa buffet.



"Sige, entertain mo muna yung mga bisita mo." Ani Alora kaya dumiretso na kami at kumuha ng  plato. Hindi naman kami gutom medyo lang. Lalo na si Alora.



Nagsimula kaming kumuha ng pagkain ni Alora, sa daming handa ni Kat ay di alam ni Alora kung ano ang uunahin niya. Nang makaupo kami ay agad nilantakan ni Alora ang kanyang pagkain. Akmang paupo na ako ay bigla naman akong naiihi kaya naman ay nagpaalam muna ako kay Alora na pupuntang CR. Konti lang ang tao sa loob kaya naman madali kong nahanap ang kubeta nila.



Pagkalabas ko ay natanaw ko agad si Gab at Milly na nakaupo sa island counter. Magkatabi silang dalawa at nagtatawanan. Nakakapit pa ang isang braso ni Milly sa kanya. Nakaramdam ako ng selos dahil sa nakita ko. What was the kiss for? Ano yon two-time niya kami? O baka naman open for experience lang yon? Or worst baka assuming lang ako at umaasa?



Ano ba! Kung anu-ano na naiisip ko, parang hinalikan lang naman!



Dire-diretso ang lakad ko habang iniiwas kong hindi nila ako makita. Kahit anong iwas ko ay nagtagpo pa rin ang tingin namin ni Gab.



Nagulat ito nang makita ako kaya naman umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makabalik ako sa table namin ni Alora ay paubos na yung kinakain niya. Medyo nawalan ako ng gana dahil sa nakita ko kanina. Maarte na kung maarte pero nakakawala talaga ng gana.



Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami doon sa medyo wild crowd. Maingay ang mga bisita ni Kat pero may parte na medyo tahimik dahil puro matatanda na sa tingin ko ay bisita naman ng magulang niya.



Hindi ako umiinom kaya naman si Alora lang ang sinamahan ko na mag-inom. Mukhang malakas uminom itong babaeng 'to e. Nang mapunta kami sa parang dancefloor ay sobrang ingay na. Grabe ang wild ng party ng mayayaman?



"Upo muna tayo, masakit na paa ko." Pag-rereklamo ko kay Alora na busy sumayaw. Hay naku. Lasing na ba itong babaeng 'to?



"Dance ka muna upuan, beshy. Dance pa ako here oh." Sabi nito habang nagfifist pump pa na sayaw kuno. Natawa naman ako sa itsura niya at napailing nalang.



Nakahanap ako ng upuan doon at naupo. Tumingin ako sa relo ko at maaga pa pala. Kaya naman pala ganoon ka wild ang mga tao rito.



Maya-maya ay may tumabi sa akin. Napatingin ako dito ay nakitang si Sven iyon. Ngumiti ito sa akin at inangat ang iniinom niya. Tumanggi ako dahil hindi ako umiinom.



"Ang wild ng kaibigan mo." Biglang sabi nito kaya napatingin ako sa kanya.



Natawa ako sa sinabi niya at tumango. Napatitig ako ng bahagya sa kanya. Gwapo din ang isang ito. Maputi at singkit ang mga mata. Ngumiti ito kaya naman napabalik ako ng tingin kay Alora na ngayon ay papalapit na sa kinaroroonan ko. Pasuray-suray na itong maglakad dahil sa kalasingan.



"Sana all nakabingwit ng lalaki kahit naka upo lang. Kanina pa ako nagpapacute doon habang sumasayaw wala manlang lumapit." Maarteng sabi nito at ngumiti ng nakakaloko sa akin. Lasing na nga ang loko!



"Lasing ka na. Mauna na kami, Sven." I smiled at him and waved my goodbye.



He stood up immediately and put his drink down the counter. He helped me carry Alora hanggang sa marating namin ang labas. Nakakahiya naman magpasama sa kanya dahil hindi naman kami close at isa pa hihintayin lang naman namin si Kuya Naldo.



"Thank you sa pagtulong ang bigat ni Alora." Sabi ko kay Sven habang hinihintay si Kuya Naldo na dumating.



"No worries, Nico. Masyadong wild lang talaga ang kaibigan mo." Aniya na ikinatawa ko.



Nasa ganoong paghihintay kami ay may lumabas sa gate na mukhang nagmamadali pa. Napatigil si Gabriel nang makita kami sa labas. Pansin kong tinignan niya nang matalim si Sven kaya naman ang isa ay biglang nagpaalam na babalik na siya doon sa loob.



"Wala pa si Kuya Naldo?" Sabi nito nang makaharap sa akin. Lumapit pa ito upang tulungan ako sa pagbitbit kay Alora na lupaypay ngayon. Kasi naman iinom di naman pala kaya!



"Obvious ba?" Nagsungit ako sa kanya na kahit ako ay nagulat sa inasal ko. Ewan ko nadala lang ako ng emosyon ko kanina sa nakita ko na kahit ngayon ay medyo mainit ang ulo ko.



Bahagya siyang natawa kahit hindi ko alam kung anong nakakatawa. Kaya naman napaiwas ang ng tingin at napapikit.



"Sungit." Bulong nito pero rinig ko pa rin. Hindi ko nalang pinansin at bumalik sa paghihintay kay Kuya Naldo. What took him so long?



"You can go back inside, We'll just wait for Kuya Naldo." Sabi ko sa kanya habang tinitignan si Alora. Walanghiyang babae 'to! Sino ba ang amo sa amin siya ba?  Lagot talaga sa akin 'to kapag nagkaulirat na siya bukas.



"Samahan na kita maghintay sa kanya. Bagay sayo ang salamin mo." He said and a bit of authoritive kaya naman napatahimik nalang ako. Hindi ko pinansin ang pagbanggit niya sa salamin ko. Bakit hindi nalang siya bumalik doon sa loob at makipagtawanan kay Milly?  That scene is getting into my nerves!


Mabuti nalang ay dumating si Kuya Naldo at nakahinga ako nang maluwag. Natagalan daw siya dahil may inutos pa si Papa sa kanya. Pinasok namin si Alora sa loob ng sasakyan, tulog na tulog ito ngayon. Akmang haharap na ako sa kanya para magpaalam ay nakita ko itong nakaupo na sa shotgun seat katabi si Kuya Naldo. Ibig sabihin sasama siya sa paghatid sa bahay?



"Hindi ka na babalik sa loob?" Tanong ko sa kanya nang makapasok sa sasakyan.



"Uuwi na rin ako pagkatapos kitang ihatid." Sabi nito habang nakatingin ng diretso sa daan.



I cursed at myself, hindi dapat ako kiligin sa mga ganitong galawan ni Gab. Pero kahit anong pigil ko ay kinilig pa rin ako at nawala ang naramdaman ko kanina na selos. 



"Ako na ang maghahatid kay Alora, Nico." Sabi ni Kuya Naldo nang makarating kami sa Casa De Dios, kaya naman bumaba na ako kaagad ng sasakyan. Ramdam ko ang pagsunod ni Gabriel sa likod ko kaya naman hinarap ko na siya.



"Hindi ka pa ba uuwi?" Sabi rito nang may diin habang hindi tinatanggal ang tingin sa mapupungay niyang mata.



"M-may ano kasi... Yung nakita mo kanina, it was nothing. Nagtatawan lang kami kasama namin yung iba pa naming kaibigan." He explained himself which I didn't asked for but I somehow felt relieved with what he said.  Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya tinignan ko lang siya.



"Sige, aaminin ko na. Gusto kita Nicolas. Nung nakita kita na dumadampot ng yellow pad nagustuhan na kita. Nung pinakilala ka sa akin ni Tito Manuel nagustuhan na kita. Nung sumakay ka sa kotse ni Papa nagustuhan na kita. Nung tinawanan mo ako dahil nahuli akong magpitas ng ubas nagustuhan na kita. Alam kong mabilis pero gusto talaga kita." Nagulat ako sa pag-amin nito sa akin. Mukhang hindi naman siya lasing at hindi ko alam kung saan niya nakuha ang tapang niya para sabihin iyon. He looked sincere and a little guilty while saying those words.  I felt my heart pounded faster than usual as he stared at me and waited for me to answer.


"You don't have to answer if-" He said but I cut him before he finished talking.




"I like you, Gabriel." I shortly said and bit my lips. He smiled contently and reached for my hands. I felt his warmth as he grabbed me. Hindi makatotohanan pero nakaramdam ako ng parang kung anong boltahe nang magdikit ang kamay namin.



"Talaga?" Tumango ako sa sinabi niya. Hinakbang niya ang pagitan namin. Nakatitig lang siya sa akin na bahagyang may ngiti sa labi. Hindi ko kayang ngumiti kung ganito ang inaakto niya dahil nahihiya ako at isa pa masyado pang mabilis ang mga pangyayari.



"Mabilis pero pwede naman naging dahan-dahanin. Baby steps." Sabi niya bago tumungo at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. He is right, masyadong mabilis kaya dadahan-dahanin dahil we need to take time to get to know more each other.  We need time to get to the big thing, falling in love. Dahil kung masyadong mabilis ganoon din kabilis mawala. That is why we need to take this slowly and surely.



I nodded and agreed to what he said. He kissed me on the forehead before he left the house. Nakahiga na ako ngayon sa kama habang nakatitig sa ceiling. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang lahat. We like each other. Damn! Kinikilig ako lalo nung maalala ko kanina kung paano siya umamin nang ihatid niya ako dito. Akalain mong may gusto sa akin ang gwapo, matikas at matalino na kilala ng lahat dito sa La Soledad? Reverse card din naman dahil hindi naman siya lugi sa akin. Charot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro