06
"Ano na?" Sambit ni Alora na nagpagising sa nakatulala kong diwa.
Simula nung nakumpirma kong may relasyon talaga si Milly at Gab ay naging ganito na ako. Narinig ko ang mga kaklase ni Gab kahapon na pinaguusapan ito at kahit saan ako mapadpad ay ito ang naririnig ko. Ang bilis talaga kumalat ng balita. Kaya hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Selos, inggit, at lungkot. Ito ang mga namumuong emosyon ko sa akin.
Kumakain kami ngayon dito sa mga booth, hindi namin kasama si Kath dahil may practice ito para sa dance contest na sinalihan niya. Napatingin ako kay Alora, kita kong may bahid ng pagtataka ang kanyang mukha. Tinaasan ko siya ng kilay kaya napatigil ito at nagpatuloy sa pagkain.
Buong hapon kong inalis sa isipan ko ang nararamdaman ko. I tried to divert my attention, so I joined some of the games in our strand. Medyo natuwa ako dahil doon kahit papaano. Buong araw din kami nagkaroon ng practice para sa aming field demo kaya noong makauwi ako ay sobrang pagod ko.
Kinabukasan ay maaga kaming pumasok para sa maghanda sa field demo. Ngayon kasi gaganapin ito at balita ko ay malaki ang prize ng mananalo. Nakasuot kami ng parang pang zumba na damit makukulay ito at purong neon. Our theme is fitness and wellness, kaya naman ganito ang itsura namin.
Nakaramdam ako ng uhaw, nagpaalam ako kay Kat na pupuntang canteen para bumili ng maiinom. Medyo nahihiya ako sa suot ko pero hindi ko nalang pinansin.
"Ate, isang tu-" naputol ang pagbili ko ng may sumingit sa harapan ko. Bastos!
"Isang c2 nga na pula, Ate." Ani ng lalaking sumingot sa pila. Walang hiyang to! Ako nauna! Siga ba siya dito kaya ganyan siya umasta!?
"Thanks!" Humarap ito sa akin at saka kumindat pa. Sinamaan ko siya ng tingin at nagpatuloy bumili.
"Isa pong bottled water." Sabi ko sa tindera. Ramdam kong nakatayo pa rin ang lalaki sa tabi ko. May kailangan ba siya?
Nang iabot ng tindera sa aking ang tubig ay dali-dali akong umalis. Naalala ko niya yung lalaking yon! Siya yung naglagay ng stamp sa leeg ko kahapon doon sa jail booth. Anong kailangan niya at bakit sinusundan ako nito? Jail booth ba ulet ako?
Maya-maya pa habang umiinom ako ng tubig ay may sumabay sa akin sa paglalakad. Pagtingin ko ay hindi na ako nagulat na siya ito. Tinignan ko siya ng may pagtataka.
"May kailangan ka ba?" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"U-uhm... Pasensya pala last time, yung sa jail booth." Medyo nahihiya nitong sabi at saka nagkamot ng ulo. Yun lang naman pala akala ko kung ano na.
"Ayos lang. Sige una na ako." Sabi ko dali-daling tumalikod. Bigla nalang nito hinila ang kamay ko. Nagtaka ako kaya napatigil na naman.
"I'm Sven. And you are?" Pagpapakilala nito at tinaas pa ang kilay. Feeling cool ka na? Siya yung babaero diba na sinabi nila Kat?
"Nico, sige na mauna na ako." Sabi ko rito nang may diin. Binitawan naman niya ang kamay ko.
"See you around, Nico." Anito tsaka kumindat pa. Akala niya siguro cute siya? Okay, sige, cute na siya. Lamang pa rin ng kagwapuhan si Gab para sa akin.
Nakabalik na ako at nagsisimula na ang program. Maraming mga estudyante ang nanunuod kaya naman medyo nakakakaba kahit papaano. Nagsimula na ang unang magpeperform hanggang sa kami na ang susunod. Nang matapos kaming ay madaming naghiyawan sa aming performance. At sa tingin ko ay may pag-asa kaming manalo.
Hingal na hingal kami kaya naman bumalik ako sa kinauupan namin kanina para kunin ang tubig ko. Habang umiinom ay nahagip ng tingin ko ang papalapit na si Gab. Nanlaki ang mata ko at halos mabulunan. Agad bumilis ang tibok ng puso ko nang palapit na siya. What the hell?
"You look cute in your outfit." Sabi nito nang makalapit siya sa kinaroroonan ko. I blushed at his compliment and looked away.
"Uhm... Thanks." Ito lang ang nasabi ko?
Ramdam ko ang titig nito sa akin at ang awkwardness sa tahimik naming presensya sa isa't isa. Nahihiya ako at naiinis na hindi ko alam ang dapat maramdaman.
"G-gusto mo bang kumain?" Pagbasag niya sa katahimikan.
"Hindi, ay-" Naputol ang sasabihin ko nang bigla akong hilain paalis.
"Nevermind, you need to eat. You look hungry and exhausted." He said firmly as he holds my wrist. I can feel a bolt of electricity rushing down. Ibig sabihin ba niyan may spark kami?
Dinala ako nito sa booth nila kahapon. Wala masyadong tao sa booth at tingin ko ay nanunuod ng program ang iba. Tinanguan lang nito ang kasama niya at parang alam na agad nito ang kanyang gagawin. One nod is their bro code at alam na ang gagawin ng isa't isa.
Paglapit ng kaibigan nito ay may dala siyang pagkain at inumin. Siya din yung nagbigay sa amin dati nung pinauna niya yung order namin.Nilapag niya ito sa harap ko at kinindatan pa ako kaya naman inambahan siya ni Gab ng suntok. Natawa naman ang isa at kahit ako ay hindi ko napigilan matawa sa pagkaisip bata ni Gab.
"Cholo nga pala Nico. Alagang alaga ni Boss Gab ah." Napaiwas ako ng tingin dahil ramdam ko na naman ang pagpula ng pisngi ko. Parang tanga naman to! Akala mo grade school talaga buwesit!
"Umalis ka na nga gago!" Pagtataboy ni Gab sa kaibigan niya. Nang-asar pa ang isa saka tuluyang umalis. Humarap siya sa akin at tumitig kaya naman nginitian ko siya.
"Eat." He said with authority.
"Ikaw? Kumain ka na ba?" Hindi ko napigilang itanong habang kinukuha ang utensils. Hindi pa ako kumakain ng lunch kaya naman gutom na rin ako.
"Yeah, kanina. Kain ka lang." Sabi niya habang nakatitig sa akin. Don't please! Stop staring!
Nagsimula akong kumain at nakayuko lang. Damn, why am I shy when he is around? He's presence is so dominating and the way stares at me makes me blush so much. Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi siya muling tinignan.
"Hey, look up." Sabi nito kaya dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Nakatingin pa rin ito sa akin, like I am his prey.
"Why do you keep looking down hmm?" He asked
"S-stop staring at me!" There I said it. It bothers me and at the same time kinikilig na rin.
I saw the side of his lips rose and formed a smirk.
"Fine! I just can't help staring at you." Sabi nito na lalong nagpapula sa pisngi ko. Shit!
"You did great there with your cute outfit." I saw him containing his smile.
"Thanks." I don't know what else to say and just continued to eat my lunch. Di ko alam ang sasabihin ko kainis! Magkekwento ba ako or mananahimik nalang at hintayin na siya ang magdala ng usapan? Ugh! I am not good at this. And I am shy.
"How's your day?" I asked him and chose to start a new conversation.
"Good. Nasa booth at nasa iyo lang naman ang atensyon ko ngayong araw." He said and still staring at me. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Wow ang feeling ko.
Gab, kung ice cream lang ako kanina pa ako tunaw kasi puro ka titig at hindi mo na ako kinain! Ano daw?
"Ang dami bumibili sa booth niyo. Well, masarap naman kasi talaga ang manok mo." Kahit ako ay nabigla sa nasabi ko, what the hell? Poor choice of word, Nico. Namula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan.
"I mean, yung lasa at mukhang dinadagsa din yung tindero." Pagdedepensa ko sa sarili. Isa rin iyang dahilan kung bakit madaming bumibili, dahil sa kanya. Gwapo naman kasi kaya mapapabili talaga sila.
"Masarap talaga ang lasa ng manok ko." He smirked at me then chuckled.
Di ko rin napigilan ang pagtawa. Ewan kung green-minded lang ba talaga ako or yun talaga ang tinutukoy niya? Bastos ka, Nico!
Nang matapos ako sa pagkain ay nagprisinta itong siya na ang magtatapon ng pinagkainan ko. I insisted but he didn't listened.
Palakad itong pabalik sa akin at may bitbit na kung ano. Pansin ko rin ang mga tingin ng nadaraanan nito. Kahit sino ay nagagawa niyang palingunin. Nang makalapit ito ay nakita ko ang dala nitong takoyaki at bottled water.
Nilapag niya ito sa harap ko. Kunot ang noo ko siyang tinignan. Papakain niya pa sa akin ito?
"Eat your snack." He said again with authority. Gusto ata ako nito patabain! But I love takoyaki!
Tumusok ako ng isa at sinubo agad ito. Ang sarap! Saan niya naman to nakuha? Parang wala akong napansin na nagbebenta ng takoyaki dito kahapon.
"Ang sarap. Favorite ko 'to." Sabi ko sa kanya. Tumango siya at tumusok rin ng takoyaki. Share huh? Namula ang pisngi ko dahil ginamit niya ang stick ko.
Indirect kiss!
Napanguso ako sa ideyang iyon. Pinipigilan kong ngumiti kaya naman umiwas nalang ako ng tingin. Wala masyadong tao dahil nga nanunuod sila ng program. Buti nalang dahil mukhang akong bata dito na nagpipigil ng kilig.
"I know. Ubusin mo na yan." He said and as he opens the water bottle. Ganito ba siya mag-aalaga? Gusto ko masanay!
Inubos ko ang dalawang takoyaki at uminum ng tubig. Food trip ata kami today?
Maya-maya pa ay inabot niya ang tubig at tumungga din doon. Namula na naman ang pisngi ko dahil pangalawang beses na iyon. He really likes to share? With me? Or feeling lang ako?
Wiped away the thought, I heard the host of the program is already announcing the winner. Nanlaki ang mata ko at dali-dali kong hinila si Gab papunta doon.
Pagkadating namin doon ay ramdam ko ang tinginan ng mga tao at mga kaklase. I saw that I was holding his wrist as he is intently stares at me.
Nagpahila lang siya sa akin at sumabay. Nahiya ako kaya binitawan ko ang kanyang palapulsuhan.
"And for the winner of this year's field demonstration is STEM!" Pag-aanunsyo ng host. Napatalon ako ng bahagya sa tuwa at nginitian ang mga kaklase ko.
Biglang may kamay na lumingkis sa bewang ko, alam kong si Gab iyon kaya hindi ko nalang pinansin at patuloy na binabati ang aking mga kaklase. Ramdam kong nakasunod lang ito sa akin at hindi inaalis ang kamay sa aking bewang.
Nang makita ko si Alora at Kat ay agad akong lumapit sa kanila. Nanlaki ang mata ng dalawa at may mapang-asar na tingin. Sa puntong iyon ay nakaramdam ako ng parehong hiya at kilig.
"Congrats, Beshy!" Pag-bati ni Alora na may nakakalokong tingin sa akin pati sa kasama ko.
"Salamat. Sa inyo din, Congrats." Sabi ko
"Galing natin kanina e." Sabi ni Kat na alam kong pinipigilan ang kanyang kilig
I looked back at him and found him seriously waiting for me.
"W-wala ka bang gagawin, Gab?" I asked him, kasi baka bored na siya.
"Wala naman." He said firmly. Not a busy man today huh?
Tumango ako at humarap ulit sa mga kaibigan ko. Oh di na siguro kailangan ipakilala?
"By the way, may practice pa kasi si Kat for the contest and mauuna na akong umuwi kasi may gagawin kami ni Lola." Sabi ni Alora na halatang nagsisinungaling. Siniko niya si Kat at ang isa naman ay ngumiti.
"Mauna na kami, Nics." Pagpapaalam ni Kat. Umalis silang dalawa at kami nalang ulit naiwan ni Gab.
Rinig ko rin ang mga bulungan ng mga tao sa paligid at hindi ko sigurado kung patukoy ba iyon sa amin or akala ko lang?
"Uuwi ka na?" Tanong ni Gab
"Siguro, wala na rin naman akong gagawin." Humarap ako sa kanya at tumango lang siya, pansin kong hindi niya pa rin tinatanggal ang kamay niya sa bewang ko.
"Hatid na kita sa labas." Iginaya ako nito paalis. Naalala ko yung bag ko pala ay naiwan ko.
"Yung bag ko pala nasa classroom." Tumango siya at dumiretso naman kami sa classroom.
Pagkadating namin doon ay walang tao at kakaunting bag na lamang ang naiwan. Kinuha ko ang bag ko at inayos ito.
Saktong pagharap ko ay nabunggo ako sa dibdib nito. Amoy ko ang panlalaki nitong pabango at natural na amoy. Humarap ako sa kanya.
"Sorry."
Hindi siya sumagot nakakatitig lang ito ng malumanay sa akin. I can feel the fire in his stare. He looks like a predator ready to devour his prey at anytime. The intensity of his eyes that screams desire is visible. Napalunok ako ng wala sa oras sa titigan namin.
Hinakbang niya ang natitirang espasyo sa pagitan namin at naglapat ang mga labi namin. Ramdam ko ang init ng labi niya sa labi ko. I didn't know what to do at first because I was shock at his move. Nanlambot ang tuhod ko kaya napatugon ako sa kanyang halik at ibinuka ang bibig. Napahawak ako sa braso niya habang inangat naman niya ang isang kamay niya palapit sa pisngi ko upang ipagdiin ang labi ko.
He started kissing me passionately and sweetly. His lips felt soft and hot just as he is. Then he stopped and stared at me with so much intensity. I saw a hint of desire in his eyes wanting to kiss me again.
"Let's go." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko saka hinatak palabas.
He kissed me and we kissed! Para akong tangang nagpahila nalang sa kanya habang lumilipad pa rin ang isip ko sa nangyari kanina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro