Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

03





Sabado ngayon at wala akong magawa. Abala ang mga tao dito sa bahay dahil kaarawan ngayon ni Papa. Mamayang gabi ay magkakaroon ng maliit na party dito at maraming pupunta na bisita. Ang ginawa ko nalang ay manuod ng palabas sa sala dahil wala naman akong ibang pagkakaabalahan kasi natapos ko na ang mga kailangan gawin na mga assignments.


Hapon nang maisipan kong sumama kila Papa at Kuya Blake sa rancho. Mag-iimbita daw sila ng mga bisita para mamaya sa party niya. Suot ko ang Adidas ko na plain white shirt at khaki short na pinerasan ng Birkenstock sandal. Nagdala rin ako ng cap dahil mainit sa labas.


Nang makarating kami sa rancho ay binati agad ng mga tauhan si Papa. Inilibot ko ang tingin ko sa rancho at masasabi kong maayos na ang pamamalakad ni Kuya Blake. The view in this area is refreshing, I can easily see the beauty of nature and the mountain ranges in my spot. I can also see the herd of cows near a barn in my position.


"Salamat pare, punta kayo mamaya sa bahay may salu-salo doon at isama mo sila Gab at Migz." Ani Papa at dahil doon ay napabaling ang tingin ko sa kanila.


"Makakarating kami." Sabi Tito Alijandro kay Papa.


Nag-uusap sila ng kung ano-ano tungkol sa rancho at wala naman akong alam doon kaya naman nagpasya akong maglibot muna. Lumapit ako doon sa grupo ng mga baka, nakita ko ang lalaki na nagpapagatas ng baka gamit ang isang makina para mas mapadali itong lumabas. Lumapit ako rito dahil natuwa ako sa kanyang ginagawa.


"Gusto mo tikman yung gatas? Fresh ito." Biglang sabi noong lalaki. Napatingin ako sa kanya at medyo pamilyar sa akin ang mukha niya. Parang nakita ko na siya dati?


"Uh... Pwede na ba iyan tikman?" Ani ko na may pagkalito at gulat.


"Oo naman. Masarap ito at masustansya dahil bagong piga. Eto oh. " Sabi nung lalaki saka inaabot ang maliit na tasa sabay ngumiti.


"S-sige." Sabi ko at sinubukang inumin ang gatas. Napangiwi ako sa lasa. Medyo matabang na matamis ito at hindi ko maintindihan ang lasa.


"Ano masarap diba yung gatas ko este nung baka?" Anito nang nakakaloko at humagikgik pa.


"Uh... Sakto lang medyo matabang lang ng kaunti." Komento ko sa kanya at hindi nalang pinansin ang sinabi niya.


"Ikaw yung kapatid ni Blake diba?" Aniya kaya tumango ako.


"Matteo nga pala. Ikaw?" Pagpapakilala ni Matteo at naglahad pa ng kamay. Medyo natatawa ito. Anong nakakatawa?


"Nico." Tipid kong sagot dito bago tinanggap yung kamay niya. Ngumiti siya na medyo kinailang ko. Palangiti siya no?


"Mauna na ako babalik na yata kami sa bahay." Pagpapaalam ko kay Matteo nang bitawan niya ang kamay ko.


"Sige. See you nalang doon." Ani Matteo at ngumisi pa ito. Hindi na ako magugulat kung makikita ko siya doon mamaya sa bahay.


Malapit ng dumilim nang makarating kami sa bahay. Halos handa ang lahat ng mga kakailanganin lalo yung pagkain. Sinalubong kami ni Mama na nakabihis na ng pangparty, suot nito ang isang floral sunday dress.


"Magbihis na kayo doon at maya-maya ay darating na yung mga bisita." Ani Mama.


Umakyat na ako sa taas upang mag-ayos ng sarili. Humiga muna ako saglit bago namili ng susuotin. Napili ko ang isang white button down polo shirt at khaki pants. Oo na, mahilig ako sa mga plain shirts. Sa hagdan ay rinig ko na ang ingay doon sa sala at saan pa. Pansin kong medyo madami ng bisita na dumating.


"Aba, ang pogi besh." Salubong sa akin ni Alora na may bitbit na bote ng wine.


"Sus, binola mo pa ako." Ani ko rito kaya naman natawa siya.


"Sa totoo naman e. Tsaka besh, andyan na sila Gab at yung crush kong si Migz." Sabi ni Alora sa maarteng paraan.


"Ha? Ano naman kung andyan na sila? Tsaka akala ko ba si Gab ang crush mo?" Tanong ko sa kanya.


"Baka gusto mo lang malaman. Tsaka si Migz talaga crush ko, gwapo lang talaga si Gab. Kung mapilit ka edi parehas nalang sila." Ani Alora na ikinatawa naming parehas.


"Ewan ko sayo. Punta na ako doon." Nagpaalam ako kay Alora at tinalikuran na ito.


Pagkarating ko sa sala ay narooon ang ang mga ibang bisita ni Papa. Hindi pamilyar ang mga mukha nila sa akin.


"Anak, halika ka dito." Tawag ni Mama sa akin kaya lumapit ako sa kinaroonan niya at kitang kong may kausap ito.


"Eto na yung bunso ko si Nico. Magmano ka sa kanila." Pagpapakilala ni Mama sa akin sa kausap niya kaya nagmano ako sa kanilang dalawa.


"Good evening po."Pagbati ko sa dalawa pagkatapos magmano.


"Naku, ang gwapo mo na Nico ah. Dati ay maliit ka pa noong huli kitang makita." Anito sa akin kaya naman nginitian ko ito.


"Sila Ninang Lorna at Ninong Paul mo iyan." ani Mama. Naalala ko noong dito ako nagbabakasyon ay nakalaro ko yung anak nila.


"Kamusta po si JM?" Tanong ko.


"Naku, bata pa kayo noong magkalaro kayo. Maayos naman siya kailangan niyo magcatch up. Naroon siya nagbanyo lamang." Ani Ninang Lorna.


Biglang may dumating sa tabi namin at si Matteo iyon. Yung lalaki kanina na nagpapagatas sa baka. Ikinagulat ko ito. Hindi ko akalain siya iyon kaya pala pamilyar sa akin ang mukha niya marahil hindi ko lang gaano maalala.


"Ito na pala si JM e. Naalala mo pa si Nico diba anak ni Ninang Linda mo?"
Sabi ni Ninang Lorna. Tumango naman si Matteo.


Naiwan kami ni Matteo at nagusap tungkol sa kabataan namin. Nasa ganoong paguusap kami ay nahagip ng mata ko si Gab. Nakatingin ito sa gawi namin biglang nagdilim ang paningin niya nang magtama ang mata namin.


Ang gwapo niya sa suot niya grabe.


"Ikaw pa nga dati ang... Nakikinig ka ba Nico?" Napabalik ako sa ulirat kakatitig kay Gab. Tumango naman ako sa sinabi ni Matteo.


Maya-maya pa ay may nakatayo na sa harap namin. Si Gab iyon. Grabe muntik na lumuwa yung mata ko sa kagwapuhan niya. Bagay sa kanya ang itim niyang polo at maong pants.


"Pareng Gab, kamusta na? Halika upo ka. Teka at kukuha lang ako ng inumin." Pag-aaya ni Matteo rito saka tumayo upang kumuha ng maiinom.


"Good eve." Bati ko nang makaupo ito sa tabi ko. Tumango lamang ito sa akin.


"Ang dami niyong bisita." Sabi niya habang nililibot ang mata sa bahay.


"Uh... Oo nga e. Kasama mo ba si Migz? Kumain ka na ba?" Sabi ko rito nang lingunin ko ito.


"Oo nakakain na kami." Tipid niyang sagot at bumaling sa akin. Di ako gaanong makatingin ng diretso dahil pakiramdam ko napapaso ako sa mga tingin niya.


"Nakapaglibot ka na ba sa La Soledad?" Pagbasag nito sa namuong katahimikan kanina.


"Uhh... Hindi pa." Ani ko at nilingon siya nang tuluyan.


"Puwede ka ba bukas? Sasamahan kita maglibot." Sabi ni Gab na ikinagulat ko. Nakaramdam ako bahagya nang kung ano sa tiyan ko dahil sa sinabi niyang iyon.


"O-oo, linggo naman bukas." Sabi ko rito sabay tango pa. Tinginan ko ito at bigla naman siyang umiwas ng tingin. Bakit ba laging umiiwas ito kapag nagkakatitigan kami?


"Sige, susunduin kita rito bukas pagkatapos ng tanghalian." Sabi Gab at bigla dumating si Matteo sa tapat namin dala ang inumin. Inabot niya ang isa kay Gab at sa akin ngunit tinangihan ko iyon dahil di pa ako kumakain.


"Kamusta na pare? Kayo na ba ni Milly?" Panimula Matteo kay Gab. Napalingon naman ako sa dalawa. Yung Milly ba na may gusto kay Gab or teka diba girlfriend niya iyon? Bahagyang kumirot naman ang dibdib sa naisip.


"Ayos naman. Magkaibigan kami ni Milly." Sabi ni Gab at marahang napatingin sa akin. Natawa naman si Matteo sa sinabi ni Gab.


Nag-uusap lang ang dalawa kaya naman nagpaalam muna akong kukuha makakain. Habang namimili ng kakainin ay napaisip ako kung sino ba talaga si Milly. Ayon sa sabi nila Kat, girlfriend daw niya ito. Sabi naman nung iba ay magkaibigan lang sila. Kinumpirma naman kanina ni Gab na magkaibigan lang sila nung Milly pero di pa rin ako mapakali.


Nasa ganoong pagkuha ko ng pagkain ay may tumabi sa akin. Si Migz, gwapo din ito sa suot niyang gray na tshirt at hapit sa katawan nito. Ngumiti ito sa akin.


"Migz, kain tayo ulit." Pag-aaya ko sa kanya at saka binigyan ng plato pero binalik lang niya iyon.


"Tapos na kami kumain ni Kuya, Nico. Ngayon ka palang kakain?" Tanong nito sa akin.


"Obvious ba?" Sabat ko pabalik na ikinatawa naman niya.


"Kita ko nag-uusap kayo ni Kuya Gab kanina ah. Close kayo?" Pagbibiro nito sa akin kaya naman nilingon ko ito at tinignan ng masama.


"Ano bang paki mo? Masama ba siyang kausapin?" Pagtataray ko sa kanya. Di ko alam pero mas magaan ako pagkausap ko si Migz kaysa sa kapatid niya.


"Sungit naman nito. Halata naman na crush mo si Kuya." Sabi Migz na ikinagulat ko. Masyado ba akong halata? Napakaobservant naman nito at nahalata niya talaga iyon? Siguro iyon nga ang dahilan bakit mas komportable ako na kausap siya kaysa kay Gab dahil crush ko ang kuya niya.


"P-paano mo naman nasabi?" Tanong ko rito habang minamata ang kukunin kong pagkain.


"Sus, ako pa." Sabi nito sa akin saka kumindat pa.


"Wag kang maingay ha, wag mo sabihin sa kanya please." Pagmamakaawa ko rito na ikinatawa niya pa. Aba tinawanan pa ako?


"Oo na." Sabi niya pero tumawa ito nang mapang-asar.


"T-teka pwede ko ba tanungin kung sino yung si Milly?" Nautal pa ako nang itanong yan dahil masyado na akong usisero tungkol kay Gab.


"Kaibigan ni Kuya. Pagkakaalaman ko may gusto yun sa kanya e kaya lang ewan ko ba kay Kuya bakit di pa niligawan alam ko ganun mga type niya sa babae e." Ani Migz. Pagkarinig ko nung sinabi niya ay bumagsak ang balikat ko. May kung anong tumusok sa dibdib ko sa mga narinig ko. Sabagay straight naman kasi si Gab.


"Binibiro lang kita, Nico." sabi ni Migz at napahawak na sa tiyan sa sobrang tawa. Kaya naman hinampas ko ang braso niya. Buwiset na 'to! Pero siguro nga totoo naman 'yon.


Saktong dumating si Gab sa tabi namin. Mapungay ang mata nitong nakatingin sa amin. Tinawag niya ang kapatid niya. Kaya sabay silang umalis sa harap ko at tumalikod.


Nang matapos akong kumain ay nakita kong nagpaalam na sila Matteo kila Mama. Kumaway pa ito sa akin nang makita ako at nginitian ko naman ito. Gabi na rin kaya unti-unti nang nag-aalisan ang mga bisita.


"Mauna na kami. Susunduin nalang kita dito bukas." Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko. Si Gab iyon. Aatakihin ako sa pagsulpot-sulpot nito e!


"Sige, mag-iingat kayo." sabi ko. Tumango lang ito at naglakad palabas ng bahay.


Nang mag gabi na ay hindi ako gaano nakatulog. Siguro ay masyado napadami ang kain ko kanina o kaya naman ay... excited ako para bukas?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro