Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

01




Nanlaki ang mata ko nang magtama ang aming paningin. Dali akong umiwas at dinampot na ang yellow pad. Bumalik ako sa pwesto ni Alora na namimili din ng kanyang gamit.


Sino kaya yun? Bakit naman siya nakangisi? Siguro ay nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Sira ka kasi Nicolas grabe ka kung makatitig.


Sinubukan kong lingunin ulit kung saan nakapwesto yung lalaki pero wala na siya doon. Disappointed akong humarap ulit kay Alora at nagpatuloy na lamang sa pamimili.


Makikita ko kaya siya ulit? Iba siya sa mga lalaki doon sa dati kong school. Madami naman gwapo doon pero iba yung dating niya sa akin. Tinigilan ko na ang pag-isip ng kung ano-ano.


Sobrang pagod namin pagdating sa bahay kaya naman dumiretso agad ako sa kwarto para magpahinga.


Hindi ko namalayang nakatulog na ako at paggising ko ay madilim na. Naghilamos ako ng mukha at saka bumaba na.


Habang pababa ako medyo maingay doon sa sala kaya naman doon ako dumiretso. Nakita kong may lalaking nakatayo patalikod sa akin habang kausap sina Papa at Kuya Blake.


"Pakisabi na lamang kay Alijandro ay salamat sa paghahatid ng mga delivery naabala pa tuloy siya." Ani Papa at biglang napatingin sa kinaroroonan ko.


"Gising ka na pala, Nico." Sabi ni Papa nang mapansin ako.


Napatingin naman sa akin si Kuya Blake gayon din ang lalaking nakatalikod kanina sa akin. Naestatwa ako at napagtantong siya yung kanina na lalaki sa pamilihan. Medyo nanlaki ang mata ko dahil sa nakita pero agad din iyon nabawi.


"G-Good evening." Bati ko at medyo hindi gumalaw dahil sa gulat. Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. Naalala ko ang nangyari kanina habang namimili kami kung saan ko siya nakita.


"Come here, he is Gab anak ni Alijandro na isa sa tumutulong kay Kuya mo dito sa rancho." Bahagya akong lumapit sa kanila.


Napatingin ako sa lalaki na at nakita kong nakatitig ito sa akin. Umiwas ako ng tingin at saka bumaling kay Papa. Pilit akong ngumiti, it is because I am really bothered by his presence. What the hell , Nico!?


"Naku, Gab, sa La Soledad din mag-aaral yan si Nico baka magkita kayo doon." Biglang singit ni Kuya Blake na may ngiting nakakaloko. Anong pinaparating nitong kumag na ito?


"Mabuti naman kung ganoon. Mauna na po ako, Tito." Sabi ni Gab at nadaanan pa ako ng tingin.


"Sige na hijo, mag-iingat ka." Sabi ni Papa saka tumayo na rin kaya naman sumunod si Kuya Blake sa kanya.


Nakahinga ako ng maluwag nang lumabas na siya sa bahay. Tingin ko aatakihin nalang ako noong tumingin siya sa akin. Iba sa mga lalaki na taga Maynila, sobrang gwapo niya sa kanyang mapupungay na mata. Definitely my type!


Lumipas ang linggo at araw na ng pasukan at medyo kinakabahan ako dahil wala akong kakilala doon sa La Soledad bukod kay Alora. Subalit nalaman kong iba ang kanyang strand bilang Grade 12 kaya hindi rin kami magiging magkaklase. Kasabay ko si Alora gumayak papuntang school at halata sa kanyang excited na ito pumasok salungat sa aking nararamdaman na kinakabahan.


Nang makarating kami ay agad kaming bumbaba sa sasakyan. Pinagtinginan kami ng mga tao kaya mas lalo akong kinabahan.


Habang naglalakad kami papunta sa building ay medyo nakayuko ako dahil nahihiya sa kanilang mga tingin. Rinig ko rin ang kanilang mga bulungan, siguro ay bago ang mukha na kanilang nakikita.


STEM 4 ang aking section kaya hinatid ako ni Alora sa aming classroom. Pansin kong maraming kaibigan si Alora. Iba rin itong babaeng 'to friendly talaga. Well, friendly rin naman ako pero kasi I have trust issues. Ewan, siguro hindi lang ako sanay na magkaroon ng maraming kaibigan. I believe in quality over quantity kaya siguro pili lang ang kaibigan ko.


"Ayan ah hinatid na kita, besh. Pumasok ka na at aalis na me. Kita nalang tayo mamayang break. Pupuntahan kita here mamaya nasa taas lang yung classroom ng ABM." Sabi ni Alora habang hinihintay akong pumasok. Nag-aalangan pa ako dahil medyo madami na ang tao sa loob.


"Nahihiya talaga ako, Alora." Sabi ko sa kanya at kumapit pa sa braso nito. Natawa naman ito at marahan akong tinulak papasok.


"Ano ka ba, besh. Hayaan mo sila noh. Baka sila pa ang mahiya sayo. Sige na pasok na." Ani Alora.


"Sige na." Tumango ako at tuluyan nang pumasok.


Grabe ang kaba ko habang papasok sa loob. Iniikot ko ang mata ko at naghanap ng bakanteng upuan at doon sa likod banda ay mayroon. Dumiretso ako doon at umupo. Wala pa ako masyadong katabi sa hilera ko. Maya-maya pa ay may umupo na doon sa tabi ko na babae. Hindi ko nalang pinansin at kinuha ko ang cellphone ko so that I can distract myself. Ramdam kong pinaguusapan nila ako kaya binalewala ko na lamang iyon.


Nang mapuno ang mga upuan at siya namang pagpasok ng aming teacher. Nagkaroon pa ng introduce yourself portion kahit medyo ilang ako ay ginawa ko pa rin.


Natapos ang unang klase kay Ms. Alvarez na guro namin sa Chemistry at siya rin ang aming adviser.


"Hi Nico, Kat nga pala. Bago ka dito?" Tanong niya sa akin habang nagliligpit ako ng gamit para makahanda na sa break.


"Uhh.. Oo e." Tipid kong sagot dito at pilit na ngumiti.


"Tara sabay tayo?" Pag-aaya nito sa akin kaya tumango lamang ako.


Palabas na kami ng room at nakatayo doon si Alora. Nakataas ang kilay nito. At biglang ngumiti sa kasama ko.


"Sis! Kamusta? Nico nga pala. Sino inaantay mo dito? Tara sabay ka samin." Sabi ni Kat kay Alora.


"Ayos lang beh. Buti naman kinaibigan mo itong si Nico." Ani Alora.


Naglakad kami papunta sa canteen ng school. Sobrang daming tao na pababa ng hagdan.


"Ay magkakilala kayo?" Tanong ni Kat na medyo nabigla.


"Yes beh, anak siya ng amo namin ni Lola doon sa rancho." Sabi Alora na ikinatango naman ni Kat.


Nakarating kami sa canteen at medyo madaming bumibili dito. Umupo kami sa bench at doon nagkwentuhan. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko kay Kat dahil kaibigan ito ni Alora.


Inikot ko ang mata ko at nahagip nang tingin ko si Gab na naglalakad. Shit! Ang gwapo niya. Pansin ko ang mga tingin sa kanya ng mga tao habang palakad ito. May kasama siyang mga kaibigan at tingin ko ay papunta din sila sa canteen.


"Grabe ang pogi talaga ni Gabriel." Ani Alora sa maarteng boses at natawa naman si Kat sa kaartehan nito. Hindi ko itatanggi na gwapo talaga siya.


"Diba first year college na iyan? At sabi Engineering daw ang kinuhang kurso." Si Kat kaya napabaling ako ng tingin sa kanya. Marahil interesado sa pinaguusapan.


"At balita ko ayun din ang kursong kinuha ni Milly." Ani Alora sabay irap pa. Sino si Milly?


"Malamang ay may gusto iyon kay Gab at chika nila ay girlfriend daw niya iyon e. Ewan ko lang ah narinig ko lang." Pagkukwento ni Kat. Medyo nagulat ako doon kung sabagay ay gwapo naman si Gab at di mapagkakailang maraming magkakagusto sa kanya. Napagalaman ko rin na matalino si Gab marahil kilala siya ng mga guro sa baitang namin. Everyone in this school probably knows and adores him.


Nauna nang umuwi si Kat at may gagawin pa daw siya sa bahay nila. Dumaan naman kanina si Alora dito dahil may kailangan pa siya asikasuhin sa scholarship niya.


Habang naglalakad ako papunta sa gate ng paaralan ay nakasabay ko ang grupo nila Gab.


Tumingin ako sa gawi nila at biglang nagkasalubong ang tingin namin. Iniwas ko agad ang mata ko at binaling sa iba. Grabe ang kaba ko di ko alam kung bakit. Oo na sige na aaminin ko gwapo siya kaya crush ko siya. Shet unang araw pa lang may crush na agad?


Maya-maya pa ay dumating na si Kuya Naldo. Sumakay ako sa sasakyan at muling tinignan ang kinalalagyan nila Gab na ngayon ay nagtatawan. Tumulak na kami pauwi at nakarating sa bahay.


I survived the first day of classes and made a friend today na si Kat. All in all, today was okay. I look forward for the succeeding days and months to be okay.


Nasa ganoong pag-iisip ako ay naalala ko ang mga tingin ni Gab na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Ngayon ko lang siya nakita at hindi pa totally kilala pero grabe na ang epekto niya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro