CHAPTER 1
I was looking outside our room when I saw a guy walking by. Tumaas ang kilay ko nang makita siya ng maayos lalo pa nang lumingon siya at saglit na nagtama ang mga mata naming dalawa. Or am I just hallucinating that I assume he looked my way?
He’s handsome. Or more like a Greek God even in his age.
“Who was that?” I asked my friend when the guy walked again and disappeared.
“Saan?” tanong niya sa akin. Umirap ako dahil hindi naman pala niya nakita.
“Wala na, umalis na.”
The second time I saw him was at the field. We were playing football in our P.E subject when he passed by again. He’s with a friend or classmate this time. Narinig ko ang asaran ng mga kaklase ko nang makita ang lalaki. Napatingin ako sa kanila at sinamaan sila ng tingin kahit hindi naman sila nakatingin sa akin.
“‘Di ba crush mo ‘yon, Ria?” our classmate teased her. She turned red and shyly smiled at them and that pissed me off.
Crush your face!
Hindi siya bagay sa lalaking ‘yon! Mas bagay ako sa kaniya!
I don’t know how to approach him. I don’t know how to even befriend him! He looks like someone who rarely smiles or rarely makes friends because of his aura. I want to even know his name since I still don’t know him yet.
Hindi ko alam kung paano ko natagalan ang pagtatago nito sa kaibigan ko dahil usually kapag nagkaka-crush ako ay sinasabi ko agad sa kaibigan ko, but this time I couldn’t have the courage to even tell her about this. Because I still don’t know his name or what grade he is.
I was eating my lunch when I heard a commotion from the other table. I was not interested but when I saw them pointing at someone I got curious.
“You should confess to him already!” the girl said to the other girl.
“Nakakahiya kasi!” said the girl, she looked really flustered.
Someone pointed somewhere that’s why I also looked that way. Then I saw him again. The guy who caught my attention. It’s been months since I last saw him. Hindi ko alam kung sadyang malaki lang talaga ang school namin o sadyang hindi lang kami nagkakapang-abot?
“Huy! Bakit natigil ka riyan?” my friend tapped my hand since I stopped eating already.
Umiling ako at sumubo ulit pero hindi naalis ang tingin ko sa lalaki.
“Go na! Dali, minsan lang natin matiyempuhan ‘yan dito sa canteen.” Anang babae bago pinatayo ang kaibigang hiyang-hiya sa gagawin nila.
I was waiting for her to move, though. Hanggang sa makalapit na nga siya sa lalaki. Hindi ko siya marinig pero mukhang alam ko na ang sinasabi niya sa lalaki. She’s confessing to him. This guy is a heartthrob, but I still don’t know his name.
“Oh… si Calvin pala ‘yan.” Napatingin ako sa kaibigan kong nakatingin na rin sa tinitingnan ko.
“Calvin is his name?” I asked.
Tumango siya, “oo, Calvin Villanueva. One of the heartthrobs here. Dito rin gumraduate ang kuya niya… si Kuya Callum. Guwapo no’n. Kaso masungit daw sabi ng ate ko.”
“How about this Calvin? Is he the same? I never heard of him.” I said while looking at them while still talking.
“Sakto lang? Kaso maharot daw ‘yan. Alam mo na, playboy thing.” Aniya na ikinakunot ng noo ko.
“He doesn’t look like a playboy.” I comment.
“He is! Nakailang girlfriend na ‘yan, tapos sixteen pa lang siya. At saka hindi mo siya napapansin kasi, beh! Lagi kang updated sa mga k-pop boy group na ini-stan mo. Hindi mo talaga ‘yan mapagtutuunan ng pansin.” Anito na ikinailing ko.
I stared at them again and witnessed how the girl’s shoulder fell as the guy, named Calvin, talked to her with his most serious face. I’m curious about what he’s saying to her. Is he rejecting her? She’s beautiful, though?
“I bet she’s rejected,” my friend murmured.
“I’m sorry but you’re not my type.” Seryosong sambit ng lalaki. Lahat siguro kaming malapit sa kanila ay narinig ‘yon. At bakit kailangan niyang medyo lakasan ang boses niya nang sabihin ‘yon? What the heck?!
I heard some of the students near them laugh, I was just staring at them. Then the guy turned to our direction which made us make eye contact in a split second. After that he left the premises.
Hindi ko alam kung matatakot ba ako o ano? What if I also confess then… he reject me like that? Paano ko tatanggapin ‘yon? The humiliation? The embarrassment? Damn!
I don’t know if will I ever accept that or will I ever take the risk to tell him about my feelings! Kung ganiyan lang din baka iiyak ko na lang ‘yan sa kuwarto at kalimutan na lang siya habang buhay!
Pero iyon ang inaakala ko. Dahil nang tumuntong ako ng Senior High School ay mas pinili kong mag-aral sa kung saan siya nag-aaral ngayong senior high na rin siya. Pero wala pa rin akong lakas ng loob para sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko.
I don’t know why this is happening. Kasi… noon naman kapag nagkaka-crush ako at malaman kong may ibang gusto ang taong iyon ay tinitigilan ko agad ang pagkakagusto ko sa kaniya pero ngayon… iba na. It’s been years since I liked him. It’s been what? Three years? Since I like him?
“You like him?!” Tiffany exaggeratedly exclaimed after I told her about Calvin. That I like him for years now.
“What? Can you please lower your voice?” I said, looking around dahil hindi lang naman kami ang nasa loob ng coffee shop na ‘to.
Natawa siya, “okay, okay. Sorry, I was just shocked to know about this. Akala ko kasi hater ka niya dahil parang palagi kang galit kung makatingin kay Calvin. Siguro nagseselos ka lang lalo na kapag may kasama siyang babae?” she said teasingly.
Oh, God, please!
“Can you please stop that, Tiffany? I’m stressed here! May bago na naman siyang girlfriend!” I said, miserable of the news.
“Well, hindi na natin ‘yon mapipigilan dahil nasa nature na niya iyon at… malay ba niya sa feelings mo? Mag-gigirlfriend ‘yon hangga’t gusto niya. Lalo pa at you know… we’re almost out of the teenage years!” she said that made me more upset about the news.
At mas mabuti pala na alam din ng kaibigan ko ang tungkol dito dahil may napagsasabihan ako. ‘Yon nga lang mukhang mas lalong lumala ang nararamdaman ko dahil sa pang-aasar ni Tiffany sa akin kapag nakikita namin si Calvin.
“Kuya Callum is so pogi!” she said dreamily as we looked at the guys in front of us talking.
Hindi ko pinapansin ang lalaking sinabi niya dahil naka-focus ako kay Calvin na seryosong nakikinig sa kuya niya. They resemble each other, but they have differences with their feature. Kuya Callum has more manly and hard feature and physique, while Calvin has more soft and cool feature in him. Sa physique… hindi pa siya gano’n ka-bulky dahil siguro sa edad niya? Pero hindi siya patpatin tingnan. Sakto lang at alam mong magugustuhan mo pa rin siya sa tikas niya; lalaking-lalaki.
Nakatitig ako sa kaniya nang mag-angat siya ng tingin sa banda namin. We locked eye contact. He stared at me intensely na hindi ko kinayanan kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin at tiningnan si Tiffany na busy na ngayon sa kaniyang laptop. We’re doing our activity at sakto lang na nakita namin sina Calvin at Kuya Callum dito.
Nag-angat ulit ako ng tingin at naabutan ko ulit ang tingin niya sa akin. I saw him smirk before I could even tore my eyes off him.
Huminga ako ng malalim at dinama ang bilis ng tibok ng puso ko.
Why the fuck is he staring at me like that?!
I was so sure I regret telling my friend about my feelings for Calvin! Dahil tuwing mag-uusap kami naisisingit niya ang lalaking iyon, kapag nakikita namin si Calvin palagi niya akong inaasar, at kapag nakita niya si Calvin kailangan pa niyang sabihin sa akin! Mas lalo tuloy akong nagkakagusto sa lalaking iyon dahil sa kaniya tapos tatawanan lang ako dahil sasabihin niyang masyado akong affected.
“Wala ka pang boyfriend?” my sister asked one time at our dinner.
Napatingin ako sa kaniya. Naguguluhan.
“You’re of age. To get a boyfriend. Wala pa rin? You’re going to College with the next couple of months, wala ka pa ring boyfriend?” aniya, mas malinaw ngayon.
“Wala pa sa isip ko, ate.” Sagot ko na lang para hindi humaba iyon.
“Hayaan mo na Rissa, it’s her decision. At mas mabuti ‘yan na mag-focus muna siya sa pag-aaral.” Ani Daddy sabay ngiti sa akin. Ngumiti ako pabalik.
And when we stepped in College, I was so sure to confess about this feelings of mine! Hindi p’wedeng itago ko lang ito habambuhay! Paano ako uusad?!
“Are you sure na… aamin ka na ro’n? He… has a girlfriend, you know?” ani Tiffany na para bang nakalimutan ko na ‘yon.
“I know at hindi naman ‘yon nawawalan ng girlfriend.” Nakangusong sambit ko.
I will just tell him… then I will try to befriend him and… try to make him fall for me. That’s my plan. Hindi pa ako nagkaka-boyfriend nang dahil sa kaniya!
“I will support you with your craziness, then. Tapos kapag na-reject ka, inom na lang tayo.” Aniya na ikinairap ko.
Wala na akong pakialam kahit i-reject niya ako dahil hindi ko siya titigilan!
Hah! Akala niya, ah?
Nakatingin ako sa sapatos ko habang inaabangan si Calvin sa labas ng kaniyang room. Nakapagtanong ako kung saan ang room niya ngayon sa subject niyang ito. I was waiting for him to go out of his class, I don’t have a class anymore that’s why this is the time I chose to tell him about this. Hindi ko alam kung kaya ko pang patagalin ‘to.
“Grabe talaga ang isang Villanueva! Laging may naghihintay sa ‘yo, idol!” sigaw ng mga kaklase niya nang umayos ako sa pagkakatayo dahil nakita ko na siyang lumabas. “Ganda niyan, idol! Crush ko ‘yan, e!”
“Mga gago!” sigaw niya pabalik bago ako binalingan. Dumilim at lumamig ang tingin niya sa akin habang papalapit siya. Tinapik siya ng mga kaklase bago siya nilagpasan.
“P’wede ba tayong mag-usap?” tanong ko sa kaniya nang tumigil siya sa paglalakad sa harap ko.
“What do you want?” tanong niya sa malamig na tono.
I gulp. Am I sure about this?
“P’wede bang… hindi dito?” tumingin ako sa paligid. I don’t know if I can take a humiliation today.
Naglakad naman siya kaya sinundan ko. Nakatingin ang iba sa amin dahil sa paglakad ni Calvin at pagsunod ko sa kaniya.
Tumigil kami sa gilid ng soccer field. Walang gaanong tao roon dahil hapon na rin at ang iba ay may klase pa.
“Talk, I have something else to do.” Aniya.
I pursed my lips before I speak. “I like you, Calvin.” Diretsong sambit ko habang nakapikit. Hinintay ko ang sagot niya pero nagdaan ang isang minuto ay hindi pa rin siya nagsasalita kaya naman nagmulat ako ng mga mata at tiningnan siya. Nakatitig lang siya sa akin na para bang hinuhusgahan na ang buong pagkatao ko.
“I don’t like you. I don’t like spoiled brat.” Napatunganga ako sa sinabi niya.
“What?! I am not a brat! More so, a spoiled brat! And… hey! All your girls are brats and means! Bakit ako lang ang hindi mo gusto?!”
Then I remember the girl she rejected that day in our canteen. He doesn’t like her because she’s too soft.
“See? Look at your reaction.” Umiling siya sa akin.
I stared at him while he’s shaking his head.
“I’ll go now. You’re wasting my time.” Aniya bago tumalikod sa akin.
Humalukipkip ako at pinagmasdan siyang lumalayo sa akin. “Nothing to worry, Calvin. I will start the chase…” I whispered the last words evilly.
=========================
A/N: My update will not be every day update, it depends on my rest day or free time. Doon lang ako makakasingit ng pagsusulat kaya bare with my updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro