Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

His Past

"Magsumbong ka at katapusan niyo na mag-ina."

Kalapastanganan ang ginawa ng matandang lalaki sa binatilyo. Ang tanging sagot lang ng binatilyo'y matinding pagluha.

Ang buong akala ng binatilyo'y mabubuo na muli ang masaya niyang pamilya. Kung hindi lang sumakabilang buhay ang ama niya ay baka mapayapa ang kaniyang buhay ngayon. Kung hindi lang nakilala ng nanay niya ang demonyong lalaking 'yon ay baka hindi ito mangyayari sa kaniya ngayon. Hindi masisira ang pagkatao niya.

Wala sana siyang masalimuot na nakaraan. Wala sanang pagkamuhi na pilit niyang kinakalimutan. Sinira nito ang buong buhay niya. Mas masahol pa ito sa hayop!

Sukdulan pa rin ang galit ni Alpheus sa alaalang minsang sumira sa kaniyang pagkatao.

Tinikom nito ang kaniyang kamao at sumuntok ng buong puwersa sa tiles ng banyo. Nagdugo ang kamao nito na agad namang dumaloy sa kaniyang braso paibaba sa sahig. Binuksan ni Alpheus ang pihitan ng shower, napaluha na lamang siya bigla at nangangatog ang mga panga nito sa matinding galit habang ang kaniyang kamao ay nanginginig na nakasuntok pa rin sa tiles.

Pinapakalma ni Alpheus ang sarili gamit ang malamig na tubig na bumabagsak sa shower head.

Pinigil ni Alpheus ang paghikbi ngunit lalo lang pala siyang madadala ng matinding emosyon. Biglang may humawak sa kaniyang dibdib at marahan siyang humarap dito.

Bumungad sa kaniya ang hubad na katawan ni Georgine, hinawi ni Georgine ang buhok ni Alpheus pataas at nagtingkayad pa ito upang mahalikan si Alpheus sa mga labi nito. Tinugunan naman ni Alpheus ang mga halik na iyon.

Niyakap siya ni Georgine at banayad na hinaplos ang likod ni Alpheus. Hindi siya iniwanan ni Georgine hanggat hindi pa gumiginhawa ang kaniyang pakiramdam.

Pumunta si Alpheus sa ospital upang bantayan si Syntyche. Naabutan niyang gising ito at nakahiga lamang sa kaniyang kama.

Inilapag niya ang mga dala niyang pagkain at damit ni Syntyche sa lamesa sabay lumapit sa dalaga.

"Kumusta na pakiramdam mo?" sabay umupo siya sa silya na nasa gilid ng kama ni Syntyche.

"Nagugutom ako." matamlay na wika nito. Agad namang tumayo si Alpheus at kumuha ng pagkain na kaniyang dala-dala, inabot niya agad sa dalaga ang mga pagkain.

Gutom na gutom si Syntyche akala mo'y ilang araw na hindi nakakain sa laki ng pagnguya nito sa tinapay at prutas. Inalalayan agad ni Alpheus si Syntyche maka-inom ng tubig.

Umupo na lamang si Alpheus at tumitig sa dalaga habang ito'y kumakain.

Napahinto ang dalaga sa mga pagtitig ni Alpheus sa kaniya. "Bakit ganiyan ka makatingin?" serysong tanong ni Syntyche.

"Naaalala ko ang sarili ko sa 'yo," malungkot na saad ni Alpheus. Napatungo na lamang ang binata sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tinitigan naman siya ni Syntyche.

"Anong ibig mong sabihin?" pagtatakang tugon nito.

"Minsan na rin akong naging katulad mo Sintakee,"

"Ilang taon din akong paulit-ulit na binabangungot ng nakaraan, pilit ko ring inaahon ang katawan ko sa hukay," saad pa nito. Tumayo si Syntyche at tinanggal ang kumot na nakatakip sa kaniyang mga hita at binti.

Lumapit siya sa kinauupuan ni Alpheus at tumayo sa harapan nito. Napatitig lang si Alpheus sa mukha ni Syntyche. Lumuhod ang dalaga sa kaniya at hinawakan ang kaniyang shirt.

Napalunok sa lalamunan si Alpheus at hindi man lang kumukurap si Syntyche sa pagtitig sa kaniya, nilabanan naman ni Alpheus ang mga tinging 'yon.

Dahan-dahan tinaas ni Syntyche ang suot na damit ni Alpheus. Hinawakan niya ang tiyan nito at sinundan ng mga palad niya ang mahabang guhit sa tiyan ni Alpheus. Guhit na napakalalim at puno nang masalimuot na nakaraan ang guhit na imposible nang maalis sa katawan ni Alpheus. Isa na itong masakit na marka ng kahapon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro