His Dangerous
"Papatayin kita!"
Namilog ang mga mata ni Alpheus pagmulat niya. Kitang-kita niya kung paano siya sakalin sa leeg ng isang pamilyar na lalaki.
Diniinan at mas binaon pa nito ang mga kamay sa leeg ni Alpheus. Hinawakan ni Alpheus ang mga kamay ng lalaki upang pigilan ito sa kaniyang ginagawa ngunit may kakaibang lakas ang taglay ng lalaki. Nakanganga at kinakapos na sa paghinga si Alpheus, bigla na lamang siyang nanghina at hindi makagalaw.
Papikit na sana ang mga mata ni Alpheus nang marinig niya ang pagsigaw ni Syntyche at saka sumampa bigla sa likod ng lalaki at kinagat ang leeg nito. Doon lamang nabitawan ng lalaki ang pagkakahawak sa leeg ni Alpheus, sinikap ni Alpheus habulin ang kaniyang hininga bago niya muling binaling ang kaniyang atensyon sa lalaki at kay Syntyche.
Nakita niyang binalibag ng lalaki si Syntyche sa sahig. Gumapang ang dalaga palayo sa lalaki ngunit hinablot nito ang buhok ni Syntyche at may diing tinapakan ang likod nito.
"Kung hindi ka rin naman mapapasakin mas gugustuhin kong mamatay ka na lang," bulong ng lalaki habang nakatingin sa mukha ni Syntyche.
Napalingon bigla ang lalaki sa kamaong lumipad sa kaniyang mukha, na dahilan upang ikatumba nito.
Lalapitan na sana ni Alpheus si Syntyche nang tumakbo ang lalaki at pinaulanan nang suntok ang mukha ni Alpheus. Kamuntikan nang mawalan ng balanse si Alpheus pero agad itong nakabawi nang suntok sa lalaki. Putok ang mga kilay at labi nila. Duguan ang ilong at namamaga ang mga pisngi ngunit hindi pa rin nagpapaawat ang lalaki. Malakas siya at parang hindi nakakaramdam nang panghihina kahit patuloy ang pagtulo ng dugo sa kaniyang leeg. Halos magbuka ang sugat nito sa leeg dahil sa kagat ni Syntyche.
Pilit iniiwasan ni Alpheus ang bawat suntok na binabato ng lalaki sa kaniya ngunit nakakaramdam na siya nang panghihina. Ano mang oras ay bibigay na ang kaniyang katawan kung patuloy pa ang lalaki sa kaniyang ginagawa at siguradong mapapatay niya si Alpheus.
Tuluyan nang nanghina si Alpheus at sinalo ng mukha niya ang lahat nang suntok ng lalaki pero bago pa siya tuluyang mapatay nito ay may daliring bumaon sa nakauwang na sugat sa leeg ng lalaki. Napahiyaw ang lalaki sa sobrang sakit.
Tinulak ng lalaki si Syntyche at kasabay nang pagputok ng baril ang pagtalon ng lalaki sa bintana.
Nakatutok ang hawak na baril ni Syntyche sa bintana, hinihingal pa itong binaba ang baril at lumapit kay Alpheus na talagang hinang-hina na ngayon at lubhang nakalulumo ang sinapit ng kaniyang mukha.
"Pasensiya na, Sintakee," mahinang sambit ni Alpheus.
"Pero makinig ka sa akin, kakampi mo ako at hindi ako papayag na saktan ka ulit ng lalaking 'yon," dagdag pa nito, habang hinihimas niya ang mga pasa sa kaniyang mukha.
Umupo si Syntyche sa harapan ni Alpheus at tinitigan niya ang mukha nito.
Inangat ni Alpheus ang kaniyang kamay upang burahin ang mga dugo sa labi ni Syntyche.
Biglang bumukas ang pinto.
Bumungad sa kanila ang gulat na gulat na mukha ni Thedric. May dala-dala itong ice cream box.
"A-anong..." natigilan si Thedric sa kaniyang sasabihin, napatingin siya sa loob ng silid. Napakagulo rito at duguan pa ang mga mukha nina Alpheus at Syntyche.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro