Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Her Past

"Mahal kong Syntyche."

"At sino naman ang lalaking 'to? Nobyo mo ba 'to mahal kong Syntyche?" Masama ang pagtitig ng lalaki kay Alpheus pero hindi si Alpheus nagpatinag sa lalaki at tinitigan niya rin ito ng masama.

"Tandaan mo Syntyche akin ka lang, walang ibang pup'wedeng magmay-ari sayo kun'di ako lamang." At lalong naging masakit ang pagtitig ng lalaki sa kanilang dalawa ni Alpheus at Syntyche.

Nagsimulang lumapit ang lalaki kay Alpheus na lalong kinabilis nang pagpintig ng puso nito.

Huminto ang lalaki sa paglalakad at tumayo sa harapan ni Alpheus. Pinagpawisan na ng malamig si Alpheus at napapalunok ito sa kaniyang lalamunan.

Hawak-hawak pa rin ng lalaki ang kutsilyo sabay tinutok ito sa mukha ni Alpheus.

"Maganda lalaki ang isang 'to. Magaling kang mamili mahal kong Syntyche." Idinikit ng lalaki ang patalim sa mukha ni Alpheus pero bago pa nito sugatan ang mukha ni Alpheus ay agad siyang tinutukan ng baril sa ulo ni Syntyche.

"Ilayo mo ang kutsilyo sa mukha niya kung ayaw mong pasabugin ko 'yang bungo mo." Nanlilisik na tinignan ni Syntyche ang lalaki at walang takot na idiin pa ang nguso ng baril sa ulo nito.

Napangisi na lamang ang lalaki at inilayo niya ang kutsilyo sa mukha ni Alpheus.

"Babalikan kita mahal ko, pati na rin ikaw!" Muli niyang tinuro si Alpheus at para bang nambabanta pa ito.

Pagsakay ng lalaki sa kotse ay pinaharurot agad ito. Nakahinga naman ng maluwag si Alpheus nang maglaho na ito sa kanilang paningin.

Napatingin si Alpheus sa baril na hawak-hawak ni Syntyche. Itinago ni Syntyche ang baril sa ilalim ng palda nito at tumitig sa mga mata ni Alpheus. Iniwas naman agad ni Alpheus ang kaniyang tingin at hinayaan na lamang niya ang baril na dalhin ng dalaga.

Hinatid na ni Alpheus si Syntyche sa silid nito at umuwi na rin siya.

Kinaumagahan ay nagising na lamang bigla si Alpheus sa paulit-ulit na pagtunog ng kaniyang cellphone. Sinagot naman niya ito kaagad.

"O bakit Thedric?" Nanlaki bigla ang mga mata niya sa sinabi ni Thedric sa kabilang linya.

Agad siyang napabangon sa kama at mabilis na sinuot ang kaniyang pantalon at kumuha ng t-shirt sa aparador. Dali-dali niyang sinuot ang kaniyang rubber shoes at lumabas ng bahay kahit hindi pa siya nakakasuot ng pang-itaas niya.

Sumakay siya agad ng bus at doon niya lang naisipang isuot ang kaniyang t-shirt nang pagtinginan siya ng mga tao sa loob.

Pagkadating sa ospital ay tumakbo siya papunta sa isang silid. Nakita niyang nakatayo sa pinto si Thedric at mabilis siyang lumapit dito.

"Kumusta ang lagay niya?" Alalang-alala ang mukha ni Alpheus at napasenyas na lamang si Thedric na pumasok na lamang siya sa loob.

Pagpasok ni Alpheus ay nakita niyang mahimbing nang natutulog si Syntyche at may nakabalot ng puting tela sa palapulsuhan nito.

Lumapit si Alpheus at napaupo sa tabi ng kama ni Syntyche, hinawakan niya ang mga kamay nito.

"Bakit mo ginawa 'to? Dahil ba sa lalaking 'yon?" Nangangambang wika ni Alpheus habang kausap ang tulog na si Syntyche.

Pumasok si Thedric at tumingin kay Alpheus. "Kapatid ni Syntyche ang lalaking 'yon." saad nito.

Napatingin naman si Alpheus kay Thedric. "Seven years old lang siya ng gahasain siya ng Ama at Kuya niya. Naging parausan siya ng mag-ama."

"Hanggang tumuntong siya sa edad na katorse anyos. Doon lang siya nagkalakas ng loob para gumanti, kaya pinatay niya ang sarili niyang ama. Alam niya kapag hinayaan niya lang mabuhay ang ama niya ay patuloy lang nitong sisirain ang buhay niya. Tumakas naman ang Kuya niya at hindi na muling nagpakita pa sa kaniya," dagdag pa ni Thedric. Napatikom naman ang mga kamao ni Alpheus dahil sa nararamdamang galit.

"Nakita ko siya kanina sa silid niya na naliligo sa sarili niyang dugo. Buti lang at hindi ganoon kalalim ang mga hiwa sa kaniyang kamay, kun'di baka hindi na siya nasalba ng Doctor. Hindi na p'wedeng maulit ito Alpheus, kailangan mo siyang tutukan ng mabuti. Ipapasa ko na lang sa iba ang dalawa mong kliyente at mag-focus ka na lang muna kay Syntyche." Tulala lang si Alpheus sa dalaga at hindi alam ang kaniyang gagawin.

Tumayo si Alpheus at lumabas ng silid.

Dinikot niya ang sigarilyo at lighter sa kaniyang bulsa at agad na inilagay sa bibig ang yosi. Nangangatog niyang sinisindihan ang yosi sa kaniyang bibig.

Kinuha ni Thedric ang lighter sa kamay ni Alpheus at sinindihan niya ang yosi nito.

"Magiging okay rin ang lahat Alpheus, ikaw na ang bahala kay Syntyche." Inabot niya sa kamay ni Alpheus ang lighter nito sabay tinapik niya ang balikat ni Alpheus at naglakad na palayo.

Hindi maalis ang takot na nararamdaman ni Alpheus ng mga sandaling ito. Bumalik sa kaniya lahat ng alaala na pilit niya ng binabaon sa limot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro