Her Mental Illness
"Miss, holdap 'to."
Inakbayan ng lalaki ang dalaga sa kaniyang balikat at itinutok ang hawak nitong kutsilyo sa baywang ng dalaga.
Sumulpot sa likuran ng dalaga ang isa pang lalaking nakasuot din ng itim na maskara.
"Humingi ka na ng tulong sa Diyos mo," bulong ng lalaki sa likuran ng dalaga sabay ngumisi nang nakaloloko.
Napasigaw na lang bigla ang lalaking katabi ng dalaga. Bumitaw siya kaagad sa pagkakaakbay niya sa dalaga. Nangatog ang mga kamay ng lalaki nang tignan niya ang hawak-hawak ng dalaga, nakatusok na ito ngayon sa kaniyang tiyan. Hindi niya lubos akalain kung paano nalaman at nakuha ng dalaga ang isa niya pang patalim na nakasuksok sa bulsa ng kaniyang pantalon. Marahang inikot at mas binaon pa ng dalaga ang patalim sa sikmura ng lalaki na nagdulot nang matinding panghihina at pagkatumba nito.
Sa sobrang pagkatakot ng isang lalaki sa likuran ng dalaga ay kumaripas ito ng takbo. Hindi pa siya tuluyang nakalalayo sa dalaga ay agad na siyang natumba. Duguan ang likod ng ulo nito.
Hinipan ng dalaga ang usok sa nguso ng hawak-hawak niyang baril. Pagkatapos, agad niya itong inipit sa garter na nakasuot sa kaliwang hita niya. At saka, inayos niya ang nakaangat niyang palda.
"Wala akong Diyos." Nanlilisik ang mga mata niya at nakakatakot na ngisi sa kaniyang labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro